Kwentong Kengkay

Setyembre 16, 2009

kengkoy drives in manila

Isinalansan sa: Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkay,Kwentong Kengkoy — kengkay @ 1:09 umaga
Tags:

ay, kung di ko pa nakausap si imom e di ko pa maisip na i-blog itong adventure namin na ito… kinuwento ko na sa kanya nung mabasa nya yung aking krispy kreme post at biglang nagisip daw sya kung may krispy kreme na sa alemanya. e na confirm na daw nya nung ang pagtataray ko daw e tagalog, hahaha.

oo, andito nga kami sa maynila pero dahil super bugbog sa busy e hindi ako makapagblog at makapagblog-hop man lang. pero may ikwento naman ako sa inyo…

nagmaneho si kengkoy sa maynila. waaaaaa :D

isang starex ang sasakyan sa pinas. laban sa aming peugot 405 combi sa alemanya.

ang starex ay automatic. ang peugot ay manual.

maraming humps sa manila. kumikipot lang ang kalye para bumagal ang takbo, sa alemanya.

maraming makukulit na motorsikol drayber sa manila. mas mabilis pa ang takbo ng motorsiko kesa sa kotse namin sa alemanya.

daming makukulit na drayber ng bus at jeep at sidecars at trisikel sa manila. sa alemanya? disiplina po.

basta pwede lumusot, walang trapik violations sa manila. sa alemanya basta mali, kalaboso.

kapag may calling card ka ng opisyal, o may press ID, o may perang pambayad; oks na. sa alemanya, fine! oo may bayad sempre.

busina ng busina sa manila. sa alemanya, halos sampung taon na ako nagda-drive, kahit isang beses hindi ko pa nagamit yung busina. kapag maling gamit kasi ng busina e pulis katapat mo.

humaba ang listahan ko. yan lang naman ang mga dapat namang malaman ni kengkoy kapag magdrive sya sa manila. so ayan na nga, pasok sa sasakyan. nag-away pa kami ni panganay kasi gusto ko sa harap ako dahil alam kong mahihilo ako sa mga humps na daraanan namin.

ayan na nga, pandalawang humps pa lang masuka-suka na ako. ang mga little kengkays naman bawat humps e tili ng tili. kakasakit ng ulo! hindi pa kami nakakalabas ng gate nung tinitirhan namin, waaaa! kinakapa pa rin ni kengkoy yung pag-drive  sa humps kasi e.

nung asa mga busy na kalye na kami, parang gusto kong takpan mga mata ko. gitgitan blues talaga. pero dapat tulungan ko magtingin-tingin si kengkoy di ba? ang ginawa ko, sinabihan ko mga little kengkays na tulungan tatay nila. o ayan tuloy, sigaw dito at sigaw dun ang ginawa nila. nakakatuliling!

sinabi ko rin kay kengkoy na gamitin nya yung busina. wag syang magtipig gumamit nito. nakow, ayan tuloy, bawat busina ni kengkoy e hagalpakan naman ng tawa yung mga little kengkays. ngayon lang kasi nila naririnig ang mga sunod sunod na busina ng tatay nila e.

nung magpark naman kami, sinabihan ko na magpa-valet parking muna. hindi ko na po ma-take, hahaha. sempre naglakwatsa kami. pero nung medyo magdidilim na, nagyaya na rin yung mga little kengkays na umuwi. kahit na hindi kumain sa jollibee.

natatakot daw sila dahil baka hindi na daw kami makarating sa bahay. baka hindi na daw matagpuan ng tatay nila yung bahay namin dahil sa dilim. si bunso pa nga nag-insist pa na tawagan daw yung tito nila para ipagdrive na lang daw kami. hahahaha. ganun pa rin paguwi. humps na walang katapusan, businang walang katapusan, at gitgitang walang katapusan. ayaw ko ng makita at maramdaman…

nakauwi naman kami. pero sa sunod, parang gusto ko ako naman ang magdrive. ipaparanas ko lang kay kengkoy yung pinaranas nya sa akin, hehehe.

Mga Puna »

  1. base!

    basta ikukumpara ang kalsada natin sa ibang bansa, walang wala talaga ang Pinas,

    Pero dahil Pinoy tayo tanggapin na natin ang katotohanang napakaraming taon pa bago magkaroon ng matitinong batas na magkakapangil ukol sa batas trapiko.

    gusto ko yung batas sa alemanya ha ang tamang paggamit ng busina.

    hindi tulad sa’tin,

    nasa harap ka na ng eskwelahan at ospital, ayun palakasan pa sila ng pagbusina :)

    Marami pa namang magagandang bagay sa kalsada natin, siguro walang ganun sa alemanya.

    teka pagiispan ko muna kung anong maganda sa karsada natin. hehehee :D

    Comment ni otep — Setyembre 16, 2009 @ 3:17 umaga | Tugon

    • inis din ako sa mga busina na yan ha. kasi kahit na madaling araw o kailaliman ng gabi e busina pa rin ng busina. ang tamad bumaba ng mga tao para buksan yung gate nila, hayss!

      Comment ni kengkay — Setyembre 17, 2009 @ 6:47 umaga | Tugon

  2. ahhaha kakanerbyos naman po mama kengkay ang
    adeventue ni papa kengkoy
    hehehe

    dapat kasi sinamahan nyo!
    nako

    ako sasama next para may libre akong krispy kreme?

    MGandang hapon po mama kengkay!
    miss you!
    naks

    Comment ni jason — Setyembre 16, 2009 @ 6:17 umaga | Tugon

    • uy, miss na rin kita. karaoke ulit tayo? ako naman mag drive, mas lalo kang kabahan, hehe

      Comment ni kengkay — Setyembre 17, 2009 @ 6:48 umaga | Tugon

  3. heksiting naman ginawa nyo momy kenks… hehhe

    aba 3rd base ata ako ah… hehe

    gusto ko yung ganun mommy kenks.. may thrill… hehe

    Comment ni yhen — Setyembre 16, 2009 @ 8:12 umaga | Tugon

    • ibang klaseng thrill yon, kakasakit ulo. parang asa circus!

      Comment ni kengkay — Setyembre 17, 2009 @ 6:50 umaga | Tugon

  4. hahahahaa ang saya ng post na ito…culture-shock ang kengkoy sa pagmamaneho d2 sa Pinas….dangan na iba talaga ang disiplina sa alemanya…hayyssss survival of the fittest talaga ang labanan…
    aabangan ko na naman ang muling pagdadrive ni kengkay d2 sa atin…

    Comment ni blurosebluguy — Setyembre 16, 2009 @ 11:29 umaga | Tugon

    • shock na shock po talaga si kengkoy. akalin mong car race driver pa yan ha, pero taob sya sa driving dito sa pinas. mag drive ako kapag andito ka, sakay dapat kita, hahaha

      Comment ni kengkay — Setyembre 17, 2009 @ 6:51 umaga | Tugon

  5. ahahaha naiimagine ko pa ang tilian ng dalawang litol kengkay!

    Comment ni p0kw4ng — Setyembre 16, 2009 @ 11:38 umaga | Tugon

  6. haha! mukhang maganda sa Germany ah…hahaha!
    sigurado tahimik ang mga kalye doon..

    kwela ang adventure nio..
    ganito talaga sa pinas..unique..hehe..

    Tawa ka naman: http://wp.me/pDqV4-1a

    Comment ni mr. sleepyhead — Setyembre 16, 2009 @ 1:32 hapon | Tugon

    • tahimik kalye dun pero pamatay ang bilis ng mga sasakyan, ibang klaseng laban naman dun. sige silipin ko ang site na yan

      Comment ni kengkay — Setyembre 17, 2009 @ 6:52 umaga | Tugon

  7. ahahaha… may revenge na mangyayari ito.hehe..

    Comment ni taympers — Setyembre 16, 2009 @ 3:14 hapon | Tugon

  8. Hi! si dirk ganyan din nung una, pero ngayon filipinized na siya, magaling ng makipagsiksikan at sa paggamit ng busina, gustong gusto niyang magdrive papuntang tutuban, pero ako, wala pa rin akong guts na magdrive sa atin, hanggang sa subdivision lang namin

    Comment ni an2nette — Setyembre 16, 2009 @ 6:30 hapon | Tugon

    • ay wag na magdrive papuntang tutuban. mas masarap mag jeep dun. kapag andito ka, shopping tayo dun, hehe

      Comment ni kengkay — Setyembre 17, 2009 @ 6:54 umaga | Tugon

  9. ayos, i hope ‘di na-culture shock si kengkoy! :D the stark contrast of drivers and the driving culture between Manila and ‘others’ :)

    Comment ni Jim — Setyembre 16, 2009 @ 6:34 hapon | Tugon

    • super culture shock talaga si kengkoy, at expected ko talaga na mahihilo ako.

      Comment ni kengkay — Setyembre 17, 2009 @ 6:55 umaga | Tugon

  10. ay parang masarap makihitch sa inyo, mukhang pang roller coaster experience pa ang sigawan at excitement ng mga little kengkays hahaha

    Comment ni bernardumali — Setyembre 16, 2009 @ 11:19 hapon | Tugon

    • isama mo yung kyut mong pamangkin, para maki-tili kasama ng mga little kengkays, haha

      Comment ni kengkay — Setyembre 17, 2009 @ 7:02 umaga | Tugon

  11. saan kita pwede tawagan, nasaan ka ngayon…

    Comment ni kim — Setyembre 17, 2009 @ 2:50 umaga | Tugon

  12. i hope your kengkoy did not have a culture shock kengkay! alam mo naman ang mga drivers sa maynila. ;)

    Comment ni Snow — Setyembre 17, 2009 @ 3:06 umaga | Tugon

    • nageenjoy naman daw sya sa sa bagong experience nya e. kahit masakit ulo ko, haha

      Comment ni kengkay — Setyembre 17, 2009 @ 7:04 umaga | Tugon

  13. hehe..pasilip ako ulit neto…

    newest post ko po:

    http://wp.me/pDqV4-1l

    Comment ni mr. sleepyhead — Setyembre 17, 2009 @ 8:09 umaga | Tugon

  14. Grabe naman! hhahaha

    Comment ni Callcenterguy — Setyembre 18, 2009 @ 3:51 umaga | Tugon

  15. “ang mga little kengkays naman bawat humps e tili ng tili”

    hahaha

    Comment ni timangkey — Setyembre 18, 2009 @ 4:02 umaga | Tugon

  16. kakabaliw talaga sa manila. napilitan ako mag drive noong wala ang driver. manual pa naman ang kotse namin. tumawid ako from NLEX to SLEX kasi sa paranaque ako pumunta. hay, okay naman buti hindi bumper to bumper….

    umuwi ako, sayang di tayo nag-abot. August 22 na nga ako nakabalik dito sa Qatar.

    Comment ni nina — Setyembre 18, 2009 @ 6:30 umaga | Tugon

  17. WHEN in Phils, Lolo do not drive, ksi it is not worth it. Like you, mà stress làng kàmi.
    Whàt we did, we àlwàys commute, tàxi or fx.

    One thing, if màdisgràsyà kàmi, bàkà hindi covered ng french insurànce yung kàlàboso, dàdàmi bàyàrin ni Lolo, hàhàhà

    àlso, pàg puti àng driver, prone sà hulidàp ng mgà buwàyà.

    Hàve sàfe holidàys, we left mànilà sept 18, kàyà, enjoy, your holidàys, cos we did!

    Comment ni francesca in france — Setyembre 20, 2009 @ 4:43 umaga | Tugon

  18. hey
    how are things?

    Comment ni raft3r — Setyembre 20, 2009 @ 11:28 umaga | Tugon

  19. natuwa po ako dun sa tili pag may humps, wahehe :]
    nakakahiya talaga ang pilipinas kung disiplina ang paguusapan. filipino time pa lang, wasak na wasak na @___@

    Comment ni tsenn' — Setyembre 21, 2009 @ 6:29 umaga | Tugon

  20. Truenesa and difference here at sa ibang bansa!!! hahaha
    nakakatawa peo sa totoo lang nakakahiya para sa pilipinas

    http://shegetswhatshewants.wordpress.com/

    Comment ni Marie — Setyembre 22, 2009 @ 12:31 hapon | Tugon

  21. teka mami kengks, baka naman masyadong masanay si daddy kengkoy sa pagbusina nyan.hehe

    ang cute sigurong tumili nga mga little kengkays mo. :p

    btw, kahit super duper late na… nice meeting you nung geb..

    Comment ni flamindevil — Setyembre 22, 2009 @ 8:03 hapon | Tugon

  22. nyahahahaha…

    so saan mo mas gusto ate, sa Pinas o sa Alemanya?

    Comment ni livingstain — Setyembre 23, 2009 @ 10:24 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.