Kwentong Kengkay

Oktubre 10, 2009

why cruise ships skip manila?

Filed under: Pasaway,Pinas — kengkay @ 1:30 hapon
Tags: , ,

Bakit daw nilalampasan ng mga cruise ships ang kagandahan ng Manila?

Isinulat ito ng mag-asawang Pinoy na ngayon ay naninirahan na sa Amerika.
This was written by a Pinoy couple who now live in the US.

Alam nyo ba kung ano ang nadiskubre namin kung bakit nilalampasan ng mga cruise ships ang Maynila?
Would like to share with you what we found out as the reason why cruise ships of the big cruise companies skip Manila.
 
Ang aking asawa at ako ay mahilig mag cruise at parating nakikipag-usap sa mga Filipino crew.
My wife and I are regular cruisers and we always talk to the Filipino crew.

Nung sumama kami sa 12 na araw na Mediterranean cruise, tinanong ko ang mga waiters (dahil malaki ang aming grupo, nagre-request kami ng Pinoys waiters) kung bakit lahat ng Asian cruises e hindi dumadaan ng Manila samantalang pinupuntahan naman ang mga kapitbahay na bansa ng Pilipinas.
When we took the 12-day Mediterranean cruise I asked the Pinoy waiters (because we are in a big group, we usually request for Pinoy waiters to be assigned to us) why all their Asian cruises skip Manila when they go to all the neighboring countries of the Philippines.

Tanong ko bakit ba wala sa itinerary ninyo ang Manila. Ang sagot sa akin. ‘Noong una ho may cruises kami na humihinto sa Manila but masyadong hong matakaw balasubas ang mga taga Customs sa atin kaya ang management ho namin nag decide na skip na ang Manila. When inspection time comes upon our arrival and departure, yung mga Customs inspectors ho kasama ang mga pamilya nila para kumain ng libre sobrang kapal ng mukha sa ship namin.’

‘Tapos bago mag bigay ng clearance para maka depart ang ship namin maraming hinihingi na sigarilyo at mga alak mga may lakas loob pang magpatustos ng mga bisyo nila. Sa Manila lang namin na experience ang ganoon kaya nahihiya ho kaming mga Pinoy dito sa ship. Sa ibang ports sa Asia wala hong nanghihingi mga customs Pinoys lang ang makapal ang mukha at maitim ang budhi.’

Ang mga bagong cruise ships ay mayroong mga 2,000 to 3,000 na pasahero. Malaking bagay ang nawawala sa Pilipinas dahil sa paglamapas ng mga cruise ships na ito.
The new cruise ships have an everage of 2,000 to 3,000 passengers. Imagine the loss of tourism revenue for the Philippines because most cruise ships do not go to the Philippines.

Pero paano mapapatino ang mga taga Customs kung ang mga taga Malacanang, Congreso, governors, mayors who should set good example sa government service pareho din nila at mas malaki pa ang kurakot?

Forwarded email to na hindi ko matiis na patulan. Kasi naman nakakainis.

Sa totoo lang, kung buong pamilya nga nila kayang kaya nilang iharap at pakainin at busugin sa mga cruise ships na yon, tapos manghihingi pa sila ng baon na alak at sigarilyo; e parang wala na talaga silang hiya, parang iba na ang takbo ng sikmura nila, parang hindi na yata sila tunay na tao, parang wala na silang karapatang magmando ng kanilang katungkulan, di ba?

Parang utang na loob pa ng mga cruise ships kung bakit sila napunta ng Manila. E tama ngang huwag na dumaan ang mga cruise ships na yan dahil imbes na mag enjoy sila dito sa Pinas e nagkakaron lang sila ng sakit ng ulo.

Imbes na yung mga bisita ang asikasuhin e yung nasusunog na nilang mga kaluluwa ang ibinibilad nila para lalong mabilis maging abo.

Hay… masarap mabuhay sa Pinas; pero sa totoo lang, nakakapikon din ang nakikita at naririnig at nababasa kong mga katulad nito dahil hindi lang sya iisa, o dadalawa, kundi parang halos araw araw ay ganito ang ikot ng mundo natin. Kelan kayo tayo magbabago?

Sana malapit na.

Mga Puna »

  1. Grabe naman ‘tong kuwentong nasagap mo Kengkay. Pero di na nakakapagtataka, kasi yung sister in law ko sinamahan one time client nila to ask the customs officer about their new procedure ng Bureau of Customs at ang kapalit ay isang lechon lang naman. We are really going downhill in every aspect,moral ,environment ,economic ,population(92 Million) & discipline.

    Comment ni elaine — Oktubre 10, 2009 @ 1:48 hapon | Tugon

    • sa totoo lang, kung hindi sapat ang sweldo nila sa trabaho nila; bakit kaya hindi na lang sila humanap ng ibang trabaho ano? kapag may gusto kang ipagawa kahit na trabaho naman nila yon — dapat may dagdag pang suhol na hindi naman dapat dahil nga trabaho nga nila yon e. pano kaya nila naatim na ipakain sa pamilya yung lechon na yon na suhol? pano kaya nila pag aralin yung mga anak nila sa pera na galing din sa mga taong nagtatrabaho ng matino? pano kaya nila tuturuan ang mga anak nila kung sila ay maling mali?

      Comment ni kengkay — Oktubre 10, 2009 @ 2:47 hapon | Tugon

  2. ako rin naka experience nang ganyan. naging project engineer kasi ako sa isang malaking project dyan sa custom head office. meron hiniram na mga power supply yung custom para gamitin temporary sa mga scan equipments nila. nang matapos ang project, we need to pull out all the temporary power supply. so humingi ako ng gate pass para mailabas. pagdating sa gate ay hindi nirecognize yung gate pass. kelangan daw muna i-check baka daw walang permit nang kung anu anong government agency. tapos tinanong kung ako daw yung chinese na may-ari nung mga machine (na pagkamalan akong chinese businessman). so dahil ako ang meron posisyon dun tinawag ako nung tao namin. lumabas naman ako ng sasakyan at pumunta sa “custom officer daw”. paglapit ko (hindi pa ako nagsasalita), nag-ingles na si kabayan. kung anu ano ang sinasabi hanggang sabihin sa akin na kung gusto ko daw mapadali ang proseso e meron daw silang program na “fast processing” pero kelangan ko daw magbayad ng 50,000 pesos “cash”. nang matapos na syang dumakdak, saka ako nagsalita at kinausap ko sya ng tuwid na tagalog. sinabi ko sa kanya na “manong ito pong mga power supply na ito ay nirentahan po lamang ng custom. hindi po yan galing sa loob ng warehouse ninyo. yan po ay galing sa IT center po ninyo. kung mapapansin nyo po ang sabi dyan sa remarks ay end of service or rental. yan din po ay may pirma ng IT director.” tapos saka ako nagpakilala at sinabi ko na ako yung project engineer dun sa IT center project nila. nag-iba nang tono si manong at humingi ng pasensya sa akin at nagpaliwanag na “SOP” lang daw nila yung magtanong at i-check ang lahat ng lalabas. na iintindihan ko yung sinabi nya, kaya lang “SOP” din kaya yung 50,000 pesos? nagtatanong lang po ate kengkay ganda.

    Comment ni williamklose — Oktubre 10, 2009 @ 3:13 hapon | Tugon

  3. p~!@#$%^&tang na! i twitted this one!

    Comment ni reyna elena — Oktubre 10, 2009 @ 3:40 hapon | Tugon

  4. Tunay ka! Nakakahiya talaga ang kaugalian na yan ng Pinoy. Abuso na talaga. At kahit wala sa Pinas, minsan salapa rin ang ugali. Malalaman mo ang Pinoy na laki sa Pinas dahil sa ganyang ugali. Minsan sa ospital na pinagtatrabahuhan ko, may isang pasyente kaming pinay. Medyo upscale ang ospital na to kaya pwede kang magorder sa menu ng cocktail shrimp, NY strip steak, grilled salmon,etc. Kung ikaw ay pasyente. Ang kapal ng mukha ng asawa ng pasyente na umorder ng five course meal! Nagtaka kami sa dami ng room order dahil ang pasyente mismo ay naka-liquid diet lang. At pag nalaman pang pinoy ka humihingi pa ng kung anuanong extra. Pati extra toilet paper sa banyo eh hinahakot. Kaya minsan kung napagkakamalan akong Latina, hinahayaan ko na lang para wala nang mananamantala.
    May ugali tayo na tinatawag na “pakikisama” pero iba na yung gawi sa atin lalo na sa customs. Nang huli akong dumalaw sa Manila palabas na ako ng immigration bago umalis, sinabihan ako ng customs official “Ma’am baka may natitira pa kayong peso, amin na lang.”

    Comment ni Jessica — Oktubre 10, 2009 @ 4:30 hapon | Tugon

  5. hahahahahaha, grabeh sa kapal ha!

    me blog ako about yachts, hindi ganun sa europe,

    minsan, ka ignorantehan na yang mag abuso ng power, pati ba naman toilet paper????
    Sus, kakahiya!

    Comment ni francesca in france — Oktubre 10, 2009 @ 9:17 hapon | Tugon

  6. Ayuf!!Juice kow! Makakapangkamot ka na lang talaga ng ulo! di ba jan sa airport din daming kuwago! Naalala ko yung experience ko sa airport natin 2001 yun. Sa Travel pa ako noon.Yung dating sous chef pinoy sa Turkey nalipat sa Pinas,yung kaibigan nya ata eh may ari ng Travel Agency jan sa may Roxas Blvd.Naki usap kung pwede dalhin ko yung brochures nila to promote Pinas daw sa mga turkish.Hand carry ko sya dahil lalong bibigat yung luggage. Yung lintik na empleyada ng tootootot na airline na yun,gusto pabayaran sa akin yung mga brochures (dami kasi) 150 dollars daw Baliw! sabi ko sa kanila na yung brochures pinakiusap lang ito sa akin para ma promote Pilipinas.Yaw matigas talaga!gusto maka datong ang gaga! ayun hindi ko nga dinala!! Kasalanan ko ba?

    Comment ni cheh — Oktubre 10, 2009 @ 11:34 hapon | Tugon

  7. Kakainis ito ha.

    Keng, puwede ito repost sa FB?

    Comment ni julie — Oktubre 11, 2009 @ 12:13 umaga | Tugon

  8. naku po, isa na namang kwentong talamak na korapsyon!
    ano ba naman ang mga customs official na iyan?!
    ito lang ang masasabi ko sa kanila : NAKAKAHIYA KAYO! PACHYDERM!

    Comment ni docgelo — Oktubre 11, 2009 @ 3:41 umaga | Tugon

  9. hay naku kahit nga ako gusto ko rin talaga tumira na lang sa pinas pero kung ganyan lang din kasamantala ang mga tao sa atin mula sa maliliit hanggang sa may mattaas na posisyon, parang nakakapgdalawang isip. actually kahit nga pag pauwi ako sa atin parang nandadarag lang ang mga customs eh.. tsk tsk!

    Comment ni cindyrella — Oktubre 11, 2009 @ 5:18 umaga | Tugon

  10. totoo kaya to? although hindi naman malayong mangyari nga. kakainis!

    Comment ni iris — Oktubre 11, 2009 @ 8:26 umaga | Tugon

  11. hayuffs!!!

    Comment ni brokenform — Oktubre 11, 2009 @ 10:10 umaga | Tugon

  12. kapal ng muka talaga ng mga taga kostom na yan! masunog sana sila sa impyerno! grrrr!

    Comment ni dencios — Oktubre 11, 2009 @ 11:24 umaga | Tugon

  13. Kanser na ng lipunan natin ang kurakot, hindi na ito magagamot. Hindi na kakayanin ng chemo o kaya surgery mabuting hayaan ng mamatay ang Pilipinas.

    Comment ni ferdz — Oktubre 11, 2009 @ 11:57 umaga | Tugon

  14. wwhooooww grabe ah. ang saklap nmn, balasubas nmn masyado

    Comment ni forbiddenlei — Oktubre 11, 2009 @ 4:52 hapon | Tugon

  15. naku nakakainis naman to.. pero im not surprised! di talaga marunong ang mga pinoy mag-asiste sa mga turista, hindi naman in general, pero karamihan ganyan.. corruption talaga is almost in all levels of the population.. imbes na maparami natin ang turista (thus revenu), wala tuloy.

    Comment ni analyse — Oktubre 11, 2009 @ 7:03 hapon | Tugon

  16. Eto yung mga pagkakataong parang nahihiya akong sabihing Filipino ako. Kaya pumapangit yung reputasyon natin eh dahil sa mga gantong tao.

    Comment ni Rico — Oktubre 11, 2009 @ 11:06 hapon | Tugon

  17. (hmm)excuse me :D

    “Ndi ako naniniwalang lahat ng customs ganyan ang ugali…”

    -Broker Jex

    ahahah!

    sa totoo lang customs ang kurs na natipuhan ko. ikaw palang ate keng’s nakakalam nito dito sa blogpersyo. Nagtake ako nito to dahil meron akong gustong patunayan sa tao. aktwali government employee rin ang tatay ko pero ni minsan ‘ndi ko naramdaman na pinakain n’ya kami ng galing sa masama…

    pagnaging customs na ko magtuturo ako ng customs siguro naman sa pamamaraan na yun mabubura ko na ang maduming imahe ng customs at magkakaroon din ng mga matitinong tauhan ng gobyerno…

    ganun pa man nirerespesto ko kung ano ang mga opinion ng maraming tao…

    salamat ate kengkay…

    Comment ni jex — Oktubre 12, 2009 @ 6:29 umaga | Tugon

  18. nakalimutan kong ilagay yung pook-sapot ko ahaha Sorry!

    Comment ni jex — Oktubre 12, 2009 @ 6:30 umaga | Tugon

  19. haays… kasama yata sa skills requirement ng isang prospective BOC employee ay yung pagiging kapal-muks at gahaman.

    kahiya. kalungkot. kagalit!

    Comment ni taroogs — Oktubre 12, 2009 @ 10:01 umaga | Tugon

  20. hay,, kaya ang daming nawawalan ng trabaho dahil sa kasakiman ng iilan..

    may karma naman. at si God na bahala sa kanila…

    Comment ni shynyrd — Oktubre 12, 2009 @ 10:28 umaga | Tugon

  21. ngayon ko lang nabasa ito. pero naniniwala ako na may ganitong sistema sa customs. dahil grabe naman talaga ang garapalan sa kanila at kahit sa iba pang ahensya ng gobyerno. yung imbes na makagawa ng maganda ang kanilang hangarin ay yung masamang bagay talaga ang kanilang pinupuntirya. (siempre hindi ko naman nilalahat).

    dapat sa kanila, maging doon sa mag empleyado na ang susuplada at akala mo kung sino, magsilayas sa trabaho nila. sabi nga ng nanay ko, ‘di sila sinuswelduhan ng taong bayan para magpabandying-bandying lang.

    sana, yung susunod na uupo harapin yang problema na yan.

    Comment ni hitokirihoshi — Oktubre 13, 2009 @ 12:47 umaga | Tugon

  22. haays nkuh talaga kahit kelan hindi na naalis sa katawan ng mga taga gobyerno ang pagiging sugapa..nakakainis!

    Comment ni IKAY — Oktubre 13, 2009 @ 9:10 umaga | Tugon

  23. mami kengks, i need your help pls…vote for me in the philippine blog awards!#35-flamindevil..pls click the link then you can see on the left side there’s a voting area.click#35 then submit vote.thanks in advance…this means a lot to me. :p

    btw, bonistation is number 33 and topexpress is number 34..u can vote 3 people at the same time. thanks po.

    http://pinoyexpatsblogawards.com/

    Comment ni flamindevil — Oktubre 14, 2009 @ 7:28 umaga | Tugon

  24. This is saddening, pagpray nalang naten sila.

    Comment ni joycee — Oktubre 15, 2009 @ 12:46 hapon | Tugon

  25. >>Hindi KO inakala Na ganon pala ang mga costume sana nga mag bago sila para dadami ang turista sa atin @@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@ daya nila kasi ehhhhhhhhhhh…………… KAGALIT SILA HHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHM

    Comment ni death — Nobyembre 21, 2009 @ 3:14 umaga | Tugon

  26. Ang tindi ng apog ano?Yon napapansin natin ayong maliliit lang yon.Paano mga malalaki? Iyong mga namumuno sa custom? Ahh!kaya siguro kulang koleksyon sa custom.Opssss!alam ko iniisip mo!iniisip mo ang iniisip ko hehehe!

    Comment ni ofwako — Enero 22, 2010 @ 2:29 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers