edi ba nga ang mga little kengkays e iniluwal ko sa alemanya, hane?
ang nangyari e may mga pangyayari na shocking boogie para sa kanila.
katulad ng dyaraaannnn….
sopdrinks sa plastik.
ganito yon.
niyaya sila ng pinsan nilang pumunta sa tindahan. sama naman sila.
bumili si kuya ng sopdrinks. ayaw magbayad ng deposit ni kuya. pinalagay sa plastik. at sempre, may straw na yun. higop agad si kuya. hmm, sarap!
pag-uwi ng mga little kengkays. tahimik sila pareho. sulyap kay kuya. si kuya sipsep ng sopdrinks sa plastik.
pabulong na tanong ng mga little kengkays sa akin ‘mama, nakita mo si kuya? umiinom ng sopdrinks sa plastik!’ ang mukha nila hindi mo maipintura kung hilakbot ba, o eksayted ba, o alien ba ang tingin nila sa kuya nila.
e si kengkay naman, natawa. kasi sa totoo lang, nalimutan ko na may ganyan nga pala. sopdrinks sa plastik. sabi ko ay oo, normal lang dito yan. pwede yan. proud pa akong nagsabi.
biglang nabuhayan ng loob ang mga little kengkays. kasi naman pala.
silang dalawa ay may sopdrinks din sa plastik. ang nangyari lang e inubos na nila bago makarating ng bahay. natakot kasi silang mapagalitan, o mapagkamalang alien siguro, hahaha.
———-
Donate for Ondoy victims, for more info: click


haha ang cute! onga naman ang wirdo sa unang kita ng sopdrink sa plastik lols
Comment ni mumu — Oktubre 19, 2009 @ 1:16 hapon |
ahahaha naalala ko nong high school..gustong gusto ko yun..sopdrink sa plastik!
Comment ni p0kw4ng — Oktubre 19, 2009 @ 5:36 hapon |
Ang nobyo ko ay isang Norwegian at simula noong una kaming magkita, palagi niyang sinisita ang pagbili ko ng softdrink na nakalagay sa plastik. Ang madalas niyang bukambibig ay: “I will buy the bottle for you” hahaha
minsan ay nagpipilit lang akong isalin yung softdrink sa plastic para medyo asarin siya.
Comment ni WildCat — Oktubre 19, 2009 @ 10:31 hapon |
bakit di pa kasi libre ang mga bote…
OT: yes andito ako sa pinas ngayon..ano yong raket sinasabi mo? pls email it to me. punta ata ako sa manila next week.
Comment ni dakilang islander — Oktubre 20, 2009 @ 5:10 umaga |
email kita. sana magkita tayo kapag asa manila ka
Comment ni kengkay — Oktubre 21, 2009 @ 11:39 umaga |
ate kengkay meron din nag paplastik ng red hors at ini-straw. samin madalas yun.
Comment ni Jeks GWAPS! — Oktubre 20, 2009 @ 7:21 umaga |
Haha. Ayun naman pala! Gusto lang i-confirm kung papagalitan ni Mommy Kengkay! Regards po sa mga bata! Nakakatuwa..
Comment ni Ax — Oktubre 20, 2009 @ 10:26 umaga |
uu nga naman nakalimutan mong ituro yan mga little kengkays mo…heehehheh gandang experience yan sa kanila….
Comment ni blurosebluguy — Oktubre 20, 2009 @ 11:19 umaga |
hahahahaha.
nakakatuwa na nakakatawa.
di ko maimagine ito:
*sabi ko ay oo, normal lang dito yan. pwede yan. proud pa akong nagsabi.*
well parang kultura na kasi yan sa atin. di makukumpleto ang pagkabata kapag di naranasan iyan hehe
Comment ni dencios — Oktubre 20, 2009 @ 11:39 umaga |
hi friend..this s post is really nice..keep going,…….. pr4 here… I have added u on my blog…… please link me back and buzz me!!! thank you……..
Comment ni journalpr4 — Oktubre 20, 2009 @ 1:14 hapon |
Wahahaha, sana nafechuran mo reaction ng mga bebe mu habang tinatanong sayu yun noh, kakyut siguro, hehe.
Comment ni joycee — Oktubre 20, 2009 @ 1:21 hapon |
wag masyado ate,nakakanser daw kasi yun. *sabay sipsip ng sopdrink sa plastik* hehe..pero totoo yun.
Comment ni taympers — Oktubre 20, 2009 @ 1:26 hapon |
Hehehe naalala ko tuloy nung bata pa ko me sari sari store kasi kami sa bahay. Lagi akong me mga suking bumibili ng softdrinks na nakaplastic! Minsan pati beer pinaplastic din hehehe!
Comment ni Dorm Boy — Oktubre 21, 2009 @ 3:31 umaga |
hahahaha, natawa naman ako, pano kung mapunta ako ng germany tapos ipapasupot ko yung softdrinks ko, lagot…
naalala ko tuloy, kasi mama ko ang nagtitinda sa elementary canteen sa barangay namen… hindi matsagang maghintay ang mga bata sa paghigop ng mainit na sopas, dahil nga mas gusto nilang maglaro tuwing recess naimbento ni mama ang sopas sa supot, with straw… well patok naman… hahahahaha
Comment ni livingstain — Oktubre 21, 2009 @ 7:22 umaga |
ayos… makapag softdrinks nga sa plastic….
Comment ni shynyrd — Oktubre 21, 2009 @ 7:40 umaga |
ehehehe…
nakakatuwa talaga ang little kenkays…
softdrinks sa plastic
madalas ko gawin yan kasi yun tindera sa amin.. ayaw mag pahiram ng bote
Comment ni naglalambingnacute — Oktubre 21, 2009 @ 7:49 umaga |
Hahahaha! Cute naman! “Buti pa sila nag alanganin. Baby ko unabng pagkakita pa lang ng plastik na may soft drinks na laman. higop agad!
Comment ni Callcenterguy — Oktubre 22, 2009 @ 1:47 umaga |
hahaha. andito na pala kayo ate kengks. aside from sopdrinksapalastik eh may iba pa bang kinaka-kultyurshakan mga anghelitas mo poh? hehehe. napadaan poh.
Comment ni yin — Oktubre 22, 2009 @ 6:16 umaga |
[...] namin, waaa ulit. sya kaya yung taong dapat kong kausapin, o dapat magpabili din ako sa kanya ng sopdrinks sa plastic walang bayad ang pa-blotter [...]
Pasa ni si kengkay at ang mga barangay halls « Kwentong Kengkay — Oktubre 22, 2009 @ 9:02 umaga |
Na “culture shock”!
Hi Kengkay,
salamat sa pagsilip sa Kwentulang Marino, nagtaka ko kung bakit pending ang status mo sa komento yun pala iba na ang e-mail mo.
Ukol sa “permiso” di makapasok ang e-mail ko sa iyo. Kaya dito na lang ako nakaipag-com para rumehistro o makuha mo ang e-mail ko.
maraming salamat!
Comment ni Kwentulang Marino — Oktubre 27, 2009 @ 9:51 umaga |
matagal na kong di bumibili ng softdrinks sa plastik. Usually kasi malaki ang binibili namin
Comment ni nina — Oktubre 30, 2009 @ 8:12 umaga |