Kwentong Kengkay

Disyembre 1, 2009

si pacman at ang pamilya kengkay

Isinalansan sa: Kwentong Kengkay — kengkay @ 8:39 umaga
Tags: ,

edi ba nga naglaban si pacman at si cotto?

edi ba nga tiniris ni pacman ang cotto?

edi ba nga sabog ang mukha ni cotto?

heniway, big deal sa amin yan. kasi pers taym na nakapanood at naka-experience kami ng pinas na walang gulo dahil sa laban ni pacman.

ganito pa. nag celebrate kami ng debut ng aking bunsong kapatid na nanghingi ng tequila as berdey gip. edi sempre ang gulo-gulo. ang saya-saya. yun na nga lang, may laban ni pacman at cotto.

da berdey gurl


ngayon eto ang mga papechuran nung naglalaban na si pacman at cotto. seryus lahat.

pangatlong pechur


walang katinag-tinag. walang kukurap. kumikilos lang sila pagtunog ng bell. kumikilos papunta sa hapag kainan.

eheste, mali pala. kapag nagsusuntukan pala e nakikisuntok din pala sila. sabay hiyaw pa nga.

pangalawang pechur

pero pansinin nyo itong unang pechur, may i kain pa sila dyan ha. kasi naman….

unang pechur

parang alas sais pa lang yata ng umaga e bukas na ang radyo at nakikinig na ng boksing. edi sempre, alam na naman nila kung sino nanalo. pero dahil kunyari e hindi pa nila alam. inantay pa rin nila sa telebisyon, heheeh. na inabot na din ng alas singko yata ng hapon. ano ba yun.

tawa nga ng tawa si kengkoy. sabi nya kasi, nung unang panahon daw sa alemanya, ganyan din daw. sa radyo nakikinig ang mga tao ng mga laban. pero ngayon daw, live na yon sa telebisyon.

pero dito daw sa pinas, aba, balik radyo daw! oo nga naman… parang hindi pa yata uso dito ang tunay na meaning ng ‘live tv’! e bakit nga naman ganon? tapos pinutakte pa ng patalastas yung tv coverage na late naman. parang isang hinga mo pa lang e patalastas na agad e.

ang kakaiba dun, mas matagal ang patalastas kesa sa boksing. ano ba talaga ang palabas? yung patalastas o yung boksing? matanong ko nga kayo :)

Mga Puna »

  1. Minsan iniisip ko nga, ang telebisyon ay tila survival ng isa’t isa, at sino ba talaga ang nakikinabang sa bawa’t isa, sino ang bumubuhay sa bawa’t isa sa kanila, mabubuhay ba ang TV commercial kapag walang TV programs? O mabubuhay ba ang TV programs ng walang TV commercials?

    Ang alam ko hindi ako mabubuhay ng walang telebisyon hahahaha.

    Belated 18th birthday sa kapatid mo hehehehe.

    Comment ni The Pope — Disyembre 2, 2009 @ 9:26 umaga | Tugon

  2. Hello friend! I saw the link to your site from the other site, I never expected it was this beautiful! Your site’s look-and-feel stands out! Really nice!! Keep it up!! I hope we can exchange links…

    Comment ni Ezuca — Disyembre 2, 2009 @ 10:24 umaga | Tugon

  3. uy! si kengkoy ba yung nakatalikod na naka-puti? ngayon ko lang nakita piktyur niya :-)

    Comment ni taroogs — Disyembre 2, 2009 @ 11:05 umaga | Tugon

  4. Hay naku alam mo naman sa Pinas sinusulit nila si Pacquiao kaya sandamakmak ang commercials. :)

    Comment ni Snow — Disyembre 3, 2009 @ 3:32 umaga | Tugon

  5. haha..masyado kase kung kumita ang mga tv stations natin. kaya yong live e kunwari lang. hehe

    lahat yta ng pinoy di mapakali kapag araw ng laban ni pacman.lalo pa kung maguumpisa na ito. talagang dumadagundong ang hiyawan.

    Comment ni ELIment — Disyembre 4, 2009 @ 5:13 umaga | Tugon

  6. ang totoo nyan…patalastas naman talaga ang tunay na palabas….palakpakan…..

    Comment ni blurosebluguy — Disyembre 5, 2009 @ 8:49 hapon | Tugon

  7. naku e di excited na din ang lahat sa march sa labanang pacman-mayweather?! =)

    Comment ni docgelo — Disyembre 5, 2009 @ 11:06 hapon | Tugon

  8. hi friend u have nice blog..keep it up…..

    hi friend…pr4 here….i have added u on my link…add me and buzz me too…..thank you……….
    hi friend…pr4 here….i have added u on my link…add me and buzz me too…..thank you……….

    Comment ni maheshpr4 — Disyembre 6, 2009 @ 9:19 umaga | Tugon

  9. ganyan talaga mommy kengks. buti na lang samen sa sto. tomas batangas, free sa cable. yun e kung naka-cable ka.

    duguan si cotto di ba? kami, duguan ang tenga. kse anlalakas umirit ng mga matatanda. hehehe.

    Comment ni antuken — Disyembre 9, 2009 @ 6:46 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.