Kwentong Kengkay

Disyembre 8, 2009

goin’ bulilits

Isinalansan sa: Kwentong Kengkay — kengkay @ 2:20 umaga
Tags:

heto lang ha…

ang pamilya ni kengkay. hindi masyado mahilig sa telebisyon. in fact, ang nanonood nga halos ng tv namin e yung mga kasama namin sa bahay.

ang mga little kengkays? mas gusto nila mag bike, mag habulan, ang mga laruan, magtaguan. ngayon pa nga e nagtututo silang maging propesyonal na players ng piko, tumbang preso, patintero, pen-pen- de sarapen at saw saw suka. medyo bano pa nga lang sila sa jackstones :)

ngayon, isang linggo, biglang naisip nilang magnood ng telebisyon. sabi ko, nood sila ng tagalog na kiddie show. nabuksan namin sa abs-cbn na may palabas na goin’ bulilits. sinabayan ko sila ng panood. nadismaya ako :(

kasi naman, ang mga batang andun — ang kwento nila e tungkol sa mga holdapan sa bangko. kuntodo may mga bigote at may mga baril; mga nakaitim na suot pa yung mga masamang tao. at nakakatawa daw yung ganon? at nakakaengganyo daw sa mga bata yung ganon?

goin’ bulilits nga di ba? pang bata kaya yung ganon? baril? holdapan? masamang tao?

kahit na joke lang yun — hindi dapat ganun. pang bata nga dapat ang tema e.

nainis ako. pinatay ko yung telebisyon. hindi rin naman kasi natawa yung mga little kengkays e. napanganga kamo sila. kasi nagtataka daw sila kung bakit kung bata daw yung mga nanghoholdap. ngek!

e kung ako nga hanggang ngayon napapailing pa rin e.

sa mga taga goin’ bulilits ng abs-cbn — please lang po, iangkop po natin ang kwento sa mga manonood.

nakaka turn off manood, sa totoo lang. mabuti na ngang sa labas na lang sila maglaro. mababanat pa buto nila.

Mga Puna »

  1. agree. wala na kasi ang tema ng batibot noon na very educational.

    mabuti pa nga na wag na silang manood. mas masarap ang maglaro na lang sa labas.

    :D

    Comment ni dencios — Disyembre 8, 2009 @ 8:42 umaga | Tugon

    • hindi ko nga matindindihan kung bakit inalis ang batibot wala naman palang matinong ipapalit. naiyak ako nun nung nalaman kong wala na si pong pagong, waaa

      Comment ni kengkay — Disyembre 14, 2009 @ 2:55 umaga | Tugon

  2. ewan ko nga ba, mareng kengks… may mga ganyang palabas sa network pero sa mga news shows naman nila e nabibigla pa sila kuno sa mga laganap na krimen. hnlabo talaga :-(

    Comment ni taroogs — Disyembre 8, 2009 @ 1:33 hapon | Tugon

  3. oo nga eh, cguro para sa tulad ko ay okay lang kasi exposed na naman ako sa mga ganyan pero ang panoorin ng mga bata.. hmm.. i dont think so.

    Comment ni cindyrella — Disyembre 8, 2009 @ 1:53 hapon | Tugon

    • pambata daw pero hindi naman pambata ang laman, hmp

      Comment ni kengkay — Disyembre 14, 2009 @ 2:55 umaga | Tugon

  4. I agree with your opinion sa current format ng Goin’ Bullilit, kung saan dapat kiddie show pero di ako natatawa sa mga scenes wherein ginagawang katatawanan ang robbery scenes, as well as iyong mga mag-syota at mag-asawa settings lalo na yung mga eksena sa politika na ini-imitate ng mga cast ng Going Bulilit, I don’t know why our TV and Movie Censor Board approve those segments.

    Comment ni The Pope — Disyembre 8, 2009 @ 5:59 hapon | Tugon

    • oo nga, syota-syotaan, kwentong mag asawa, holdapan, politika — hindi naman pambata yang issues na yan e

      Comment ni kengkay — Disyembre 14, 2009 @ 2:56 umaga | Tugon

  5. sana may batibot pa, sineskwela, hiraya manawari at bayani..
    kaso mga anime show na ang mapapanood mo mga galing sa ibang bansa at hindi satin nalikha..

    Comment ni lovely — Disyembre 11, 2009 @ 10:06 umaga | Tugon

    • ano yung hiraya manawari? uy, asa pinas ka na ba? magparamdam ka naman at ng ma bisita ka sa baguio!

      Comment ni kengkay — Disyembre 14, 2009 @ 2:57 umaga | Tugon

  6. ay tama ka dun mareng kengkay….wala nga yatang naiisip ang mga writers ng show….wala man lang moral lesson…

    Comment ni blurosebluguy — Disyembre 11, 2009 @ 8:23 hapon | Tugon

    • null moral lessons ang nakita ko dun sa palabas na yun. walang karapatang tawaging goin bulilit yon

      Comment ni kengkay — Disyembre 14, 2009 @ 2:57 umaga | Tugon

  7. wala na bang Kaluskos Musmos tsaka Batibot? Sesame Street?

    Comment ni Jessica — Disyembre 14, 2009 @ 1:31 umaga | Tugon

    • kakalungkot, pero totoong wala ng kaluskos musmos at batibot at sesame street :( ang mga pumalit cartoons at mga kunyaring kiddie shows!

      Comment ni kengkay — Disyembre 14, 2009 @ 2:58 umaga | Tugon

  8. I agree with you, medyo ayoko rin ng Goin’ Bulilits. Sino ba direktor nun? Parang hindi bata yung nanunuod sa topic nila eh. :(

    Btw sis, pinadala ko na sa Daddy ko yung mga newsletter. :)

    Comment ni Snow — Disyembre 14, 2009 @ 2:07 umaga | Tugon

    • i boycott natin yang goin bulilits, hehehe. uy, salamat sis! may kasunod pa yan, hehe

      Comment ni kengkay — Disyembre 14, 2009 @ 2:59 umaga | Tugon

  9. [...] ganun. Local TV natin, di mag-improve. Sorry, masyado na namang nega ako. Pero, naki-ki-ayon ako sa blog entry ni Kengkay. Kwento ni kengkay: “ang pamilya ni kengkay. hindi masyado mahilig sa telebisyon. in fact, [...]

    Pasa ni Kahit kelan, hindi na yata mag-improve ang Pinoy TV | reyna elena dot com — Disyembre 14, 2009 @ 2:00 hapon | Tugon

  10. Mas maganda ipanood mo sa kanila yung bago sa Ch2, yung Kulilits tuwing Saturday, parang sine eskwela ang dating.

    Comment ni Mitch — Disyembre 14, 2009 @ 2:24 hapon | Tugon

  11. Totally agree ako dyan. Yan ang hirap dito sa atin e. Wala ng matinong educational shows for kids. Iilan na lang talaga ang may shows na may quality. Haaaay…. Pinas

    Comment ni Callcenterguy — Disyembre 15, 2009 @ 1:48 umaga | Tugon

  12. bongga yan…. gogogogo

    Comment ni Kooly maquoleet — Disyembre 15, 2009 @ 6:07 umaga | Tugon

  13. ay oonga hindi ko naisip ang effect nito sa mga bata. basta nood lang ako ng nood. yung mga educational shows ng abs dati na hiraya manawari, mathtinik, sineskwela e nasa cable na ata.

    Comment ni Jason — Disyembre 15, 2009 @ 7:03 umaga | Tugon

  14. Nyek kaya mas maigi pa ngang wag na manood ng TV tsk!

    Comment ni joycee — Disyembre 16, 2009 @ 3:01 hapon | Tugon

  15. Hello Keng,

    Malipayong paskuwa sa iyong pamilya! Sana’y lumago pa ang iyong blog para sa lahat ng pamilya.

    Comment ni Roberto AƱonuevo — Disyembre 17, 2009 @ 12:01 umaga | Tugon

  16. naku cnb mo pa mami kenks…

    actually ang mga jokes sa goin bulilit eh medyo pang adults… it just so happen na ang nagdedeliver ng jokes ang mga bata kaya di siya nagiging rated…

    wel, sometimes even the smallest details like that eh mabigyang pansin dahil nga malaki ang impluwensiya nito sa pag iisip at ikikilos ng mga bata…

    Comment ni yhen — Disyembre 17, 2009 @ 1:33 umaga | Tugon

  17. hi friend….pr3 here…..i have added u on my link…check it and add me too…buzz me when u linked me…hope u ll do it……thank you………:-) :-) ….

    Comment ni steve — Enero 4, 2010 @ 4:25 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.