Kwentong Kengkay

Disyembre 17, 2009

kaskasan

Isinalansan sa: Kwentong Kengkay — kengkay @ 8:37 umaga
Tags:

gitgitan sa roxas boulevard galing ng pasay patungong baclaran.

daming bus, daming jeep, daming motorsiklo, ah basta — daming sasakyan.

daming vendors, daming pulis at mmda, daming pasahero, ah basta — daming tao.

ang sasakyan namin na bagong bili ay nagitgit ng dalawang malaking bus. nakaiwas kami.

yung isang bus nauna na. kami naman ay napunta sa kaliwang dulo. pero yung isang bus?

aba, gitgit to death pa rin sya. basta makakuha ng pasahero. gitgit. singit. saksak.

napansin namin. super lapit na sya. tumigil na yung drayber namin. wala na kaming ibang masiksikan.

at nangyari na ang hindi maiiwasan na dapat e maiwasan pa — kitang kita, rinig na rinig, kaskas na kaskas — kkrrrrrrrr….

huh! ayun. kaskas na nga. ang bus? hindi huminto. diretso pa rin. parang walang nangyari.

si kengkay? sinabi ko na kunin yung plate number nung bus. nakuha naman namin.

at sempre, dahil nga daming sasakyan, nahabol namin yung bus.

tamang-tama may pulis. sinumbong namin agad.

ang unang tanong: gusto nyo bang magka-ayos?

ang sagot namin: ang magiging ayos lang e kung babayaran kami.

ayaw nung bus drayber. hindi daw sila may sala. at hindi daw sila yung gumawa.

ganun? e kitang kita sa gilid nung bus yung pintura nung sasakyan namin.

sabi nung kundoktor: kung sila daw ang gumawa nun e tanggal daw yung buong side mirror namin.

ang sabi nung bus drayber: yung insurance na daw namin ang magbayad.

ang sabi nung mga usyosero: konti lang naman daw ang damage.

ang sabi ni kengkoy: babayaran niyo yan.

ang sabi ni kengkay: babayaran niyo yan.

nag-antay kami. sabi nung pulis pasay hindi daw kanila. sabi nung pulis paranaque hindi daw kanila. turuan din. pagkatapos ng halos tatlong oras na abala? pasay pulis daw ang dapat mag-ayos.

naabala kami. naabala ang bus. pero kasi, gusto naming makita nila na sila ang mali at kami ang tama. at mag-aaksaya kami ng oras para makuha ang talagang para sa amin.

ganito pa. tinatawagan ko yung bus operator? the telephone you dialed is not in service anymore. ano ba yun? edi dapat hindi nila nilagay yung number na yon kung not yet in service na pala di ba?

ganito pa. habang nag-aantay sa pulis? pinipilit burahin nung drayber yung gasgas ng pintura sa gilid ng bus nila. aba. aba. pinagalitan ni kengkoy.

ganito pa. nung dumating ang pulis? pinagalitan ulit nya yung drayber nung bus kasi nakita nyang pilit ding binubura yung pintura.

ang hindi nila alam, nakunan na namin ng pechurs. mays souvenir na kami.

ganito pa. kaya daw hindi kami nakita o napansin nung bus e dahil nagpi-pick up daw sila ng pasahero. ano yun? sa gitna ng kalsada? oo nga, ganyan nga pala ang normal na gawain nila.

naabala kami. pero sa totoo lang. hindi aksayado ang oras kapag may gusto kang itama.

abangan ang susunod na kabanata. kasi nagfile talaga kami ng kaso.

karapatan naming humingi ng pambayad dun sa nasira sa sasakyan namin.

karapatan naming ipakita na mali yung ginawa nila. at mali yung ginagawa nila.

ay pwede ba, kung lahat na lang e ‘bahala na’ — walang mangyayari sa atin.

basta, tuloy ang laban.

Mga Puna »

  1. i know sis na matagal ka na rito pero welcome again to the philippines. kaskasan talaga dito. :(

    Comment ni Snow — Disyembre 18, 2009 @ 5:02 umaga | Tugon

    • kainis, halatang nabibili ang lisensya, hehehe

      Comment ni kengkay — Disyembre 22, 2009 @ 2:40 hapon | Tugon

  2. Oo kaskasan nga dito.

    eleb na eleb nga yung mga naisasakay kong foreigner na bumibili ng bahay dito sa Pilipinas para sa kanilang asawang Pinay.

    Ga buhok na lang daw ang pagitan di pa rin magbangga-an. Kung sa kanila daw yun, kanina pa nag-kaskasan.

    Dalaw ka naman minsan kung di ka busy. :P

    Comment ni kaspangarigan — Disyembre 18, 2009 @ 11:47 hapon | Tugon

    • kasi naman dun, laki ng kalsada at disiplinado tao, dito kasi kung sino malakas loob yun ang panalo :)

      Comment ni kengkay — Disyembre 22, 2009 @ 2:40 hapon | Tugon

  3. Only in da philippines te kengkay=p

    Comment ni yiN — Disyembre 19, 2009 @ 6:54 umaga | Tugon

  4. Hi Kengks ,, Good to hear na andito ka sa Pinas… Advance merry Christmas To you!

    Naku talgang ugali na ng mga Bus Driver yang ganyan… papalusot pa ang mga lIntek!! at yang mga pulis na yan mga shungaers sa lansangan.. bakit walang nakakita sa kanila ang insidente na yun.. eh panu kung di nyo hinabol.. okey na yun pababayaan na lang na ganun.. hay naku talga!!!! mag papalusot pa talaga kahit sila ang me kasalanan…

    =)

    Comment ni empress — Disyembre 19, 2009 @ 3:41 hapon | Tugon

    • ang tatamad kasing gumawa ng papel e, at gusto na lang lahat palusot. sempre hindi naman pwede yon

      Comment ni kengkay — Disyembre 22, 2009 @ 2:41 hapon | Tugon

  5. aba, palaban talga c mami kenks… hehe…

    nwei, ganyn talaga sa pinas… di na ata mababago ang ugaling pinoy… hehe

    Comment ni yhen — Disyembre 20, 2009 @ 10:45 umaga | Tugon

    • pwedeng baguhin, di ba nga sa subic sumusunod sila sa trapik :D

      Comment ni kengkay — Disyembre 22, 2009 @ 2:42 hapon | Tugon

  6. Mahirap talaga sa Pinas, kahit ikaw ang nasa tama, kailangan you have some connections sa PNP para mabilis kang maasikaso otherwise pagpapasa-pasahan ka. Isa pa grabeh talaga yang mga bus drivers sa atin, ewan ko ba kung bakit napakagaan ng batas sa mga traffic violations sa atin sa Pinas, napakababa ng multa sa reckless driving even if it results to death.

    Comment ni The Pope — Disyembre 21, 2009 @ 3:28 hapon | Tugon

    • di ba nga pinalipat lipat kami – pulis pasya, pulis paranaque, tapos pulis pasay. aksaya oras pero antay kami, alam namin tama kami e

      Comment ni kengkay — Disyembre 22, 2009 @ 2:43 hapon | Tugon

  7. maganda yan, mareng kengks! kapag may katuwiran, ipaglaban! kaya umaabuso ang mga tsuper na barumbado mag-maneho, pati na rin ang mga alagad ng batas na tatamad-tamad, ay dahil ayaw maabala ng karaniwang mamamayan. hayan at nakatagpo nila kayo!

    gogo super kengks! :-)

    aantabayanan ko talaga itong kwentong kengkay na to.

    Comment ni taroogs — Disyembre 22, 2009 @ 4:49 umaga | Tugon

    • ay tunay ka dyan. ang unang sabi nga nung pulis sa amin e ‘ano mam, aregluhin na lang natin?’ nung sinabi ko walang areglo dahil yung bus ang nag hit and run sa amin –aba, ayun at paranaque pulis daw ang sakop nung lugar, huh! at sabi pa, kung gusto daw namin ng aberya edi mag reklamo daw kami, ganun!

      Comment ni kengkay — Disyembre 22, 2009 @ 2:44 hapon | Tugon

  8. ang epal naman nung bus na yun. takte. lumilihis pa sa storya mga yun. nakopo.
    ang kakapal nila.

    hayyyyyy

    sana maging matagumpay kayo ate kengkay sa kaso.

    at matapang si tito kengkoy ah
    :D

    Comment ni jason — Disyembre 22, 2009 @ 5:03 umaga | Tugon

    • ay, tapang kami kasi alam namin tama kami. musta ka na?

      Comment ni kengkay — Disyembre 22, 2009 @ 2:45 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.