alam ko naman, alam naman natin, na mahirap ang maging ofw di ba?
pero alam nyo, hindi ko akalain kung gaano kahirap. face to face ang naging engkwento ko ngayon sa mga istoryang kakatigatig ng damdamin dahil sa dyaryong itinatag namin na patungkol sa mga ofw.
nais naming ibahagi ang tunay na buhay ng ofw. at dahil naging isang ofw din ako, may alam ako. pero hindi pa rin sapat ang aking kaalaman kaya patuloy kaming kumakatok sa mga ofw, sa mga pinoys na sa ibang bansa na nakatira, sa mga pinoys na nagta-trabaho sa ibang bansa, sa mga pinoys na may asawang banyaga..
ang the international filipino kasi e hindi regular na balitang pang-ofw ang dala. mas tumutuk kami sa personalidad, sa mismong nakaranas at dumaranas, sa mismong anak, asawa, kapatid, magulang, kamag-anakan.
nakikipag-usap kami. nakikipagkwentuhan. nakikikaba. nakikiramay. nakikisaya, nakiki-bati. nakikikilig. nakiki-usyoso. at nakiki-isa.
maraming istorya dahil halos bawat pinoy ay may kamag-anak na ofw o nakatira na sa ibang bansa. at minsan, hindi lahat ng kwento e maganda…
merong isang istorya na bangkay na nga yung asawa nya e ayaw pa ipauwi sa pinas kasi daw, hindi pa tapos yung kaso. ang kaso? nirape nung mga amo yung asawa nya, nabuntis daw at patuloy pa ring minaltrato hanggang nagpakamatay na lang. ayaw daw bigyan ng clearance yung bangkay, dahil NBI agent daw yung amo. at yung pitong taon na anak nila? inaantay ang nanay nila kasi alam daw nya may dalang maraming tsokolate
habang ini-interview daw yung asawa e iyak lang daw ng iyak sabi nung kasamahan namin sa dyaryo. hindi na nga lang daw nya tinitingnan kasi baka pati sya maiyak. sabi ko nga sa kanya binasa ko lang ang istorya nya e naiyak na ako.
marami pang kwento. hindi naman lahat e malungko. ang layunin namin e sana sa bawat kwento namin ay meron kaming natutulungan sa kahit anong paraan.
check out: the international filipino




that’s sad
I hope these stories only become eye-opener for future OFWs…
Comment ni nina — Enero 22, 2010 @ 6:51 umaga |
mali….I hope these stories also become eye-opener for those people who are palnning to work abroad…
Comment ni nina — Enero 22, 2010 @ 6:52 umaga |
Nadurog ang puso ko sa kuwento mo, Kengks. Saan ba nabibili ‘yang dyaryo?
Comment ni The Gasoline Dude — Enero 22, 2010 @ 7:06 umaga |
magandang blog kengk!salamat sa mga tulad nyo na nagbibibgay puwang sa mga tulad naming mga ofw para maiambag ang aming karanasan para maging aral sa mga nagbabalak na lumabas din sa ating bansa.
Ang kwento ko ay tungkol sa kapit naming ofw dito sa napuntahan naming bansa.Dito ay napaka luwag na bansa.Masasabe ko na mas nakakatakot pa sa atin sa pnas maglakad ng gabe kisa dito.Pero ang hind ko akalain na may mga tao din pala dito na malulupit magtrato ng tao.Mula pag umaga mga 6 am ay magsisimula na sila magtrabaho at umiinom lamang sila ng gatas(fresh milk)sa umaga.Ang kasunod noon ay sa gabi na 11:30pm.Saka lang sila magluluto at kakain ng kanin.Wala silang day off kasi takot ang kanilang amo na baka lumayas sila.Lahat ng sulok ng bahay ay my camera.At bukod doon meron pang security guard.
Pero pinagtiisan nila yon kasi ayaw nilang bumalik sa pinas dahil naranasan na nila ang hirap ng buhay sa atin.Sa madaling salita hindi nila alam ang tunay na nangyayari o sistema dito sa napuntahan nilang bansa.Ang akala nila ay talagang ganon ang sitema dito na parang parihas sa mga kwento ng mga ofw sa middle east.Kasi nga naman wala silang access sa ano mang paraan ng kumunikasyon.Pero detirminado sila na hindi sila uuwi. pinagbalakan nilang lumayas.sa madaling sabe ay naging matagumpay naman ang kanilang balak.
Ngayon ay nakakuha sila ng magandang mapapasukan,libre sila sa lahat,bahay,kuryente, tubig, inaanyayahan din sila na libreng gumamit ng internet,naienjoy nila ang tfc.6 na oras lang ang trabaho nila lunes hangang sabado.
Determinasyon lang talaga at tyaga at positibong pagiisip ang kailangan at makakamit mo rin ang minimithi mong kasayahan sa buhay.
Sana sa mga kapwa nating pinoy na nagbabalak mngibang bansa, tyaga lang po at determinasyon at positibong pagiisip ang kailangan at makakmit nyo rin ang gusto nyong makamtan.
Palala lang po sa mga ofw: Kung ano po ang tunay nyong layonin o dahilan kung bakit kayo lumabas, doon nyo lang po ipako ang inyong atensyon at maging determiado kayo para maisakatuparan ang inyong mga balak.
Magandang araw sa lahat!!!
Comment ni ofwako — Enero 22, 2010 @ 12:37 hapon |
Ipagpaumanhin nyo po! estorya po yan ng kapit bahay namin dito sa ibang bansa.
Comment ni ofwako — Enero 22, 2010 @ 12:40 hapon |
mommykengks. makulay talaga ang buhay nating mga OFW. at ang sakripisyo talaga e karamihan para sa pamilya sa pilipinas!
Comment ni dencios — Enero 23, 2010 @ 10:00 umaga |
MORE POWER TO YOU and to this new venture of yours Mommy Kengks! Naway makatulong at makapag bukas kaalaman eto sa lahat ng mga Pilipino. I will definitely spread the word.
BTW, saan po kami makakakuha ng kopya neto?
Comment ni Mackay — Enero 23, 2010 @ 12:05 hapon |
PLUG: Join 50×50 WP Pinoy Project! Visit http://bit.ly/50x50wppp for more information!
Comment ni rllqph — Enero 25, 2010 @ 5:25 umaga |