dumalaw si kengkay, kasama ang mga little kengkays, sa dati kong pinatrabahuhan.
isang malaking freight forwarding sa paranaque.
pagpasok ko pa lang ng gate, nakita ko na agad ang mga loyalista kong former officemate.
feeling ko bahay, sinigawan ko agad: hoyyyy, hampogi-pogi. at bakit naman naka-barong ka pa talaga?
naks, nang-insulto agad! pero, ganon lang yon, kapag kaibigan mo, kahit ano pwede mong sabihin. kahit pa nga ilang libong taon nang nakaraan nung huli kayong nagkita at nagkausap
sempre, bussy-bussy. hugging-hugging! utuan (si kengkay: ang pogi-pogi mo talaga, at ang macho pa).
sagot naman ni mokong, ikaw din. hindi ka nagbago, maganda pa rin at seksi!
the usual lokohan between friends, ganon.
sempre, nairita ang mga little kengkays. daldalan na naman daw. uwi na daw sila. kakabagot daw.
naghanap ako ng pwede nilang pagka-abalahan. ang una kong nakita?
katabi pala namin yung kumpol-kumpol na halaman ng santan! yipeee.
namitas ako ng isa. sinipsip ko yung dagta. kumuha ng pangalawa. pinakita sa mga little kengkays yung sariwang dagta. at sinipsip ko ulit.
na intriga ang mga bata. ginaya ako. nasarapan. inulit-ulit.
ayun, patululoy ang bolahan namin nung ka-opismeyt ko.
habang kumakapal ang bundok ng mga butil ng santan na kanilang nasipsip!
hay, gusto kong kunan ng video habang ginagawa nila yon.
parang nakikita ko ang aking sarili nung mga edad nila ako. nabubusog kami sa dagta ng santan!
natigil din ang chikahan namin. nainggit kasi kami. at natakot na maubusan ng santan.
kaya ayun, todo sipsep na rin kami!
slurp!


haahaha..ako din..naalala ko noong una after school doon ako tumatambay sa malaking bahay malapit sa amin.may garden sila puno ng santan..ayun..ginagawang snacks after school ang garden.ahaha
Comment ni Maldito — Marso 10, 2010 @ 9:57 hapon |
ako naman pag-uwi galing sa school, sa may likuran ng bahay namin, merong santan dun. dun kami parang bubuyog, hehe. libre pa snacks.
Comment ni kengkay — Marso 11, 2010 @ 12:18 umaga |
Howdy kengkay, hnd mu b nbAsa ang karatUla? “d0n’t pick fl0wers” haha, agawan b tla ang paru-paru’t bubuy0g?
Exchange links nMn tau oh, here mine, http://maquoleet.blogspot.com i’ll add you to my link list ah…
Comment ni Nasty Delinquent — Marso 11, 2010 @ 12:13 umaga |
wala karatula, mabuti na lang. am sure kasi yun din ang panghimagas ng mga tao dun, hahaha
Comment ni kengkay — Marso 11, 2010 @ 12:18 umaga |
Hi Kengkay, been following your blogs since.. err, last year? Nagbabasa lang kasi ako, hindi masipag magkoment. Sumisipsip din ako ng santan, pero mas magkokoment ako sa laitan ng magkaibigan.
Dun mo siguro masusukat ang tunay na magkaibigan kapag nalalait mo na sila ng sobra pero napagtatawanan nyo lang. Minsan may friend akong na-meet accidentally sa mall, eto ang bati nya sa akin:
“Salbehe, walanghiya ka. Bakit mukha kang nagka-cancer?”
Ibig nyang sabihin pumayat lang ako.
Comment ni salbehe — Marso 11, 2010 @ 1:28 umaga |
hahaha, sige sunod na post ko tungkol dyan sa laitan na yan. at salamat sa comment.
Comment ni kengkay — Marso 11, 2010 @ 3:33 umaga |
ako rin, madalas namin sinisipsip ang katas ng santan. pero sa panahon ngayon, wala ng makitang santan sa lugar namin. pati puno ng aratiles inaakyat namin.. wooohoo.. memories….
Comment ni shynyrd — Marso 11, 2010 @ 9:07 umaga |
lol. i kind of did this when i was younger, pero lately, i haven’t seen santans around.
brings back memories.
Comment ni slaveboi — Marso 12, 2010 @ 1:34 umaga |
Sa freight ka pala dating nagwork te
…
Manny Pacquiao Vs Joshua Clottey – Road to Dallas Video
Comment ni Gabriel — Marso 12, 2010 @ 12:36 hapon |
ay oo… katuwa ngang sumipsip ng nektar ng santan noon (at least nung kabataan ko… ewan lang ngayon kung hitik na siya sa toxins o anupaman.) heniwey… either santan, o aratiles, o bubot na bayabas — yan ang “street food” dati
Comment ni taroogs — Marso 12, 2010 @ 5:22 hapon |
ayos sa pampaligaya. wahahaha
naalala ko yang santan ay gamot daw sa may goiter, kaya laging nanghihingi yung kapit bahay namin noong bagong opera siya.
Comment ni hitokirihoshi — Marso 15, 2010 @ 8:06 umaga |