jan 27 – tumawag ang anak nung aming kasama sa bahay, masakit daw ang tyan
jan 28 – dinala na daw sa isang district hospital, walang doctor na pwedeng magopera; tinuro sa PGH dahil dun daw may surgeon. inabot ng hatinggabi, walang nangyari. kasi waiting list sya.
jan 29 – bumalik ulit sa district hospital, wala pa rin daw surgeon. pinapupunta sa jose fabella memorial hospital. cavite sila nakatira. sa palagay ninyo, madali yun? sabi ko dun sa kasama namin sa bahay, siguraduhin munang may surgeon sa jose fabella bago magpunta; kundi ang layo ng biyahe mantalang sakit na sakit na yung bata sa kalagayan nya
e ano ba daw ang lagay? 7 months pregnant, pumutok ang appendicitis.
hindi nga kaya ng district ospital kasi delikado. kaso mo, tatlong araw ng paikot ikot yung bata. na buntis pala. na pumutok nga yung appendicitis.
jan 29 – nagdesisyon na ipasok na sa isang private hospital sa las pinas. alas gis ng umaga may tumawag sa akin. si kengkoy, tumawag daw yung kilala naming doktor, kung pwede daw i-guaranty namin yung pasyente. sabi ko, ano desisyon mo? sabi ni kengkoy, 5,000 lang naman daw, ako na magdesisyon.
tinawagan ko yung doktor. sabi nung doktor, delikado nga daw. buntis at may appendicitis. kung pwede ba daw i guaranty ko yung 5,000 na deposit. sabi ko, sige, i guaranty namin. pero nakiusap ako na bigyan ng malaking discount kasi walang wala talaga yung pamilya. oo naman daw.
feb 1 – dapat discharge na yung pasyente. okay yung operasyon. pwede na umuwi.
kaso, nagkagulo. ang hospital bill e 49,978 pesos; may konting philhealth naman sila na nabawas na rin. saan naman kukuha ng halos 50 thou ang isang mahirap na pamilya? e yun ngang 5 thou guaranty lang namin e.
ayaw palabasin pasyente. bayad muna.
kinausap ko yung doktor na kilala namin. kung pwedeng hulug-hulugan. di daw pwede. sabi ko, yung sweldo i dederetso ko sa kanila. ayaw pa rin tanggapin. ang gusto, post-dated checks daw.
tinanong ko kay kengkoy. hindi pumayag. dapat daw magtiwala na lang na ibibigay bawat sweldo yung bayad. ayaw pumayag pa rin pumayag yung doktor. natatakot na sila na madagdagan yung bayad sa hospital dahil nga ayaw pa palabasin. pumayag yung doktor na sya na ang bahala, basta lang maayos.
sabi ko dun sa kasama ko sa bahay, kausapin nya yung mga doktors na tumingin sa anak nya, pitong doktor po ang tumingin sa anak nya. humingi ng discount, o kahit ipalibre na lang. kasi nga, wala naman talaga silang pera e.
feb 2 – tumatawag yung doktor. kami daw nag guaranty dun sa pasyente. kaya daw nya pinayagan na dun ipasok at operahan ay dahil kami daw ang magbabayad. sabi ko sa kanya, nag guaranty lang ako ng 5,000 pesos na deposit.
sabi nung doktor, bakit daw hindi na lang namin bayaran. post dated checks. kawawa naman daw sya kasi mapapahiya sya. maaawa ba kayo? ako hindi. sabi ko sa kanya, ibibigay na nga yung sweldo sa kanila e, yun lang ang pwedeng gawin. ayaw pa rin.
feb 3 – tawag tawag na naman. bayaran na daw namin. nagpunta na yung kasama namin sa bahay sa dswd. humingi ng tulong. nakakuha ng appointment sa pcso. tinulungan ng isang social worker. inimbestigahan ang buhay nila. nadiskubreng wala talagang pera. pwedeng mag apply sa pcso. tawag ulit yung doktor, bayaran na daw namin ng cash yung doktor’s fees – ang babayaran lang daw dapat ng pcso yung mga gamot.
feb 4 – andun pa rin yung pasyente. kinausap ng kasama namin sa bahay yung social worker sa private hospital na yon. humihingi rin ng tulong. ang sagot ba naman sa kanila ‘e alam nyo namang private eto, bakit kasi dito nyo pa pinasok.’
tama ba namang mga salita yun? lalo pat social worker ka?
sa ospital, ayaw pang i-release yung papeles para sa processing sa pcso. tawagan ulit. kausap ko si doktor, bayaran na daw namin at mapapahiya na sya talaga. sabi ko sa kanya, same same, babayaran ng hulugan yung bills. ayaw.
tumawag yung accounting department sa akin. nakikiusap. bayaran na daw namin. kawawa naman daw si doktor. mababawas yung sweldo. sa tingin ninyo, sino mas kawawa pag walang sweldo? hindi ako naawa. sinabihan ko yung accounting department — kayo naawa kay doktor, dun sa pasyente ninyo na walang pera hindi kayo naawa? ayun, binagsakan lang naman ako ng telepono. professionalism is not evident!
feb 5 – andun pa rin pasyente. pumayag yung pcso na bayaran yung bills.
tinawagan yung accounting department ng hospital ng mismong taga pcso. sinabing babayaran sila.
pagdating sa ospital nung kasama namin sa bahay, patunayan daw muna nila na babayaran ng pcso yung bills. edi ba nga tumawag na yung taga pcso? ano ba talaga ate?
nakalabas din ang pasyente. pero hanggang ngayon, yung nanay nya ay pabalik balik pa rin sa pcso. pipila ng alas kwatro ng madaling araw. uuwing bigo. walang tseke.
e hindi mo rin masisi kung bakit hindi sila paniwalaan ng ospital. e tatlong beses ng pumila hanggang ngayon hindi pa rin umaabot para sa tseke ng pcso.
ang dami daw kasing nakapila. tapos ng cut off pa. yung iba daw taga probinsya pa.
calling psco! alam nyo namang maraming dumudulog ng tulong sa inyo, bakit kaya hindi na lang kayo maglagay ng provincial offices para hindi na rin gumastos yung mga taong wala na ngang pera e kailangan pang sumadya ng maynila para lang makahingin ng tulong sa inyo?
atsaka, alam nyo na naman siguro, dahil obvious naman sigurong ang haba ng pila sa inyo. bakit kaya gawan nyo ng ibang systema yang pagbibigay ninyo ng tulong? tatlong beses ng pumila sa inyo, walang naiuwi. kaya naman ayaw din manila ng mga nag aantay ng bayad ninyo kasi nga, walang kasiguraduhan kung kailan darating yung bayad talaga.
at sa mga private hospitals naman, maging tunay na anak tayo ng Diyos.
at sa mga nag-aakalang porke may kakilalang dayuhan; hindi po lahat ng dayuhan ay may pera. at kung may pera man, hindi po sila charity houses.
at dun sa doktor na inipit-ipit yung kasama namin sa bahay dahil alam nyang dayuhan ang amo — dapat sinabi mo na agad na ganito — pera muna para operahan namin yang pasyente. kasi kung hindi, nyenyenye!
ang sama mo doktor. sinisi mo pa kami na dyan nilagak yung pasyente, di naman pala namin babayaran. samantalang, ikaw ang isa sa may-ari ng hospital na yan, wala kang magawa? o ayaw mo lang talagang gumawa?
kelan pa nauna yung pera kesa sa tungkulin ninyong mga doktor na mag-sagip ng buhay? sa mga ganitong doktor, operahan ninyo sarili ninyo, may kulang na sa inyo. ang puso ninyo at kaluluwa. hanapin ninyo, daliiii. bago kayo masungkit.


Keng, nakakaiyak sa inis itong doctor at ospital na ito. hay, puro pera lang ang habol nila. grrr!
Comment ni julie — Marso 18, 2010 @ 2:50 hapon |
alam mo nung nangyayari ito, hindi ako makapaniwala talaga. hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala.
Comment ni kengkay — Marso 18, 2010 @ 11:16 hapon |
Hello Kengkay!
Ngayon ako napadayo dito sa pook-sapot mo. Nakita ko kasi ang sapot dun sa FB mo. Nacurious ako bigla sa taytol.
Grabe ang experience na yan. Totoo ang sinabi ng isang health expert: failure ang philhealth, failure ang healthcare system sa ating bansa. kawawa talaga ang mga common juan.
Comment ni Silver — Marso 18, 2010 @ 3:04 hapon |
naku, bat di mo sinabing dumaan ka pala, sana nakapag-kape-kape man lang tayo, hahaha
alam mo bang hindi lang ang common juan ang kawawa, pati yung mga may pera kawawa din. lalagyan ng isang dosenang doktor, sempre babayaran mo yun lahat. dadaanin sa kung ano anong tests, babayaran din yun. patitigilin ng matagal sa ospital, babayaran din yun. bibigyan ng mahal na gamot, babayaran din un.
kaya kapag galing sa pinas na yung bills ng mga dayuhan, questionable na agad yon. kilalang kilala na tayo! kakahiya ano?
Comment ni kengkay — Marso 18, 2010 @ 11:18 hapon |
parang familiar sakin yung story na yan ahh… yikes.., mga 2 years ago – yung friend ko, ganyan ganyan yung experience sa hospital, kasambahay din – buntis, hindi inasikaso agad, then namatay ang baby. madaming dugo nawala rin sa knya. grabe… kung sana naasikaso agad hindi mangyayari yun
Comment ni Charissa — Marso 18, 2010 @ 5:06 hapon |
sa huli, sino kaya ang mas kawawa talaga? yung mga naghihirap o yung mga nagpapahirap sa kanila?
Comment ni kengkay — Marso 18, 2010 @ 11:21 hapon |
I remember ate noh bata ako!!! at yun lola ko dinala namin sa PGH para ipagamot kasi nga daw doon magagaling ang doctor at that time gipit ang family ko… akalain mo te! pinipilit kami na ilagay po sa private room na tag 1500 ang isang araw plus doctor fee kahit sinasabi ng magulang ko na gipit sila at sinabi hindi magagamot ang lola ko kung hindi kami lilipat ng private room kasi puno na daw po hay!!! totoo nga po siguro na mahirap maging mahirap…
Comment ni Gabriel — Marso 18, 2010 @ 6:16 hapon |
cash register muna yata ang nakikita ng mga ospital ngayon e. alam na naman nilang maraming may ganyang kaso, bakit kaya di sila maglagay ng budget para sa mga ganyan? o kaya magkaron ng systema kasama ng gobyerno. umaasa pa ako na may pagbabago
Comment ni kengkay — Marso 18, 2010 @ 11:22 hapon |
Talagang napakawalang kwenta ng health care dito sa atin. Nakaka asar when I read stories like this. And talagang maraming horror stories na ganito, lalo na sa provinces. My God.
Comment ni slaveboi — Marso 19, 2010 @ 1:36 umaga |
Talagang mahirap maging mahirap…gipit na lalo pang ginigipit lalo pa’t may sakit ka. Ganyan ganyan ang palaging nangyayari sa mga kamag-anakan kong mahirap din…pag sa public hospital dinala, either walang capabilities yung hospital na gamutin yung may sakit, walang doktor or walang gamot. Kelangan dalhin sa semi-private or private hospitals na mga “pera pera” lang bago ka i-admit. Nung 2008, na-ospital ako, kung wala akong HMO galing sa employer ko, eh 3 araw lang ako dun dahil sa typhoid fever, 22k pesos ang bill ko, less philhealth pa. naknangtokwa silang lahat. asan na ung tax ng mga Pilipino? kahit sa healthcare man lang makita sana. Kaya halos lahat ng makausap ko, gustong lumayas ng Pinas dahil isa ito sa dahilan….
Comment ni mousmous — Marso 19, 2010 @ 1:52 umaga |
Damn! Grabe na talaga situation dito sa pinas mo? Pero GrAbe yang ospital na yan. KAPAL NG MUKHA!!!
Comment ni Callcenterguy — Marso 19, 2010 @ 3:03 umaga |
hmm.. ksad nmn ng pangyying iyan,,
naku nku mhrap tlgang magkskit..dpt doble ingt..
anu p bng maasahan mo s gobyerno?! grrrr.. sna my mging krapat dpat n ang muling uupo bilan pangulo dhil dun magccmula ang pagbbgo.. mrhil nd gnun kdli pero atlist macmulan nmn…
Comment ni kayedee — Marso 19, 2010 @ 7:33 umaga |
alam mo kenks bihira nalang tlaga ang doktor sa pinas na may puso. minsan pagpupunta ka ng hospital titingnan ka muna mula ulo hanggang paa kung tatangapin ka ba nila. yan ang hirap sa pinas naghihirap na nga lalo pang pinapahirapan. tsk!
Comment ni scart — Marso 19, 2010 @ 8:08 umaga |
parang ang karamhinan yata ng mga duktor na may puso ay nag-abroad na
buti pa ang mga dayuhan, nakikinabang sa kanilang maayos na pangangalaga… samantalang yung mga pinoy…
haays.
Comment ni taroogs — Marso 19, 2010 @ 10:19 hapon |
taroogs, kapag nagkasakit dito ang mga dayuhan, uuwi silang wala ng pera at may reklamo pati yung health card nila sa kanila kasi nga uubusin din ang pera sa mga walang karapatang diagnostics, check ups, at kung ano ano pang gamot at treatments na hindi naman kailangan, ang dami ko ng alam na kasong ganyang. buti sana kung buhay din yung dayuhan nila sa pera, nila, minsan daw e uuwing halos wala na ring buhay!
Comment ni kengkay — Marso 22, 2010 @ 8:52 umaga |
may naalala tuloy ako mommy kengs.. ayaw ko nalang isipin din eh.. kamamatay lang nang nanay ko last mar 6, na confine sya sa hospital.. porke mahirap lang kami di naasikaso mabuti nanay ko .. naghihingalo na daw nanay ko, yun doctor parang naglalakad pa daw sa buwan.. ayun.. di na naasikaso nanay ko.. NAMATAY..pasalamat sila at wala ako doon nung namatay si nanay…
nakakalungkot talaga dito sa pilipinas.. wala ka na ngang pero kakawawain ka pa talaga..
Comment ni Lambing — Marso 20, 2010 @ 2:40 umaga |
sa buwan naglakad yung doktor, baka kailangan na syang ilagay din sa basement. sorry to know this story, lambing. hugs. wala akong masabi kasi nga, andaming ganyan. sana may makarinig sa mga tawag ng mga taong nangangailangan ano?
Comment ni kengkay — Marso 22, 2010 @ 8:50 umaga |
ang pilipino talaga ang pumapatay sa pilipinas, sa kapwa natin pilipino. may pag asa pa kayang magbago?
Comment ni analyse — Marso 20, 2010 @ 12:15 hapon |
may pag asa pa. dapat meron, kasi may mga sanggol na isinisilang pa sa mundo, kasama na dun yung mga anak natin.
Comment ni kengkay — Marso 22, 2010 @ 8:49 umaga |
mami kengks, sabihin mo lang, pwede naman kaming mga ofw na mag-ambag ambag. fund-raising baga.
Comment ni roni — Marso 20, 2010 @ 2:45 hapon |
hi roni, maraming salamat sa kay sarap na iniwan mong comment, sa sunod, kakalabitin ko kayo
Comment ni kengkay — Marso 22, 2010 @ 8:48 umaga |
Hi Keng and friends,
Nabasa ko yun story at pati mga comments at hindi ko mapigilan sarili ko na mag comment. Gusto ko lang magpakita ng iba pang pananaw sa sitwasyon na inilahad and pinaguusapan.
Ang Kalusugan ay unang-una karapatan at responsibilidad din. Its our right to live a healthy life and it is also our responsibility to keep our self healthy.
Ang gobyerno natin ay ginagawa ang lahat na posible sa budget ng health para mabigyan ng tulong lahat. Mahirap o mayaman man. Ito yun PhilHealth. Hindi lang PhilHealth ang nariyan. Nariyan din and Health Department na matatagpuan sa mga health centers sa buong kapuluan. Meron din namang mga private clinics at hospital. Ang mga health workers (kabilang ang mga doctor) ay mga tao din na may pangangailangan din. At sila din ay may kalusugan na pinangangalagaan.
Totoo na may mga “bad attitude” at mga “bad policies” ang ibang mga private clinics o hospital pero may mga batas naman na mangangalaga sa mamayan laban sa mga maling policies or attitudes ng mga health workers.
Kailangan lang na gamitin natin itong mga batas na naririyan na. Mag file ng complain kung may dapat i-complain. Incident report or complain forms will do. Yun mga private hospitals na mamahalin ang mga gamit at facilidad ay talagang mahal maningil kasi malulugi sila kapag hindi nila nakuha yun ROI ng kanilang investment sa pagtayo ng ospital. Sa mga doctor namang private din ay nagbabayad sila ng rights to practice sa mga ospital na privado sa halagang umaabot sa milyon-milyong piso. Hindi nila mababawi iyan kung bagsak presyo ang kanilang professional fee. Malulugi sila at hindi na yan mag dodoktor, baka magtinda na lang ng hardware.
Meron namang mga public hospital na may mga gamit na pinopondohan ng PhilHealth at ito ang nararapat gamitin ng mga kapos palad kasi mura o kung hindin man libre ang doctor at mga gamit dito.
Kung hindi tayo kuntento sa gamitong sitwasyon dapat mag lobby tayong lahat na itaas ng gobyerno ang national buget sa Health from 1.1% lang sa kasalukuyan to dapat at least 30% para ma upgrade and mga public hospital at madagdagan ang mga doctor, nurses, at mga gamit sa mga public hospital na ito.
Malapit na election kaya dapat itanong natin sa mga candidates kung ipaglalban nila ang karagdagang budget sa health. Kung hindi eh huwag nating iboto. Example, meron kanditato taga Las Pinas na hindi naman natulungan maging regular employees ng city health office ang kanilang mga doctor. Ilang taon na contractual pa rin sila at wala halos magna carta pay natatanggap pero ang kanyang campaign commercial ay nagsasabi na itataas daw nya mga sahod ng doctor at nurses.
Kung gusto nating mabago ang health care system dapat magtulong tayo ng baguhin ang priority budget ng gobyernong ito. In the end, nasa atin din ang pagkukulang….hindi natin binago ang mga nakaupo…puro mayayaman sila dun sa taas nakapwesto sa gobyerno kaya hindi nila alam ang hirap dito sa baba.
Armando Lee
Physician-In-Charge
Malibay Health Center
Pasay City Health Department
Comment ni Arman — Marso 25, 2010 @ 12:42 umaga |
hi arman, mabuti naman at may nagcomment na sa ibang banda nakalagay. alam mo tama ka rin naman e. ang talagang kailangang maglagay ng paraan e yung mga nakaupo sa gobyerno dahil hindi naman pwedeng libre na lang lahat kundi wala na rin talagang mangyayari sa buhay natin sa mundo.
tama ka rin na responsibilidad natin sa ating sarili na panatiliing malusog ang ating katawan, kasi, sino ba naman ang may gustong maging sakitin di ba? kung sino ang mga may bisyo, alam dapat nila ang magiging parusa non sa katawan nila. kung sino ang hindi matinong kumain at mag aruga sa katawan nila, may lalabas talaga na sakit.
kaya ang summary talaga, kahit mahirap, dapat arugain din ang sarili. walang excuse yan. ang mga asa gobyerno, dapat ayusin ang pangangailangang pangkalusugan ng mga kapwa nito. walang excuse yan. ang mga doctor at mga health practitioners, dapat maging responsable at magtulungan para maging maayos ang kinalalagyan nila at ng mga masasakupan nila. ang mga naniningil dun sa mga taong wala namang kinalaman sa mga ginastos, pwede ba? wrong number po kayo!
salamat arman! naliwanagan ako, am sure may mga ibang maliliwanagan din!
Comment ni kengkay — Marso 25, 2010 @ 8:13 umaga |
teka pala, si arman po ay isang kababata ko na ngayon ay isa ng doktor!
Comment ni kengkay — Marso 25, 2010 @ 8:14 umaga |