Kwentong Kengkay

Enero 24, 2012

Beware Foreigners: Makati Police Modus Operandi

Nakita ko sa Facebook Wall ng isang mabuting kaibigan:

WARNING: My husband was a victim ng Modus Operandi ng mga pulis sa Makati Ave. area. He was standing by the sidewalk talking on his mobile, he was with a buddy when a small framed woman in her spaghetti & maikling shorts bumped him from his behind. . . the rest is history, I found myself at the precinct dealing with these cops & robbers! After our case, another Briton came with his car keys being handed to the desk officer, for what? He told me his story & the rest again was history..kelan to titigil? FOREIGNERS talaga ang target? can u say that u r PROUD of BEING A FILIPINO?

Hindi magandang balita di ba? Lalo pa kung itinutulak natin ang proyektong more fun in the Philippines. E mukhang ayaw sumali ng ilang sektor. Ang masama, yung sektor pa na tapat ay mayroon tayong tiwala at respeto. Kawawa naman tayo.

Anyway, tinanong ko ang kaibigan ko kung ano talaga ang kwento. Sinabi naman nya. At ang nakakalungkot, sinabihan nya ang isang kakilalang pulis Makati tungkol sa modus operandi na ito. Ang sagot ng mismong pulis Makati? Sabi nya ay notorious daw talaga yung police station na iyon sa ganyang masamang gawain. Minsan ay isang German national naman ang biniktima nila, extortion, at na-media pa daw. Ang resulta? Nasibak ang officer sa presinto na iyon Police Community Precinct (PCP) 9 na malapit sa P. Burgos St. Makati City. Ang kaso, mukhang naipamana yata ang masamang ugaling extortion?

Eto ang buong istorya ayon sa aking kaibigan:

Ang asawa nyang banyaga ay nakatayo sa sidewalk at may kausap sa kanyang mobile phone. Bigla na lang may bumunggo sa kanyang likuran. Nung lumingon sya ay nakita nya ang isang maliit na babae na naka-spaghetti strap na blouse at maiksing shorts na may kasamang dalawa pang babae..

Nagtaka ngayon ang asawa nya kung bakit sya binunggo. Pero ang pinagtataka nya e ayaw pa rin umalis sa tabi yung babae, nakadikit pa rin. Kaya naman tinabig nya sa balikat. At dahil malaki ang asawa ng kaibigan ko, may impact yung tapik na iyon. E lalaban pa yung babae kaya tinapik ulit sa balikat. Ang kinalabasang kwento nung babae sa pulis ay na-twist daw yung kamay nya. Na hindi naman totoo dahil may mga barangay tanod na nakakita.

Sa presinto, nagtatalak ang babae dahil hinaharass daw sya. Gigil na gigil ang babae. Ang sagot naman nung asawa nung kaibigan ko, ipa-pa-medical sya kung nasaktan sya. Ayaw naman kasi wala namang maipakitang pasa, galos o ano pa mang sakit sa katawan yung babae. Lumabas na ang mag-asawa sa presinto (dumating na kasi yung kaibigan ko sa presinto) dahil gusto nilang dalhin sa ospital ang babae. Kaso walang pulis na lumalabas kaya antay pa rin sila.

At dahil madaling araw na at ayaw ng magtagal ng mag-asawa sa presinto, kinausap na nung kaibigan ko yung babae. Tinanong kung magkano ang kailangan. Prangkahan na. Ginawa ito ng kaibigan ko kasi yung isang pulis ay nag-nenegotiate. E ni wala pa namang kaso na nailatag!!!

May isang sumabat na CIDG (Criminal Investigation and Detection Group ng Philipine National Police) daw sya. Ang kanyang offer, 20,000 pesos daw!!! (Swerte ano? Ang laki ng kita!!!). Edi nagalit yung asawa, e kung ako yun magagalit din talaga ako. Dagdag pa ng CIDG, tumutulong lang daw sya kahit na hindi sya on duty (pero amoy alak at kasama pa si misis).

Nakipag-negotiate din ang kaibigan ko. Tatlong libo ang offer nya para lang maka-uwi na. Dinagdag pa nya na kung ayaw nila tanggapin yung pera ay iiwan nya ang banyaga nyang asawa sa precinto. Pinagdiinan din nya na sya ang may pera at hindi yung kanyang asawa. At siyempre, inulit nya ring wala naman syang kaso.

Sa babaeng nakashorts ay sinabihan nyang dalawang libo ang ibibigay nya. Ang kaso bago magdesisyon ay tumitingin pa sa pulis para bang nanghihingi ng abiso. Inulit ng kaibigan ko sa babae na sa kanya dapat makinig dahil sya ang magbibigay ng pera.

Ang ginawa ng kaibigan ko ay inabutan ang pulis ng isang libo (1,000) para umalis. Ayun, umalis naman ang pulis. Inabot ng kaibigan ko ang dalawang libo (2,000) sa babae at sinabihang huwag na bibigyan yung mga pulis.

Ang sagot ng babae? E para sa kanila nga po ito e. Tinanong ng kaibigan ko kung sino ang leader. Ang sagot? Ang desk officer ng precinto.

Bago pa man maka-uwi ang mag-asawa ay may dumating na isang Briton na ang sabi ay bigla na lang daw pumasok yung isang babae sa kotse nya at offered to give him a B— J–! E ayaw nung banyaga, nag-hysterical daw yung babae at kung ano-anong drama ang nangyari. Pagdating sa presinto, ibigay nya ang susi ng kotse sa pulis. Ang problema nya ay hindi nya alam kung papano i-explika sa GF nyang Pinay na isa syang biktima at hindi sya ang nag-pick up nung babae! (Kung ano man nangyari sa Briton na iyon….)

Para hindi mahulog sa ganitong modus operandi? Huwag patulan. Iwasan. Umalis agad at huwag na huwag makipag-diskusyunan.

At kung naka-upo naman sa kotse? Palabasin agad. Kung hysterical naman ay huwag patulan. Keep calm.

Sana naman ay mahinto ang ganitong modus operandi. Sa mga pulis na may ganitong ugali — kaya nyong ipakain sa mga anak ninyo ang perang galing sa masama? Lalo pa, galing sa isang gawain na lumalabag sa inyong trabaho bilang pulis?

Basahin din ito: CLICK

ENGLISH VERSION TO FOLLOW….

Mga Puna »

  1. Kahiya-hiya talaga etong bagong modus operandi na eto pero isa lang eto sa dami ng gimmick sa Pilipinas. Salamat sa warning!
    Mali talaga ang slogan natin na “More fin in the Philippines”.

    Comment ni Makis — Enero 25, 2012 @ 12:13 hapon | Tugon

    • alam mo makis, yang mga ganyang tao, walang kunsiyensya :-(

      Comment ni kengkay — Pebrero 9, 2012 @ 7:58 umaga | Tugon

  2. Up to now pala meron pa rin ganyan extortion sa makati ave, my husband’s cousin, he was a balikbayan was also one of the victims that was 5 years ago.

    Comment ni gigi bacud — Enero 25, 2012 @ 9:10 hapon | Tugon

    • kakainis, di ba, gigi? kelan kaya mawawala yang ganyan?

      Comment ni kengkay — Pebrero 9, 2012 @ 7:58 umaga | Tugon

  3. nakakahiya, pero totoo ngang may ganyan sa ating bayan.. mga kapulisan pa naman sila.. sana ay masugpo ang masamang gawain na yan..

    Comment ni potsquared — Enero 26, 2012 @ 7:33 umaga | Tugon

    • sana nga masugpo sila. maglaho sana sila sa mundo ngayon din.

      Comment ni kengkay — Pebrero 9, 2012 @ 7:59 umaga | Tugon

  4. Oh no. At nagtataka sila kung bakit pangit ang imahe ng pulisya. Ang sasama nila. Sana lang nabubusog sila sa maduduming perang kinikita nila sa ganya. Sana hindi na lang sila nag-aral, kasi nakakahiya, mga edukado pa man din sila, ganyan kung umasta. Nakakahiya. Ang sama sa loob isipin na kung ano mang effort ang gawin ng bansa natin meron at meron pa ding mabahong isda dun sa sulok. Mga gahaman! Sana madapa kayo tuwing uuwi kayo sa bahay niyo. Araw-araw at gabi-gabi sana kayong madapa hanggang sa mabura na yang mga mukha niyo.

    Comment ni akda — Enero 27, 2012 @ 11:55 umaga | Tugon

    • naway mabura nga yang mukha nila at maglaho ang kanilang maduming katawan sa mundong ibabaw.

      Comment ni kengkay — Pebrero 9, 2012 @ 7:59 umaga | Tugon

  5. Grabe naman yan!~ dami talagang masamang tao sa mundo! Sobrang nakakahiya na talaga ang imahe ng pulisya sa Pilipinas!

    Comment ni anney — Enero 28, 2012 @ 3:35 hapon | Tugon

    • sana ayusin nila ano? mas maraming grasya kapag mabuti ang gawa.

      Comment ni kengkay — Pebrero 9, 2012 @ 8:00 umaga | Tugon

  6. tsk tsk bakit naman ganun? talamak na ba talaga ang pagkadesperado ng mga halimaw na yan sa pera? kaya nga po ung BF kong Finnish, eh ayaw na bumalik dito, may mga hindi magandang experiences na kasi sya before, ako na lang daw ang pupunta sa Finland hehe….kaso ang lamig naman dun :( sana maalis na sa serbisyo ang mga hindi na nga tumutulong, nakakaperwisyo pa haiiisssttttt………………….

    Comment ni ako po ito — Pebrero 4, 2012 @ 4:13 hapon | Tugon

    • naku pumunta ka sa finland mas maranasan mo ang buhay dun. pero summer time o kaya spring time ka magpunta para masanay muna ang katawan mo sa konting lamig.

      Comment ni kengkay — Pebrero 9, 2012 @ 8:00 umaga | Tugon

  7. kakaiba talaga! ang iba gusto more fun in the philippines, pero sa mga modus operandi na yan na nakakahiya, wag naman nilang gawing, onli in da pilipins! tsk tsk. :(

    Comment ni docgelo — Pebrero 6, 2012 @ 2:05 hapon | Tugon

  8. meron din silang modus ngayon sa Makati na Police Holdaper at foreigner pa rin yung mga victims nila.
    This is from the real scene:

    Late at night when my boyfriend and I decided to eat at Mcdo Buendia. while walking along Dela Rosa Makati we saw a cab making U turn to the wrong side of the street..and then there was also a two guy wearing police uniform followed the cab we saw that this so called ” police man ” are the one telling taxi driver to make U turn. We thought that time maybe the taxi driver did mistake, we’re expecting that the two so called ” police ” will act the same thing we always saw whenever there is a driver commit usual mistake in the road. So, nagulat na lang kami after sabihin nung Police na ” asan ang lesensya mo ” sa driver eh bigla na lang sumakay yung dalawang naka uniform na Police sa taxi, yung isa sa front seat beside the driver then yung isa pa katabi ng Indian national sa likod kasama yung Filipina. At that point alam na namin na may mali..pag alis nung taxi kasama of course yung dalawang pasahero tsaka yung dalawang naka Uniform na police pumasok na kami sa loob ng Mcdo, after 30minutes or less we decided to go home na..pag labas namin ng fastfood na yun nakita namin yung Filipina and yung indian national na nag lalakas pabalik sa place kung saan sila pinara nung dalawang lalaki na naka uniform ng pulis. Those moment pinapalibutan na sila ng mga tao na nakakita rin ng eksena..hanggang sa na confirmed na nga namin mula sa kanila na Holdaper yung mga sumakay sa taxi nila, tinutukan daw ng baril yung indian national nung isa sa mga lalaki at ang nakuha daw sa kanila almost $600 and important documents like passport etch.

    WTF! bakit ba pataas na lang ng pataas ang krimen ngayon, ano ba ang ginagawa ng mga totoong Police dito sa Pilipinas? o maaari ba na pati Police ngayon eh holdaper na??!! sabihin na nateng nag papanggap na pulis lang yung mga yun..puro babala na lang ba yung makukuha naten sa gobyerno at hindi na sila gagawa ng aksyon regarding sa mga issue na ‘toh?! Wala abng gagawin yung kapulisan naten dito kundi hayaan lang dungisan ng kung sino yung UNIFORM nila..?? o maaaring sila2x mismo ang mga holdaper! Grrrrrrrrrrrrrr………

    Mahiya naman yung mga gumagawa nito. Tapos sasabihin nyo pa na IT’s MORE FUN in the PHILIPPINES?????!!!!

    Comment ni anonymous — Pebrero 15, 2012 @ 11:06 hapon | Tugon

    • feel na feel ko ang galit mo. pero sa totoo lang, nakakagalit talaga lalo na kapag ma-witness mo ang mga ganito. sana sa mga nakakakita ng ganyan, i report nyo agad sa pulis. kahit na walang gawin yung pulis, at least naka-blotter yung nangyari.

      we citizens should be concerned, kaya dapat tayo ang kumilos. kasi wala na tayong inaasahan di ba? so tayo tayo dapat ang magtulungan. salamat sa pagiwan ng komento.

      Comment ni kengkay — Pebrero 16, 2012 @ 8:52 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers