mga kapatid, pagkakataon na para maipagmalaki ang pinas at kailangan ko ang tulong ninyo
ang aking little kengkay ay naatasang mag-report tungkol sa pinas. as in, special request ng kanyang titser. imagine, lahat ng kanyang kaklase ay tungkol sa alemanya ang dapat na i-report pero sa kanya naiba ang ihip ng hangin, talagang may interes ang mga titser at ang kanyang mga kaklase sa pinas.
ngayon eto ang tanong ko. para sa inyo, alin ang top 10 destinations sa pinas?
mayron akong sariling listahan pero hindi sya partikular e at kulang pa ng dalawang destination:
boracay dahil sa beach, palawan dahil sa underground river, bohol dahil sa chocolate hills, cebu dahil sa beach, batangas dahil sa diving, batanes dahil sa kakaibang tradisyon, mountain province dahil sa rice terraces…
ano sa tingin ninyo? aling destinasyon ang dapat naming isali sa kanyang report para naman dumami ang turistang alemanya na pupunta sa ating bansa dahil sa maganda naman talaga ang pinas, di ba?
sa totoo lang, papuntang thailand kasi kadalasan sa kanila e. sa totoo lang, mas maganda naman ang pinas kaso mo, kulang sa promotion atsaka may konting kulang din sa atin, pero kapag alam nilang maganda sa pinas, malilimutan nila ang mga kakulangan.
salamat sa tulong!

hmmm… napaisip ako. san ba sa pinas may pinakamasarap na pagkain para masama din yun? yung tipong punta kayo dito dahil killer sa sarap ang food dito. woohoo! nako hindi ako makakatulog nyan kakaisip. tsk tsk tsk.
Comment ni PM — Pebrero 24, 2012 @ 12:57 umaga |
suggest ko lang ang:
1. Enchanted River at Tinuy-an Falls sa Bislig, Surigao del Sur
oh diba ang taray..hehe
2. Kumain ng roasted pig/lechon baboy ng Cebu that was held by Anthony Bourdain as the best lechon ever throughout the world
3. Mayon Volcano- Legaspi Albay
4. Beaches sa
- Caramoan Camarines Sur
- White Island sa Camiguin
- Naked Island Siargao
5. Miagao Church – a UNESCO World Heritage Site in Iloilo
hay ang dami pa sa listahan…hehe hope it helps
Comment ni Jenny — Pebrero 24, 2012 @ 2:29 umaga |
hundred islands ng pangasinan, paoay church ng ilocos norte, tubbataha reef ng palawan, bangui windmills ng ilocos norte ule. eto na lang muna, mami kengkay. ‘yung anim, pwedeng-pwede na ang mga binanggit mo. XD
Comment ni L — Pebrero 24, 2012 @ 9:23 umaga |
Dagdag ko na lang ang mga wala pa.
Majestic Crater of Mt Pinatubo
Sagada
Davao Pearl Farm
Tagaytay
Comment ni anney — Pebrero 24, 2012 @ 12:58 hapon |
kung gusto nila ng malapit lang sa kamaynilaan mami kengkay eto ang suggestion ko:
1. Puerto Galera – Mindoro
2. Romblon Islands – (Tablas, Sibuyan, Romblon) sa tatlong isla pa lang na yan magsasawa na sila sa nature tripping, ilog, waterfalls, white sand beaches, mt guiting guiting exploration, marble plantations, etc, etc)
3. Hot Spring ng Laguna
at yung mga nabanggit nila sa taas
Comment ni lyzius — Pebrero 25, 2012 @ 6:52 umaga |
El Nido Resorts
Caramoan Island
Calaguas Island
Boracay
Siargao
Sipalay
Polilio
Nagsasa Cove/Anawangin Cove
Pagudpud / Saud/ Blue Lagoon
Palaui
Bellaroca Island
Mactan, Cebu
Philippine Accommodation
Comment ni John — Pebrero 25, 2012 @ 12:41 hapon |
nakakatuwa naman ang report-presentation ng anak mo! aba, pagkakataon na nga ipagmalaki ang pinas! (tama ka, thailand pa din ang pinakapaborito ng turista dito sa asya)…
para sa akin:
1. boracay
2. cebu
3. tagaytay city
4. batanes (di pa ako nakapunta!)
5. laguna (mga hot springs doon!)
6. quezon (villa escudero FTW!)
7. intramuros, manila
8. bicol (mt mayon–di ko pa napuntahan!)
9. manila bay (for our most glorious sunset, ewan ko na lang kundi hanap-hanapin nila ang pinas!)
10. roxas, capiz (for their freshest and cheapest seafoods! nakapunta ako dyan, sarap! kasi mura na, sariwa pa. lahat ng tinda sa farmers cubao, dyan galing kina mar roxas!)
Comment ni docgelo — Pebrero 26, 2012 @ 11:23 umaga |
http://annzventures.com/coron/
Comment ni Lrn — Pebrero 27, 2012 @ 10:25 hapon |