Kwentong Kengkay

Mayo 6, 2012

Choco Crinkles

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 9:52 umaga
Tags: , , ,

alam nyo ba na bawat okasyon dito sa alemanya, o kahit na walang okasyon, parating may choco crinkles sa aming bahay.

e kasi naman, di pala uso dito ang choco crinkles.

na-diskubre kong walang choco crinkles dito sa mga bakeries nila. nuong una, akala ko ubos lang talaga. pero nung nagsimula akong mag-bake at matikman ng mga kakilala, bilib na bilib sila. ang sarap daw. pahingi daw ng recipe.

naks, feeling ko ako ang naka-diskubre ng choco crinkles talaga! at iyan din ang dahilan kung bakit ako natutong magluto at magbake bigla. kasi yung mga nakasanayan nating pagkain sa pinas (na may impluwensya ng amerika) ay hindi uso dito sa alemanya. pati kamo ang paborito kong blueberry cheesecake at blueberry muffin ay iba ang presentasyon nila dito. sabi ko dati, mas masarap at mas matamis sa pinas. mas marami kasing keso atsaka siyempre, fresh yung prutas, na hindi ako sanay. ngayon, sanay na din, op kors.

mabalik tayo sa choco crinkles. kapag nagbe-bake ako ng choco crinkles, akala mo may darating na buong barangay sa bahay namin. doble o triple ang batches na ginagawa ko.

kasi kadalasan, ginagawang baon ng mga anak ko para sa school. ang mga little kengkays, dinadagdagan nila kasi nagpapalitan sila ng mga classmates nila. choco crinkles in exchange for??? ganun!

at siyempre, pang almusal, pang merienda, pang-himagas. oo, sinasawsaw yan ng mga anak ko sa tsaa!

at minsan, pang-regalo sa mga titser nila. pang-regalo kapag may nag-imbita sa amin. pang-regalo kapag may inimbita kami. pang-regalo kapag may okasyon, basta!!!

parating frozen choco crinkles na nakalagay sa container o plastic na naka-tago sa pinakalikuran ng aming freezer. sikret yun. para sakaling may gustong kumain, 30 minutes lang pagkalabas sa freezer ay meron na agad. iniiba-iba ko talaga ang lalagyan, para hindi madiskubre agad.

at oo nga pala. kapag may party sa aming bahay, o kaya may group party ang mga bata? ang request sa amin ay magdala ng matamis, oo, yung choco crinkles ulit. ubos agad yun. kasi nga, bite-size na, masarap pa.

eto ang recipe na gamit ko para sa pinakamasarap na choco crinkles sa alemanya :-)

CHOCO CRINKLES

Ingredients:
2 cup sugar
3/4 cup vegetable oil (olive o sesame oil ang gamit ko parati)
3/4 cup cocoa
4 eggs
2 tsp vanilla extract
2 1/3 all purpose flour (kahit kailan ay hindi ako nag sift ng flour pero kung gusto ninyo ay pwede ninyong gawin)
2 tsp baking powder
1/2 tsp salt
powdered confectioner’s sugar

Preparation:
- Stir together sugar and oil. Beat in eggs, one at a time. Add the vanilla.
- Stir flour, cocoa, baking powder and salt in a separate bowl.
- Add to the sugar and egg mixture.
- Cover and refrigerate at least six hours.
- Heat oven to 350 degrees F/175 degrees C.
- Shape dough into 1 inch balls. Roll in powdered sugar.
- Bake around 8-10 minutes until the tips are cracked.
- Cool.

Marami pa akong recipe dito.

Pramis, kapag binenta ko siguro yung recipe pa lang, ang laki na ng kinita ko. Pero dahil bati tayo, share ko ng libre ang recipe, siyempre!

About these ads

Mga Puna »

  1. ibenta mo at maging reyna ng crinkles :) alam mo ba may recipe ako nito. isang araw, bigla na lang nag-iba ang texture ng niluluto kong crinkles – di ko alam kung bakit :) kaya hangga ngayon, hindi ko na sya makuha kung pano sya dati….

    Comment ni nina — Mayo 6, 2012 @ 10:43 umaga | Tugon

    • hindi ka nag-iisa, nina. minsan bigla ring nag-iiba ang texture ng aking crinkles. pero sa tingin ko depende sa ginagamit na cocoa at depende sa weather. napansin ko kapag mainit medyo nag-iiba talaga siguro kasi nagme-melt agad yung tsokolate, mantalagang kapag malamig; hindi sya madikit masyado. kaya kapag summer, hindi ko nilalabas yung buong mixture, pakonti konti para masarap pa rin.

      Comment ni kengkay — Mayo 6, 2012 @ 4:17 hapon | Tugon

  2. [...] on a pretzel stick Lollipop biscuitsStrawberry and Peach cakeFruits and Vegetable Bites Choco CrinklesBrownies Plus Choco-topped Cream Cheese CookiesMini Ham and Cheese [...]

    Pasa ni How to cater your own kiddie outdoor party « Birthday Invitations — Mayo 6, 2012 @ 11:01 hapon | Tugon

  3. Uy favorite ko rin ito Mommy Kengkay! Makapag-try nga rin mag-bake nito. Salamat sa recipe po.

    Comment ni emilayskie — Mayo 7, 2012 @ 1:00 umaga | Tugon

  4. .. dati madalas pag galing baguio, isa yan sa pasalubong. wish ko lang marunong ako magbake! :)

    Comment ni rob — Mayo 7, 2012 @ 3:39 hapon | Tugon

    • oo nga ano, nakikita ko na yan dati sa baguio pero hindi ako bumibili, hahah. baguio kasi parati ube at sweets, dun ba sa pink sisters.

      Comment ni kengkay — Mayo 8, 2012 @ 5:15 umaga | Tugon

  5. mukhang masarap ito ah! sana masubukan ni irog ito.. musta po?

    Comment ni vhincent — Mayo 16, 2012 @ 1:24 hapon | Tugon

  6. Sis natutuwa ako sa yo. Generous
    Ka talaga magbigay ng tips ang dami mo natulungan lalo na un shopping sa taytay. Im sure madaming blessing na darating sa yo. Good luck.!

    Comment ni Fe aguilar uson — Marso 17, 2013 @ 10:10 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 83 other followers

%d bloggers like this: