Pls. LOOK at this picture and READ very carefully…and pls SHARE.. (from FB of Michi Enriquez Dimagiba)
This was taken at FONTANA LEISURE PARK last April 14, 2012…That’s my dad and sis at the bottom of the water raft, they were already unconscious at that time, my dad vomited already. Bumaligtad un water raft after it hit the side of the slide called BIG HORN, my dad was rushed to the hosp for CT scan and my sis was brought to d clinic. My mom and I went to d hosp wearing only our swimsuits..after more than an hour my sis was also sent to d hosp for CT scan with another person who was also injured in that slide, this time the injury was the worst, her shoulder blade was broken/crushed and has to undergo surgery. Wen we told d Dr. d cause of d accident, I heard d nurse told d Dr., “sabi ko s u doc e dun n nman s slide n un”, den we started asking…marami na palang naaksidente s slide n un, as in “marami na” dun pa lang daw s hosp n un, di nla lam dun sa ibang hosp..we also found out that there’s another accident that happened a few minutes after my dad and the guest was brought to another hosp…Imagine 3 accidents in 1 hour! We paid for all d xpenses, FONTANA didn’t pay a single cent!!!! d nerve!!! Now my dad has double vision, still taking meds and is sked nxt month for MRI, my sis is ok, thank God, d other guest wid a broken shoulder underwent 2 surgeries already and total xpense was P100k+++. We filed a complaint and got this reply from dem..”In accrdnce wid d rules & regultions in d use of d water park, mgt is not respnsible for any injury or loss occured in d park. We regert to inform u dat mgt will not be liable for d pymt of ur hosp exp related to ur accident.”…tama ba naman un! un lang din pla ssbihin nila kng di p kmi nagfolow up after 2 months di pa cla ssgot sa min. nkapost dw tong reminder nila sa loob at labas ng park…as if naman lahat ng tao nagbbsa!.If we got a positive reply di na sna namin to post..this is to warn evrybody. dis was shot accidentaly, my bro was suposed to take their picture after the ride, good thing we hav evdence…Pls. SHARE…thank you.
——
isa itong babala para sa atin. medyo nagimbal ako kasi nitong nakaraang araw lamang ay may napanood ako sa telebisyon dito sa alemanya, tungkol naman sa mga dangers sa swimming pools sa mga malalaking resorts at leisure parks sa buong mundo.
kasi nga, araw na naman ng bakasyon dito, kaya nanguu-sisi na naman ang mga tao. lalo pa at ang daming nirereport na pool accidents na kadalasan ay pwede namang maiwasan kung maintained and checked ang mga pools, o katulad nito, ang mga slides.
sa totoo lang, kahit na anong daming warning signages ang ilagay ng management sa buong facility; mas mabuti pa rin na i-check nila kung okay pa ang kanilang pool and slides, inside and out. bakit kanyo? kasi kailangan nila ng mga customers. papano kung masamang experience na lang ang parating nangyayari? mawawala ang trust ng mga tao. papano kung ang mga complaints ay pinagwalang-bahala? katatakutan na kayo, iiwasan ng tao.
ano ba namang i-check nyo ang inyong mga pools? ang mga slides? isara ng ilang oras kapag may ganitong accidenteng nangyari? lalo na kung madalas na palang may nasusugatan? double check, triple check. kesa naman inaalala nyo ang inconvenience ng ibang guests na walang alam na may ganong aksidente na palang nangyari. sigurado ko, okay lang na mag-antay yan, kesa naman may mangyaring masama sa kanila, diba?
safety first, ika nga.
nung napanood ko yung mga accidenteng nangyayari sa mga pools sa buong mundo, naging aware ako. kasi itong mga little kengkays, super takaw ng mga yan sa tubig. kahit na sa timba, masaya na yan, pano pa kung may pool? kung hindi natin masisigurado na okay ang pools at ang slides, tayo ang gumawa ng paraa.
eto ang safety tips ni kengkay bago tumalon sa pool at sa slides:
- i-check ang kabuoan ng pool o ng park, pati kamo likod ng mga slides binubusisi namin. iiwasan ang pangit na lugar, wawarningan ang mga little kengkays sa mga areas na sa tingin namin ay hindi para sa kanila (ginagawa namin yan, iikutin muna namin bago kami magde-decide kung saan kami titigil)
- paunahing tumalon sa pool ang mga adults, kasi sila dapat ang mag check nang mga drainages kung sarado at maayos ang takip (yan ang madalas na death warrant sa pool accidents, kapag walang takip, madaling mahigop ang mga bata ng water pressure at kapag ang mga anak niyo may mahabang buhok, siguraduhing nakatali dahil ito ang madaling higupin din!!)
- kapag may slides naman, aaminin ko, ako takot dyan — pero umaakyat ako sa taas. gusto kong makita kung papano ang ikot, at kung maayos ang hagdan pati ang daan papunta sa slides. kung may dapat bang warnings, ayaw kong madulas ang mga anak ko ano. tapos sa baba, kasi gusto kong makita kung papano ang baba, kung papano ang buluhos. (mukhang yung slides sa big horn, masyadong malawak yung babagsakan kaya pwedeng tumilapon. wala pa akong nakikitang ganyang klaseng slide dito sa oyropa)
- at siyempre, mas gusto ko ay may lifeguard na nakatutok. hindi yung lifeguard na busy sa ibat ibang klaseng gawa. magbubuhat ng tuwalya, magbibitbit ng drinks, etc. e lifeguard nga ano, hindi serbidor at hindi rin kargador.
- at ang importante, kung merong first aid area ang parks. meron naman akong parating dalang first aid kit, pero mas mabuti na yung handa rin ang parks, di ba?
- last but not the least, wala akong paki-alam, basta i stay with my girls kapag nasa pool sila. kahit hindi ako marunong lumangoy, kailangan nakikita ko sila, naririnig ko sila. okay, pwede silang umalis, dapat lang magpa-alam at babalik sa oras na pinagusapan namin; pero hindi sa loob ng pool. at kung sakaling gusto nilang mag explore sa loob ng malaking pool, kapag hindi ko na sila nakikita, tinatawag ko pangalan nila every few minutes — dapat sasagot sila. at kapag kami lang ang tao, ang usapan namin, dapat kakanta sila para alam kong andun sila
kahit sa bathtub, kumakanta sila para alam kong okay sila.
anyway, kapag may masamang nangyari… i report agad. i document. kung may pictures at videos, mas okay. pero sana, wala ng masamang mangyari. sana maayos ng fontana ang kanilang big horn slide. at sana, maging okay na ang tatay nina michi.
sending prayers your way… let’s have a safe vacation everyone.

Grabe nakakatakot naman! dapat tanggalin na ang slides na yan at ang dami na palang naaksidente.
Comment ni anney — Hulyo 14, 2012 @ 1:56 hapon |
hi anney, if they must, they should. pero dapat isara muna nila para macheck ng todo. kasi nga, kahit na may mga signages na nagwa-warning tungkol sa pag-gamit ng slides, dapat security ng mga guests muna ang mauna.
Comment ni kengkay — Hulyo 15, 2012 @ 10:10 umaga |
Actually, when we tried this big horn slide, nasaktan rin ako slightly. nung humahampas na ung waves side by side na ung floatee, biglang humampas ung butt ko sa flooring, na masakit talaga. though hindi naman ganun kalala, pero masakit infairness. so inupo ko lng sya, then naging ok narin naman. I just found out now na mrmi nrin pala nasaktan sa ride na to.
Comment ni nina — Hulyo 16, 2012 @ 3:05 hapon |
ibig sabihin, that big horn slide should really be checked, mali ang design. masyado malaki siguro talaga yung babagsakan especially kung mabilis ang pababa, tapos siyempre may tendency to bounce around that space…good thing hindi ka injured unlike the story above.
Comment ni kengkay — Hulyo 17, 2012 @ 6:48 umaga |
The management should be responsible sa safety ng mga nagsiswimming.
kakatakot pag ganyan eh .
Comment ni bagotilyo — Hulyo 17, 2012 @ 8:45 umaga |
totoo yan. lalo pa ang dami na palang na-aksidente dyan sa mismong slide na yan. hindi porke merong signages warning them about possible dangers ay mawawala na ang responsibilidad nila.
Comment ni kengkay — Hulyo 17, 2012 @ 8:51 umaga |
naku marami ngang ganyang horror stories na kagaya nito sa real life. tama ka na hindi sagot an signage sa sakunang puwedeng mangyari. ang dapata talaga ay maintenance.
ang pinupunta ng mga tao sa gnitong lugar ay kasiyahan at pagre-relax at hindi para dumiretso sa hospital. hayyyyy
Comment ni hitokirihoshi — Hulyo 25, 2012 @ 3:21 umaga |
sinasabihan nmn lahat ng sumasakay dyan sa big horn na huwag bibitaw eh… kapag di k bumitaw dyan d babaliktad yun raft.. kasi ako enjoy n enjoy k ang big horn muntik n din ako bumaligtad dyan pero nkinig ako as life guard n wag bibitaw kaya d kme bumaligtad..
Comment ni marc — Mayo 20, 2013 @ 11:52 umaga |
Who was the victim? As the allegation is unsigned. Allegation is in text speak, makes one doubt the authenticity.
If the allegation is true however, you can sue Fontana Leisure Park.
Comment ni Sammy Vitug — Mayo 21, 2013 @ 9:53 umaga |