Kwentong Kengkay

Oktubre 8, 2007

Hakafagud

Filed under: Akin-Akin,Dito sa Amin,Pasaway — kengkay @ 11:25 umaga

Pagod si ako.

Imbes na matinong Sabado at Linggo sa bahay e naki-gymnastiks seminar ako. Lecture at 9 am, gising na ako ng 7:30 am. Hindi sanay si Kengkay. Muntik na kong makatulog, mahahalata pa naman dahil nagmalaki ako at sa mismong harap ako umupo. Buti na lang meron akong imaginary toothpicks na nilagay sa mga pilik mata ko, ayos — kunyari di tulog pero sa totoo lang, humihilik na ako :D

Kasi naman, tungkol sa anatomy ang pinag-usapan. Naman…yung mga kasama ko nga na mga bagong graduate pa lang sa high school e di na nga makasunod sa mga pinag-sasabi nung lecturer, ako pa kayang pinay na limited ang knowledge kung anong chika nila sa tungkol sa mga kasu-kasuan nila sa alemanya? Ay, muntik na akong mag walk out. Pag usapan ba naman yung tungkol sa mga buto-buto at mga bulalo ng katawan… E kilala ko lang yong mga yon sa hapag kainan ano. Nag-isip ako kung pano ako makatakas. Kaya lang kung tatakas ako, bitbit ko dapat yung dalawang taong kasabay ko, kasi nakisakay nga lang ako…hay hirap ng buhay!
(may karugtong…)

Setyembre 27, 2007

For Adults Only

Filed under: Akin-Akin,Aruuuhh,Patukso — kengkay @ 11:17 umaga

Kwentong baso pero for adults only. Matagal na sa akin itong baso na ito. Regalo sa akin ng isang Thai officemate ko nung working girls kami pareho sa Pattaya, Thailand. Ang lugar ng mga kakabaliw na kabisyohan na di kalayuan sa Bangkok. Sa lahat ng kabasohan sa aming bahay e eto ang paborito ng aking asawa, actually, lahat yata ng bisita namin sa bahay pinag-aagawan itong basong ito e. Bakit kaya?
(may karugtong…)

Setyembre 26, 2007

Big Bikes

Filed under: Akin-Akin,Aruuuhh,Dito sa Amin — kengkay @ 7:09 umaga

Nung isang Sabado, habang nag-gagala kami nung mga anak ko e akala ko nahihibang ako. Kasi sunod sunod na old timer na sasakyan ang nakikita kong gumagala sa kalye. Halos magkanda-dokleng ako sa kapapanood. Ang ga-ganda ng mga well maintained na old timers talaga. Halungkat ako sa mommy bag ko sa aking camera. Pero, uggh, nakalimutan ko pala. Sayang!
(may karugtong…)

Setyembre 24, 2007

Na naman…

Filed under: Akin-Akin,Ano Nga Ulit Yon?,Tinag-a — kengkay @ 5:47 hapon

Hala, pagbigyan ko na rin si tintin. Sya yung huling nakisalamuha para guluhin ang buhay ko dahil yan sa desktop tag. Maraming salamat pala kay defpotec, kasi ang tiyaga nya akong turuan para maging kamukha nung desktop tag ko yung tag nung iba, pero naman; habang tinuturuan nya ako e sulpot ng sulpot ang barkadahang WPPinoy sa chat, e hanu magawa ko. Edi lalo ko nalito, pati nga nokbuk ko bumigay e, biglang nag re-start, hehe. Danke talaga def, sa sunod na may magbato sa akin ng nakababaliw na tag, ibabato ko agad sa yo! Pramis.
(may karugtong…)

Setyembre 23, 2007

Eto naaaaa….

Filed under: Akin-Akin,Aruuuhh,Tinag-a — kengkay @ 6:52 hapon

Hay, ano ba yun? Na-tad tad ako ng tag na ito.

Una akong kinalabit ni bluepanjeet, sabi ko sa kanya kapag di mahirap intindihin yung instructions e mabilis kong magagawa yon. Kaso naman e nahilo ako nung mabasa ko pa lang yung listahan ng instructions. So sabi ko e, sige, palipasin ko muna. I needed time. Tapos di pa nga ako nakakabalik sa blog site ko e nag pm naman si pao, tag din daw nya ako. Nakow, biglang bumilis takbo ng pulso ko kasi parang naamoy ko na na ganun din ang gusto nyang ipagawa sa akin. Yun na nga.
(may karugtong…)

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers