….Kung ano ang laman ng bag ko?
Pagkatapos ng ilang buwan e napilitan na naman akong linisin ang aking mommy bag.
Kasi naman bigat na bigat na ako. Maliban pa sa inaabot ako ng isang oras na hanapin yung dapat hanapin. Minsan e humahaba na ang pila sa bus o kaya sa ice cream shop dahil di ko makita ang wallet ko. E kaninang naglakwatsa at mega shopping kami ng mga anak ko, inabot na naman ako ng ilang minuto para lang makakuha ng barya, this time: sa bus at sa ice cream shop. Kasama na rin yung paghahalukay ko sa bag kapag nag kring-kring ang handy phone ko; lahat ng tawag di ko inaabot. O kaya naman, talagang di ko naririnig. Kakahiya na talaga. (may karugtong…)
