Kwentong Kengkay

Nobyembre 16, 2007

Si Kengkay at ang Holdaper

Filed under: Ang Ibang Buhay Ko,Aruuuhh,Duon sa Amin,Hmmmm,Hmmp,Pasaway — kengkay @ 4:00 hapon

Dahil sa garapalang nangyayari sa pagiging commuter sa Pinas ay bigla kong na-alala ang isa sa mga naging highlights ko as commuter kengkay. Ang holdap! Oo, si kengkay ay naholdap kasama ang isa sa mga bespren nya at ang mga iba pang malas nung isang gabing kami ay sakay ng isang airconditioned na California Bus. Yun yung kulay dilaw na bus na ang biyahe ay Monumento-Baclaran.

Mga mid 90s nun, mag alas onse ng gabi. Ang lakwatserang si kengkay, imbes na umuwi sa bahay, dumaan lang sa bahay para kumuha ng damit dahil mag-overnight dun sa aking kaibigan na nakatira naman sa San Mateo. Take note, may opis kami sa Old MIA kinabukasan ha, pero ang overnight ko sa San Mateo. Parang walang logic kundi dahil lang sa lakwatsa di ba?

O ayan, dahil sa kati ng paa, sakay kami ng bus papuntang Cubao. At ang napala namin? Holdapan. Anak ng tokwa, naka short shorts pa naman si kengkay. At asa daliri ko ang kumikinang na singsing na bigay nung aking soulmate. Naalala ko, may dalawang dayuhan pa nga na naka-upo sa may bandang unahan. So ayan, halos puno din ang bus. Dapat na sa may Crossing ibabaw dumaan ang bus, pero biglang dumaan sya sa ilalim at dun nangyari ang karindi-rindi…
(may karugtong…)

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers