Kwentong Kengkay

Marso 28, 2009

metal na tabo

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Oyropa Ko — kengkay @ 1:39 hapon
Tags:

nung unang hakbang ko dito sa alemanya? nalungkot ako. kasi walang tabo, waaaaa

pero sempre, maparaan ang pinoy di ba? kung sa hotel nga yung baso na pang tutbrush ang ginagamit e pano pa kaya kung sa sariling bahay mo pa di ba?

kaya naghalunggat ako sa kusina namin ng mukhang tabo. pero sa totoo lang, wala akong makita. pero dahil hinahanap hanap ko sya e nagawan ko rin ng paraan. at ito ang kanyang itsura… ang aking metal na tabo…. (may karugtong…)

Pebrero 21, 2009

tililing

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Kwentong Bulilit,Oyropa Ko — kengkay @ 7:01 hapon
Tags:

naalala nyo na kapag recess sa eskwela ay nagriring ang bell di ba?

tapos takbuhan na ang mga bata palabas ng mga classrooms papunta na ng kantina o kaya naman magpakyut muna sa harap ng salamin sa loob ng toilet.

yung mga may baon bitbit na yun at hahanap na ng pwesto. yung iba naman sa kantina muna pipila para makabili ng sandwich o ng champorado. ang parati kong baon dati? pandesal na may palamang hotdog :D o kaya naman pandesal na may palamang itlog.

kayo ano baon nyo dati sa eskwela?

e bakit daw tililing ang taytol ng post ko ngayon? kasi ipapakita ko sa inyo ang aming tililing sa bahay. ayan sya sa baba o.

yan ang nagiingay kapag luto na ang aming pagkain. kapag tumililing na yan, takbuhan na ang mga little kengkays sa kusina. kahit ano pang ginagawa nila. pero sempre, daan muna sila sa bathroom para maghugas ng kamay. ganyan sila kasinop. at sempre pagkatapos kumain, hugas ulit ng kamay. at kapag napansin nilang hindi naghugas ng kamay yung mga kasabay nilang kumain? naku, ibibisto kayo talaga, at hihilahin kayo talaga sa bathroom para maghugas ng kamay :D

Pebrero 17, 2009

wiz

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 9:24 hapon

wala akong bagong post.

natabunan ako ng mga hotdogs, hahahaha

wala daw post pero hindi makatiis :D

bukas na lang at busy ako sa pagiging tsuper.

Enero 31, 2009

pinatalsik sa trabaho dahil sa tabo (updated)

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 9:43 umaga

isa itong tabo alert na binulong sa akin ni nina, tenks beri mats talaga. naiyak ako sa kabaliwan nung nabasa ko tong kwento na to. tinamaan ako kasi ang pamilya kengkay ay fan ng tabo.

alam naman ninyong labs na labs namin ang tabo dito sa alemanya. ang mga little kengkays hindi yan gagawa ng milagro sa toilet kapag alam nilang walang tabo. at ang pinakaimportanteng dala namin kapag magbabakasyon kami? edi sempre ang tabo pa rin! kundi daw e magpipigil daw sila hanggang sa umuwi kami sa bahay na may tabo, hehe

nung unang pasok nga ni bunsoy ko sa kindergarten e bago sya umalis ng bahay ang tanong nya ganito. ‘mama, papano yan kapag pupunta ako ng toilet? meron bang tabo dun?’ hahahaha. ang kyut talaga ng mga little kengkays di ba? sila ang aking tabo girls!

bago mapakwento na naman ako ng tungkol sa tabo e basahin nyo ang istorya ng isang pinoy na natanggal sa trabaho nya sa australia dahil sa paggamit nya ng tabo. bilib ako sa kanya ha, pinanindigan nya ang pag-gamit nya ng tabo! saludo ako sa mga taong proud na gumagamit ng tabo! kadugo namin sila. at bisita namin dati na gustong matutong mag tabo? pwes, nag aantay pa rin sya ng demo, hahaha
(may karugtong…)

Enero 21, 2009

kayo ang humusga

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Pinas — kengkay @ 11:47 umaga

Isang post na kinopya ko galing dito. Isang ka blog na nagkakaproblem ang opisina dahil sa kakaibang panukala sa ating bansa. Hindi ko man maintindihan ang buong pamamaraan, nakikita ko lang na unfair yata ang patakaran. Pero sabi ko nga, kayo ang humusga. Ano sa tingin ninyo?

The year 2009 was not a good start for us particularly to me because I might be loosing my job. I am working in a third-party agency or the workers service contractors.

Last January 5, I have heard that my client will be transferring to another one. For almost a decade of relationship with our company, they will be transferring to a new one. What happen? Is our service not enough for them? However, we have already established a good working relationship for them and performance wise they have nothing against us. These are some questions that are on my mind. Later this morning, the official announcement of disengagement was made and it is finally over.
(may karugtong…)

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers