Kwentong Kengkay

Enero 20, 2009

ang titi sea

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Oyropa Ko — kengkay @ 11:40 umaga

nakarating na ako ng titi sea.

oo naman, nung unang sampa ko pa lang sa alemanya e isa yan sa mga narating ko ano — ang makapagbagdamdaming titi sea :)

ang ebidensya na may ganyang lugar dito sa alemanya? ayan, basahin ang street sign, de vah? titisee! tunay sya ha.

img_0001

ang titisee ay nasa black forest din. click

at bago ko makalimutan, meron din akong kakilala na ang pangalan ay mister titi. sa thailand ko naman sya na meet. kaya nga habang iniinterview ko sya dati e hirap maging seryus kasi naman ang lakas ng dating ng pangalan nya di ba?

at sempre, may kilala din akong puke ang pangalan. at kiki. pareho silang sikat na babaeng singers sa thailand. maganda sila ha. at tunay na sikat sila, dahil kaya sa pangalan nila? hehe. tapos sempre may kapitbahay kaming si kuwan, si pakwan, si mok khong, at si pu wet. tapos si ate phipi at si kuya ihe. hanu ba, tunay na mga tao yan ha.

ang pilya pilya naman ng post na to, hehe. ayoko ng ituloy dahil sa totoo lang, may mas malala pa dyan kaya lang baka kung ano na naman lumabas sa search engines ko na ikaka blush ko :D

Enero 19, 2009

Warning sa mahilig kumain ng tsokolate

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 7:56 umaga

Kumakain ba kayo ng tsokolate?

Pinatulan ko itong isang fowarded email na ito. Sa tingin ko kasi ay importanteng malaman ninyo. Lalo pa’t ang daming nagkalat na mga kung ano’t ano at ibat ibang klaseng tsokolate sa buong mundo. Masarap ang tsokolate pero mag ingat kayo dahil….
Ganito ang istorya. Basahin:

We were raised on HERSHEY chocolate as kids and even into adulthood. I will never eat it again. I hope from now on you will throw yours away whenever you are given any. It seems as though nothing is safe to eat anymore.

This is what happens when you eat HERSHEY chocolate!

THIS IS A MEDICAL WARNING!!
(may karugtong…)

Disyembre 8, 2008

meron akong sikret

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Kwentong Kengkoy — kengkay @ 6:39 hapon

kapag nag shoshopping ako at alam kong medyo luho na ang dating nung shinopping ko, cash ang ginagamit ko.

luho na naka sale. ewan ko ba kung bakit ang lakas ng dating kapag naka sale. kakatakot maubusan ng murang gamit e, haha

para hindi makita ni kengkoy kung ano yung binili ko. mahirap talaga kapag sa bangko nagta-trabaho asawa e. kita agad yung patak ng kilometro ng cards, hehehe

kasi sasabihin na naman non ‘o, pang ilang bag na ba yan?’ o kaya naman, ‘o kawawa naman ang asawa ko, walang maisuot na damit.’ o kaya naman ‘ano? sapatos na naman?’ hmpf, kainis di ba? e sempre hindi ko binibilang, masarap yata mag shopping lalo na kapag sale!

at kapag kulang ang cash ko na halos parati (kasi naman 20 oyro lang laman talaga ng pitaka ko para lang talaga sa pretzels); ang gagamiting kong dahilan kung bakit ako namili e dahil ‘sabi ng mga little kengkays bilhin ko daw para sa kanila pag laki nila’ o kaya naman ‘kailangan ko talaga sya e.’ o kaya naman ‘tumaba na kasi ako e’ o kaya naman ‘pumayat na ako e.’ naks, ang drama ano, hahaha

kapag sapatos ang binili ko, hindi ko na hinihingi yung karton. kapag damit naman inaalis ko agad ang etiketa.

madalas e tinatago ko muna yung mga bagong bili kong gamit pati resibo. at kapag kailangan na silang ilabas at napansin ni kengkoy, ang sasabihin ko agad e, ‘itong damit na to? hay, luma na yan. hindi mo na maalala?’ tsk tsk, kunyari e ako pa daw ang na offend kasi hindi nya matandaan. o de vah, maraming kadramahan talaga.

at sempre nga binili ko na yung relo na pinagpilian natin di ba? nung na click ko yung relo e naghanap din ako ng sale online sa parehong shop, alam nyo na, baka makalusot. ayun, may nakita akong bathing shorts na on sale at sinama ko dun sa relo.

dumating na yung relo at yung bathing shorts… tumawag si kengkoy. ‘magkano nga yung relo na pinili mo para pamasko mo?’ sabi nya.

sabi ko naman, ‘ammm, mga ____ oyro.’ sempre dinagdagan ko na kasi nga sinalisihan ko sya ng isang bathing shorts di ba, hehehe. hindi naman nya nahalata kasi yung total na yung lumabas sa bangko, waaa

ang sama sama ko talaga, hmpf. huwag gayahin si kengkay, plis.

atsaka sikret lang natin to ha :D

Disyembre 7, 2008

umalis na si santa

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 5:12 hapon

mga kapatid, ang swerte talaga namin dito sa alemanya :D

bakit kanyo? kasi dumating at umalis na si santa claus kahit na ang pasko e sa disyembre 25 pa!

nung biyernes e umuwi kaming may nakatagong ilang plastic bags ng tsokolate at medyas para sa mga little kengkays. andun sya sa likod ng isang paso. tuwang tuwa ang mga makukulit kasi daw dumating na si santa. (iniwan yun nung isang lola nila na dinalaw kami pero hindi kami inabutan sa bahay).

tapos nung gabing krismas party naman, dumating ulit ang santa claus. tinawag mismo ang mga bata sa harap ng stage para lumapit kay santa. edi tsokolate at laruan na naman.

at nung mismong araw ni san nicolas (ang tunay na santa claus) na sinecelebrate dito kapag ika 6 ng disyembre — umaga pa lang e ginising na ang mga little kengkays ng dalawang bota ng tsokolate na naka abang sa may pintuan namin- (bigay naman yun nung mga tenants namin)

kailangan sempre, darating ang tunay na santa dahil santa day nga di ba? may mga bisita kami sa bahay ng biglang may nag kling kling… dumating nga ang santa claus! (isa syang ka-opis ni kengkoy na nagbihis santa). edi ayun na naman, regalo at tsokolate. sa mga bata pati na sa mga matatanda.

ang saya saya! sempre basta may regalo masaya, hehehe.

bukas ko na i-share yung pechurs kasi sa totoo lang, ilang boteng vino na ang nainom ko. bago kasi dumating ang santa claus kahapon e namili kami ng wine nga di ba? aba, naka limang bote kami para lang sa wine tasting e alas dies pa lang yun ng umaga, waaaa! at sempre dahil may bisita naka tatlong bote na naman na taob.

sakit ng ulo ko… at ang sarap matulog kapag may tama. zzzzzz :D

Disyembre 6, 2008

Taxi

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Pasaway,Pinas — kengkay @ 8:05 hapon
Tags:

Kung taxi riders kayo, please be aware. Isa itong forwarded email na papatulan ko.

Hindi ko alam kung totoo. Hindi ko rin alam kung tama yung pangalan nung kumpanya ng taxi — pero ang alam ko, pwedeng mangyari ang mga kwentong ito. At kung alam ninyo na may ganitong kwento, at least, meron na kayong pa-alala, di ba? At sana alam natin ang dapat nating gawin.

Maraming nagta taxi ngayon. Lalo pa ngayong magpapasko na mabenta ang taxi dahil sa mga madaming mag shopping, sa mga late na umuwi dahil sa mga krismas parties, sa mga gustong maglakwatsa sa malayong lugar at sa mga taong gustong ma preserve ang kanilang bango bago pakipag party.

Kaya eto, paki basa at mag ingat tayo!

——

For Taxi riders in Manila

PLEASE BEWARE!

Just to give you a warning, avoid riding cabs with names like Wallis, Romcat & Lucky8. All these taxis are owned by just one family and most of its drivers are muggers, rapists or simply swindlers. According to the driver who is the source of this information, he used to work for the said company but lasted for only 2 days since he couldn’t bear the idea of “manggagantso” .

He said there is no single unit of this company that doesn’t cheat. Each and every car that they own has “batingting” that is used to manipulate the taxi meter.

Further, the driver also informed that the owners hire anyone even if the person has a criminal record. As a matter of fact, the owners are fully aware of their drivers’ misconduct yet they turn a blindeye on it coz what matters most to them is the boundary of their drivers that’s to be given to them at the end of the day.

He also said that prior to leaving, he found out that one of his co-drivers mugged his passenger and even touched her private parts. When the passenger filed a legal complaint about it, naturally the driver got apprehended but was released because of bail.

Immediately the next day, the very same criminal was hired back by their company and was out driving his unit again.

He said you will be able to recognize the taxi units of this company even at night since their taxi logos on top of their roof have a unique lighting. Instead of the usual yellow light on the “taxi” sign, theirs are red.

Prior to writing this, there was a research about the taxi company and it was found out that they have been featured in one of the shows in GMA-7 (Imbestigador) . Indeed they have proven that the drivers of this company are swindlers and muggers.

If you care about your family, friends, co-workers, classmates And other people close to you, pass this information along. We can never tell who their next victim is.

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers