Kwentong Kengkay

Setyembre 7, 2008

ubo

Filed under: Aruuuhh,Kwentong Kengkay,Kwentong Kengkoy,Pasaway — kengkay @ 5:46 hapon

may gusto ba kayong malaman na sikreto ni kengkay? pwes, kung miyembro kayo ng WPP e si kengkay ang nakaupo ngayon sa mabagsik na tanungan portion sa WPP hotseat. pwede kayo magtanong ng kahit na ano, wag lang tungkol sa saving account ko, non existent yon, hehe

ubo, ubo – drama ni kengkay paggising sa umaga

narinig ni kengkoy, nung paalis na sya papuntang opis

nung asa opis na si kengkoy, tumawag sa bahay. ‘darling, kumusta ka na? may sakit ka ba?’

kengkay: (dramang ubo, ubo pa rin) wala, okay lang ako (naks, pero ang boses medyo matamlay)

kengkoy: gusto mo umuwi ako ng maaga?

kengkay: hindi okay lang

kengkoy: sige, wag ka maglinis ng bahay ngayon, ako na lang bahala maglinis ng bahay ulit. magpahinga ka.

kengkay: ganun (ubo, ubo) okay, antayin na lang kita (pero ang ngiti ni kengkay halos umabot sa pinas)

makalipas ang papetik petiks ni kengkay, tawag ulit si kengkoy

kengkoy: huwag ka ng mag abala mag luto, bibili na rin ako ng pwedeng iluto mamayang gabi; atsaka yung grocery, bukas na lang gawin yan. basta magpahinga ka.

kengkay: okay, sabi mo e (oops, nalimutan na umubo, nakuha na kasi ang gusto, hahaha)

babala: huwag gayahin kung hindi kayo sigurado sa asawa ninyo :D

Agosto 27, 2008

Sa Ulap ng St. Tropez at Nice

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko — kengkay @ 6:14 hapon

 Okey ba ang pechurs ko? Sempre di ko matiis na kunan ng pectyur ang mga sikat na tourist areas sa Pransya. Pasensya na at mula sa ulap ang kuha ko ha, pero keri na rin di ba? Ayan ang south of France kung saan matatagpuan ang Nice at Cannes.

 At andito naman daw ang St. Tropez kung saan maraming mayayaman at sikat na magaganda at pogi at mga nagpupumilit na maging maganda at pogi at mayaman at sempre ang mga usisero ang naglilipon-lipon.

Bakit ko naman daw alam na dyan ang St. Troper at Nice? E kasi sabi nung piloto ano pa nga ba. Sempre nung sinabi nya yon e may i click click agad ako. Ang biyahe kasi namin from Mallorca, Spain patungong France, dumaan din kami sa tuktok ng Alps Switzerland bago kami lumanding sa Alemanya.

Eto lang masasabi ko sa inyo, nakarating na rin kami sa south of France, meaning naki ride na rin ako sa popularity ng mga showbiz at mayayaman dahil nakapagbakasyon na rin kami sa Nice at sa Cannes at nakayapak na rin kami sa Monaco… sa totoo lang? Over rated silang lahat dahil ang beach dun sa Nice e mabato po, waaa. Wa syang sinabi sa ganda ng buhangin sa Boracay. Sa Cannes naman, hmmm, nothing spectakular kahit nga yung mga hotel na tinutuluyan ng mga sikat e parang, huh, ano ba yun, eto na ba yun? O baka naman bitter lang ako kasi hindi ako makapasok sa mga hotels na yun, hehe. Yun nga lang, maganda ang mga structures nila dun, walang barong barong.

At sa Monaco naman? Hmm, ewan ko kasi nakisilip lang ako dun sa mga yate ng mga mayayaman dun sa kanilang daungan, at naki riding riding sa ginagawang kalsada ng Formula 1 rally. May I pechur pechur dun sa palasyon ni Princess Grace.. At naki upo dun sa may Casino el aire libre at nag people watching na ang nakatabi ko pang ka people watching e isang pinoy na may asawang kana na feeling nya e poging pogi sya at ang galing galing nyang mag inglis at macho syan dahil malaki muscles nya at parang di nya maatim na pinay ako na may asawang aleman at maiitindihan ko ang inglis nya at pwede naman kaming magkamustahan ng tagalog di ba? Minsan talaga ang sarap batukan ng mga kababayan natin na naka tuntung sa ulap ng pantasya.

Oh well, ah basta, ayan ang ulap ng St. Tropez at Nice.

Agosto 26, 2008

Halikan, Award, Erotik

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Kaibigan,Tinag-a — kengkay @ 1:33 hapon

Commercial break tayo sa aking espanya adventure kasi tag time. Galing kay pusangmusang.

PM kisses and tells.

1. When was your first kiss and where?

Anong klaseng halikan ba? Teka, nung heyskul ako yun ang tunay na halikan – a peck :) Sa harap ng bahay namin, oops, mabuti na lang hindi kami nahuli, waaaaa. baka magbasa ang nanay at tatay ko ng blog ko mabatukan ako.

2. When was your first real relationship and how long did it last?

Aba yung unang halik ko, sya na yun. Pers lab na tumagal ng, hmm, ilang buwan lang yata.

3. What age were you allowed to date?

Sabi ng tatay ko after college, pero sempre before college may i secret dating na ako, hehe. Kwidaw, alam ni nanay ko ha. Wala talaga kayong maitatago sa mga nanay, pramis yan.

4. What’s the craziest thing you did (for love) when you were a teenager?

Mag-tanan? Eheste, ng ilang oras lang naman, hehehe. Tapos bumalik din ako sa bahay, praktis lang ba, feeling tanan.

5. How long is your longest relationship and what’s the secret?

Hahaha, sa totoo lang, ang pinakamahabang relationship ko? Itong kay kengkoy, di ba 7th anniv na nga namin? Kasi sa mga boypren e buwan lang inaabot e.

6. How long did you date before you start to settle down?

Naku, 2000 kami nagkita ni kengkoy tapos 2001 kami nag pakasal. Pero sempre, ilang dates lang yon kasi long distance love affair e.

7. How long did you know he was the ONE?

Nung nagkita kami sa airport nung 2000, naks, lab at pers sayt.

8. Now at what age will you allow your kid(s) to date?

Kung kay kengkoy, hindi sila pwede magdate kahit anong age nila, hahaha; kung sa akin naman, basta alam nila ang responsibilidad nila sa dating and relationship at kung maging open sila sa pagkwento sa mga buhay buhay nila, oks lang sa akin.

9. When it comes to your kids dating, will you be a cool parent or a strict parent?

Sa tingin ko am going to be a cool parent… pero may konting sundot yun, hehe

10. What piece of advice can you give to your child when they start dating?

Have fun :)

Sa mga hindi pa na tag, sali na kayo :)

——

At may award ako galing kay lalaine

Kick Ass Blogger Award. Do you know any bloggers that kick ass?
Maybe they’ve got incredible, original content. Or they’re overflowing with creativity. Is it someone that helps you become a better blogger? Or a bloggy friend you know you can count on? Or maybe it’s someone who simply inspires you to be a better person… or someone else who sends you to the floor, laughing your ass off.

Whatever the reason may be, I’m sure you know at least a couple of bloggers that kick ass. Well… why not tell ‘em so?

LOVE ON ‘EM

* Choose 5 bloggers that you feel are “Kick Ass Bloggers”
* Let ‘em know via email, twitter or blog comments that they’ve received an award
* Share the love and link back to both the person who awarded you and back to www.mammadawg.com
* Pass it on!

To get the code for the image you can go back to www.mammadawg.com – don’t forget to link up the person who nominated you for the Kick Ass Blogger Club. :)

Bigay ko award na ito sa mga marunong mag kick ass na katulad ng mga ka-blag ko :) Sa totoo lang, kailangan din ng lakas ng loob para mag iwan ng isang comment sa mga blogs ng hindi natin kilala di ba? Kaya naman sa mga taong may lakas ng loob ang award na ito..

—-

Ni- tag ako ni sonnetshaven

Erotika ang tema, kaya ko kaya ito? Hmm

Rules:

Create a short erotica of not more than 200 words, with the following words that can only be used once in the story:

1. sleepover – nakitulog
2. whip – latigo
3. handcuffs – posas
4. leather – katad
5. sexy – seksi
6. threesome – tatluhan
7. hairy – mabuhok
8. shotgun – shotgun
9. squeeze – pisil
10. explosion – pagsabog

Dala ko ang mga parborito kong laruan na latigo at posas, nakitulog ang seksing si ako sa isang kabigan na hindi ko alam e mahilig pala sa tatluhan. Papatalo ba naman ako sa aking suot na makatulo laway na katad? Kaya lang hindi ko maaruk yung isang mabuhok na type na type magpa-shotgun. Wiz ko yata maatim ang magpa-ganun, ginawa ko, pinisil pisil ko na lang sya at inantay ang kanyang pagsabog. Viva erotika!

Sino sunod magkwento, hehe!

Agosto 25, 2008

Rated PG Espanya Pechurs

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 8:24 umaga

  Naks, emote na si kengkay sa beach, kitams? Nakahanap din kami ng aming sariling place in the sun. Dito sa Oyropa, nakaka stress maghanap ng place in the sun kasi kapag puno na ang mga for rent na umbrellas e ibig sabihin, manigas ka sa towels at sa ilalim ng araw. Kaya dapat maaga pa lang e larga na kayo. Kundi, sunog ang beauty mo.

Malakas ang alon nung araw na nag-beaching kami. Pero kahit na, si panganay ko e takbo agad sa dagat kasama ng tatay nya. Si bunsoy ko naman e ayaw magdagat, so andun lang sya sa buhangin sa tabi ko at naghahanap ng mga shells.

Pero dapat may konting exploring di ba? Hatak kami ni kengkoy at punta daw kami sa magkabilang dulo ng dagat. Dala ko sempre kamera ko, click lang ako ng click. Bahala na si batman… Tapos biglang sabi ni kengkoy, balikkkkk.. Naku, ano naman kaya at biglang balik daw kami? Bilissss mga paa ang naging drama, pinagtabuyan talaga kami ni kengkoy.

Kasi naman pala, dahil dito:

Opps, errm, nakikita nyo ba ang nakikita ko? Waaaa, actually, shocking boogie ako nung nakita ko yang pechur na yan. Kasi nga click lang ako ng click di ba? Nung na realize kong mga hubad na pala yung kaharap ko, biglang natigil yung click ko kasi nahiya ako. Naku ako pang may suot ang nahiya. Pero ayan pala at may stolen shot din ako… ano kaya gagawin nila sa akin kung talagang harap harapan ko silang kinodokan? Hmmm

Hubo’t hubad na po ang mga tao dun sa kabilang dulo ng beach. Hindi ko namalayan na nagiba na pala ang tanawin. As in lalaki, babae, matanda, bata — ayun, bigay todo ang kanilang sun bathing, nude bathing talaga. As in.. dito kasi sa Alemanya, medyo old fashioned pa sila. Merong sariling bathing area ang mga nudists atsaka may nakaharang talaga na trapal o kung ano pa man…

Pero dito sa Espanya, viva espanya talaga. Kakagulat po talaga. Mabuti kamo at hindi ko natutok yung kamera dun sa mga nakaupo sa buhangin, kasi talaga po namang…. imagine all the people :D

Agosto 21, 2008

Bayong

Filed under: Aruuuhh,Dito sa Amin,Europe,Kwentong Kengkay,Oyropa Ko,Pinas — kengkay @ 3:44 hapon

ang bayong bow!

oo naman, sosyal ako dito sa alemanya, kasi meron akong bayong para sa aking grocery shopping, laban kayo dyan? kasi sempre, kung alin ang iba dito, yun ang mas sikat. o di kapag nakikita nila itong aking bayong, sila ay napapatingin :)

mas gusto ko sana yung bayong na bayong, alam nyo yun? yung walang ka epek epek na bayong. kasi itong bayong ko medyo may konting chika na na leather kunyari e. pero wala akong makitang ganon kasimpleng bayong nung umuwi kami sa pinas — actually meron kaya lang parating meron ng may-ari! kung pwede lang makipag palit, yun na nga lang, amoy malansa na kasi puno na ng mga napamalengke, hehhe

at sempre, wiz pa rin ako sa circulasyon pero malapit lapit na kaming umuwi – pramis, pupunuin ko rin ang bayong na yan ng pasalubong para sa inyo!

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers