Kwentong Kengkay

Agosto 17, 2008

jackstones

Laban kayo? Jackstones tayo!

Nung isang beses na umuwi kami ng Pinas, anong saya ko nung nadiskubre ko na may nagregalo sa mga little kengkays ng jackstones.

Sabi ko sa kanila, magaling ako dyan! Naks, sempre naman, hindi naman nila alam kung papano maglaro nyan ano, hahaha.

Pinakita ko sa kanila kung papano. Super excited naman sila. Edi ayun, nagkaron kami ng jackstone contest sa bahay. Si bunsoy, medyo hindi nya kaya yung maliit na bola kaya big bola ang hawak nya, pwede na rin!

Sempre, yung exhibition pa — kweba, loop, basketball, tuldok, hmm, ano pa nga ba?

Nakakatuwa kasi wala palang jackstones dito sa Alemanya, as in… Kasi pinakita nya sa mga pinsan nya at sa mga tito at tita nya, nangamote silang lahat kasi nga, hindi kilala ang jackstones!

Kaya naman mga kababayan, ipakita natin ang galing natin sa jackstones ano. Baka sa sunod na olympics e meron ng jackstones, di ba? Am sure kasali dyan ang mga little kengkays!

Ano sa tingin ninyo? Laban kayo? Jackstones tayo.

P.S. Marunong din sempre ako ng chinese jackstones!

scheduled post lang to, kasi nakabakasyon pa si kengkay :D

Agosto 15, 2008

leavin’ on a jetplane

Filed under: Aruuuhh,Europe,Kaibigan,Oyropa Ko,Paki Lang — kengkay @ 1:25 hapon

Okish, sa mga sunod na araw e absent muna ako sa bloghopping!

Mga ka-blag, tuloy na tuloy na ang aming lipad!

Nakaempake na ako. Hindi na nga kasya lahat kaya tiningnan kong mabuti ang mga laman. Ayun, nakasingit na naman ang mga stuff toys ng mga little kengkays… hay, kaya dapat talaga bawat empake e tingnan muna mabuti ang laman bago isara ang bagahe. Lalo pat may mga makukulit sa tabi tabi!

Si bunsoy ko na disappoint nung dalawang bagahe lang ang nilabas ko. Bakit daw ang konti ng dala namin e wala na daw syang balak bumalik dito sa alemanya, hehe. Akala nya kasi basta eroplano ang gamit namin e sa Pinas kami pupunta!

Namili na nga kamo sya ng pasalubong para sa mga pinsan nya! Sabi ko naku, dito lang tayo sa Oyropa ano. Ang sagot ba naman, edi ako na lang kakain ng mga pasalubong, hehe!

At nga pala, kapag bakasyon, bawal mag blog si kengkay! Kaya kayo na munang bahala sa ebahay ko ha. May mga posts akong naka schedule pero di ko alam kung ma po-post nga sila at sa mga ganyang bagay e eng eng ako ano.

Pero, malay nyo rin, makatakas ako kay kengkoy! Sinigurado ko yatang may internet center yung resort na pupuntahan namin para masaya, hehe!

Ano ba yun, hindi ko pa rin alam kung ano isusuot ko sa aming flight, naks – ang laki ng problema, hahaha

Agosto 8, 2008

inggitin ko lang kayo

Filed under: Aruuuhh,Dito sa Amin,Kwentong Kengkay,Kwentong Nanay,Palaway — kengkay @ 6:06 umaga

hehehe, mangiingit lang ako ng konti, pwede ba?

nasabi ko naman na may family emergency kami diba? eto yon at eto. tapos eto pa. tapos naging okay na at eto na naging resulta.

kaso mo, sa totoo lang, apektado talaga ang panganay ko.

imagine, halos sa buong linggo na magulo buhay namin, halos sunod sunod na gabi na natatagpuan namin syang naglalakad habang tulog! as in.. nung una hawak hawak nya yung camping lamp namin at dinala sa buong bahay. natagpuan lang ni kengkoy nung nakita nyang warak na yon sa isang sulok.

pangalawa naman e nagulat na lang akong nagtatakbo sya sa kama namin at may kung anong sinasabi sa akin na parang takot na takot.

pangatlo e nung umakyat sya sa kama namin na nanginginig… tapos natagpuan ni kengkoy kinabukasan yung telepono namin na nakasaksak sa lalagyan ng mga sepilyo at yung mga halaman na nakapaligid sa bathtub!

sa tingin ko, tama na munang maranasan nya yung stress dito sa kapaligiran, my babies need to take a break. at iyon din ang naisip ni kengkoy. kaya naman meron kaming last minute bakasyon. kahit na isang week lang.

pinagtatalunan namin dito: kung sa mag drive kami ng limang oras papunta sa garda see sa italya at mag rent ng apartment dun o sa mag flying flying sa tunesia in afrika na all inclusive resort ( as in lahat libre na, umagahan, tanghalian, dinner at in between snacks pati na ang entertainment at drinks!) kasi halos pareho din ang babayaran. hirap mag decide kasi ang daming magandang pwedeng puntahan.

nung finally nalaman ko kung saan kami pupunta — sa espanya! yipeee. wala na daw flights palabas ng tunesia. summer break pa rin kasi dito e. kaya mag fly na lang kami patungong mallorca, spain.

actually, pwede naman mag drive kaso mo mahaba, mga walong oras ang biyahe. sayang naman isang araw e isang linggo nga lang bakasyon. e kung mag flying, mga dalawang oras lang mahigit. pinagisipan namin kung dito ba kami o dito — ang tagal bago ako nag decide. hindi simple e. nagcheck pa talaga ako ng mga komento tungkol sa mga resorts na yan. at ang nanalo? yung ganito itsura sa pechur:

so, we’re leaving on a jetplane soon! pero bago yon, magpa-party muna ako dito sa aking blog sa sabado, may royal celebration.

sa totoo lang, kung malapit lang ang pinas, andyan na sana kami!

Agosto 4, 2008

Puppet Show = Palikuran

Filed under: Aruuuhh,Dito sa Amin,Kwentong Bulilit,Oyropa Ko,Patawa — kengkay @ 8:01 hapon

Hindi ko alam, meron pala kaming puppet show! As in…

Eto mga pechurs para ebidensya.
Nagulat ako kasi sabi ni bunsoy, ‘ate, bist du bereit?’ (ate, ready ka na ba?) Tapos takbo silang magkahiwalay ang pinuntahan. Si bunsoy sa loob ng palikuran at si panganay e naghanap ng kung ano at tumakbo sa balkon. At ayan, dala nya yung mga puppets…
Sempre si bunsoy alam ko na kung ano gagawin, pero si panganay? Nakow, ayun at nagtayo ng instant puppet show sa bintana ng palikuran namin. Malay kong kailangan pala ni bunsoy ng puppet show kapag kailangan nyang gawin ang kanyang personal bisnes? Kaya pala naman wala ng mga kiddie books sa loob ng palikuran e dahil iba na ang trip nilang magkapatid gawin habang nagcoconcentrate sila, hmmmm
Siniguro ko lang na personal bisnis nga ang gawa ni bunsoy. Aba, oo nga, hehehe.

At talagang nakaka-concentrate sya kapag may puppet show! Parang ibang klase yata yon, huh! Kita nyo yung panganay ko sa may bintana? Ay ewan ko, iba talaga ang tripping minsan nitong mga little kengkays e. Manang mana sa nanay nila, hehehe

Kayo, ano trip ninyo kapag personal bisnis ninyo? Share nyo kaya?

Hulyo 19, 2008

chipipay ka ba?

Filed under: Aruuuhh,Kwentong Kengkay — kengkay @ 10:54 umaga

Ako chipipay talaga :)

Matagal ko ng alam yan. Kasi nagsho-shopping lang ako kapag midnight madness sa Makati e. Kundi naman sa palengke na lang ako nambabarat. Tapos kumakain ako sa may gotohan sa kanto. O kaya bumibili ng mga naka plastic na ulam at extra rice dun sa tindahang hi-ace.

Pero naramdaman ko ang pagiging tunay na chipipay ko nung isang araw. Habang naglalakad ako (ayoko ngang mag drive kasi ang mahal ng gasolina di ba); may nakasalubong akong mga nanay na papunta sa mga kotse nilang naka park sa isang tabi.

Kuntodo pustura sila. Mek ap. Lipstick. Botox :) Naka-high heels boots kahit na summer na. Naka tak-in yung blouse nilang naka-angat pa yung collar sa kanilang jeans na may pakner na sinturon. At sempre, meron silang hair do na kahit na humangin e hindi nagiiba hitsura.

Napatingin ako sa sarili ko.

Yung white na t-shirt ko na bagong bili pero sale sya at 1 oyro ang bili ko sa kanya.

Yung palda ko na sa na sa sari-sari store (proudly made in pinas) ko binili nuong 1990s nung midnight madness at alam kong 50 pesoses lang binayad ko.

Yung sapatos ko  na another proudly made in pinas, benchgirl, pero sempre, sale din sya nung binili ko.

At yung aking super iksi na hair na 15 oyro ang gupit na may chipipay na pomada :)

Meron ding unmentionables na binili ng nanay ko sa palengke dahil mura daw kapag isang dosena.

Pero sa tingin ninyo, sino ang mas maganda sa amin? Sempre sila, waaaaa :D

Kahit na, mas masaya naman ako sa buhay ko. Iba yata ang high na binibigay ng nakaka hanap ka ng isang bargain, di ba?

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers