Kwentong Kengkay

Oktubre 29, 2008

huling pangako

Filed under: Birit Ko,Seryus — kengkay @ 5:50 hapon

hirit ko sa wpp :)

marami tayong naging pangako. marami ring pangakong napako.

minsan kasi akala natin porket pabiro, hindi na pangako yun kundi biro na lang.

minsan naman, ang tadhana ang nagpapako sa atin.

katulad nung aking in laws na si oma at si opa.

unang nagkita sila sa isang carnival party nung 1940′s — ang sabi ni oma sa sarili nya nung makita nya si opa ‘para sa akin na ang mamang ito.’ at ang lakas ng loob nyang niyaya ang mamang ito na naging si opa nga. yun ang unang pangako na natupad naman.

nung natagpuang may cancer si opa nitong nakaraang buwan, sya naman ang nangako kay oma na babalik syang masigla pagkatapos ng kayang operasyon. ayun na nga, kahit na ang laki ng binuksan sa kanya at ang laki ng tahi nya dahil ang isa sa kanyang lung ang tinamaan ng cancer — masigla syang bumalik sa piling ni oma. pangakong natupad na naman.

nakapagcelebrate pa sila ng kanilang 60th wedding anniversary nitong agosto bago biglang nawala si oma dahil sa atake sa puso. sabi ni opa teka lang, babalik ako at kakanawan lang kita ng tsaa. pag akyat nya sa kwarto nila? wala na si oma. hinalikan ni opa ang malamig ng bangkay ni oma. sabi ni opa, sabi ko pagkakanaw kita ng tsaa e, pagbalik ako yun pala wala ka na.

patuloy na kwento ni opa habang hindi mapigil ang luha — ‘di ba nangako tayo sa isat isa na aabot tayo ng isang daang taon sa mundong ito? sabi mo pareho tayong tatanda? bakit isang saglit e nalimutan mo ang iyong pangako? di ba sabi ko sa yo uuwi akong walang sakit? pero bakit hindi mo sinabi na aalis ka rin pala agad?’

pangako…. minsan ang hirap balikan ang mga pangako.

kelan kayo huling nangako?

Oktubre 4, 2008

Tambayan

Filed under: Birit Ko — kengkay @ 7:47 umaga

birit ko sa WPP :)

Ang sarap pakinggan kapag tambayan ang usapan. Sigurado ko, walang katapusang okrayan, reminisces at kung ano ano pang kilitian kapag tungkol sa tambayan ang chikahan.

Nung elementary ako, ang tambayan namin e sa mga malalapit na kainan ng eskwelahan, nung naging high school at lumakas ang loob e umabot na kami sa isang sakay ng dyip… nakakarating ng makati para mag lunch. At umabot na rin sa mga sleep overs sa mga bahay ng barkada.

Nung asa kolehiyo, medyo ang layo na ng narating, asa Espanya ba naman ang unibersidad tapos taong Pasay ako. Edi ang laki ng mundo ko, weeee! Kung hindi man kami nakakalat sa mga damuhan o sa mga kantina ng unibersidad, ay asa isang building kami ng Blumentritt kami o kaya sa may mansyon sa Balingasa at minsan lalayo pa kami sa Marilao, Bulacan (masarap ang goto sa palengke) at sa mga damuhan magkukulitan o kaya naman kapag may konting pera ay tripping namin sa may Valle Verde sa Pasig (daan muna kami sa palengke para mamimili ng ulam at sandamukal na kanin :D ). Kapag weekend naman e manggugulo kami sa Obando, Bulacan kung saan parati kaming busog sa seafood o kaya naman sa San Mateo, Rizal kung saan maraming gimik na naganap, oops, sa Pasig din pala pero hindi dun sa may discount :)

Nung nagkaron ng trabaho e napabalik ako ng Pasay… sa may airport area naman kami naghasik ng lagim. La Copa, Sluggo, Trellis dun pa sa original sa may Fort Bonifacio, at sa kahit saang kanto. Nung naging sosyal ako at nakahanap ng trabaho sa Makati e na-adik naman ako sa de aircon kaya sempre Ayala Center ngayon. Pero ang mas paborito kong tambayan e yung McDo Greenbelt at yung mga gotohan sa tabi nito, kahit na daming lamok minsan, heheh.

Nung nakabig naman ako sa Malate, aba, dun e walang solidong tambayan pero mas maraming yapak ako sa Tia Maria’s at sa Jazz Bar (kung saan ako natutong mag chopstick dahil ayaw kong kumain ng bagoong at manga ng kamayan, hehehe).

Naging tauhan din ako sa may Mandaluyong at sempre pa, nakisiksik sa Megamall at sa Shangri-la Plaza pero minsan aamin ako, andun din ako sa Crossing, ang sarap makigulo dun, hahaha. Ang dami nga lang malilikot na kalaban.

Nung lumipad ako sa Bangkok, wow, dun ako sosyalera. Sempre sa mga hotel ang tambayan namin. Kung saan merong Pinoy na banda, e halos lahat naman yata dun Pinoy ang banda ano. Pero ang tunay na tambayan namin ay ang Planet Hollywood at yung Huntsman Pub sa may The Landmark Hotel. Sa katotohanan, daming drama at away at iyakan at tawanang nangyari sa mga pubs na yan. Pero minsan naliligaw din kami sa Soi 4 kung saan malapit ang Patpong. Hayy, reminiscing!

Ay, nagtagal din ako sa Pattaya, Thailand kung saan medyo naiba ang takbo ng tambayan ko kasi halos gabi gabi e asa Boystown kami, ang gay mile ng Pattaya. At kapag weekend ay asa gay beach kami, ewan ko ba, sa dami ng poging puti dun e sa mga rainbow colors kami biglang kumapit. Masaya kasi sila kasama e. Pramis! At sempre, dun ako naki social climb sa mga hoteliers, at karamihan ng weekend trips namin e libreng weekend stay sa mga hotels at resorts, sarap buhay!

Ngayong asa Alemanya ako? Ang tambayan ko? Kid-friendly places na lang, hahaha. Tulad ng McDo, playgrounds, theme parks, etc.

Mabuti na lang at na enjoy ko ang pagiging single ko ano? Kayo, saan kayo tumatambay?

Setyembre 4, 2008

Halinghing

Filed under: Birit Ko,Dito sa Amin,Kwentong Kengkoy — kengkay @ 7:09 umaga

Bistado kayo. Eto ang aking birit.

Sabi ni kengkoy isang gabing mainit na lahat ng bintana at pintuan ay bukas na bukas, ‘naku, mukhang mali yata ang pagpunta ko sa ating basement ngayong gabi ah.’

Sabi naman ni kengkay, ‘bakit naman?’

Sagot ni kengkoy, ‘kasi ang ingay nung mga kasama natin sa bahay!’ Meron kasi kaming mga tenants na magka live in :)

Di na-gets ni kengkay yon.

So isang gabing mainit ulit, habang bukas ulit ang mga pintuan at bintana ng buong kabahayan — nalimutan ni kengkay ang kanyang labada. Mag alas dose na ng gabi nung ma-alala kong ako pala ay may tapos ng labada. E dahil ayokong mainip ang aking labada, kahit na gabi na e tumayo ako at pumunta sa aming basement.

Sempre pungas pungas na ako kasi nakatulog na ako e. Nung asa basement na ako, waaaa — halinghing! As in super lakas na halinghing (ugh, agh, ugh, ahh, ahh) ! Sabi ko, huh, saan galing yon? Natakot pa si ako. Bigla kong na-alala yung sinabi ni kengkoy.

Erm, alam ko na kung ano at sino. Bistado ko sila, hehe!

Na shy ako bigla, kukunin ko ba ang labada o hindi?

E dahil tuloy pa rin sila, ah bahala na, dahan dahan kong binuksan ang pinto ng basement, dahan dahan kong kinuha ang labada, at dahan dahan na medyo patakbong umakyat ako sa bahay namin. Safe!

Tawa ako ng tawa nung asa sinara ko na ang pinto. Sempre kinuwento ko kay kengkoy, baka mainggit… ehermmm. Alam ko, there’s lessons learned here e :D

Yun lang, bow :) Shh, walang kakatok sa bahay namin para isumbong ako ha, hehe.

Agosto 5, 2008

Padner

Filed under: Birit Ko,Kwentong Kengkay — kengkay @ 6:18 hapon

Ano ba yan, kahit na ang tagal na nangyari e kinikilig pa rin ako, weeeee…

Sempre pa, ang kwento ni kengkay ngayon e ang medyo super late na birit ko sa WPP na tungkols sa pers lab. Nagkasakit kasi ako kaya sablay ako sa deadline, nasobrahan siguro sa ka-iisip, sa mga muni muni, nabuhay yata yung mga zones ko na medyo natulog ng konti kunyari daw.

Padner, ayan tawagan namin sa isat isa. Kasi bago namin naramdamang kami pala ay may ibang kapartneran ang pupuntahan; e padner kami sa mga trabaho sa opis. Pareho kaming mga lagalag, waaaa! Ka trabaho ko sya sa isang kumpanya… sister company kumbaga. Bossing nya, yung pinakabossing ko… nagtagpo ang aming landas.

Hindi ko sya type. Mas bata ba naman ng ilang buwan sa akin e. Atsaka ang yabang ng dating. Lintek, e akala ko ako na pinakamayabang dun sa opis, hmpf :)

Pero dahil ang kulit ko talaga, at dahil parating nangungulit din yung bossing namin — nagkulitan kami. Ganun lang, hehe.

Pero kasi may boyfriend ako, may girlfriend sya. Yung boyfriend ko andun din sa isa pang ka sister opis namin. Yung GF nya andun sa tabi tabi. Pero dahil nga masyadong pareho ang trabaho namin, ang magkunyaring busy sa opis, sabayan kaming dalawa sa kulitan.
(may karugtong…)

Abril 30, 2008

Dalawang Piraso Lang

Filed under: Birit Ko,Europe,Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 7:39 umaga
Tags: ,

Bakit hindi naman di ba?

I-display ko nga ang aking dalawang piraso kapag asa tubig naman. Lalo na kapag may summer get-away. Ang sarap! Kung dati e naka shorts at t-shirt ako kapag magbabad sa tubig, nung asa high school ako at nag outing kami e nagdala ba naman ng isang kabang bathing suit itong kaibigan kong artista. (Uy oo, meron akong artistang classmate at barkada nung high school) — ayun, suot din kami. Sempre one piece lang muna, shy nga kami e. Atsaka ang sarap pala ng hindi t-shirt at shorts, kasi madali matuyo at hindi mabigat bitbitin, esp kapag nagtatampisaw ka lang naman.

Ayan, pa wan piece, wan piece ako. Pero parang….

Tapos nung punta ako sa Thailand, sa ganda ba naman ng mga beaches dun; feeling mo dapat maganda rin ang bathing suit mo. Kahit na naka duster din magbabad sa tubig ang mga tao dun, hehe. Nakakita ako ng sale na two-piece…at dun na nagsimula ang aking summer get away in two piece suits :D

Hindi lang ako sa mga beaches ng Thailand nag lamyerda in my two piece suits. Nung naka-rating ako dito sa Alemanya, sempre bigay hilig na. Tinukso ba naman ako ni kengkoy na manang dahil nung una kunyari shy pa ako in one piece. O ayan, kahit na hindi na sale, kinaskas ko ang karte ko para sa more, more two piece suits dahil ayoko maging manang, eksyus pa daw oh, hmp :)

Ayan, sa bawat summer get aways namin -
eto sa Cannes, France
eto sa Calpe, Spain

eto sa Pattaya, Thailand

eto sa La Union

Sempre nung pagbalik-balik namin sa Pinas e wiz na rin ako paki kahit na sa more an more two pieces ko e more and more din ang aking mga bilbil – mabuti nga kamo hindi ako binibihisan ng nanay at tatay ko kapag nakikita nilang naka two piece ako e, hahaha. Pero pati si nanay ko improving na rin, kung dati shorts and t-shirt sya, ngayon naka wan piece na rin sya, yun na nga lang, hindi pa rin nya maiwan yung puruntong nya :D

Kayo, ano ang costume ninyo kapag summer get-away ang drama ninyo?

Nga pala, ito ang aking entry sa Hirit ng WPP, Birit Ninyo for May: Summer Get-away. Sali na rin kayo!

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers