Kwentong Kengkay

Nobyembre 22, 2008

tambling

Filed under: Dito sa Amin — kengkay @ 8:57 umaga

absent ako sa blogging world sa sabado at linggo dahil may tambling appointment ako.

bakit kanyo tambling? kasi may training session ang nagkukunwariang gymnastiks trainer na si kengkay. aakyat kami ng bundok para dun mag tambling tambling. para walang makakita dahil nakakahiyang magtambling lalo na kapag hindi marunong mag tambling, hehehe

hindi ako marunong mag tambling, kayo ba marunong? kasi dito halos lahat ng mga nanay marunong mag tambling. kahit anong balikwas e kaya nila. mantalang ako, gym trainer kuno, marunong lang akong mang-uto ng mga batang ayaw mag tambling, hahaha. oo yan ang expertise ko sa pagiging trainer actually, mang-uto ng mga bata :D

sana lang maayos ang biyahe namin. kasi mag isnow daw bukas at sa linggo e. nakow, kapag na stranded kami, papano na lang? mabuti na lang hindi ako ang mag drive. at kapag na stranded kami dahil sa isnow na yan? am sure dun kami matutulog sa gym, magdala na rin ako ng pandesal at kape :D

hay, huwag lang sana sa kalye kami ma istranded. pero parang adventure din yon ha. oh well, malalaman ninyo sa sunod na kabanata!

Nobyembre 20, 2008

pandesal home delivery

Filed under: Dito sa Amin,Kaibigan — kengkay @ 5:18 hapon

laban kayo dyan? merong libreng pandesal home delivery dito sa alemanya, yuhooo!

dumating kahapon ang pinaka-aantay ng buong pamilya ni kengkay — ang pandesal. at may dagdag pang mama sita’s tocino mix at gummi bears talaga. parang nabasa yata nung kaibigan kong pinay kung ano talaga ang takam na takam ako sa mga araw na ito ano?

ang layo na nga ng nilakbay ng pandesal na yan ano. ang kaibigan ko e nakatira malapit sa holland at kami naman e malapit sa switzerland – ganun kalayo!

dapat kasi nung isang linggo pa sya dumating. kaso mo naligaw sya kaya bumalik ulit dun sa pinanggalingan. o ayan tuloy, gawa ulit sya para may ipadala sa tamang address. mabuti naman at pagkatapos ng isang araw e nag knock on the door na sya.

as in bake agad namin sya at kinain. dalawang dosena sa isang gabi :D busog at bitin, pa deliver ulit, hahaha!

sempre naman nag bake din ako ng cookies para pasalamat dun sa aking kaibigan. bukas ko naman sya ipapadala sa mamang postman.

Nobyembre 18, 2008

panalo ang tabo

Filed under: Dito sa Amin — kengkay @ 8:02 umaga

sa totoo lang, ang dami ko na yatang posts tungkol sa tabo — pero dagdagan ko pa rin. kasi isa talaga yan sa highlight ng buhay namin dito sa alemanya: ang paggamit ng tabo!

nung sa huling post ko tungkol sa tabo e nagrereklamo na si kengkoy. kasi daw dapat daw na matutong maglinis ng pwet ang mga little kengkays ng walang tabo. kasi nga yung panganay namin e asa eskwela na. pano daw kung dun abutin dun. alangan naman daw na tawagan pa ako para maghugas ng pwet, di ba?

dapat daw matutong magpunas-punas. narinig yon ni panganay ko. bigla na lang wala ng importansya sa kanya ang tabo nyang may kinang-kinang, glitters baga pa. kapag eme-ebs sya e hindi na nya hinahanap ang tabo. punas punas na bigla ang drama nya.

natuwa si kengkoy. medyo nalungkot si kengkay ;D

e kaso mo, pagkatapos ng ilang linggong punas-punas — biglang balik tabo kamo si panganay ko. sigaw sya ulit sa tabo kapag tapos na umebs. sabi ko, aba, bakit biglang balik tabo ka?

kasi daw hindi daw komportable ang punas punas lang. tapos parang hindi daw malinis yung pwet nya kapag ganong punas lang. atsaka sumasakit daw pwet nya sa mga toilet paper na gamit nya! natatawa ako kasi sa totoo lang, siguradong hindi lang kasi sanay ang pwet nya sa toilet paper kaya ganun ang feeling nya.

kapag inabot sya sa eskwelahan o saan mang public places, oks lang syang magpunas-punas. pero dapat medyo basa yung toilet paper. at pagkadating na pagkadating namin sa bahay, hanap nya ang hugas ng tabo!

si bunsoy ko? hay, yun ang tunay na tabo queen. pipigilan talaga nya ang ebs nya hanggat asa bahay kami kasi pang tabo lang talaga ang pwet nya, heheeh

ayan, panalo talaga ang tabo!

Nobyembre 12, 2008

kuto

Filed under: Dito sa Amin,Oyropa Ko — kengkay @ 7:33 umaga

ayos, kutohan time na naman. nangangati ako habang ginagawa itong post, sa totoo lang!

may lumilipana na namang dilaw na papeles na ang ibig sabihin ay mayron na namang nagsabog ng kuto sa kindergarten. sempre bawal sabihin kung sino ang nagkalat ng kuto. pero lahat ng bata e dapat siyasatin kung may kuto.

kung wala, pirmahan ang papeles na walang kuto at ibalik sa kindergarten. kapag merong kuto e dalhin muna sa doktor para mabigyan ng tips kung papano magkutohan. at kapag nawala na ang kuto e atsaka pirmahan ang papeles at dapat may pirma din ng doktor. at sempre, bawal pumasok sa kindergarten! aba e sino naman kayang nanay ang itatago ang anak nya kapag may kuto ito? sempre pasok pa rin kahit na sabay kamot pero bawal dapat yun.

o nung nalaman kong may kuto sa kindergarten, nagkutuhan kaming magiina. si bunsoy ko alam na nya ang drill — walang suotan muna ng costume sa kindergarten, walang laro laro ng beauty shop, walang suklayan at dapat parating naka tali ang buhok nya. ayaw nyang magkakuto kasi ang hirap nyang kutuhan!

so kapag may kuto na ang kindidergarten, asahan na natin susunod na ang eskwelahan. kasi may mga kapatid sempre yung mga asa kindergarten di ba? hawa hawaan. so pagkatapos ng isang linggo, may dumating rin na dilaw na papel sa bahay. kutuhan time na naman. si panganay ko takot yan sa kuto kasi sabi ko kapag hindi talaga maalis yung kuto e putol ang buhok nila. e ayaw nya yon so pagkauwi pa lang nya sa bahay e sigaw agad sya ‘ mama, du muss nach kuto schauen’ (kutuhan mo ako) oo – kuto talaga ang tawag nila sa kuto, e pinay ang mga little kengkays ko ano, hehehe

ang mga ibang nanay, asar na asar talaga. galit na galit. dapat daw ayusin ng gobyerno ang mga patakaran sa kuto. ano gagawin nila, palinyahin at pagbabarilin ang mga kuto, hahaha.

yung iba nagpapanik. sempre labhan daw yung mga gamit para mamatay yung lisa, mag spray ng kung ano ano. mag shampoo ng kung ano ano. tinapon yung mga suklay o kaya naman nilubog sa mainit na tubig. pati yung mga stuff toys, dapat daw labhan.

yung iba naman ayun, ayaw na papasukin mga anak nila. OA masyado ano? kung alam lang nila na si kengkay e may kuto din dati, am sure wala ng lalapit sa akin :)

kung alam lang nila na ang laban lang sa kuto at lisa ay… dyaraaannn — tirisin!

naalala ko lang.. nung umuwi kami sa pinas, sempre nahawaan din ng kuto ang mga little kengkays. sa dami ba naman ng kalaro nila at dahil andaming natutuwa sa mga mahahaba nilang buhok na bawat bisita kahit saang bahay e sinusuklayan sila — nagkamot ang panganay ko. sabi ko bakit ka kamot ng kamot? nung binuksan ko yung buhok nya? ahahaay, ang daming kuto.

natatawa ako kasi asa swimming pool area kami ng astoria plaza at dun ko sya mismo kinutuhan, ahahaha — shock na shock si kengkoy. pinagtabuyan ba naman kami, ehehe! actually tama naman sya — kaya lang medyo na excite ako kasi ang tagal ko ng hindi ginagawa yon e, ang magkutuhan. kung dito ko gawin sa alemanya yan, am sure asa bilibid na kami magkukutuhan ng mga little kengkays.

Eto pang kwentong kutohan at eto pang ibang mas matrabahong kutuhan tips .

Oktubre 31, 2008

helowin

Filed under: Dito sa Amin,Oyropa Ko — kengkay @ 4:04 hapon

alam nyo bang hindi uso dito sa alemanya ang halloween na yan? bagong tradisyon lang yan dito.

nung unang taon ko dito, may konting dekorasyon kami sa halloween pero dahil eng eng si kengkoy kung ano ang halloween e hindi ko na rin inatupag na i explain sa kanya. basta naghanda ako ng aking espesyal na homemade cookies para sa mga mag trick or treat.

may mga dumating rin naman pero mga limang batang naka costume lang ang dumaan dito sa bahay namin at mga limang mukhang nakisaling pusa lang kasi hindi naka costume. hindi na ako nagtaka kasi nga walang kamuwang muwang si kengkoy kung ano ang halloween.

so nung mga sumunod na taon, pinilit kong gawing tradisyon ang trick or treat. talagang pinagsabi ko sa mga bata na pwede silang dumaan sa bahay namin. at sempre, kuntodo ang aming dekorasyon, pero karamihan dyan e libreng dekorasyon — eto pechur.

at kapag gabi na, sempre dagdag ko pa dyan ang mga ilaw ng kandila para talagang makita nilang welcome sila sa aming bahay. o ayun, ang saya ng halloween ng mga little kengkays kasi kung ano anong monsters ang nakita nila, heheh. at nung marunong na silang maglakad, sempre nag costume na rin sila at nag trick or treat. ang sinasabi nila dito e hindi trick or treat kundi suesses oder saures (sweet or sour).

at sa totoo lang, ilang kalabit pa lang dito sa doorbell sa mga kapitbahay e ang bigat na agad ang dala nila. yung iba kasi e supot supot na candies talaga. at yung iba, mga pinagsabihan ko na kasi, so ayun, may mga espesyal na supot sila para sa mga kyut na little kengkays, hahaha. sipsep kasi mga anak ko e.

ang trick dito, kapag walang ilaw, lagpasan na agad kasi yun ang mga taong hindi nagbibigay talaga. at ang trick isa pa, si kengkay ang naiiwan sa bahay at si kengkoy ang kasama ng mga bata na mag trick or treat kasi naman ang lamig ano..

nung isang taon ang dami nilang nakuhang candies… eto pechurss…

ang talagang tradisyon dito sa alemanya e ang pumunta sa burg frankenstein (ang kastilyo ni frankentein) kapag halloween. malapit lang sya dito sa amin pero hindi kami nakapunta ngayong taon dahil alam nyo na kung anong mga dagok na dumating sa aming tadhana nitong mga nakaraang linggo. baka next year dun kami mag halloween :)

nung bata pa kami, nagpupunta kami sa magallanes village para dun maki trick or treat. ang aga naming maki social climbing ano, hehehe

naranasan nyo na bang mag trick or treat?

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers