Kwentong Kengkay

Hulyo 9, 2011

Pinas: call center capital of the world?

Filed under: Duon sa Amin,Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 11:31 umaga
Tags:

wow. ang galing naman.

ngayon ko lang nalaman ha. call center capital of the world na pala ang pinas! pinatalsik nya ang India sa trono. kelan pa kaya?

nabasa ko lang dito na nagsabing:

India recently lost its crown as the call center capital of the world to the Philippines but still accounts for 55 percent of the global outsourcing market.

congratulations Pinas! congratulations call center heroes :-D pagbutihin ninyo para yung 55% ng India ay maiungos pa ng pababa at ang bansa natin ang tumulak sa itaas at manatili dun sa tuktok.

yun nga lang, huwag sana ibaba din ang sweldo ng mga call center goodies. at sana maayos ang inyong mga benepisyo. at sana ang mga walanghiya sa kalye na kayo ang binbantayan para salbahihen ay matigok sa kanilang kinatatayuan ngayon din!

ayan, enjoy call center boys and girls! heroes din kayo, alam nyo ba yun! congratulations at ipagpatuloy ang kaunlaran (mag-impok sa bangko at hindi sa gimik!!!)

P.S. meron akong sasabihin, nung asa Pinas din kami, nag apply din ako sa call center. hindi ko alam na call center opis pala yung pinuntahan ko. andun sya sa may Bonifacio Global City, naligaw-ligaw pa ako pero nahanap naman namin bago ako ma-late sa appoinment. konti lang kasabay kong nag-aapply.
(may karugtong…)

Oktubre 11, 2008

Showbiz na si kengkay

Filed under: Dito sa Amin,Duon sa Amin — kengkay @ 6:30 umaga

Masaya talaga maging alagad ng reyna, kasi daming assignments por social climbing, hehehe.

Imagine, ayaw ko na ngang isipin ang tungkol sa kagulang pera sa mundo e biglang binatuhan ako ng homework na sagutin ko daw bago abutin ng midnight si cinderella, e para namang mas madali yatang gabihin sa pinas kesa dito sa alemanya ano, hehe

Pero dahil alam kong showbiz time ay showbizness, naki ride ako sa popularity at nagpass na paper ako ng walang kopyahan. Yung nga lang, nalimutan kong magpadala ng kodak. Kaya ang lumabas sa dyaryo ay ang image nung aking nanay blog na kyut naman kasi bida ang mga little kengkays.

Ginawa nga pala ni Rienne yang image na yan, ang pinakamagaling na batang tuwang tuwa sa anime. Salamat Rienne! Mabuti na lang at namana sa nanay nyang isa sa mga mabuting kaibigan ko kaya ang bait ko sa kanya, (kaway ka na lang dyan, Taris, hehehe).

Lumabas ang special feature ni Salve Duplito (business editor ng Money Smarts sa inquirer.net) sa dyaryong Philippine Daily Inquirer nitong Lunes at kasabay na lumabas din sya sa inquirer. net: CLICK

At na-post ulit sya sa inquirer.net blogs sa kanyang halos kabuoan: CLICK.

Kayo, anong masasabi nyo sa global financial crisis?

——–

Makinig sa Usapang Pinoy, ang pinakasikat na radio-magazine sa buong UK na pinangungunahan ni Dr. Joy. Punta kayo sa pamamagitan ng pag-click dito: Future Radio UK . Pwedeng makinig lang kayo, pero mas masarap kung maki-chika tayong lahat sa pamamagitan ng pag-click ng Studio Messenger na matatagpuan sa may bandang itaas ng website, at pwedeng mag phone in question din.

Basta ha, kita kits tayo ngayong Sabado, at 2 pm UK time, 3 pm Alemanya time, 9 pm Pinas time sa Future Radio UK .

Oktubre 2, 2008

Parisian vs Italia

Filed under: Duon sa Amin,Pinas — kengkay @ 6:23 hapon
Tags: ,

hindi yung lugar, kundi yung sapatos o tsinelas o sandalyas, kung ano man ang tawag dito sa nakakwadrong mga larawan.

compare and contrast. kasi minsan nakakapikon. at baka may makuha kayong aral, kung ano man yon e sabihin nyo sa akin, hehe

Una Linea Italia — binili ko ang sandalyas nitong pebrero sa megamall branch nila. Medyo na excite ako kasi naka sale, 50% off. Wow, sa sobrang lito ko e hindi ko na malaman kung alin ang pipiliin ko. Kaya ang pinapili ko e ang mga little kengkays. At etong pares ng sandalyas ang isa sa mga nabili ko.

Okay naman sya kasi walang takong. Madaling isuot kasi suksok lang, kahit walang ilaw at kahit nakapikit, swak na swak sya. At dahil itim sya, kahit saan pwedeng dalhin. Kahit anong damit, pwedeng sabayan. 100% leather, ang saya ko.

Kaso naman, nung umulan, at nabasa ng kaunti. Ayan, nangitim na sya. Natiklop yung leather. At natuklap yung strap. Hmm, parang, maling desisyon. Hindi na sya pwedeng ibalik kasi ang pangit na nya, kahit na ilang araw ko palang syang sinuot. Hay buhay… Kakahinayang yung pera kahit na 50% off sya. Di bale na, asa balikbayan box na sya pabalik ng Pinas.

Ang second candidate: Parisian Jr. ng SM department store, sa megamall ulit. Binili ko ang pares ng sandalyas nuong umuwi kami nung 2006. Parisian Jr. sya, ang tunay na marka ng Pinoy na Parisian :) Kahit na hindi ako sanay sa takong pero dahil uso sya, at dahil mura sya — actually mura na sya tapos sale pa — edi buy din ako. Sino naman hindi makatiis di ba lalo pa’t nung ang mga little kengkay e walang pakialam sa shopping ko kasi may kasama silang kalaro.

Maganda rin ang sandalyas kasi pwede rin syang ipares kahit na saan. Pwedeng isuot kahit saan. Yun na nga lang, hindi ako pwedeng makipag-habulan. Hindi naman sya inulan, swerte!

Kaya naman maganda pa sya. Magpanaw rin kaya ang kanyang alindog kapag nabasa sya? Sana naman hindi, sayang ang pagiging Parisian nya.

Ang aral ng aking kwento? Magdala ng ibang pares na bota kapag umulan, hehe

Setyembre 17, 2008

luksong lubid atbp

Filed under: Dito sa Amin,Duon sa Amin,Pinas — kengkay @ 6:40 umaga

sempre, tungkol sa larong pinoy ulit, walang katapusang research ni kengkay sa mga larong nakaka miss at sa mga dating kalarong super namimiss :D

sa totoo lang, sino ba sa atin ang hindi nakapaglaro ng skipping rope? am sure marami dyan e hanggang ngayon e nag skipping rope pa rin katulad ko, mas maraming bilangan kasi kunyari e may health benefit, ehem. pero totoo naman di ba? maraming boxer ang kasali ang skipping rope sa training nila, tama ba ako?

anyway, dito sa alemanya, uso din naman ang skipping rope. o ayan na nga si bunsoy ko at trying hard mag skip! sempre dito ang skipping rope nila e tunay na rope hindi tulad nung bata ako, kahit anong tali e ginagamit namin, pati yung tali pasa sa mga aso, hehe. pero karamihan e yung rubber bands na pinagdugtong dugtong. parang gusto ko tuloy magkolekta ng rubber bands ngayon din :D

ngayon, marunong naman sina little kengkays mag skipping rope. pero nung umuwi kami ng pinas at binalot nila ang tila isang dosenang skipping ropes na na-kolekta nila (daming regalong skipping ropes nung nagkaron ng christmas party yung kanilang sports club, dami ngang libre dito di ba?); binigay nila yung karamihan sa mga ito dun sa bahay kalinga.

at sempre, nung binuksan nung mga bata yung kahon at nakita ang mga skipping ropes, nagpakitang gilas sila. dun unang namangha nag mga little kengkays sa kakayahan ng mga batang pinoy, nakita nila kung papano mag skip rope with partner! sa tanang buhay nila e hindi pa daw nila nakikita yung ganun, hahahah

kaya naman nung umuwi kami ng alemanya, aba, dapat daw matuto rin sila nang skipping rope with partner. o ayan, may i praktis na sila. ayaw daw nilang bumalik ng pinas hanggat hindi sila natututo ng dalawahan. sempre naman, kailangan kong ipakita sa kanila yung papano gawin yon, so — exhibition naman si nanay kengkay :D

at kahit na dun sa sports club namin, aba, sikat na sikat kaming mag iina kasi nga, marunong kami ng may partner. o ngayon, kapag nakikita nila ako, aba, yung mga bata nakapila na kasi daw gusto din nilang makipag -skip rope with partner sa akin, waaaaa!

ayan, luksong lubid naman yung tawag kapag may hawak na lubid yung dalawang bata at ikaw ay lulukso sa pagitan nung may hawak ng lubid. at ikaw ay taya kapag na-touch mo yung lubid. ganun ang rules nun di ba? tapos may luksong tingting, tingting naman ang hawak, may luksong kamay at papa na mga kamay at paa naman nung mga kalaro ang naka-balandra. teka muna, e ano naman yung luksong tinik? hmm

Setyembre 5, 2008

donasyon sa timba

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Duon sa Amin,Europe,Kwentong Bulilit,Paki Lang — kengkay @ 6:54 umaga
Tags:

kapag magpapalit na ang panahon dito sa alemanya, nagdaratingan na ang mga timba o minsan ay plastik bag na nagsasabing kailangan ng donasyon para sa mga kapwa natin na nangangailangan ng damit, blanket, sapatos at kung ano pang pwedeng ipamigay.

darating sa umaga ang mga timba na yan at iiwan sa mga harapan ng bawat bahay. kung plastic bag naman, isiksik lang nila dun sa mail box yun. nakalagay dun sa timba at dun sa plastik bag kung kelan ulit nila kukunin.

naisip ko lang, kapag sa pinas yan, am sure wala na silang babalikan na timba, hehehe.

karamihan, punong puno ang mga timba at plastik bag na yan kapag araw na ng pick up. minsan pa nga may extra pang bag.

yang mga na kolekta na yan e supposed to be, supposed to be ha, mapupunta sa mga nangangailangan kung saan mang parte ng mundo.

pero minsan, may isang tv documentary dito na pinakita kung saan napupunta ang mga ito — sa mga second hand stores sa afrika at asya. oo, binebenta sila sa ukay ukay! as in.

kaya naman itong si kengkoy, walang gana yan na punuin ang mga iyan. at dahil na rin sa napanood ko, ayaw ko na rin. kaya ang ginagawa namin ngayon, pinapadala namin ang mga gamit na yan sa balikbayan box sa Pinas, at dun pwedeng mamiyesta ang mga kababayan natin.

Nung huling uwi namin, dito namin sila dinala. Sa Bahay Kalinga. Ibang klase, basta, ibang klase ang feeling. Pati ang mga little kengkays, nabukas ang isip nila. Ngayon kapag meron silang damit na masikip na, sasabihin agad nila para na yon sa mga bata sa Bahay Kalinga. At karamihan sa mga laruan nilang pinag sawaan na, nakalagay na sa box, papunta ng Pinas. Pasko na di ba?

Bahay Kalinga
In front of Barangay Hall, Don Pedro Reyes Avenue, Victoria Homes Subdivision, Muntinlupa City, Metro Manila, Philippines
Tel No. 382-1784

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers