Kwentong Kengkay

Setyembre 2, 2008

biyahe tayo

Pagbigyan nyo si kengkay, bigla kong na miss ang Pinas nung naghalunggkat ako ng ibibigay na info para dun sa mga kabigan naming gustong pumunta ng Pinas e. Ang una kong hinanap yung link para dun sa video ng DOT na ‘Biyahe Tayo’.

Ayun, naiyak ako, waaaa. Na homesick bigla.

At talagang hinanap ko yung lyrics by Rene Nieva kasi parang gusto kong isa isahin ung mga nagawa ko, nakain ko, at napuntahan ko na sa Pinas. Check list ba, hehe. Kung gusto niyo, maki check na rin kayo.

Tara na, biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy nang todo.

Uy totoo yon, mas masarap magbiyahe ng kasama ang buong pamilya, barkada at kung ano mang ka grupo yon. Kapag asa Pinas kami, bus ang dala namin, hahaha. Tapos kapag sasakay at bababa ang buong barangay, binibilang parati ni kengkoy at baka daw may maiwan, hehehe

Napasyal ka na ba
Sa Intramuros at Luneta
Palawan, Vigan at Batanes
Subic, Baguio at Rice Terraces?

Bakit nga ba parati lang naming dinadaan-daanan ang Luneta kapag asa Manila Bay na kami? Ilang beses na rin kaming kumain sa may Manila Bay dahil dati naming tambayan ang Harbor View. Balak naming pumunta ng Palawan sa lalong madaling panahon. Sayang at hindi pa kami dumaan ng Vigan nung 2006, sa Baguio kasi kami natutok e, hindi nga lang namin nararing ang Rice Terraces. Pero sa Batanes, dun, gusto ko dun. Ang balita ko lang e limited travel lang dun dahil parating may bagyo. Subic, hmm, ilang beses na rin akong nakarating dun; lalo na nung nagkaron ng shopping paradise dun :D

Namasdan mo na ba
Ang mga vinta ng Zamboanga
Bulkang Taal, Bulkang Mayon
Beach ng Boracay at La Union?

Gusto ko pumunta ng Zamboanga, am sure maganda tingnan ang mga vinta. Pero sa totoo lang, saang parte ba ng Zamboanga yan, eng eng ko talaga. At oo, si kengkoy at ang mga little kengkays nakarating na sila sa Taal (dun ko sila unang dinala, at isang linggo kami dun); ako nakarating na ng ilang beses sa Bicol, pinagiisipan kong mabuti ang pagbisita ulit dun, sana wala ng NPA (natatanging poging aminado). Mahal na mahal ko ang Boracay dahil dun ako natutong lumangoy, wahahaha. Mas maganda sya dati, early 90s, kasi walang malalaking buildings at shopping malls, simpleng boracay ang narating ko, gusto ni kengkoy pumunta dun kaso dami nyang naririnig na maganda nga daw dun. Nung 2006, asa La Union kaming pamilya. At sempre, buong barangay, ano pa nga ba :D

Nasubukan mo na bang
Mag-rapids sa Pagsanjan
Mag-diving sa Anilao
Mag-surfing sa Siargao?

Hindi pa ako nag rapids sa Pagsanjan at nag surfing sa Siargao :( , pero nakarating na ako sa Anilao at bilib na bilib nga si kengkoy sa Anilao dahil sa harap mo pa lang mismo ay may treasures ka ng makikita, mantalang sa ibang bansa daw dapat ka pang mag bangka sa malayo para lang may konting makita :)

Natikman mo na ba
Ang sisig ng Pampanga
Duriang Davao, Bangus Dagupan
Bicol Express at Lechong Balayan?

Teka muna, ano lasa ng sisig ng Pampanga? Sa dami ng sisig na natikman ko hindi ko alam kung alin dun ang Pampanga flavor. Duriang Davao natikman sya sa mismong palengke ng Davao, yum! Bangus ng Dagupan? Sa tingin ko kasi tatay ko pangasinense e. Bicol Express, oo naman, kasi dami kaming ka-barangay na taga Bicol e. At ano yung Lechong Balayan? Hindi ko yata alam yan, ang alam ko lang Mila’s at Nena’s :D

Nakisaya ka na ba
Sa Pahiyas at Masskara
Moriones at Ati-Atihan
Sinulog at Kadayawan?

Yan, yang asa taas na lyrics, hindi ko pa naranasan lahat yan. Kakalungkot, waaa. Dapat isa isahin na yan, sino gusto sumama sa akin, hehe. Ang hirap kasi magbiyahe kapag may festival e, lalo bat buong barangay kasama, hahaha. Siguro dapat patakas, oops :D

Namiesta ka na ba
Sa Peñafrancia sa Naga
Umakyat sa Antipolo
Nagsayaw sa Obando?

Nakipiesta na yata ako dati sa Naga, at parati kaming umaakyat ng Antipolo at sa tingin ko, naki sayaw na rin ako sa Obando. Tambayan ko yata dati ang Obando at meron akong barkada dun nung asa kolehiyo ako.

Ang dami ko pa palang dapat puntahan…

Halika, biyahe tayo…

bakit sila ganun?

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Duon sa Amin,Paki Lang,Pinas,Seryus — kengkay @ 12:02 hapon

kapag walo kayong magkakapatid na lahat e mga malalaki na at mga wala namang sakit, tapos ang tatay nyo e matanda na, mga 63 years old ba; sa tingin, sino ang dapat mag trabaho?

edi sempre, ang tatay na 63 years old.

kahit na sabihin pang hanggang grade three lang tinapos ni tatay, sya pa rin dapat mag trabaho para sa buong pamilya. okay, may mga tumulong din, mga dalawang anak yata.

kasi yung mga anak ni tatay na walo e hindi nakapag-aral. kahit pa binigyan silang lahat na magkakapatid ng kung sinong mabait na tao ng iskolaship.

oo, may iskolaship silang tinanggap. pero anong ginawa nila?

wala po. kasi po wala daw silang pamasahe papunta dun sa iskwelahan, wala silang pang baon — anak ng putchamos naman – ang daming dahilan.

bakit kaya hindi na lang nila sabihin na wala silang paki-alam sa edukasyon at sa magiging future nila dahil umaasa sila kay tatay na grade three lang ang tinapos? hindi man lang nila kinuha ang oportunidad na i-ahon si tatay nila sa kahirapan, at yung nanay nilang may sakit, pagkakataon na para maipagamot.

kasi wala silang pamasahe papunta sa iskwela, kasi wala silang pang baon. ang babaw naman mga chong!

sa akin kasi, kung gusto mong tulungan ang sarili mo at ang pamilya mo, gagawa at gagawa ka ng paraan. sino kaya sa atin ang naghahanap ng iskolarship pero walang makuha? sayang lang yung binigay sa inyong iskolaship, kakainis kayo, hmpf!

pwede naman sigurong makiusap para dun ka ipasok sa eskwelahan na malapit sa inyo di ba? para lakad na lang. at pwede rin sigurong humingi ka ng trabaho dun sa nagbigay ng iskolarship, alam mo yun, yung tipong maglalaba ako isang araw sa isang linggo, magiigib ng tubig, maglalako ng paninda, mag-kokolekta ng diyaryo at bakal, mga ganun ba…pwede nga minsan nalakarin papunta sa eskwela kung gusto mo talaga. pero kung tamad ka. ay, kawawa naman ang nanay at tatay mo, at mas nakaka-awa kayong magkakapatid. pathetic! o ngayong patay na si tatay at may sakit pa rin si nanay nyo? ano na gagawin ninyo?

edi magmaka-awa ulit para sa tulong. edi magturuan. panay laway na naman. sa totoo lang, tumingin kayo sa inyong paligid, andyan kaso sa gusot na iyan dahil umasa kayo sa kawawang tatay ninyo. tingnan ninyo ang sarili ninyo, asa inyo ang sagot — at kung bulag na kayo sa katotohanan, kawawa naman kayo.

kawawa din si kengkay kasi pinasakit nyo lang ulo ko. at oo, meron akong nabasa kahapon sa isa sa mga balitang pinas kung bakit ako nag-eemote ng ganito ngayon.

kung si kengkay nga, nung asa bangkok ako, akala rin yata nung mga umaasa sa akin e sarap ng buhay ko dun. ang yaman ko. ang dami kong pera. op kors, ang dami kong pera, feeling mayaman ako. pero isang araw lang yun sa isang buwan, kasi halos buong pera ko pinapadala ko sa pinas. kapag ubos na ang budget ko para sa akin? naglalakad na ako, minsan isang oras ako maglalakad para lang maka uwi sa bahay ko. at sa pagkain? nilagang mais na lang dun sa kanto. limang piso lang isa, at sempre, magbabaon ako ng tubig galing sa opis namin, kasi wala na rin akong pambili ng tubig ko.

nagsakripisyo ako nuon, pero tapos na yon, kasi may hangganan dapat ang lahat, dapat matuto rin silang tumayo sa sarili nilang sikap. maging maparaan tayo, lalo pat buhay ninyo, buhay ng mga nagmamahal sa inyo ang na-aapektuhan.

pero kung antay lang kayo ng antay, ng padala, ng charity — hay walang buhay na ganun. ano ba. gising! kainis, hmpf. alam nyo kaya kung sino at anong balita itong tinutukoy ko? kung alam nyo, mali ba ako?

Agosto 29, 2008

OFW Suicide Nga Ba?

Filed under: Duon sa Amin,Paki Lang,Pinas — kengkay @ 7:14 hapon

Mahilig akong dumalaw sa inquirer.net bago ako matulog, pero kagabi medyo hindi ako nakatulog dahil dun sa nabasa kong istorya tapos napanood ko pa yung video..

Yung tungkol ba sa istorya ng isang OFW na sinabing nag suicide daw dahil tumalon daw sa isang building sa Abu Dhabi mantalang ang nakita sa katawan nya nung dinala na sa Pinas ay ‘

Milo’s remains arrived in Manila on August 19. Anita Milo-Macalintal, Milo’s aunt who raised her, said Milo’s body bore strangulation marks on her neck, and stab wounds on her chest and legs.

“Her mouth seemed punched in and her genitalia were swollen,” Macalintal said.

Alam nyo yun, yung tipong siguradong isa lang yan sa mga ganyang nakakalungkot na istorya ng mga OFWs natin. Mas marami pang mas malala. Pero kahit na.

Yun tipong, aalis ka ng Pinas para magbali ng katawan para di magutom yung mga naiwan sa Pinas. Yung tipong aalis ka ng Pinas at iiwan yung mga mahal mo sa buhay, yung pagkaing sarap na sarap ka, yung buhay na nakasanayan mo, yung makikipagbakbakan ka sa isang kulturang ibang iba sa kinagisnan mo, yung iiyak ka dahil homesick na homesick ka, yung tipong ang taas ng pangarap mo para sa mga naiwan sa Pinas mantalang alam mo namang isa ka lang aba sa hiram na bansang tinutungtungan mo… Tapos hindi mo alam, hindi alam ng buong pamilya mo, ng mga kaibiga mo… isang araw uuwi ka na lang ng wala ng buhay.

Alam mo yun, yung tipong uuwi ka na lang ng hindi ka man lang nakakapag-paalam. Yung uuwi ka na lang ng ganun pa rin ang kahihitnatnan ng mga gusto mong bigyan ng bagong buhay. Yung wala ka ng magawa kasi naiwan mo na sila ng tuluyan talaga. Alam mo yun?

Naiyak pa ako kasi napnood ko yung nanay nung OFW nagsalita pa, hindi ko alam kung para kanino yung mga pananalita nya kasi meron pang prompter sa background nya, na tipong pinapa-alala pa kung ano dapat nyang sabihin; pero kahit na, alam nyo yun? Yung tipong wala na ngang ngipin yung nanay nya, ibig sabihin, talagang walang pera para kahit man lang sa pustiso — tapos 300 pesos lang daw ang binigay nung recruitment agency para sunduin yung bangkay ng anak nya. Ano ba namang klase yon?

Hindi ko alam kung Pinoy ang may ari ng recruitment agency na yon, Bright International Manpower, pero naku naman, pwede ba, kung magbibigay kayo ng trabaho sa mga umaasang kapwa ninyo Pinoy.. sana namang buong tulong ang gawin ninyo. Hindi yung sa bandang huli e iwanan na sa ere. Imagine, bigyan nyo yung nanay nung patay ng tatlong daang piso para sunduin yung anak nya sa airport na isang bangkay na?

Magkaron naman kayo ng puso, mga recruitment agencies. Maawa naman kayo sa mga taong umasa sa inyo. Sigurado ko, nung nag apply pa lang si Evelyn e makikita sa kanya ang sigla dahil may pag asa ng magbago ang buhay nila. Ngayon, nawala na ang sigla. Wala na rin kayo bigla. Wag sana masilaw ang mga recruitment agencies sa pera, unahin sana nila ang magiging tao nila.

Ayoko ng ganyan, sumasakit ulo ko.

Para kay Evelyn Milo, may your soul rest in peace. Para sa pamilya ni Evelyn, tatagan nyo ang inyong kalooban at maniwala kayo sa May Kapal. Sigurado kong may kasagutan ang lahat ng yan.

Eto ang buong istorya

Agosto 28, 2008

San Mig sa Espanya

Filed under: Dito sa Amin,Duon sa Amin,Oyropa Ko — kengkay @ 5:32 hapon
Tags:

Nakita nyo ba ang nakita ko? Merong San Miguel Beer sa Espanya!

Pero hindi ko talaga nakita yung bote ng San Mig ha. At ayaw ko ring tikman yung overflowing beer sa hotel kung San Mig sya kasi, hmm, kasi hindi rin naman ako umiinom ng San Mig e. Pang Cali lang ang beauty ko :)

At ang sumunod na pinanlaki ng mata ko e meron din silang lechon! Lechona nga lang ang tawag nila, bakit kaya lechona? Kasi babae yung baboy, hehehe, ang corny ko, hmpf!

Yan e nahagilap ko lang nung naglakad lakad kami sa may dagat dagatan. Muntik ko ng hilahin si kengkoy at ang mga little kengkays nung nabasa kong may lechon! Hindi dahil gusto ko kumain ng lechon, mas gusto ko yata yung seafood plate, kundi para mag-pechur pechur ako!

Kaya lang, sarado pa yung restaurant. Kasi sa Espanya, late sila mag lunch, mga after 12 noon; tapos late din sila sempre mag dinner – mag alas nueve ng gabi! As in.. minsan nga 10 pm pa kamo ang bukas ng mga restos.

Magaalumpihit ka na sa gutom wala pa ring magbubukas sa yo ng restaurant ano, waaa. Kaya kung may balak kayong mag Espanya? Magdala ng baon just in case hindi na umabot ang bituka ninyo sa kakaibang open and close ng mga restos dun.

Agosto 17, 2008

jackstones

Laban kayo? Jackstones tayo!

Nung isang beses na umuwi kami ng Pinas, anong saya ko nung nadiskubre ko na may nagregalo sa mga little kengkays ng jackstones.

Sabi ko sa kanila, magaling ako dyan! Naks, sempre naman, hindi naman nila alam kung papano maglaro nyan ano, hahaha.

Pinakita ko sa kanila kung papano. Super excited naman sila. Edi ayun, nagkaron kami ng jackstone contest sa bahay. Si bunsoy, medyo hindi nya kaya yung maliit na bola kaya big bola ang hawak nya, pwede na rin!

Sempre, yung exhibition pa — kweba, loop, basketball, tuldok, hmm, ano pa nga ba?

Nakakatuwa kasi wala palang jackstones dito sa Alemanya, as in… Kasi pinakita nya sa mga pinsan nya at sa mga tito at tita nya, nangamote silang lahat kasi nga, hindi kilala ang jackstones!

Kaya naman mga kababayan, ipakita natin ang galing natin sa jackstones ano. Baka sa sunod na olympics e meron ng jackstones, di ba? Am sure kasali dyan ang mga little kengkays!

Ano sa tingin ninyo? Laban kayo? Jackstones tayo.

P.S. Marunong din sempre ako ng chinese jackstones!

scheduled post lang to, kasi nakabakasyon pa si kengkay :D

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers