Kwentong Kengkay

Nobyembre 16, 2008

EB with Chuva

Filed under: Europe,Kaibigan — kengkay @ 9:51 umaga

Ay oo naman, akala naman siguro nila e nalimutan ko ng ikwento yung mga ka chikahan ko nitong nakaraang summer time! Dumating dito sa alemanya ang pinakasikat na showbiz blogger, si chuva.

Andito kasi sya ng buong buwan ng Hunyo, pinadala sya ng kanyang kaopisinahan mula sa kanyang kuta sa Amerika papunta dito sa Alemanya para maging number wan cheerleader nung nakaraang Fussball European Cup, hehe- kaya naman nag EB kami para masaya!

ayan sya, nakaupo sa trono ni kengkay. sinundo namin sya sa kanyang palasyo na malapit sa paliparan ng frankfurt. dahil sa kanya e nakarating din ako finally sa siyudad ng frankfurt. pathetic ano? kasi nakakarating lang ako sa paliparan pero sa siyudad mismo? first time ko, at sa totoo lang, first time lang din ni kengkoy dun, hehe. kaya naman ayun, nagkandaligaw ligaw ang mga beauty namin!

Mabuti na lang may napagtanungan si kengkoy na isang taxi driver:

Kengkoy: chef, wo gibs parkplätze hier? (bossing, saan may malapit na parking dito?)

Taxi Driver: Errm, hmmm – sie muss, okay, you must go to the right, go straight and you would see karstadt, there you would find a parking area (aray ko, hindi pala marunong mag aleman yung driver, waaaa)

sa sobrang naligaw e, nagutom! ayan at nag-aagawan sa pretzel ang pamilya ni kengkay kasama si chuva.
o de vah, ang ganda nya! nag stop kami sa isang cafe el aire libre kasi na-uhaw naman. type sana namin sa mcdo kaso mo naman ang daming utaw, waaa. hindi na makapag antay ang mga little kengkays kaya dito kami natambay.

So lakad lakad. Shopping shopping. Medyo naligaw ako kasi ang daming nagi-inglis sa frankfurt! Aray ko. Bakit kaya sa Heidelberg nung unang salta ako dito sa Alemanya e ang hirap maghanap ng marunong mag inglis! Hayyy. At dito naman kami nag dinner kung saan pechurs na naman!

At continue ang aming shoppingan, kasabay na dun ang shoppingan for cuties, hehe.

Hay ang sarap makipag EB, pramis!

Eto pa ang ibang pechurs!

Oktubre 7, 2008

Tambakan

Filed under: Europe,Oyropa Ko — kengkay @ 6:25 hapon

kapag araw ng sperrmüll o bulky waste na galing sa wikipedia; maraming tambakan alley kang biglang makikita sa alemanya. sulputan ang mga tambak bigla. mistulang junk yard ang dating kalinis-linis na mga sidewalk at bakuran.

ang pinakamasaya sa mga araw na ito ay ang mga taong gumagala katulad ng mga turko at mga polnish — kasi sila ang karamihang umiikot sa hapon pa lang, isang araw bago ideklara ang tambakan day. as in truck truck kung maglibot sila. kumbaga, bisnis na nila yon.
Pero sempre, hindi ka basta basta pwedeng maglagay ng tambak mo sa harapan ng bahay mo. Dapat i-submit mo muna yon sa kinauukulan at kapag pumayag sila, pwes, ilabas ang lahat ng kaldero, paso at kung ano ano pang nabubulok lamang sa isang tabi. Ayan ang simula ng pag-hahakot ni kengkoy.
Nadagdagan ng nadagdagan. Pati yung mga laruan ng mga little kengkays na hindi naman na nila pinapansin ay binato na rin sa tambakan. Sempre tinanong muna namin sila at baka maglulupasay sa daan kung gusto pa pala nilang laruin ano.
O ayan, side view, hehehe.
Ayan, sabi ko kay kengkoy pwede pa namang gamitin yan kasi bagong bago. I mean, pwede namang pinturan o kaya naman barnisan. Anong say nyo? E ayaw na daw nya kasi ilang taon ng balak gawin tapos hindi naman magawa. So sabi ko, pustahan, yan ang unang unang mawawala at kukunin ng mga dumaraang nangongolekta. O tama nga ako kasi pagkatapos ayusin ni kengkoy lahat, may dumaang malaking truck at may bumabang mama at sinukbit agad.

Pero sempre, siyasatin nila talaga ng mga tambak at isa isahing kikilatisin. At kapag oks pa, getching na nila agad. Parang namimili sa palengke. Nakakatuwang panoorin yan minsan kasi minsan hulaan kami ni kengkoy kung alin ang unang kukunin. Ang nakakainis lang minsan, may mga nagiiwan din ng gamit nila dun sa tambakan namin.

At dyan sila humanda kay kengkoy kasi talagang susugod yon at maninigaw!

Pangalawang araw, ibig sabihin, ngayon na ang araw ng pag pick up ng mga tambak, napansin ninyong halos wala ng tambak sa harapan ng bahay namin? Pero may nadagdag, kutson ng sofa. Sabi ko na nga sa inyo makukulit mga tao dito e. Hindi masaya sa pagkolekta pero minsan kapag nagabago isip nila ay basta na lang din magiiwan ng kung anong ayaw nila sa harapan ng bahay mo, hayyy

Mabuti na lang hindi nahuli ni kengkoy kundi masisigawan sila, hehehe

Setyembre 19, 2008

Libreng Concert

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Kwentong Kengkay,Magaling ang Pinoy,Oyropa Ko — kengkay @ 6:01 umaga

Libre na naman! Oy, sinong may sabing hindi naglilibre ang mga pinoy?

Libre yata yung concert na dinaluhan namin nung makailang araw na ang nakalipas, at ang concert na ito ay pinangungunahan ng The Fifth Gospel Choir na galing pa sa Pinas! Fresh from my homeland, weeee!

Kundi pa ako kinalabit ni cool mom sa email e hindi ko malalaman ang concert na ito. Maraming salamat, coolmom. Huli ako sa balita basta sa mga ganyang bagay e. Kasi nga hindi karamihan ang pinay dito sa baryo ko, kung meron man e asa kweba lang sila parati, hehe

At dahil mahal na mahal ako ni kengkoy, kapag sinabi kong sa Linggo e pupunta tayo sa isang concert sa kabilang bundok, tango na lang sya :D Ang mga little kengkays naman super excited kasi sabi ko pwede syang mag-suot ng kanilang church dresses, kasi nga sa simbahan naman talaga yung concert e.

Ayun na nga, dumating ang araw, ready na si kengkoy sa kanyang directions na printed out nya galing sa internet; naka gown na ang mga little kengkays pati ang big kengkay, hehe — harurot na ang sasakyan papuntang Eppelheim.

Actually, naligaw kami! Mabuti na lang maaga kaming umalis, kaya maganda pa rin yung pwesto namin nung nahanap namin ang simbahan. Kasi sempre, fashionably late pa rin ang mga pinoys kahit na andito sila sa Alemanya.
Ayan ang St. Joseph’s Church sa Eppelheim, mga 25 minutes drive galing sa aming baryo. Sa totoo lang, ngayon lang ako naka attend ng isang event dito na ang daming pinoys; kung titingnan mo e yung mga aleman ang bisita, kumbaga kasi ang konti nila.
Ayan na ang The Fifth Gospel Choir, siyam silang miyembro; karamihan sa kanila dating magkaklase nung college at may mga dating seminarista din sa grupo nila. Nagkaron ng misa bago magsimula ang concert at sila rin ang tumayong choir. Ang pari na nag misa ay Pinoy rin, dito sya ngayon sa Alemanya nakabase.
Aba, ayan at nagtayuan na po. Sayawan agad! Pwesto nga kami agad ng mga little kengkays sa gitna para mas may space sa sayawan, hehe. Ang galing po talagang mag engganyo ng choir, may audience participation. Tayuan lahat, sayawan lahat. Indak dito indak dun.
Sayaw giliw, sayaw giliw, sayaw giliw, sayaw giliw. Ikembot mo, ikembot mo, ikembot mo, ikembot mo :D
Puno ang simbahan, pati sa itaas e apaw ang tao. Sa totoo lang, kahit maliit ang mga simabahan sa mga maliit na baryo dito, hindi talaga yan napupuno kung hindi pasko o hindi new year’s o hindi easter. Pero dahil sa concert na to, puno sya talaga. Suportado ng mga pinoys!

Nagkwento rin sila ng mga experiences nila, nagkipagpalitan ng jokes. Masaya kahit na maikli lang ang concert. Tapos, kumanta sila ng isang german praise song, ang galing sempre!

Ang medyo may narinig lang ako. Isang puna na gusto kong banggitin as a guide sa mga susunod na gustong mag organize ng ganitong concert.

Isang oras bago magsimula ang concert e nagreklamo yung isang aleman dun sa isang pinay na organizer yata — sabi nya e naghahanap daw ng piano or organ yung banda. Kung meron ba daw sa simbahan. Hmm, sa mga simbahan kasi sa pinas e parating may mga naka-abang na organ o piano. Pero sa alemanya, walang ganun dahil karamihan ng simbahan e bukas 24 hours! Mabuti at nakahiram ng organ, pero papano kaya kung walang mahiraman sa paligid? Ituloy kaya ang concert ng walang organ accompaniment? Kaya dapat, laging handa. Magtanong agad ng maaga at hindi last minute para makapag prepare pa.

Anyway, libre ang concert. Pero sempre paglabas mo, na customary na dito, merong isang box kung saan pwede kang mag donate. At dahil magaling talaga yung choir, lahat naman ng tao nagbigay ng pera. At sempre, yung mga souvenirs tulad ng t-shirts at CD e naka balandra din sa labas ng simbahan, for sale :D For a good cause, ika nga.

Makinig sa Usapang Pinoy, ang pinakasikat na radio-magazine sa buong UK na pinangungunahan ni Dr. Joy. Punta kayo sa pamamagitan ng pag-click dito: Future Radio UK . Pwedeng makinig lang kayo, pero mas masarap kung maki-chika tayong lahat sa pamamagitan ng pag-click ng Studio Messenger na matatagpuan sa may bandang itaas ng website, at pwedeng mag phone in question din.

Basta ha, kita kits tayo sa Sabado, ika-20 ng setyembre at 2 pm UK time, 3 pm Alemanya time, 9 pm Pinas time sa Future Radio UK .

Setyembre 13, 2008

Protektado: sabado ang first day of class

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Kwentong Bulilit,Kwentong Nanay,Oyropa Ko — kengkay @ 8:13 hapon

Protektado ng hudyat ang paskil na ito. Upang mabasa ito, ipasok ang iyong hudyat sa ibaba:


Setyembre 9, 2008

gaya-gaya

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Kwentong Bulilit,Oyropa Ko — kengkay @ 7:23 hapon

kapag bata talaga, gaya-gaya!

eksampol lang, nitong nag punta kami sa isang paliguan na malapit dito sa amin.

ayan ang mga girls, ewan ko ba kung bakit itong maliit na fountain ang pinaginitan nilang upuan samantalang ang laki laki ng mga swimming pools at may dagat rin sa tabi pero ayan, dyan sila nagpapalamig

e sempre pa, nakita ng dalawang little kengkays, edi gaya din sila. inangkin nila yung kabilang fountain at nag emote din

tapos sempre, hindi masyado uso dito ang may cottage o may upuan sa mga paliguan, o kung ano pa mang pwedeng arkilahin o ibenta sa mga uto utong gustong magrelaks relaks. sa mahal ng entrance ng mga paliguan, bring your own dito e. bitbit mo ang buong bahay, baga, hehe. kanya kanyang dala ng payong, ng tent, ng upuan at kung ano pang pwede mong mabitbit. at sempre, yung pagkain, buong ref na rin ang dala- picnic ang drama. hindi katulad sa halos lahat ng paliguan sa pinas na bawal ang magbaon o kaya naman e yung entrance kasama na rin yung pagkain, de ba, walang papalag, ano ba yun! pero karamihan ng drama dito e yung hihiga lang sa tuwalya. kita nyo sila?


o sempre, higa na rin si panganay ko. gaya gaya nga, de bah. pero maarte nya, dalawang tuwalya ang dala nya kasi daw madudumihan daw yung tuwalya nya, kaya pinatong nya dun sa tuwalya ni bunsoy. sempre alam nyo na kung anong nangyari nung hinanap ni bunsoy ang kanyang tuwalya? hulaan nyo?

wala lang,nabulabog ang buong katahimikan dahil sa tilian nung magkapatid. pack up kami agad at umuwi dahil kapag dinagdagan pa namin ni kengkoy ang ingay e baka ma ban na kami dun sa baryo na yon, hehehe

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers