Kwentong Kengkay

Setyembre 8, 2008

libre

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 7:05 hapon

may gusto kayong itanong kay kengkay? pwes, kung miyembro kayo ng WPP e si kengkay ang nakaupo ngayon sa mabagsik na tanungan portion sa WPP hotseat.

alam nyo ba, maraming libre dito sa alemanya. napaka-generoso ng mga tao dito, pramis, lalo na kapag may bata kang bibit. at kapag may okasyon? naku, dapat kang maglibot dahil makakarami ka talaga.

number wan – kapag nagpunta ka sa meat shop. minsan papipiliin pa yung mga bata kung ang gusto nila e isang slice ng ham or isang maliit na pack ng gummi bears at kapag gusto pang humirit ng bata, pwede rin :D nung isang araw naman, nabusog si kengkoy sa kakatikim ng mga cold cuts dun sa isang meat shop, ang haba daw kasi ng pila, edi para daw di sya ma bore, nanginain sya, hehe

number tu – kapag asa bakery ka. daming slices ng cakes at cookies na libre tikim. at minsan, may libreng lobo pa para sa mga bata

numer tri – sa halos lahat ng shopping malls, kapag nakita nilang may kasama kang bata, meron silang surprises agad na bibigay, kahit na hindi ka namili – candies, lollipops, lobo at kung anu-ano pa.

number por – sa mga cosmetik at perfumeries naman – dami ring libreng samples. lakasan mo lang loob mo na humingi at gandahan mo ang drama mo, am sure makakaipon ka ng supply para sa buong buwan, hehe

number payb – sa mga grocery stores, pinamimigay nila minsan yung mga laruan na hindi nabebenta, as in.. libre pa minsan pumili ang mga little kengkays (suki kasi kami).

number siks – sa mga discount stores, (discount stores na yan ha) minsan may nilalabas silang mga gamit na ‘FREE’ ang nakatatak. as in, sugod mga kapatid ang drama kapag ganyan. sempre dapat ikaw ang mauna. dati ang aga kong nag shopping, aba, nakita ko free yung wall papers, as in ang daming rolls. may i getching ako, nahiya pa ako, tingin tingin pa ako sa paligid kung may nakakakita, baka kasi mapagkamalan akong kawatan ano.. tatlong rolls lang dinampot ko. aba may dumating na turkish gurl, as in, shock ako kasi yung buong timba nung wall papers e inuwi nya, waaaaa.

number seben – kapag may promo, super promo talaga. pero hindi sila mag advertise ha, dapat suwertihin ka talaga. isang araw nag shopping kami sa isang malaking department store na parang bodega sale ba – aba, lahat ng items, except food, e buy one take one! edi grab talaga kami. super, hindi na magkasya yung napamili namin sa kotse, yung supply na yon e nagtagal sa amin ng halos kalahating taon, pramis yan.

number eyt – kapag may special occasion, ispesyal talaga. daming libre, daming regalo. mabubusog ka sa libreng pagkain, sa libreng inumin, sa libreng free samples, sa libreng papremyo. minsan ang gagawin mo lang e bubunot ka tapos may premyo ka na, galing di ba? kahit ilang beses ka bumalik, kung kapal muks mo, okay lang, hahaha

number nayn – kapag tungkol sa mga project ng mga bata, daming libre din. nung bumisita ang kindergarten ng panganay ko sa bangko, alam nyo bang binigyan sila tig-iisa ng 5 euro na certificates? pwede nilang ideposito yun sa bangko. ah basta, sa lahat ng binisita nilang lugar, meron silang mga inuwing surprises. tapos ngayong magpapasukan, lahat ng tu-tuntong ng grade one e nakatanggap ng gift certificates sa mga shops na andito sa paligid namin. as in ang daming regalo na naman!

number ten – para sa mga mga grade one ulit, may pinamigay na school bags na may laman na kung ano anong surprises yung isang suking tindahan namin. nakita ko yung isang nanay na alam ko namang malalaki na yung mga anak nya, kumuha ng dalawang school bags, (kanya kanya kasing kuha e, kumbaga, let’s be honest, ganun) tapos lumapit yung asawa nya, kumuha ulit ng dalawa. huh? ibang klase rin minsan ano, hehe. so sabi ko kay kengkoy, dapat meron din si panganay natin kasi mag grade one na rin sya e ngayong pasukan. so tinanong namin sa cashier kung pwedeng kumuha rin, at nag oo naman ito. nakita nya si bunsoy ko na parang naiiyak ba sa inggit — sabi nya, bigyan din daw ng isa si bunsoy para fair – galeng di ba? at yung dalawang mag asawang unfair? hay, kalimutan na natin, minsan may mga ganyan, generoso din sa kaswapangan, hehe

ay sample pa lang yan, basta sa librehan, over talaga dito sa alemanya. pero may nakausap akong pinay na asa kabilang baryo, sabi daw nya, hindi daw ganun ka-generoso ang mga aleman sa baryo nila! huh, shock ako kasi dito sa baryo namin, sobra sobra talaga. o baka naman sinuswerte lang talaga kami, ehem :)

pero sempre, sinasabihan din namin ang mga little kengkays na huwag tumanggap ng kahit na ano sa mga strangers — maliban na lamang kung kasama nila kami.

Setyembre 5, 2008

donasyon sa timba

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Duon sa Amin,Europe,Kwentong Bulilit,Paki Lang — kengkay @ 6:54 umaga
Tags:

kapag magpapalit na ang panahon dito sa alemanya, nagdaratingan na ang mga timba o minsan ay plastik bag na nagsasabing kailangan ng donasyon para sa mga kapwa natin na nangangailangan ng damit, blanket, sapatos at kung ano pang pwedeng ipamigay.

darating sa umaga ang mga timba na yan at iiwan sa mga harapan ng bawat bahay. kung plastic bag naman, isiksik lang nila dun sa mail box yun. nakalagay dun sa timba at dun sa plastik bag kung kelan ulit nila kukunin.

naisip ko lang, kapag sa pinas yan, am sure wala na silang babalikan na timba, hehehe.

karamihan, punong puno ang mga timba at plastik bag na yan kapag araw na ng pick up. minsan pa nga may extra pang bag.

yang mga na kolekta na yan e supposed to be, supposed to be ha, mapupunta sa mga nangangailangan kung saan mang parte ng mundo.

pero minsan, may isang tv documentary dito na pinakita kung saan napupunta ang mga ito — sa mga second hand stores sa afrika at asya. oo, binebenta sila sa ukay ukay! as in.

kaya naman itong si kengkoy, walang gana yan na punuin ang mga iyan. at dahil na rin sa napanood ko, ayaw ko na rin. kaya ang ginagawa namin ngayon, pinapadala namin ang mga gamit na yan sa balikbayan box sa Pinas, at dun pwedeng mamiyesta ang mga kababayan natin.

Nung huling uwi namin, dito namin sila dinala. Sa Bahay Kalinga. Ibang klase, basta, ibang klase ang feeling. Pati ang mga little kengkays, nabukas ang isip nila. Ngayon kapag meron silang damit na masikip na, sasabihin agad nila para na yon sa mga bata sa Bahay Kalinga. At karamihan sa mga laruan nilang pinag sawaan na, nakalagay na sa box, papunta ng Pinas. Pasko na di ba?

Bahay Kalinga
In front of Barangay Hall, Don Pedro Reyes Avenue, Victoria Homes Subdivision, Muntinlupa City, Metro Manila, Philippines
Tel No. 382-1784

Agosto 27, 2008

Sa Ulap ng St. Tropez at Nice

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko — kengkay @ 6:14 hapon

 Okey ba ang pechurs ko? Sempre di ko matiis na kunan ng pectyur ang mga sikat na tourist areas sa Pransya. Pasensya na at mula sa ulap ang kuha ko ha, pero keri na rin di ba? Ayan ang south of France kung saan matatagpuan ang Nice at Cannes.

 At andito naman daw ang St. Tropez kung saan maraming mayayaman at sikat na magaganda at pogi at mga nagpupumilit na maging maganda at pogi at mayaman at sempre ang mga usisero ang naglilipon-lipon.

Bakit ko naman daw alam na dyan ang St. Troper at Nice? E kasi sabi nung piloto ano pa nga ba. Sempre nung sinabi nya yon e may i click click agad ako. Ang biyahe kasi namin from Mallorca, Spain patungong France, dumaan din kami sa tuktok ng Alps Switzerland bago kami lumanding sa Alemanya.

Eto lang masasabi ko sa inyo, nakarating na rin kami sa south of France, meaning naki ride na rin ako sa popularity ng mga showbiz at mayayaman dahil nakapagbakasyon na rin kami sa Nice at sa Cannes at nakayapak na rin kami sa Monaco… sa totoo lang? Over rated silang lahat dahil ang beach dun sa Nice e mabato po, waaa. Wa syang sinabi sa ganda ng buhangin sa Boracay. Sa Cannes naman, hmmm, nothing spectakular kahit nga yung mga hotel na tinutuluyan ng mga sikat e parang, huh, ano ba yun, eto na ba yun? O baka naman bitter lang ako kasi hindi ako makapasok sa mga hotels na yun, hehe. Yun nga lang, maganda ang mga structures nila dun, walang barong barong.

At sa Monaco naman? Hmm, ewan ko kasi nakisilip lang ako dun sa mga yate ng mga mayayaman dun sa kanilang daungan, at naki riding riding sa ginagawang kalsada ng Formula 1 rally. May I pechur pechur dun sa palasyon ni Princess Grace.. At naki upo dun sa may Casino el aire libre at nag people watching na ang nakatabi ko pang ka people watching e isang pinoy na may asawang kana na feeling nya e poging pogi sya at ang galing galing nyang mag inglis at macho syan dahil malaki muscles nya at parang di nya maatim na pinay ako na may asawang aleman at maiitindihan ko ang inglis nya at pwede naman kaming magkamustahan ng tagalog di ba? Minsan talaga ang sarap batukan ng mga kababayan natin na naka tuntung sa ulap ng pantasya.

Oh well, ah basta, ayan ang ulap ng St. Tropez at Nice.

Agosto 24, 2008

Antayan

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko — kengkay @ 11:26 umaga

 Sa totoo lang, nagsimula ang aming bakasyon ng antayan blues. As in kumbaga, sa pinagantay namin na yon, pwedeng sa Pinas na rin kami lumipad instead na dalawang oras lang na lipad papuntang Mallorca, Spain. Imagine, alas kwatro ng hapon asa airport na kami tapos umalis yung eroplano ng 12 midnight! Magbilang kayo kung gano katagal kami inamag — waaaa.

Binigyan kami ng libreng coupon para sa hotel dinner na malapit sa airport, pero dahil sa aga namin e kami din nagbayad ng drinks namin. Ang kagilas gilas lang dito, hindi talaga sila nag che-check ha. As in nag announce ng dinner para sa mga passengers nung delayed flights, sugod mga kapatid ang drama. May mga receptionists sa restaurant pero walang nagtanong kung kasali nga ba kami o saling pusa lang. Basta smile lang sila at may i find the sits. Si kengkoy pa nagtanong kung gusto nilang makita yung coupon namin, sabi naman nung receptionist, ‘no problem’. Ganun!

Tinago nga ni kengkoy yung coupon at baka daw mapadaan ulit kami sa hotel na yon habang may delayed flights e pwede ulit kaming maki kain, hehe.

Anyway, dumating kami sa Espanya ng alas dos ng madaling araw — at dumating kami sa aming hotel ng bago mag alas kwatro ng madaling araw. Ayos ang simula ng bakasyon namin ano. Kasi sempre hinatid ng paisa isa sa bawat hotel ang mga pasahero. Mabuti na lang at tulog na ang mga little kengkays.

Pagdating namin ng hotel — ayan ang pasalubong sa amin (tingnan ang pechur sa taas) — plastik bracelet, violet para sa adults at dilaw para sa mga bata. Baket daw? Kasi nga all inclusive yung aming booking di ba? Meaning kahit anong inumin at kainin, libre. Dilaw dahil ibig sabihin ang mga kids e bawal ang alcoholic drinks, naks, para namang kukuha yung dalawa ng alak at beer, hehehe. Pero kasi kanya kanyang kuha e, so pwede talagang makapuslit ang mga teen agers.

At eto nga pala ang unang napansin ko nung lumabas ako ng balcony ng aming hotel room… ang beach at  well preserved sand dunes! Ang ganda.. kuha yan ng mga alas singko ng madaling araw. Oo, gising pa rin kami. Sobrang excited ba naman e :D

Agosto 21, 2008

Bayong

Filed under: Aruuuhh,Dito sa Amin,Europe,Kwentong Kengkay,Oyropa Ko,Pinas — kengkay @ 3:44 hapon

ang bayong bow!

oo naman, sosyal ako dito sa alemanya, kasi meron akong bayong para sa aking grocery shopping, laban kayo dyan? kasi sempre, kung alin ang iba dito, yun ang mas sikat. o di kapag nakikita nila itong aking bayong, sila ay napapatingin :)

mas gusto ko sana yung bayong na bayong, alam nyo yun? yung walang ka epek epek na bayong. kasi itong bayong ko medyo may konting chika na na leather kunyari e. pero wala akong makitang ganon kasimpleng bayong nung umuwi kami sa pinas — actually meron kaya lang parating meron ng may-ari! kung pwede lang makipag palit, yun na nga lang, amoy malansa na kasi puno na ng mga napamalengke, hehhe

at sempre, wiz pa rin ako sa circulasyon pero malapit lapit na kaming umuwi – pramis, pupunuin ko rin ang bayong na yan ng pasalubong para sa inyo!

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers