Kwentong Kengkay

Oktubre 9, 2008

What made you decide to work abroad?

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Hmmmm,Kaibigan,Mabuhay ang Pinoy,Paki Lang,Pinas,Seryus — kengkay @ 7:24 umaga

Tanong ni Reyna Elena:

“What made you decide to work abroad and where?

Hindi ako ang nagdesisyon, yung dati kong boss. Dati akong writer/editor ng isang publication firm sa may Maynila. Marami silang magazines na ginagawa sa Maynila at may tourist magazine din ang aking bossing sa Thailand kung saan talaga sya naka-base. Sabi nya isang araw, ‘o Kengkay, napag-isipan kong dalhin din kita sa Thailand.’

Or, what made you decide to leave the Philippines

Kaya naman ako nag-OO ng hindi nagtatanong kung anong daratnan ko sa Thailand, kung anong dapat kong malaman at hindi malaman, kung magkano sweldo ko, kung saan ako titira, etc — ay para makalimutan ko ang aking soul mate na bumiyak ng puso ko na nagta-trabaho din sa mismong building kung saan andun ang publikasyon. Small world talaga minsan, tsk tsk. Ayaw ko ng linisin ang mga patak ng dugo kapag nagkakasalubong kami sa corridor, aguy :D

Pero sempre, andun na rin yung libreng adventure. Imagine, mag abroad ka nga. Sempre ikaw bayaw ng ticket mo, ng hotel mo, etc. Pero kapag job offer, kapag swerte ka, kasama na lahat yon. Sa huli ko na naisip na oo nga ano, may pera din pala kapag nag-abroad ako. Pero hindi ko nga inusyoso ang sweldo ko at ang mga arrangements ko di ba?

Mabuti na lang at hindi kasi disappointing ang datung. Muntik na akong maglugmok sa shock nung malaman ko kung magkano ang sweldo ko. Mas mayaman pa ako sa pag freelance ko sa Maynila, waaaa. Pero kasi libre naman ang bahay at kuryente at tubig — at walking distance lang ang opis sa apartment, pwede na rin plus mura ang mag grocery, mag shopping, tumambay sa mga bars at kumain sa mga karinderya. Ang naging dahilan kung bakit nalimutan kong karampot lang ang sweldo ko ay dahil libre akong gumagala sa buong Thailand at naka hotel pa si ako, sempre. Kasi nga, writer/editor ng tourist magazine, daming perks.

Yun nga lang, ang pamilya ko sa Pinas, akala yata nila e sumusuka ako ng pera nung asa Thailand ako. Kasi nga, abroad e. Akala nila kapag humingi sila ng pera e maraming akong extrang iaabot sa kanila. Hindi nila alam e minsan nilagang mais lang ang pagkain ko dahil kailangan nila ng pera sa Pinas. At minsan naglalakad ako ng dalawang oras dahil wala na akong pamasahe dahil pinadala ko na yung sweldo ko pang tuition. At karamihan e nangangatok ako sa mga kaibigan ko dahil wa na laman bulsa ko, sumasakit na tyan ko sa gutom, at halos mawalan na ako ng ulirat dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pero sempre, ipapa-alam mo ba yon sa kanila? Hindi ano. Kapag umuwi ka ng Pinas ikaskas ko rin yung credit card ko to da limit para lang hindi sila mapahiya na yung galing sa abroad nilang anak e isang kahig isang tuka lang pala. Sempre, ang bakasyon sa Pinas ang highlight ng aking pag abroad kaya dapat masaya. Kaya pagbalik ko sa Thailand, tipid na naman — nilagang mais ulit! Pero wala sa akin yon, basta okay lang ang pamilya ko sa Pinas kasi naisip ko, kapag natapos sila, sila naman ang taya.

At sempre, maganda rin naman naging desisyon kong umalis ng Pinas dahil sa Thailand ko nakilala si Kengkoy.

and do you still intend to go back and why?

Sa ngayon, nagbabakasyon kami every two years; dahil gusto ko rin namang makalibot din sa Oyropa in between. Babalik kami sa Pinas. Kung ibibigay ng tadhana, sana sa lalong madaling panahon. Sana maayos yung aming nililigawang bizness para matupad ang aming pangarap na sa Pinas na maglagi.

Bakit kanyo? Kasi mas masarap po sa Pinas kahit anong news pa ang naririnig namin tungkol sa kanya. At hindi lang ako ang nagsasabi nyan, pati si Kengkoy. At alam ninyo? Tama naman si kengkoy e. At ang mga little kengkays? Mas gusto rin nila sa Pinas kasi daw kapag asa Pinas sila pwede silang maglikot sa sasakyan ng hindi naka strap sa kanilang car seats. Atsaka marami silang kalaro. Atsaka pwede silang maligo sa ulan. Atsaka magkakaron sila ng tagaligpit at  tagalinis ng kwarto nila, sa ngayon kasi e yun ang kanilang gawain, hehe.

FINAL QUESTION: Are you happy where you are now?”

Kung nasaan ang pamilya ko, happy ako. Pero dahil may pamilya rin ako sa Pinas… e kaya nga balak namin sa Pinas na maglagi, di ba?

Hulyo 9, 2008

makabagbagdamdaming mga tanong

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Hmmmm,Hmmp — kengkay @ 6:52 umaga

Ano ang una mong i-empake kapag alam mong dalawang buwan na lang at maglilipat bahay at bayan ka na? As in hindi ka na babalik sa dati mong bahay kundi para na lang magbakasyon?

Yan ang makabagbagdamdaming tanong sa akin ni kengkoy nung isang araw.

Huh? Bigla naman akong nagpanic! Kabog ang aking dibdib.

As in naghalunggat bigla ako sa isipan ko kung ano pinaka-importanteng bagay na dapat kong dalhin. Pero bigla namang sumingit sa isip ko yung mga bagay na may sentimental value sa akin. Na nginusuan naman nung mga bagay na practical. Na pinasintabi naman nung mga bagay na mahal ang bili at baka mas mahal bilhin sa sunod na bayan. Ay ewan ko! Hindi ko talaga alam.

Kaya ang sagot ko kay kengkoy eto: ‘wala akong dadalhin kundi mga damit lamang.’ O di ba winner yung sagot ko! Kunyari praktical pero ano ka, kasi hindi ko talaga alam kung alin ang dapat i-empake!

Kahit na parang biglang may sumuntok sa puso ko na nagsabing: eng-eng ka talaga kengkay e papano yung mga dekorasyon mong ibinili ng papuslit kay kengkoy? Mababasag lang yon! Papano yung mga librong kinukulekta mo? Ibebenta ko sa ebay. At kung ano-ano pa, ngayon pa lang sumasakit na ulo ko, waaaaa. Kung pwede lang bang ibalot yung buong bahay at ilipat sa bagong bayan edi mas masaya. Bayanihan baga! Kaso mo mahirap yata yun dahil may parte ng bahay na nasa-ilalim ng lupa e, hahaha.

Pero si kengkoy may ready na sagot: tuwalya, bed sheets, pillow cases — hmpf, at balak pa kamong dalhin pati yung kama namin! Eto lang masisiguro ko, kapag sakaling maglipat bahay o bayan man kami – siguradong mahabang awayan at diskusyunan kung alin ang dapat dalhin, dapat iwan, dapat ipamigay, dapat ibenta, dapat ipamana at kung ano pang dapat dapat!

Kayo, ano ang una nyong iempake kapag magbabagong bahay at buhay kayo?

Hulyo 2, 2008

itaas ang mga paa

Filed under: Hmmmm,Kwentong Bulilit,Kwentong Nanay,Patawa — kengkay @ 8:58 umaga

Laban kayo dyan kay bunsoy ko? Nakataas ang paa habang kumakain. Nagulat nga ako nung nakita ko, parang bumalik ang mga nakaraan, ate helen, hehehehe

Kasi nakikita ko yang ganyang pagtaas ng paa habang kumakain sa mga matatanda nung asa Pinas pa ako. Naks, kunyari pa daw hindi ako gumagawa nyan. Oo naman, minsan ganyan din ako – kapag wala ang mga nanay at tatay ko at kung sino pang pwedeng tumapik sa akin.

Pero alam ninyo ba, hindi lang sa Pinas ‘uso’ yan, nung asa Thailand ako – kasi karamihan sa kanila e sa lapag kumakain (oo, kahit na may lamesa sila, sa lapag pa rin sila kakain. may pamilya pa nga na sobrang yaman nila, ang laki ng bahay nila ang laki din ng lamesa nila, kaya kapag kainan na, dun sila sa lamesa mismo umuupo, hahahaha true story yan) ganyan din itsura nila. Actually, nung asa Malaysia ako, ang dami ko ring nakikita na ganyan rin itsura kumain e. Espesyal siguro sa Asya ang ganyang eating position.

Pero naman sa isang pa klas na restaurant e hindi pwede ang ganyang hitsura at itong si bunsyo ko lang ang lumabag. As in, sarap na sarap pa kamo sya! At dahil kyut sya, may i smile lang yung mga guests dun sa restaurants, si kengkoy naman hindi nya malaman kung papagalitan o pababayaan ang itsurang ito ni bunsoy.

Si kengkay, ay wiz, may i kodak na lang ako! Ang sarap ng kain nya e; kaya oks na rin. Nagtataas rin ba kayo ng paa minsan kapag kumakain? Ang sumagot ng oo, itaas ang mga paa!

Hunyo 17, 2008

Ooopps

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Duon sa Amin,Hmmmm,Kwentong Kengkay — kengkay @ 3:51 hapon

Yan ang sabi nung batang kalaro ng mga little kengkays nung pumasok sya sa aming banyo at nakita nyang naliligo si kengkay.

Pero pagkatapos nung oooopss na yon, tuloy pa rin sya na naghugas ng kamay at nag wave goodbye pa sya nung matapos.

Wala kasing mga susi ang mga pintuan dito sa bahay namin e. Iba na lang yung front door. Kaya kung sino gustong bumisita sa amin, kung ayaw nyong may biglang susulpot habang gumagawa kayo ng milagro, magdala kayo ng sarili ninyong susi :)

Anyway, naisip ko lang naman. Kung dito sa alemanya e ganyan lang ka- relax ang reaction ng mga bata; ano naman kaya ang reaction sa Pinas? Ano sa tingin ninyo? At kayo, ano magiging reaction ninyo kapag kayo ang nasa loob nung banyo?

Ang may pinaka kyut na sagot mananalo ng libreng stay dito sa bahay namin, kayo bahala sa pamasahe but dont forget your own susi :D

Hunyo 15, 2008

Orgasmus = Orgasm

Tanong sa akin ng aking kaibigang aleman kanina, habang kaharap namin si kengkoy:

Alam mo ba kung ano ang orgasmus?

Sagot ko naman na pilyang-pilya:

Oo naman, sa kama ko madalas ma encounter yan.

Napansin ko medyo nag-blush si kengkoy, hehehe. Medyo mahiyain yon basta ganyan. Lalo pa ngat ang lakas ng tawa nung kaibigan naming aleman.

Heniway, ang talagang tanong nung kaibigan naming aleman e kung alam ko ba daw pano gumawa ng orgasmus. Lintek na tanong yan, sempre naman. Anong akala nya sa akin, hmpf :)

Masarap akong magtimpla ng orgasmus. Yan yata ang paborito kong namnamin. Heaven pong talaga.

Papano ka makakagawa ng orgasmus (sa salitang aleman) o orgasm (sa inglis) o tirik ng mata (sa tagalog)?

Pwes ganito yan -

50% bailey’s cream + 50% egg liquor = orgasmus

O ayan, takbo na sa tindahan at mag timpla ng orgasmus!

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers