Kwentong Kengkay

Hunyo 7, 2008

Tang Ina

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Duon sa Amin,Hmmmm,Pasaway,Pinas — kengkay @ 10:25 umaga
Tags:

Ekyus me yung taytol ha kung meron mang na offend pero yan ang tamang taytol dito e.

Nakiusyoso ako sa blog ni chuva at eto ang napadpad sa akin, isang youtube na ang tawag nila e PLDT Scandal. Usually hindi ako pumapatol sa mga ganyang iskandalo pero medyo natigatig ang aking damdamin sa mga narinig ko. At eto pa nga, kahit na ilang beses ko syang pakinggan, tigatig na tigatig pa rin ako.

Eto pa nga ang isa pang eto pa nga, kinuha ko pa ang transcript nya, o laban kayo dyan? Kasi nga hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Pinagtiyagaan ko syang humataw ng humataw sa tenga ko hanggang akala ko e dudugo na ang tenga ko dahil sa matutunog na mura na inabot nito. So eto ang nahita ko, hindi ko na sinimulan kasi pareho lang ang takbo ng usapan.

Ito ay isang recorded conversation between a PLDT costumer and a PLDT costumer service agent. Kung may mali man sa mga conversation e ako ang sisihin… Hindi ko na sinulat yung unang palitan nila ng salita kasi explain na nung agent kung ano yung problema dun sa costumer e.

Costumer: so we’re gonna be paying for the two days na hindi kami nakakapag internet ano?

Agent: kasi sir may ginagawa pa nga po
(may karugtong…)

Abril 1, 2008

Ang Aguila Beach Resort – A Review

Ang dami kasing hits ng blog ko na tungkol sa Dagat ng Batangas kaya medyo unahin ko muna ang aking masasabi tungkol sa Aguila Beach Resort sa Anilao, Batangas.

Di ba nga bago kami umuwi ng Pinas e naghalunggkat pa ako ng last minute na beach resort sa Batangas? Pwes, nag decide kaming mag stay sa Eagle Point Resort sa Anilao, Batangas ng isang linggo pero gusto naming lumipat sa ibang resort na malapit lamang duon para sa susunod na linggo pa.
(may karugtong…)

Marso 29, 2008

Papansin si Monay

Filed under: Hmmmm,Pasaway — kengkay @ 6:56 hapon

Sige na nga pansinin ko na, isang nag-iwan ng nakakakiliting commento sa aking post tungkol sa Pinay Scandal o Iskandalosang Pinay

monay Says:
March 29, 2008 at 3:42 am e

bobo mo!!!

Ewan ko kung bakit, eto nga at nagmukmukmok na ako sa isang tabi dahil sa ka pangitan nitong blog ko tapos ganyan pa, waaahhh. Oo naman, wala akong alam sa mga technicalities para kalikutin itong blog ko; pero technical yang comment mo monay dear. Let’s give all bobos a chance. Kahit na bobo, may karapatang mabuhay at bigyan ng pagkakataon para matuto.

Mas maganda sempre kung gamitin ang blogging sa mga bagay na nakakaganda ng buhay natin. Yun lang.

Baka gusto nyo rin basahin ito, at ito pa, at ito pa.

Pebrero 8, 2008

Hello Beauty

Filed under: Hmmmm,Kaibigan,Kwentong Kengkay,Pasaway,Patukso — kengkay @ 3:46 hapon

Hello beautiful Queen, How are you doing today, i am very happy to write you this little letter..i am D—– P—– here by name, 48yrs,bloomington indiana…usa, i am divorced,with no kids…..i consider myself to be faithful, honest, loyal, meek,very gentle, kind, loving, caring, and God fearing, and i am seeking a very serious relationship….with someone that will treat me like a king and i will treat like a queen…..i am very interested in a very Good woman….i am not bothered about your facial looks or your body type….all i want is YOU…..If you are interested in knowing me..here is my yahoo IM,D—-045@yahoo.com,or D—-045@hotmail.com.feel free to email me or add me to your yahoo Im,if you got one….i will be waiting to hear from you…..Take care and God bless you……..I care……D—-

Ano sa tingin nyo? Dapat ko bang patulan yan? Balentayms naman di ba? Sa dami ng mga binuksan kong account sa multiply, sa blogger, sa paypal, sa smorty, sa PPP, sa PNB – dumarami rin ang aking mga fans. At itong si mr. pogi ang panalo sa lahat. Pero sa totoo lang, pogi talaga sya. Kung sino man gustong makipag very serious relationship sa kanya, kalabitin lang ako. Bigay ko lahat ng detalye para maging sa iyo si mr.pogi. Kayo na bahalang humusga kung totoo man sya o mambobola. Kung singol ako, ehem :D Ayoko na magsalita.

Balik ulit ako sa pag eempake.

Pebrero 2, 2008

Goodbye Blogging

Seryus to. Mga ilang sekundo ko rin pinagisipan. Ayoko na mag-blog. Napag-isip isip ko lang naman. Mayron akong na diskobreng ibang klaseng social climbing skill. Ano kanyo? Ang mag guest sa mga radio shows, ahahahaha.

E kasi gusto ko na lang magpa-interview kay Dr. Joy sa kanyang Usapang Pinoy radio show sa Future Radio, waaahhhh :D Sobrang nag-enjoy ako sa aking guesting kanina (at sana nag enjoy din ang mga naki social climb katulad nina Ambo, Reyna Elena, Karmi, BluePJ, Lovelyn, Roni, Chuvaness, Kotseng Kuba, nonblogger na si toni, Nina, sa aking kaibigang ka-Ratok  (si RATOK tok) since high school na non blogger na si Liza, yung kakilala ni Dr. Joy na si Soy, naku kung may nalimutan man ako ay paki kalabit na lang ha)…. Hindi kasi halatang nag enjoy ang mga ka toto ko kasi halos umabot na yung comments dun sa blog ni Reynz sa milyones ahahaha…

Sobra kong pinag handaan yang interview na yan ha. Nagpatahi ako ng trahe de boda, nag make up, at wi nax ko nga todo ang aking glass slippers. Tapos para lalong ma concentrate ako, sumama pa talaga ako kay kengkoy sa isang misa para sa isang yumaong kaibigan. Nakiiyak ang kengkay kahit na hindi ko naman kilala yung namatay, ano ba yun. Tapos hinatid namin ang mga little kengkays sa kweba para lalong maka concentrate ang nanay nila. Sayang nga lang at hindi pumayag si kengkoy na makigulo. Pero humanda kayo, kasi pagkatapos ng aming bakasyon sa Pinas, pwede na daw sya isalang. Nagpaparinig ba ako na imbitahin ulit ni Dr. Joy, haahaha.

Mabuti nga kamo at hindi sumama si kengkoy sa interview dahil binuking ko lahat lahat sa ere. Mabuti na lang hindi nyo nakitang nag ba-blush ako, hiyaaa! Ganyan ako, sobrang mahiyain talaga – kaya nga load lang at cellphone ang unang hiningi ko e, ahahaah. At salamat din kay Ambo at Roni, na habang ini-interview ako e parehong nakikisabay ng chat sa YM at sa mga aliping tagigilid ni Reyna na binulabog ang comment section ng kanyang social climbing blog, ahahaha. Nakakabaliw. Pero ang saya saya talaga. Maraming salamat sa nakinig. At mas maraming salamat sa mga hindi nakinig, ahahaha. Maraming salamat sa mga nakigulo sa studio sa pamamagitan ng pagpapadala ng questions, statements or accussations — sayang, si Blogoloco hindi ko narinig.

Kasalukuyan kasing nabasag kung aking glass slippers dun nagsasayaw ako ng Macarena e. Ayun, naging busy tuloy akong magwalis. At sempre, kasi nag practice kami ni Ambo na mag duet ng request ni Kotseng Kuba na When I Met You ng APO; ang ganda ganda ko di ba, hahaha. Sempre yun ang press release ni Reyna di ba tapos request pa ni Kotseng Kuba. E si kengkay naman, hindi naman ako uto uto di ba? Ang lakas ng loob kong kumanta, arrrrgh. Halatang HINDI tumatambay sa mga karaoke bars. Game na game hahahaha. Nag hanap ako ng lyrics sa internet…Kaya tama lang talaga na mag goodbye ako sa blogging kasi sabi nga ni kotseng kuba, that radio show is blogging to the higher level!

Sa sunod, si Reyna na naman ang isasalang, sa Feb. 16. Makinig kayo ha. Ako nga asa Bangkok pero ititigil ko ang trapik don para lang makapakinig sa kanya. Pramis, kakabagan kayo sa katatawa ay may social climbing skills kayong matututunan, di ba :D

I click nyo ang link na ito para mapakinggan si kengkay.

Dagdag ko pa ito, kinopya ko lang sa blog ni Dr. Joy, ahahaha

 joy Says:
February 2nd, 2008 at 8:58 pm

The Station Manager of Future Radio said that today was a record breaker in terms of messages sent! He was really pleased.

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers