alam nyo ba, hiyang hiya ako sa buhay ko?
kahapon meron kaming bisita dito sa bahay, huling hirit sa barbekyuhan nina kengkay at kengkoy. mga kaibigan ni kengkoy na mag asawa at may dalawang anak. napunta ang usapan sa bakasyon.
sabi nila balak daw nila pumunta sa florida, US sa sunod na summer break ng mga bata. sabi ko naman naku pang retirement yung place na yun, tapos biglang hirit ko, punta na lang kayo sa pinas! mas maganda dun!
sempre, binenta ko na ang pinas, ako yata ang goodwill ambassador ng pinas dito sa aming baryo sa alemanya
sabi ko marami silang pwedeng puntahan — palawan, boracay, guimaras, batangas, bohol, etc. sabi ko meron tayong 7,100 islands kaya di sila mauubusan ng pupuntahan.
gusto daw nila yung may halong kultura. as in dapat may bisita sa mga historical places, sa mga cultural heritage at kung ano ano pang chika, sabi ko, marami ring kaming ganyan. isip ko agad ang fort santiago, ang las pinas, ang laguna, at sempre sa halos buong bayan sa pinas e may kulturang masasabi.
at sabi ko, masarap ang dagat sa atin kasi kahit na anong lamig, mainit pa rin ang tubig dagat. yan ang pinag kaiba ng dagat natin sa karagatan ng asya, alam nyo ba yun?
so, gusto na nilang pumunta ng pinas. as in excited na rin sila. puntang punta na rin sila sa pinas. sabi ko, antay lang at kukunin ko yung libro tungkol sa pinas para makita nila kung gaano kaganda talaga.
ayun, bumalik ako sa kanila ng walang dalang libro, waaaa.
akalain ko bang wala pala akong libro ng pinas? marami akong tagalog na libro, tulad ng kay jessica zafra, pugad baboy, kulam sa pag-ibig, etc pero walang mga libro na tungkol sa kagandahan ng pinas. yung kaisa isang libro e hiniram daw nung ka opisina ni kengkoy na tatlong taon na yang hindi pa binabalik, at hindi pa rin yun nakakarating sa pinas ha… sabi ko kay kengkoy, bawiin na agad yung libro, ora mismo.
kainis, hiyang hiya talaga ako sa balat ng lupa na wala akong mapakita. sa sunod na uwi ko ng pinas mag-hoard ako ng libro na tungkol sa kagandahan ng pinas. o baka may gustong mag donate, hehehe




