Kwentong Kengkay

Mayo 25, 2008

No to 12 Steps

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Duon sa Amin,Hmmp,Pasaway,Showbiz — kengkay @ 10:17 umaga
Tags:

Hehehe, exkyus me ha. Showbiz muna tayo. May I cut and paste lang ako dun sa Rushes ng inquirer.net

Naintriga lang kasi ako dito sa istoryang ito:

No to 12 steps

The owner of a major food chain was shocked to see the true colors of the company’s new Image Model. On the very day of the contract signing, IM refused to climb the 12-step stairs at the company’s headquarters. As a result, the company had to rent another venue for the event.

Zinu zya? Pakibulong naman sa akin kung sino yan. Napanganga ako kasi über OA naman yang batang yan. Gusto ko syang makilala para madilat ang mata nya sa mga kaartehan nya sa buhay. Minsan talaga, porket sikat ka at habol ka ng mga tao, akala mo na pwede ka ng mag inarte. Hindi nya alam, na ang lumingon sa pinanggalingan at yung mga umaakyat sa 12 steps ang mga tunay na nagwawagi at nananatili sa tuktok.

Pero mabalik tayo, sino nga yung tema-arts na model na yan?

Mayo 21, 2008

havaianas vs. spartan

Dami nga nagtatanong sa kin kung bibili daw ako ng havaianas, sabi ko ano yan? Parang flavor ng pizza (hawaian baga)? O uri ng gulay (halamanan)? Ah basta hindi ko na gets yung nagtanong sa akin. Eh hindi ko nga masabi kung ano yan ano. Wellllll… alam nyo kung pano ko nalaman na tsinelas lang pala yan? Nung umuwi ako ng Pinas! E kasi dito sa Alemanya flip flops yan ano, hahaha.

Anak ng putakte, takang taka ako kung bakit sikat na sikat yan e tsinelas ng pala. Hindi ko sya type kasi ang mahal nya tsinelas pa rin sya kahit ano pang che-che bureche nya. Napapatid pa rin yan kapag may tumapak sa likuran mo. At umiitim din ang talampakan nyan kahit na super mahal pa sya. At lalo pa, labas na labas ang mga patay na kuko at kung hindi ka naka pedicure, wiz din. At ang hindi ko maatim, super dooper mahal nya ha. Sayang yung pera kupit ko.

Pwede ba, kung sa tsinelas lang — sa ispartan pa rin ako kasi chipipay si kengkay e dahil ako kaya pambato sa baryo namin ng tumbang preso, yuhoo. Sige, paki basa na itong forwarded email na ito.

Pangalan: Havaianas
Lugar na pinanggalingan: São Paulo, Brazil
Pagbigkas: ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese), hah-vee-ah-naz
(American English), OMG!-hAH-va- yaH-naZz! ! :-) (Filipino).
Materyal na ginamit: Malupit na goma (High-quality rubber).
Presyo: Hindi ko alam. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.
Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayaman.
Malulupit na katangian at kakayahan:
Masarap isuot.
“Shock-absorbent. ” Malambot ngunit matibay.
Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.
Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.
Mainam na pang-japorms.
Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato.
Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.
Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan.
Magiging “fashionable” ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.
Olats na mga katangian:
Mahal
Mahal
Mahal
Nakakasira raw ng pedicure–sabi ni Malu Fernandez.

Pangalan: Spartan
Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines.
Pagbigkas: spar-tan (American English), is-par-tan (Filipino).
Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).
Presyo: Wala pang 50 pesos. Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.
Mga nagsusuot: Ako at ang masa! Nyahaha!
Malulupit na katangian at kakayahan:
* Maaring ipampatay sa ipis.
* Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho.
* Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan.
* Pwedeng ipamalengke.
* Mainam gamitin sa tumbang-preso.
* Mainam gawing “shield” kapag naglalaro ng espa-espadahan.
* Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng picha.
* Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumampid sa puno.
* Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.
* Kapag ginupit-gupit nang pahugis “cube,” e maaari mo nang gawingpamato sa larong Bingo (kadalasang makikita sa mga lamay ng patay).
Olats na mga katangian:
* Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang hisura.
* Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa.
* Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasampid sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas.

—– PSSSTTTT

Guest ulit ako sa Usapang Pinoy, ang pinakasikat na radio-magazine sa buong UK na pinangungunahan ni Dr. Joy. Join us on May 24, 2008 at Future Radio UK, 96.5 FM. Pero mas okay kung punta kayo sa pamamagitan ng pag-click dito: Future Radio UK . Pwedeng makinig lang kayo, pero mas masarap kung maki-chika tayong lahat sa pamamagitan ng pag-click ng Studio Messenger na matatagpuan sa may bandang itaas ng website, at pwedeng mag phone in question din.

Basta ha, kita kits tayo sa Sabado, ika-24 ng Mayo at 3 pm UK time, 4 pm Alemanya time, 10 pm Pinas time sa Future Radio UK . Sige na, makinig na kayo. Pramis, kakaway-kawayan ko kayo habang nasa ere na ako, tulad ng dati ba. Eto pala ung unang interview ko, sa mga gustong makinig :D

Pebrero 2, 2008

Goodbye Blogging

Seryus to. Mga ilang sekundo ko rin pinagisipan. Ayoko na mag-blog. Napag-isip isip ko lang naman. Mayron akong na diskobreng ibang klaseng social climbing skill. Ano kanyo? Ang mag guest sa mga radio shows, ahahahaha.

E kasi gusto ko na lang magpa-interview kay Dr. Joy sa kanyang Usapang Pinoy radio show sa Future Radio, waaahhhh :D Sobrang nag-enjoy ako sa aking guesting kanina (at sana nag enjoy din ang mga naki social climb katulad nina Ambo, Reyna Elena, Karmi, BluePJ, Lovelyn, Roni, Chuvaness, Kotseng Kuba, nonblogger na si toni, Nina, sa aking kaibigang ka-Ratok  (si RATOK tok) since high school na non blogger na si Liza, yung kakilala ni Dr. Joy na si Soy, naku kung may nalimutan man ako ay paki kalabit na lang ha)…. Hindi kasi halatang nag enjoy ang mga ka toto ko kasi halos umabot na yung comments dun sa blog ni Reynz sa milyones ahahaha…

Sobra kong pinag handaan yang interview na yan ha. Nagpatahi ako ng trahe de boda, nag make up, at wi nax ko nga todo ang aking glass slippers. Tapos para lalong ma concentrate ako, sumama pa talaga ako kay kengkoy sa isang misa para sa isang yumaong kaibigan. Nakiiyak ang kengkay kahit na hindi ko naman kilala yung namatay, ano ba yun. Tapos hinatid namin ang mga little kengkays sa kweba para lalong maka concentrate ang nanay nila. Sayang nga lang at hindi pumayag si kengkoy na makigulo. Pero humanda kayo, kasi pagkatapos ng aming bakasyon sa Pinas, pwede na daw sya isalang. Nagpaparinig ba ako na imbitahin ulit ni Dr. Joy, haahaha.

Mabuti nga kamo at hindi sumama si kengkoy sa interview dahil binuking ko lahat lahat sa ere. Mabuti na lang hindi nyo nakitang nag ba-blush ako, hiyaaa! Ganyan ako, sobrang mahiyain talaga – kaya nga load lang at cellphone ang unang hiningi ko e, ahahaah. At salamat din kay Ambo at Roni, na habang ini-interview ako e parehong nakikisabay ng chat sa YM at sa mga aliping tagigilid ni Reyna na binulabog ang comment section ng kanyang social climbing blog, ahahaha. Nakakabaliw. Pero ang saya saya talaga. Maraming salamat sa nakinig. At mas maraming salamat sa mga hindi nakinig, ahahaha. Maraming salamat sa mga nakigulo sa studio sa pamamagitan ng pagpapadala ng questions, statements or accussations — sayang, si Blogoloco hindi ko narinig.

Kasalukuyan kasing nabasag kung aking glass slippers dun nagsasayaw ako ng Macarena e. Ayun, naging busy tuloy akong magwalis. At sempre, kasi nag practice kami ni Ambo na mag duet ng request ni Kotseng Kuba na When I Met You ng APO; ang ganda ganda ko di ba, hahaha. Sempre yun ang press release ni Reyna di ba tapos request pa ni Kotseng Kuba. E si kengkay naman, hindi naman ako uto uto di ba? Ang lakas ng loob kong kumanta, arrrrgh. Halatang HINDI tumatambay sa mga karaoke bars. Game na game hahahaha. Nag hanap ako ng lyrics sa internet…Kaya tama lang talaga na mag goodbye ako sa blogging kasi sabi nga ni kotseng kuba, that radio show is blogging to the higher level!

Sa sunod, si Reyna na naman ang isasalang, sa Feb. 16. Makinig kayo ha. Ako nga asa Bangkok pero ititigil ko ang trapik don para lang makapakinig sa kanya. Pramis, kakabagan kayo sa katatawa ay may social climbing skills kayong matututunan, di ba :D

I click nyo ang link na ito para mapakinggan si kengkay.

Dagdag ko pa ito, kinopya ko lang sa blog ni Dr. Joy, ahahaha

 joy Says:
February 2nd, 2008 at 8:58 pm

The Station Manager of Future Radio said that today was a record breaker in terms of messages sent! He was really pleased.

Pebrero 1, 2008

Cinderella si ako

Filed under: Aruuuhh,Dito sa Amin,Europe,Hmmp,Kwentong Nanay,Oyropa Ko,Trabaho Lang — kengkay @ 9:09 umaga

Nagkakaripas ako ng takbo kaninang madaling araw, muntik pa mabasag ang aking plastik na sinelas. Ako kasi ang isa sa mga huling umalis sa dance floor ng Costume Ball kagabi, hahaha. Nilubos lubos ko talaga. Nagwala sa dance floor ang naka-puchang si kengkay.

Pero seryus lang, eto ang isa rin sa dahilan kung bakit ako madaling araw na umuwi (aside from being a dancing queen) — kasi meron akong binantayan na isang nanay e. Mickey mouse ang costume nya. Mabuti nga at super ang make up nya kaya hindi sya kilala ng mga tao. Kasi… nalaseng ang daga, waaahhh. Napansin ko kasing bote bote ng vino ang parating bitbit; e dalawa lang naman sila naghahati, yung kasama nyang cowgirl. Paminsan minsan e tinatagayan din nila ako. Pero kasi meron ang isang boteng mineral water sa harap ko, kaya may chaser ako di ba. O ayun, nung uwian na, hindi na makatayo ng husto ang daga. Nagpaiwan na nga ako sa mga kasama ko kasi nakikita ko na ang mangyayari; at nangyari na ha. Tinulak ko silang dalawa agad sa isang madilim na sulok. At dun na nangyari — akkkkk, aakkkkkk, aakkkkk

Alam nyo na siguro kung ano ang ibig kong sabihin; lalo na sa mga tomador dyan, hehe. Teka, bakit kaya alam ko, ibig bang sabihin e isa rin akong tomador, hmmm. Mga sampung minutong ganon lang ang drama nya, mabuti at hawak sya nung kasama nya. Mag nagyayang ihatid sila; pero hinindian nila. Mabuti na lang kundi, linis kotse ang nangyari. Antay pa rin ako. Sabi ko dahan dahan na silang maglakad pauwi. Kasi kung taxi, sarado na kapag alas dos. Wala ng service. At kung may dumating man, siguradong tatanggihan din sila kasi nga lasing na lasing e.

So sabi ko lakad na ng pakonti konti dahil wala ng ibang magagawa pa. E ayaw kumilos dahil nahihiya daw sya kasi daming nakakita sa kanya. Hay ano ba yon… ngayon pa talaga nag isip ng kahihiyan. Sabi ko lahat ng tao e naguwian na. At pina-alala ko sa kanya na naka-make up nga sya di ba? O ayan, pasuray suray na naglakad ang isang dagang lasing at isang cowgirl na medyo lasing. Sana nakauwi sila ng maayos sa bahay. Sa totoo lang, nung hindi pa ako nanay, palaban din ako sa ganyan. Pero ngayong nanay na ako, parang pagiisipan ko muna. Although itong si kengkoy e tuwang tuwa kapag alam nyang tipsy na ako; e pano pa kaya kapag lasheng na talaga ako? Ayokong malaman.

Nakarating ako sa bahay ng gustong gusto ko ng hubarin yung aking glass slippers, aray ko. Pochamos, ang sakit ng sakong sakong ko. Di bale na, sarap naman mag-sayaw, hahaha. So ayun, balik Cinderella na si kengkay. Nag shower at nagpalit ng duster dahil naghanda pa ako ng baon ng mga bata para kinabukasan, nag walis walis, nag imis-imis, nag tiklop ng labada, at kung ano ano pa.

Parang panaginip lang ang aking Costume Ball na pinuntahan, hayyy. Kaninang umaga, alas siete pa lang gising na mga little kengkays. Niyugyog ako sabay sabing, ‘nanay kengkay, magkwento ka kung ano nangyari kagabi.’ At narinig ko rin ang telepono, sumagot ang answering machine, si kengkoy, na ang sabi naman ay ‘sorry darling, kailangan kitang gisingin kasi ihahatid mo pa ang mga bata sa kindergarten.’ Arrrrgh :D

Atsaka na ibang chika dahil maglalako pa ako ng cakes sa kindergarten.

Enero 13, 2008

Ebs, Ebs, Ebs – aaakkkk

Hay, balak ko sanang ipost ngayon e tungkol sa EB kaso mo naging tungkol sa ebs kasi naman….

Naglakad lakad kaming buong pamilya para namin maka-ihip ng malinis na hangin. Hay sa kasamaang palad, masamang hangin ang napulot ko. Nakaapak ako ng ebs, waaahhhhh.

Kaya pala sabi ko, bakit kaya parang ang sama bigla ng amoy? Yung kutob kong yon tama, asa bota ko na yung ebs. Kadiri! Hmp. Nagtatakbo ako sa damo para ikaskas yung bota ko. Tapos nung may nadaan kaming putik putik, nilublob ko din yung bota ko. Pocha, kung hindi lang malamig maglalakad akong naka medyas talaga. Kainis talaga.

Meron na ngang ginawang halos bawat kanto na mga toilet para sa mga aso, kung saan saan pa rin nakakalat ang mga ebs na yan. Kahit na sa mga palaruan ng mga bata, sa mga eskuwelahan, sa mga harapan ng bahay, sa hardin, ah basta sa lahat ng nilalakaran ng tao… nakakalat ang mga duming yan. Sana yung mga gustong mag alaga ng aso, marunong din silang mag-alaga ng tamang mga pagbabawas ng mga ito.

Isang araw nagising si kengkoy at nakita nyang may asong ume-ebs sa harap ng bahay namin. Kadalasan kasi e madaling araw nagpapa-ebs ang mga yan ng mga alaga nila. Sinugod nya yung may ari ang aso at sinabihan nyang damputin yung iniwan nung aso nya. Ang sagot nung babae, ‘papano?’ Sabi ni kengkoy, ‘bahala ka kung papano basta alisin mo yan sa harap ng bahay ko.’ Ang ginawa nung babae naghanap ng tissue at yun ang ginamit nya.

Dito naman ay may mga stations din kung saan may mga plastik bags na para talaga sa mga ebs ng aso. Libre yon, aba, kung hindi pa nila gamitin yon at pati na yung libreng toilet para sa aso; e wala silang karapatang mag alaga ng aso. Lintek.

Mabuti kamo si kengkoy ang bahala sa paglilinis ng bota ko. Kasi kung ako, sa inis ko, itatapon ko na lang yon talaga. Hmp. At ang kengkoy humirit pa kamo. Sa tingin daw nya ay hindi ebs ng aso yung natapakan ko kundi ebs ng kabayo. Anak ng tokwa, kahit anong ebs pa yon; ebs pa rin yon, de vah?

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers