Kwentong Kengkay

Marso 18, 2009

pasalubong tiktak

Filed under: Kaibigan,Litratong Pinoy — kengkay @ 5:00 hapon
Tags: ,


Alahas


ang relos na ito ay galing kay tonyo hillfigero. sa totoo lang, hindi ako bilib dyan sa tatak na yan kasi nainis ako sa lumabas na balita dati na ang mga gamit daw nya e hindi para sa mga asyano, ang mga gamit daw nya e hindi bagay para sa mga asyano.

pwes, boycott ko sya. dahil sa totoo lang, hindi ko rin naman sya afford, hehe. pero meron akong isang kaibigan na akala nya e hindi na sya asyano kasi ang tagal na nya sa merika. ang relos na yan ang pasalubong nya sa akin nung nagkita kami dito sa oyropa.

sa basel, switzerland kami nagtagpo dahil wala syang schengen visa. mga dalawang oras na biyahe galing dito sa aming baryo sa alemanya. sulit naman biyahe di ba kasi ganda nung relo na regalo nya :D

Pebrero 26, 2009

I, Glesy the great, Solemnly Swear?

Filed under: Kaibigan,Panlasa — kengkay @ 6:30 hapon

Eto na naman po ako… sabi kasi ni ate kengkay dalawang post daw ang gawin ko… kung di nyo pa po alam eh si ate kengkay ang unang nagwelcome sakin sa wordpress kaya sobrang malakas sakin tong babaeng to… kaya naman I am deeply humbled nung i-request nyang magpost ako sa blog nya… salamat talaga at its my pleasure talaga… yours truly, Glesy the Great
Cheers;p

Sabi sakin ni Ate Kengkay gawa naman daw ako ng entry na kung gusto ko raw bang rumampa ng naka-white gown habang tumutugtog ang “Here Comes the Bride” at ang sasalubong sakin eh mestisong bangus at hindi kayumangging badjao, 6 ft tall at hindi kinulang sa ruler ang height, ilong na parang tore at hindi parang manas lang… in short gusto ko daw bang mag-asawa ng foreigner… eto talaga si ate kengkay magabakasyon na nga lang gusto pa ng chismix… well, teka lang ha i-oon ko lang ang kalandian moment ko… Pindot… Tooooooot… sabay ilaw ng start…. 3, 2, 1… GAME!!! …

Sa totoo lang ayaw ko sa mga foreigner… pero ibang usapan na kung nanghiram ng mukha kay brad pitt… WHY NOT!!! willing akong pagbigyan siya, mag-adjust at magtry ng putahe sa ibang kalupaan…nyahaha… pero ako eh taong paiba-iba ang marathon ng utak.. minsan kahit dead-end tinatalon ko kaya may possibility na mag-kapalit-palit ang turnilyo ko kung gusto ko nga bang mag-asawa ng foreigner…

Bakit ayaw ko sa foreigner? Unang-una sa lahat eh cultural differences… Siyempre babae ako, malamang sa ibang bansa kami titira… eh ayaw ko nun gusto ko pa rin dito sa lupain ng mga barong tagalog at jologs… isa pa, ewan ko ba… sorry sa lahat ng foreigners at may asawang foreigner (sorry ate kengkay) pero feeling ko kasi pag pinagpawisan ang mga foreigner mejo makamandag at nanunuklaw ang amoy… hindi ko alam kung bakit basta ganun ang feeling ko… nasabi ko na bang weakness ko ang lalaking mabango? may certain na amoy na swak na swak sakin… yung tipong lahat ng buhok ko sa ilong eh kukulot pag naamoy ko yun (parang nangingisay lang eh noh?)… pramis minsan maamoy ko lang pwede ng malaglag ang dapat malaglag na lahat-lahat sa akin…hindi lang basta-bastang laglag may kasama pa yang kalabog, kidlat, ipo-ipo at usok… nyahaha…
(may karugtong…)

Pebrero 24, 2009

mayordoma ni kengkay

Filed under: Kaibigan,Pinas — kengkay @ 6:33 hapon

Toktok, Tao po… Glesy the Great coming in….

Hi to all readers ni Ate Kengkay…

Ako daw po muna ang caretaker aka mayor doma ng blog ni Ate Kengkay…Kwento ko naman to.. ako po si Glesy the Great at your service, bowing splendidly sa inyong lahat… cheers;p

Sabi ni Ate Kengkay gawa daw ako ng post sa kung ano ang tingin ko sa mga banyaga… Hmmm.. napaisip ako… siguro di lang ako yung katulad ng iba na kung maka-idolo sa mga imported na tao eh abot hanggang sakong ng paa ang bow … hindi rin ako yung tipo ng tao na hiniling na pinanganak ako sa lupain ng mga de kolores ang kulay ng mata, mukhang inagua oxenada ang buhok, at mukhang bangus sa kaputian na may connect the dots na mga pekas… wala akong galit sa mga foreigner, ang ibig ko lang sabihin eh di ako naki-uso na maging ultimate dream ang maging imported kahit dati akong adik sa sesame streets at garfield… galit lang ako sa mga taong parang nilagay lang sa lunch box ang pagiging Pilipino, ibinalot sa tissue dinagdagan ng sawsawan tapos pinamigay sa kaklase…

Di ko maimagine na icon ng country ko si Uncle Sam imbes na si Juan dela Cruz, na umiinom ako ng tsaa imbes na sago-gulaman, na bida ng national history si Adolf Hitler at hindi si Jose Rizal… parang maninibago siguro ako pag wala akong makita na jeep sa kalsada na ang mga driver eh mas malakas pa ang scented essence ng katawan kesa sa mga sampaguita na sinasabit nila… na hindi ko na matitikman sa umaga ang taho na 5 piso isang tasa o kaya pandesal na parang laging diminishing returns taon-taon dahil sa papaliit na papaliit ang laki, na hindi na ako makakabili ng tusok-tusok na fishball at kikiam sa mga tindahang de-gulong at wala ng halo-halong tinda sa kanto tuwing summer na kung hindi kulang sa gatas eh kulang sa sahog… na wala ng puto bumbong at bibingka tuwing simbang gabi… na ang itsura ng flag ko eh mukhang siopao o kaya parang constellation sa dami ng stars… siguro dahil dito na ako lumaki sa Perlas ng Silanganan at tumigas ang ulo, kaya para sakin wala pa ring tatalo sa genuine article ka-pinoyan kesa sa mga wannabe a foreigner outlook in life…
(may karugtong…)

Enero 29, 2009

eng-eng kayo sa blogging?

Filed under: Kaibigan,Magaling ang Pinoy — kengkay @ 3:47 hapon

pwes, katulad kayo ni kengkay, hahahaha.

aaminin ko, kahit na mahigit isang taon na akong nagboblog e eng eng pa rin ako sa mga bagay bagay na sinasakop ng blogging.

ang alam ko lang talaga e madaldal ako.

chismosa ako.

mausisa ako.

marami akong kwento.

mahirap ang walang kausap.

gusto kong bumalik ang aking tagalog.

at sa blog ako nakakahanap ng kausap ng tagalog.

ibig sabihin, tapik tapik lang ng daliri ko sa keyboards ang alam ko.

pero tanungin mo ako kung ano ang hosting? kung ano ang plug ins? pwes, hindi ko po alam ;D

ngayon kung nagiisip ka namang gawing mas maganda ang iyong blog. gusto mo syang lagyan ng kurtina? gusto mong maging atraksyon sya sa puting tabing? gusto mong maging hindi lang sya pang pamilya kundi pang isports pa? gusto mong magkaron ng maraming fans? o kahit na gusto mo lang na maging iba ang iyong blog?

Bigyan ko kayo ng preview kung papano magiiba ang anyo ng inyong blog dahil sa mga ganitong serbisyo (sori inglis kasi kinopya ko lang, hehehe:

    (may karugtong…)

Enero 2, 2009

si monching

Filed under: Kaibigan — kengkay @ 9:37 umaga

maligayang kaarawan sa yo, dear monching! bilog na 40 pero eto at tayo tayo pa rin kahit na layo layo na tayo :)

ano nga ba sa akin si monching? sa totoo lang? hindi ko akalain na magiging matagal at matatag ang pagiging magkaibigan namin ni monching.

dahil nasimula lamang ang lahat sa kaartehan, pareho kaming nahilig sa artistang artlets sa UST kung saan naging magkaklase kami nung third year. pero teka muna, e hindi na ako active nun sa artistang artlets, pero active pa rin ako sa kaartehan! at dun yata kami nag click talaga ni monching.

pareho kaming madrama. nagdadrama kami sa labas at loob ng klase. naalala ko, enjoy na enjoy ako kapag nag-hihilahan kami ng mga barkadahan sa hallways. hindi na kailangan maglinis ng janitor pagkatapos kasi nalinis na nung aming palda ang mga dumi! pero ang mga boys, poging pogi pa rin sa kanilang mga barong! kainis, di ba?

at kaya talaga naging close ko si monching? kasi alaga nya ako. ng hindi nya alam, hehe. madalas kasi na alphabetical order ang aming seating arrangement. so parati syang asa harap ko, katabi si daddy, ang aming yumaong class president. edi ibig sabihin non, dahil pareho silang macho, pwedeng pwede akong magtago sa likuran nila kapag oras ng recitation. at kapag oras ng examination, tabing na naman ako. kahit hindi nagpapakopya si monching (kaya naman siya lang ang cum laude sa klase kasi nga ayaw nya magpakopya e, hehe. actually, neutral sya sa kopyahan kaya lang dahil macho nga sya, ang hirap kopyahan, kainis di ba?)

ay ano ba bukuhan lang ba ang pwede kong i-share? kaya ko talaga naging kaibigan si monchong e dahil masarap sya ibuko, hahaha. meron pang mas juicy bits pero wag na lang. berdey nga pala ni monching.

monching, maligayang bati sa yong kaarawan. ikaw ang unang nag celebrate ng golden 4o sa ating barkadahan. kaya siguro sa las vegas ka nagcelebrate ano, takot kang hingan ng 40 roses at 40 candles! hahaha. huwag kang mag alala, mag celebrate tayo together pero antay lang ng konti at sabay sabay tayong mag celebrate din…

i didnt realize monching would be a precious friend when i first saw him. i really thought he would remain a precious clown! i love the way he makes me laugh, the way he makes me think, the way he makes me dance (magaling magsayaw yan at sempre magaling din kumanta — artistang artlets nga di ba?

i love the way he would piggy back me (hay, the last time was in 1996 pa), the way he would insult me kasi i still love jollibee even though we’re supposed to be career boys and girls na (sabi nya dapat daw medyo sosyal na kami so sabi k ko wendy’s?), and i admire the way he supported us, his friends
(may karugtong…)

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers