Kwentong Kengkay

Disyembre 31, 2008

sino inyong guardian angel? (updated)

Filed under: Kaibigan — kengkay @ 12:40 hapon
Tags: , ,

pinalitan ko ang laman ng aking post . kaya kung medyo iba yung dating ng mga komento, yun na ang dahilan :D

anong ginawa ko nung bagong taon? marami.

busy dito, busy duon.

malalaman ninyo kung ano sa mga susunod na kabanta.

meanwhile — dumating ang mga nagdadala ng swerte: yung giant pretzel galing kay opa, meron kaming isang dosenang bilugan na prutas, meron kaming table fireworks at fireworks para sa kalsada, nakatanggap kami ng marzipan na baboy galing kay kengkoy, nag toast kami ng sekt, nanood kami ng countdown sa telebisyon, at kumain kami ng raclette.

at por da pers taym, meron kaming kasamang nag celebrate ng bagong taon. yung pamilyang italyano na may tatlong makukulit na boys. ang masarap dun, enjoy din sila magkaraoke! hehehe. sikat din pala ang karaoke party sa italya!

yan na muna at kanya kanyang linis dito ng harapan ng bahay kapag umaga, sa dami ba naman ng dumi na dala ng mga paputok ano!

sino ang inyong guardian angel? basta sabi ko nga maraming anghel na akong nakasalubong sa lupang ibabaw :) yung iba pala naka-chat at naka blog hop ko pa lang :)

Manigong bagong taon. 

Let’s dream the impossible for impossible dreams do come true!

Disyembre 11, 2008

Pogi si Ambo

Filed under: Kaibigan — kengkay @ 10:02 umaga

Suporta ko kay Ambo kasi pogi sya. Pero dahil tamad naman ako e nag copy paste lang ako, hehehe :D

Halos pareho yung post ko dun sa post ni Ambo, oks lang yon kasi suport ko naman to sa kanya at saka mahirap ako sumunod sa mga instructions. So, read away :D

A good way to start your new year in case with a FREE WEB HOSTING for your wordpress blog! Support Ambo and Win!

First, Ambo would like to thank his friend Jessie Simbulan for sharing his blessings this Holiday Season. His technology blog – Technology Talks is holding a contest and will be giving away Free Web Hosting and Cash Prizes!
(may karugtong…)

Disyembre 2, 2008

may pera sa polvoron

Filed under: Kaibigan — kengkay @ 8:31 umaga

gusto nyong kumita ng doble? basahin ito.

unang una, ang post na ito ay isang dahilan para maki ride ako sa popularity ng isang ka-blag ;D

kasi naman, nakaka inspire ang kanyang istorya. isang taong nagbo-blog sa isang sulok ng mundo. na biglang dinapuan ng inspirasyon na gumawa ng isang bagay na normal na normal para sa kanya. at dahil isa syang blogger e nai-blag nya ang tungkol dito.

at dahil ako e isang blogger na naki-kichismis sa pamamagitan ng pag blog hop e napadpad ako sa kanyang kuta. at nabasa ko ang kanyang istorya. at naisip kong ‘aba, may magandang aral ang post na ito.’ kaya naman eto ngayon sya at ipapakilala ko sa inyo — dyaraaannn, si barquera.

dahil sa pagbablag nya, ay naging celebrity din! may naligaw sa kanyang blog at nabasa yung kanyang bigay todong inspirasyon na kwento. at naging pelikula ang kanyang post, eheste, na feature po pala sa isang pang araw araw na tv show sa pinas — Swak na Swak ng ABS CBN– ang kanyang istorya na nagsimula sa pag-blog, na sinabayan nya ng paggawa ng polvoron.

presto, iyon mismo ang successful formula para maging celebrity sya.

ang kanyang istorya ay simple lang. nagtatrabaho sya sa maghapon. at paguwi nya ng bahay e gumagawa sya ng polvoron. na binebenta nya sa mga taong naghahanap ng masarap na polvoron o pwede ring isang maliit na regalo. sa pagiging matyaga nya e naging magandang bisnes ang polvoron. at sempre, may trabaho pa rin sya, extra money, mas masarap ang honey! doble daw ang kanyang kita ngayon! o di ba?

kung kaya naman sigurado kong may mga regalo ang mga inaaanak nya sa Paskong darating. hay, sana ninong sya ng mga little kengkays :D

eto, panoorin ninyo ang kanyang palabas dito.

naisip ko tuloy na matinda na talaga ng pandesal dito sa alemanya, ano sa tingin ninyo?

Para sa mga gustong mag order

Sweet treats this Christmas
Try our Home-made Polvoron;
Classic Polvoron – Pack of 12’s – P35/pack:

With Flavors – Pack of 12’s–P60/Pack

Pinipig
Cookies n’ Cream
Choco
Ube

Other Product:

Yema – Box of 25’s – P60/box

free delivery within Manila, Makati and Mandaluyong Area
Minimum of 25 packs or boxes per order,
50 % for down payment.

– ayan, barquera, may commercial pa talaga!

Nobyembre 27, 2008

para sa Pinas

Filed under: Kaibigan — kengkay @ 11:51 umaga

Mga kapatid, isang tag na sigurado ko e merong magandang patutunguhan. Sali na kayo. Ang pasimuno nito ay sina DFish at BluePJ.

Gumawa ng isang panalangin na angkop sa paksa ng tag na ito – ang presidential election sa 2010. Basahin ang mga instructions para mas madali :)

At eto ang aking panalangin sa Maykapal:

…Para sa aming bansang Pilipinas. Maging handa sana ang buong bayan na bumoto para sa isang taong alam nilang gagawa ng mabuti para sa kinabukasan ng bansa at sa mga taong naninirahan dito. At sana ay may isang tao na magiging tunay na lider para sa mas marami. Bigyan sana ng pagkakataong makapagsilbi ng matino ang mga taong nararapat para sa bansang Pilipinas sa 2010.

Patnubayan mo po kami. Amen.

(may karugtong…)

Nobyembre 20, 2008

pandesal home delivery

Filed under: Dito sa Amin,Kaibigan — kengkay @ 5:18 hapon

laban kayo dyan? merong libreng pandesal home delivery dito sa alemanya, yuhooo!

dumating kahapon ang pinaka-aantay ng buong pamilya ni kengkay — ang pandesal. at may dagdag pang mama sita’s tocino mix at gummi bears talaga. parang nabasa yata nung kaibigan kong pinay kung ano talaga ang takam na takam ako sa mga araw na ito ano?

ang layo na nga ng nilakbay ng pandesal na yan ano. ang kaibigan ko e nakatira malapit sa holland at kami naman e malapit sa switzerland – ganun kalayo!

dapat kasi nung isang linggo pa sya dumating. kaso mo naligaw sya kaya bumalik ulit dun sa pinanggalingan. o ayan tuloy, gawa ulit sya para may ipadala sa tamang address. mabuti naman at pagkatapos ng isang araw e nag knock on the door na sya.

as in bake agad namin sya at kinain. dalawang dosena sa isang gabi :D busog at bitin, pa deliver ulit, hahaha!

sempre naman nag bake din ako ng cookies para pasalamat dun sa aking kaibigan. bukas ko naman sya ipapadala sa mamang postman.

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers