Kwentong Kengkay

Enero 15, 2012

Desktop vs. iPad

ang mga little kengkays, sobrang tuwang-tuwa nung nalaman nilang may regalo kaming desktop computer sa kanila nitong nakaraang pasko.

as in… proud na proud silang meron na silang sariling computer. pwede naman nilang gamitin yung laptop namin ni kengkoy. pero siyempre iba pa rin yung sarili nila. meaning, sa isang desktop computer, hati ang dalawang little kengkays. pero di bale na, masaya pa rin sila. enjoy sila sa regalong computer.

ang desktop computer na iyon ay second hand. kailangan pa nga naming bumili ng stick kasi hindi pa sya internet ready. bakit naman kami bibili ng bago e kung gumagana naman ng matino ang second hand, mas mura pa.

at hindi pansin ng mga little kengkays kung gamit na iyon. proud na proud sila na meron silang sariling computer.

siguro nadala rin sila ng konting drama nung ipresenta namin yung desktop computer na regalo namin. may halong secrecy kasi :-)

tapos nung simula na ng kanilang klase, yung dalawang bata na anim na taong gulang; kinuwento sa amin na ang mga regalo nila galing sa nanay at tatay nila ay iPad.

napatingin ako sa mga little kengkays. alam nila kung ano ang iPad, lahat na yata ng kakilala nila ay merong iPad. maiinggit kaya sila?

ano ang reaksyon ng mga little kengkays???

‘kami may regalong computer galing sa nanay at tatay namin. cool di ba?,’ sabi ng mga little kengkays :-)

pero mas cool ang regalo ng mga little kengkays sa aming mag-asawa. listahan ng mga household chores na gagawin nila para tulong sa bahay! magluto, magsampay, maglinis…

Disyembre 9, 2011

Parol na Goma

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkay — kengkay @ 8:49 umaga
Tags:

nakwento ko sa inyo ang aming parol sa alemanya. pero alam nyo ba na meron din kaming parol na goma?

yan ang according sa mga little kengkays. simple lang ang parol na goma. sigurado ko, kaya nyo ring gawin. yun nga lang, hindi sya pangmatagalan.

am sure mababalik ang inyong ala-ala ng nakalipas kapag makita ninyo kung papano naging parol na goma sya.

kitams?? gumagawa din ba kayo nyan nung bata pa kayo?

kung hindi pa na-bore ang mga little kengkays habang inaantay namin si kengkoy sa sasakyan, malilimutan kong may ganito nga pala.

nakita nilang may mga goma sa sasakyan. at dahil bored, biglang na-alala ni panganay na tinuruan sila ni nanay (lola nila pero nanay ang tawag) kung papano gumawa ng bituin. pero dahil pasko daw, parol na goma daw yon.

sinubukan ni panganay, sumunod si bunso. pati ako naki-gaya na rin. medyo nagisip ako ng matagal kung papano sya gawin. mabuti naman at alam ko pa rin!

at siyempre nagpakitang gilas din ako, marunong pa rin akong gumawa ng krus na goma. yun na lang. wala ng iba. nalimutan ko na yung iba. di ba pwedeng gumawa ng bahay din?

at alam ko pwedeng dalawang goma ang gamitin at mas maraming magagawa pa. kaso walang lumalabas na porma sa mga experimento ko e.

baka meron kayong alam na iba pang pwedeng gawin sa goma??? excited akong magpakitang gilas sa mga little kengkays kapag tinuruan ninyo ako :-D

nga pala, marunong din silang gumawa ng chinese garter sa pamamagitan ng goma. eto ebidensya.

Oktubre 31, 2011

awooooo

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkay — kengkay @ 1:30 hapon

ang mga little kengkays, hindi takot yan sa dilim.

kahit na walang ilaw. at talagang super dilim, sumusugod sila.

kasi naman, hindi ko sila tinatakot nung maliit pa sila. hindi ko sila kinukwentuhan ng kung ano-ano kapag madilim. hindi ko rin ginagawang panakot ang dilim sa kanila.

kaya naman, ayun. walang takot sa dilim.

nung asa pinas kami. isang araw na malapit na ang halloween, umuwi si panganay galing sa eskwelaham.

awwoooo. ganun daw. inulit pa. awwwooooo. sabayan pa nya ng aktong bruhang facial expression at yung mga kamay na parang dadambahin ka.

ngek, sabi ko sa kanya — ano naman daw yang awwooo na yan? at ano naman daw yang hitsurang bruha na yun?

multo daw yun. sabi nung mga classmates nya sa kanya. may multo daw sa dilim. at yung awooo, yun daw ang sinabi ng mga multo.

ganun??? hehehe… sa dami ng pwedeng matutunan sa pinas, ito pang awwooo ang talagang na-dikdik sa utak nya oo.

sabi ko naman sa kanya, naniniwala ka ba? hindi naman daw. pero parang ang sarap daw sabihin ng awwooo atsaka yung ibang kalaro daw nya ay natatakot daw kapag ganun.

o sige na nga — awwwooooo!!!

nga pala, nung asa pinas din kami unang nakaranas ng kakaibang undas ang mga little kengkays. ang sarap daw sa pinas kasi may picnic!! hehehe. eto sila nung undas sa pinas :-D

awwwooooo!!!

Agosto 13, 2011

Free Fun in Alabang Town Center?

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkay — kengkay @ 5:53 hapon
Tags:

ang mga little kengkays, bored na bored kapag nag-yayaya kami sa mga malls sa Pinas. hindi sila impress nang window shopping e. medyo impress sila kapag kainan lalo na sa Jollibee at sa Shakey’s — pero kailangan talaga merong adventure.

pero ang gusto nila yung spontaneous, yung biglaan ba, yung tipong may kasaling excitement… at gusto nila, yung libre (kaltas kasi sa allowance nila kapag sobra sa budget).

so anong matagal na nilang nirerequest sa amin? ang maglaro sa fountain dun sa may alabang town center. type na type nilang dumaan-daan dun, konting mabasa, enjoy na sila.

pero nakapangako kasi ako na, one day isang araw — i saw nakakita—- na pagdadala kami ng extra na damit at tuwalya at pwedeng pwede silang maglaro dun sa fountain!!!

yipeeee!!! at eto ang ebidensya…

nag-kape kape muna kami dun sa mismong tapat ng fountain para may pwesto agad. tapos nag-alis na ng sapatos ang dalawa. at nagsimulang magtampisaw!!

ang daming dumadaan, napapangiti, natatawa. ang mga batang napapadaan? gustong gumaya. yung iba pinayagan, yung iba, ayun, nakatingin lang. super saya ng mga little kengkays.

e ang kaso, dumami ang mga batang nagtampisaw! ayun, dumatina ng kill joy na sekyu. bawal daw maglaro dun sa fountain. pinalayas ang mga nag-eenjoy na bata. natakot pati mga anak ko. ano ba naman yun???

ay ewan. kung bawal man, bakit walang nakalagay na bawal magtampisaw? atsaka minsan lang naman may mag enjoy ng ganun sa fountain nila ano… hindi pa pagbigyan, mabuti sana kung magulo ang mga bata. e hindi naman. atsaka para namang isang oras na nagtampisaw ang mga bata, e kakapiranggot na minuto lang naman ng libreng kaligayahan.

mabuti na lang at nawala ang dismaya nung mga bata nung nakitang may order ulit akong pagkain para sa kanila.

ayan, mukhang wala talaga yatang free fun sa alabang town center??? kayo, ano sa tingin ninyo?

Marso 10, 2010

santan

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 12:59 hapon
Tags:

dumalaw si kengkay, kasama ang mga little kengkays, sa dati kong pinatrabahuhan.

isang malaking freight forwarding sa paranaque.

pagpasok ko pa lang ng gate, nakita ko na agad ang mga loyalista kong former officemate.

feeling ko bahay, sinigawan ko agad: hoyyyy, hampogi-pogi. at bakit naman naka-barong ka pa talaga?

naks, nang-insulto agad! pero, ganon lang yon, kapag kaibigan mo, kahit ano pwede mong sabihin. kahit pa nga ilang libong taon nang nakaraan nung huli kayong nagkita at nagkausap :)

sempre, bussy-bussy. hugging-hugging! utuan (si kengkay: ang pogi-pogi mo talaga, at ang macho pa).

sagot naman ni mokong, ikaw din. hindi ka nagbago, maganda pa rin at seksi!

the usual lokohan between friends, ganon.

sempre, nairita ang mga little kengkays. daldalan na naman daw. uwi na daw sila. kakabagot daw.

naghanap ako ng pwede nilang pagka-abalahan. ang una kong nakita?

katabi pala namin yung kumpol-kumpol na halaman ng santan! yipeee.

namitas ako ng isa. sinipsip ko yung dagta. kumuha ng pangalawa. pinakita sa mga little kengkays yung sariwang dagta. at sinipsip ko ulit.

na intriga ang mga bata. ginaya ako. nasarapan. inulit-ulit.

ayun, patululoy ang bolahan namin nung ka-opismeyt ko.

habang kumakapal ang bundok ng mga butil ng santan na kanilang nasipsip!

hay, gusto kong kunan ng video habang ginagawa nila yon.

parang nakikita ko ang aking sarili nung mga edad nila ako. nabubusog kami sa dagta ng santan!

natigil din ang chikahan namin. nainggit kasi kami. at natakot na maubusan ng santan.

kaya ayun, todo sipsep na rin kami!

slurp!

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers