Kwentong Kengkay

Pebrero 13, 2012

e ano ngayon kung valentine’s day?

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 3:43 hapon
Tags:

excited naman si nanay kengkay. valentine’s day na bukas (sa pinas ay bukas na ngayon kasi sinusulat ko ito ay lampas na ay alas dose pasado na sa atin.)

at dahil parating nagrereklamo ang mga little kengkays na late daw ako parati magpa-alala kapag may okasyon (actually minsan nalilimutan ko talaga, at si kengkoy ang nakaka-alala) — sinabihan ko na sila agad na bukas ay valentine’s day.

ang sagot nila? o e ano naman ngayon kung valentine’s day?

ngek! oo nga naman, e ano naman ba talaga kung valentine’s day?

sinagot ko sila. araw ng puso, araw ng pagmamahal, araw ng nagmamahalan, hindi lamang para sa mga magsyota kundi ito ay araw para sa buong pamilya. araw ng mahal kita, i love you, ich liebe dich….

ang sagot nila ulit? hay naku, e ibig sabihin pala araw araw ay valentine’s day sa atin?

oo nga naman. araw araw ay nagtatapon kami ng i love you’s sa bahay…nagbibigay ng halik… naghihigpitan ng yakap…nagpapalitan ng kwentuhang kinatutuwa ng puso…

kasama na rin dun ang LQs na kasali sa drama ng valentine’s day. ang sigawan dahil sobrang kakulitan…ang pintasan dahil sa sobrang kakulitan pa rin… ang away dahil sa sobrang kakulitan pa rin… a kasi naman lahat kami makukulit, anong magagawa? pero lambing lang din yun…

at siyempre yung regalo, yung mga sorpresa. kadalasan ay may munting sorpresang nakaipit sa libro, nakatago sa banyo, nakalatag sa hapag kainan, naka-pa simple sa loob ng tukador at minsan ay harap harapang binibigay. exciting kapag surprises, di ba?

e ano ngayon kung valentine’s day nga naman!! sa kubo ni kengkay, araw araw ay araw ng puso — may drama man o wala :-)

maligayang araw ng mga puso.

Enero 24, 2012

Beware Foreigners: Makati Police Modus Operandi

Nakita ko sa Facebook Wall ng isang mabuting kaibigan:

WARNING: My husband was a victim ng Modus Operandi ng mga pulis sa Makati Ave. area. He was standing by the sidewalk talking on his mobile, he was with a buddy when a small framed woman in her spaghetti & maikling shorts bumped him from his behind. . . the rest is history, I found myself at the precinct dealing with these cops & robbers! After our case, another Briton came with his car keys being handed to the desk officer, for what? He told me his story & the rest again was history..kelan to titigil? FOREIGNERS talaga ang target? can u say that u r PROUD of BEING A FILIPINO?

Hindi magandang balita di ba? Lalo pa kung itinutulak natin ang proyektong more fun in the Philippines. E mukhang ayaw sumali ng ilang sektor. Ang masama, yung sektor pa na tapat ay mayroon tayong tiwala at respeto. Kawawa naman tayo.

Anyway, tinanong ko ang kaibigan ko kung ano talaga ang kwento. Sinabi naman nya. At ang nakakalungkot, sinabihan nya ang isang kakilalang pulis Makati tungkol sa modus operandi na ito. Ang sagot ng mismong pulis Makati? Sabi nya ay notorious daw talaga yung police station na iyon sa ganyang masamang gawain. Minsan ay isang German national naman ang biniktima nila, extortion, at na-media pa daw. Ang resulta? Nasibak ang officer sa presinto na iyon Police Community Precinct (PCP) 9 na malapit sa P. Burgos St. Makati City. Ang kaso, mukhang naipamana yata ang masamang ugaling extortion?

Eto ang buong istorya ayon sa aking kaibigan:
(may karugtong…)

Enero 15, 2012

Desktop vs. iPad

ang mga little kengkays, sobrang tuwang-tuwa nung nalaman nilang may regalo kaming desktop computer sa kanila nitong nakaraang pasko.

as in… proud na proud silang meron na silang sariling computer. pwede naman nilang gamitin yung laptop namin ni kengkoy. pero siyempre iba pa rin yung sarili nila. meaning, sa isang desktop computer, hati ang dalawang little kengkays. pero di bale na, masaya pa rin sila. enjoy sila sa regalong computer.

ang desktop computer na iyon ay second hand. kailangan pa nga naming bumili ng stick kasi hindi pa sya internet ready. bakit naman kami bibili ng bago e kung gumagana naman ng matino ang second hand, mas mura pa.

at hindi pansin ng mga little kengkays kung gamit na iyon. proud na proud sila na meron silang sariling computer.

siguro nadala rin sila ng konting drama nung ipresenta namin yung desktop computer na regalo namin. may halong secrecy kasi :-)

tapos nung simula na ng kanilang klase, yung dalawang bata na anim na taong gulang; kinuwento sa amin na ang mga regalo nila galing sa nanay at tatay nila ay iPad.

napatingin ako sa mga little kengkays. alam nila kung ano ang iPad, lahat na yata ng kakilala nila ay merong iPad. maiinggit kaya sila?

ano ang reaksyon ng mga little kengkays???

‘kami may regalong computer galing sa nanay at tatay namin. cool di ba?,’ sabi ng mga little kengkays :-)

pero mas cool ang regalo ng mga little kengkays sa aming mag-asawa. listahan ng mga household chores na gagawin nila para tulong sa bahay! magluto, magsampay, maglinis…

Enero 8, 2012

malagkit. it’s more FUN in the philippines!

ang malagkit

hindi ko mapigil maki-share sa campaign ng DOT:It’s more fun in the Philippines. kasi super agree naman talaga ako.

at isa ang malagkit kaya mas masaya sa pinas.

ang saya yatang kumain ng tunay na malagkit: suman, kunsinta, puto, bibingka, palitaw, bico, pandan, sapin-sapin, belekoy, ube, kulangot ni nonoy (yung pagkain na sinusundot, heheeh), binatog, okoy, minatamis sa bao, ginataan, bola-bolang kanin, kamoteng kahoy, cassava cake, ma…

hmm, ano pa nga bang malagkit na pagkain sa pinas na super sarap???

malagkit. kaya naman tunay na it’s more fun in the philippines!

Disyembre 30, 2011

Happy Birthday daw, Lolo Jose?

Jose Rizal Park in Germany

edi ba kamatayan ni lolo jose ngayon??? alam ko ang birthday nya ay tuwing Hunyo 19. kasi pareho kaming gemini (atsaka kabertdey nya rin ang aming aso na sana maging hero din)

nga pala sa mga naghahanap kay lolo jose sa heidelberg… wala po sya dun.

sya po ay asa wilhelsmfeld. sa isang maliit na baryo na malapit sa heidelberg. duon ay mayroon syang jose rizal park, at meron ding jose rizal street.

atsaka may mga monumento dun kung saan sya nakatira dati. sa isang bahay ng pari na malapit sa isang simbahan.

at dun din sa park na iyon nagcecelebrate ng kanyang kabertdeyan. at may mga knights of rizal din na madalas mag celebrate dun.

yung mga bisita naming pinoys? talagang gustong-gusto nilang makita ang jose rizal park. kaso madalas heidelberg ang banggit nila. e kasi nga, mas kilala ang heidelberg atsaka dun naman talaga nag-aral si rizal, hindi nga lang sya dun tumira.

nuong kapanahunan ni rizal, inaabot sya ng tatlong oras na lakad bago makarating ng kanyang unibersidad… ibang klase ano?

hero talaga sa kanyang determinasyon pa lang na matuto. kaya naman please lang, kapag disyembre ay kamatayan ni lolo jose. kapag hunyo ay kapanganakan. keep those in mind!

kundi masama pa kayo sa masangsang na isda ;-D

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers