Kwentong Kengkay

Enero 15, 2012

Desktop vs. iPad

ang mga little kengkays, sobrang tuwang-tuwa nung nalaman nilang may regalo kaming desktop computer sa kanila nitong nakaraang pasko.

as in… proud na proud silang meron na silang sariling computer. pwede naman nilang gamitin yung laptop namin ni kengkoy. pero siyempre iba pa rin yung sarili nila. meaning, sa isang desktop computer, hati ang dalawang little kengkays. pero di bale na, masaya pa rin sila. enjoy sila sa regalong computer.

ang desktop computer na iyon ay second hand. kailangan pa nga naming bumili ng stick kasi hindi pa sya internet ready. bakit naman kami bibili ng bago e kung gumagana naman ng matino ang second hand, mas mura pa.

at hindi pansin ng mga little kengkays kung gamit na iyon. proud na proud sila na meron silang sariling computer.

siguro nadala rin sila ng konting drama nung ipresenta namin yung desktop computer na regalo namin. may halong secrecy kasi :-)

tapos nung simula na ng kanilang klase, yung dalawang bata na anim na taong gulang; kinuwento sa amin na ang mga regalo nila galing sa nanay at tatay nila ay iPad.

napatingin ako sa mga little kengkays. alam nila kung ano ang iPad, lahat na yata ng kakilala nila ay merong iPad. maiinggit kaya sila?

ano ang reaksyon ng mga little kengkays???

‘kami may regalong computer galing sa nanay at tatay namin. cool di ba?,’ sabi ng mga little kengkays :-)

pero mas cool ang regalo ng mga little kengkays sa aming mag-asawa. listahan ng mga household chores na gagawin nila para tulong sa bahay! magluto, magsampay, maglinis…

Oktubre 17, 2011

baboy

Filed under: Kwentong Kengkay,Kwentong Kengkoy — kengkay @ 6:44 umaga
Tags: ,

kwentong baboy naman.

kapag asa pinas kami, manghang-mangha talaga si kengkoy at ang mga little kengkays kapag napapadpad kami sa mga palengke. lalo na kapag may mga nakasampay na bagong katay na baboy.

dito kasi sa alemanya, wala ng buong baboy. hati na sila. mukha na silang pagkain :-D hindi na turn-off.

pero kung minsan ang ayaw ko lang dito, inaalis talaga nila ang taba ng baboy. as in hindi nila sinasama sa pagkilo. as in sa harapan mo ay tatanggalin nila ang taba. eeekkk… nung una kong makita yun, hindi ako makapag-react. na shock ako…
(may karugtong…)

Oktubre 6, 2011

hindi ako marunong magluto

Filed under: Kwentong Kengkay,Kwentong Kengkoy — kengkay @ 8:29 umaga
Tags: , ,

pausong luto ni kengkay

hindi nga, pramis. hindi ako talaga marunong magluto.

nung bata pa ako, magpainit lang ng tubig natutuyuan pa halos yung lalagyan ng tubig.

at kapag magsaing naman ako… maamoy agad na sunog. waa. hindi pa kasi uso nun ang rice cooker.
(may karugtong…)

Setyembre 14, 2011

Conversion of foreign driver’s licence sa LTO

LTO Pasay

Papano nga ba mag-paconvert ng foreign driver’s licence into Philippine driver’s license sa LTO?

Meron akong driver’s licence na galing sa Alemanya, pati na rin ang asawa kong Aleman. Nung asa Pilipinas kami, pina-convert naming pareho ang aming foreign licences para maging Philippine driver’s licence.

Kasi ang sabi nung mga kausap namin, pwede lamang daw gamitin ang inyong foreign driver’s licence ng tatlong buwan pagkadating ng Pilipinas. Kapag lampas na sa tatlong buwan ay kailangan ng mag-apply for conversion.
(may karugtong…)

Setyembre 10, 2011

Rogelio R. Macaraeg, Swindler

Rogelio R. Macaraeg, huwag magtiwal sa taong ito
Mag-iingat sa mga taong ito: Alexander Elma at Rogelio Macaraeg

UPDATE::: ROGELIO R. MACARAEG IS NOW INTO SELLING PRODUCTS ALLEGEDLY FROM NUTRAMEDICS. BE CAREFUL IN DEALING WITH THIS MAN!!

Rogelio R. Macaraeg, nagpapanggap na pastor (pretends to be a pastor)

Rogelio R. Macaraeg, nagpapanggap na doctor ng medicina (pretends to be a doctor of medicine)

Rogelio R. Macaraeg, nagpapanggap na chief presidential adviser sa University of Luzon sa Pangasinan (pretends to be the chief presidential adviser at the University of Luzon in Pangasinan)

Rogelio R. Macaraeg, managing director daw ng Ezra Consulting Group (alleged managing director of Ezra Consulting Group)

Rogelio R. Macaraeg, chairperson/CEO daw ng Strong Tower Ministries International Inc. SEC registration no. CN 200826305 (alleged chairperson/CEP of Strong Tower Ministries International Inc. which is alleged to be registed at SEC)

para sa charity, ginamit sa bahay

Rogelio R. Macaraeg, miyembro daw ng Four-Square Church Gospel sa Mandaluyong at sa Paranaque (alleged member of Four Square Church Gospel in Mandaluyong and Paranaque)

Rogelio R. Macaraeg, nagbibigay din daw ng seminars para sa mga mag-asawa at tungkol sa Kristianismo (supposedly conducting seminars for couples and Christianity)
(may karugtong…)

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers