Kwentong Kengkay

Setyembre 21, 2011

kengkay’s do-it-yourself pabitin

Filed under: Kwentong Kengkay,Kwentong Nanay — kengkay @ 9:22 umaga
Tags: , , ,

sobrang hit sa mga little kengkays ang pabitin na tradisyonal na laro sa pinas

kapag may birthday o kapag merong piesta o kahit na anong na selebrasyon, meron parating pabitin. ang nagiiba lang talaga ay yung nakabitin at yung nag-aantay sa pabitin.

kaya naman nung birthday nila, kailangan meron silang pabitin dito sa alemanya. ang alam ko, nagdala ako ng pabitin. ang kaso hindi ko na sya makita dahil sa dami ng tambak sa aming storeroom, at dahil malapit na ang birthday, minabuti kong gumawa na lang ng pabitin ala kengkay. ayoko ng pinatakasi mas mabusisi yun atsaka ang dumi dahil sa confettis :-D

kengkay's do-it-yourself pabitin

simple lang naman ang kailangan para sa do-it-yourself pabitin.

dapat mangahoy.

huwag na magputol ng puno, pulutin na lang yung mga tira-tirang sanga sa gubat.

tapos pagtagpi-tagpiin ang mga sanga.

ginamit ko ay normal na sinulid lamang para pagtagpiin ang mga sanga.

tapos itali na nag mga pampasakit ng ipen o laruan.

dagdagan ng mga palamuti para naman makulay ang mundo ng mga bata at para mas nakakaduling, hehe.

at siyempre, gumamit ng isang tali na matibay at itali rin ito sa isang matibay na sulok ng bahay. (baka naman pati bubong ay bumigay pa!!)

 

enjoy naman sila

o ayan, ready na ang pabitin!!!

Hulyo 28, 2011

luto tayo

Filed under: Kwentong Nanay,Panlasa — kengkay @ 9:00 umaga

kung kilala ninyo si sebastian vettel na isang Formula 1 driver?

baka gusto rin ninyong kilalanin ang kanyang paboritong spaghetti?

kapitbahay na barangay lang namin ang kanyang hometown kaya ang dami kong alam na chismis tungkol sa kanya, hehehe. pero ang number wan na chismis ngayon e yung kanyang paboritong spaghetti.

aba e chinismis ba naman ng isang restaurant chef kung ano ang recipe ng pamosong spaghetti ala vettel, edi i chismis ko din sa inyo, di ba?

para fair naman. so kung gusto ninyong malaman kung papano iluto ang spaghetti ala vettel, puntahan ninyo ito ang recipe.

biglang tinamad akong i translate sa tagalog, baka maubusan ako ng letra :-D

masarap ang spaghetti ala vettel ha. at simple lang gawin. puntahan nyo na yung recipe. malay ninyo at biglang kumatok sa bahay ninyo si sebastian, edi alam nyo na kung ano ang ihahanda.

samahan nyo na rin ng kanin, hahahaha :-D

at kung gusto ninyo malaman kung papano gumawa ng homemade ice cream na simpleng simple lamang, eto ang recipe.

Marso 9, 2009

gusto nyong hiramin tv namin?

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Nanay — kengkay @ 5:50 hapon
Tags: , ,

hindi namin gagamitin ang aming telebisyon isang buong linggo. mula ngayong lunes hanggang sunod na linggo.

gusto ninyong hiramin?

parusa yan sa mga little kengkays. sa totoo lang, si panganay ang nagsimula. nanood pa kami ng sine nung sabado at inulit pa naman nung linggo. eto istorya: click

masaya na sana. si bunsoy kasama si tatay nya sa bahay at pareho silang nagkulitan, si kengkay kasama si panganay at nanood ng sine. aba nung umuwi kami e biglang nagtantrums si panganay ng walang kabog kabog. tumilapon lahat ng pinggan at halos magiba ang bahay namin sa pagdadabog nya halatang may pinagmahanan di ba, hehe

nung ayaw paawat sa matinong usapan e sinabihan ko na sya na may parusa ang kanyang pagwawala. nung medyo natigil na ang kanyang tantrums e kinausap ko na sya. tinanong ko kung hindi nya nagustuhan yung date namin sa sinehan. enjoy daw sya. sabi ko e bakit ka biglang nagwala. hindi daw nya alam. well, walang rason ang kanyang tantrum. pwes, sabi ko sa kanya, may parusa yon. at sempre may drama din. sabi ko mahal namin sya kaya dapat nyang malaman na mali yung ginawa nya. para sa ikabubuti nya rin yon.

(may karugtong…)

Enero 21, 2009

haplos ng pagmamahal

Filed under: Kwentong Nanay,Oyropa Ko — kengkay @ 12:36 hapon

alam nyo bang ang tagal kong hinanap ang vicks vapo rub dito?

sabi ko pa, ano ba naman yan. tinuring na developed country e walang haplos ng pagmamahal? e sabi pa naman nila napaka epektib daw ng vicks vapo rub against ubo ubo?

luma na tong istoryang napulot ko pero dahil parehong may sakit ngayon ang little kengkays e sempre naghanap ulit ako ng vicks vapo rub. halos kasi hindi lahat kami makatulog dahil ubo ng ubo ang mga bata. kawawa naman, hindi lang sila kundi si kengkoy kasi maaga sya papasok sa opis pero alas tres na e hindi pa sya tulog. maligalig yang asawa ko basta tungkol sa mga bata e. madalas sya ang nagpapanik mantalang hindi naman kapanikpanik.

kaya naman hanap ako ng vicks. baka nga naman epektib e malay naman natin di ba? kasi ang nanay ko basta may sakit kami haplos agad ng pagmamahal ng vicks ang bibigay nya sa amin e.

pero alam ko, hindi nya nilagay sa talampakan na sinasabi dito:
(may karugtong…)

Enero 18, 2009

madulas

Filed under: Kwentong Nanay,Oyropa Ko — kengkay @ 12:12 hapon

sa litratong ito, makikita ninyo kung gaano katarik ang bundok na papunta sa bahay ng aking in laws. ayun na ang pamilya ni kengkay sa ibaba, binibisita na si opa. kuha ito nung nakaraang summer.

kaya naman imagine nyo kung ano nangyari nung isang araw na puno ng snow ang paligid. may mga snow na tumigas na sa kalye dahil sa sobrang lamig. tapos nung umagang iyon pa e umulan ng konti. pagkatapos e biglang nag snow. ayan, patong patong na talaga. pero hindi ko naisip na magiging delikado ang daan nung umakyat kami sa bundok na yan dahil may lunch date kami kay opa (ang lolo ng mga little kengkays).
(may karugtong…)

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers