Kwentong Kengkay

Disyembre 26, 2008

maligayang pasko po 2

Filed under: Kwentong Kengkay,Kwentong Nanay — kengkay @ 1:12 umaga

mahiyain si bunsoy pero gusto din nya bumati. mana sa nanay, ehem :D
ang panganay ko naman e may pagka showbiz na yan. halata bang mana rin sa nanay, hehe

yan lang po. at bakit daw dalawang beses ako bumati ng maligayang pasko?

alam nyo ba na sa alemanya ay dalawang araw sinecelebrate ang pasko? sa 25th at sa 26th ng disyembre.

alam nyo ba na sa alemanya e ang batang si Jesus ang nagbibigay ng regalo at hindi si Santa?

alam nyo bang sa alemanya ay sa ika 24 ng disyembre nangyayari exchange gifts?

alam nyo bang sa alemanya ay hindi nilalagay yung regalo sa ilalim ng krismas tri agad agad? nilalagay yon ng palihim. kasi nga si baby Jesus ang nagdala di ba? kaya lalabas lang ang mga regalo kapag 24th ng december.

o ayan, alam nyo na, hehe.

maligayang pasko ulit!

Disyembre 23, 2008

nakakita ako ng anghel

Filed under: Kwentong Nanay — kengkay @ 7:43 hapon

kapag magpapasko talaga, kung ano ano ang nangyayari. ayan na nga at nagkalat na ang mga anghel.

kita nyo ang mga anghel. ang bilis maglakad! teka muna, wag muna kayo lumipad!

teka muna, parang kilala ko yata itong isang anghel na ito ah? aba, ang aking panganay! mala anghel sa kakulitan. kanino kaya nagmana. hehe

(may karugtong…)

Disyembre 19, 2008

paikot-ikot

Filed under: Kwentong Nanay — kengkay @ 2:58 hapon

ang pinakamasarap na rides nung bata pa tayo? yung paikot-ikot, tulad ng ferris wheel, carousel, caterpillar, choo choo train, magic cup, at kung ano pang umiikot.

sempre, kapag may paskuhan at may peryahan, ganyan din ang pinagkaka-abalahan ng mga little kengkays.

takbo muna sila sa carousel. ikot. ikot sila sa isang makinang na silya. kaway kaway sa mga nanay at tatay na sumasakit leeg at ulo kakatingin. at kakatingala.

tapos pangalawang round. sakay naman sila ng kabayo. tigidig tigidig. ikot ikot na naman, kaway kaway. hayyyy

nakakakita ng choo choo train. sempre papalampasin ba naman nila? ang matindi pa nito, hindi lang kaway, give me five pa ngayon. huwag tularan, dahil delikado yan. actually, pinigilan na namin sila sa give me five na yan. kasi may nangyari sa isang carnival sa france na dahil sa kakagive me five e nahulog yung isang bata sa carousel at nabagok ang ulo. sad to let you know, namatay yung bata :( freak accident pero pwede nating maiwasan.
(may karugtong…)

Disyembre 17, 2008

akala ko ako lang

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Nanay — kengkay @ 8:25 hapon

…ang may shoe fetish.

namamana pala yan? panoorin ang ebidensya nung napadpad kami sa isang sapatusan dito sa aming baryo….
si little kengkay namber wan e talaga namang high heels pa ang banat. at silver pa talaga! may i walk around talaga sya habang suot nya yan. mabuti kamo hindi kami napagalitan ng tindera :D

konserbatibo naman ang napili ni little kengkay namber tu. takot daw kasi sya matapilok, hehe

eto ang konting eksampol ng aking pagiging sapatera. hay, ang sarap ng maraming sapatos. pero ang nakakabaliw lang, kapag aalis na ako ng bahay, bakit wala akong maisuot na pares na babagay sa aking outfit, kainis di ba? hehe

sabi ni kengkoy bawal na daw bumili kasi wala na daw paglalagyan. ginawa ko, pinadala ko yung iba sa balikbayan box, edi solb!

umamin ang mahilig sa sapatos! itaas ang mga paa :D

Disyembre 10, 2008

Pitong Taon

Filed under: Kwentong Nanay — kengkay @ 8:45 umaga

waa, lumalaki ang mga little kengkays at lumiit si kengkay, hehehe

berdey ngayon ni panganay. natapos akong magbake ng alas dose ng gabi. tapos hinanda pa namin yung mga regalo at mga dekorasyon kagabi. hay, what we do for love.
ayan ang dekorasyon na hindi kami ang gumawa. yung aming super sweet na tenants ang gumawa nyan, nagulat na lang kami paggising namin kaninang umaga. at sempre, may regalo din na kasama yan.
ayan itsura ni panganay nung bebi pa sya. nakaupo sya sa kanyang car seat na pinaka-ayaw nyang gawin kasi naman para syang natali ano, hehe
(may karugtong…)

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers