Kwentong Kengkay

Marso 11, 2009

polong nakakalasheng

Filed under: Litratong Pinoy — kengkay @ 4:01 hapon
Tags:


Blusa/Polo

Baket naman daw nakakalasheng itong polong suot ng mga kabataang ito? Napansin ninyo ang hawak nilang beer mugs?

Dahil yan ang talagang ka-partner ng polo na yan. Ang mga kabataan ang mga tinatamong ‘hari’ kapag kapiestahan dito sa aming baryo sa Alemanya. May mga botohan pa yan kung sino ang magiging ‘hari’ — alam nyo kung sino ang panalo sa botohan? Kung sino ang may pinakamaraming na-inom, heheh.

Saya ng piesta dito ano? Sa mismong parada, may dala silang lahat ng beer mugs at sa likuran nila ay may karay karay silang malaking barrel ng beer. At sempre, puno parati ang kanilang beer mugs kahit saan sila magpunta sa peryahan. Pero ang masaya dito? Walang gulo kapag piesta, walang buntalan. Minsan lang :D

Marso 4, 2009

isang bag ng tinapay

Filed under: Litratong Pinoy — kengkay @ 5:03 hapon
Tags: ,


Bag

ang pinakamasarap na almusal? ang mainit-init pa na tinapay. hindi lang isa, kundi isang malaking bag nito.

at ang susunod na pinakamasarap sa almusal? ang isawsaw ang mainit init pang tinapay sa kape o kaya naman sa paboritong ovamaltine (ovaltine). yum!

<

Marso 1, 2009

kanya-kanyang pick-up

Filed under: Litratong Pinoy — kengkay @ 10:24 umaga
Tags:


Bulaklak
kapag sumisinag na ang araw dito sa alemanya, sabay din ang sinag ng mga bulaklak at mga bulaklakan. ibat ibang klase, ibat ibang korte, ibat ibang hitsura, ibat ibang amoy.

at sempre, kanya kanyang pick-up. walang nagbabantay sa mga bulaklakan na yan. basta kung may bibilhin ka, pili ka lang. bunutin. at buhatin. tapos nakalagay sa isang karatula kung magkano sila. at may isang box dun kung saan dun mo ilalagay ang bayad mo. kumbaga, dapat lang maging totoo ka :D may isang bulaklakan na nakapansin na ang dami namimick-up ng kanyang bulaklak pero walang nagbabayad, edi naglagay sya ng camera dun sa kanyang bulaklakan, hehehe. daming nabisto tuloy. yung iba daming kinukuha pero singko lang binabayad. yung iba naman talagang may i thank you lang, hahaha.

Pebrero 18, 2009

Tipanan sa Maisan

Filed under: Kwentong Bulilit,Litratong Pinoy — kengkay @ 5:17 hapon
Tags: ,

Tipanan = Date

Ay, sempre naman masarap ang tipanan basta sa maisan, di ba? Kaya hindi ko masisi yung iba kung magpapagulong-gulong pa sila. Maghabulan. Magtaguan. At kung ano pang drama.

Kasi ginagawa rin namin yan. Wala kaming pakialam kung may makakita. Wala kaming paki-alam kung may kasama kaming mga bata. Ang importante, masaya kami :D (may karugtong…)

Maala-ala Mo Kaya? = Do You Remember?

Filed under: Litratong Pinoy — kengkay @ 5:00 hapon

Tipanan = Date

Sina lolo at lola. Kuha mga ilang taon na. Akala mo silang dalawa lang ang magkasama. Akala mo silang dalawa lang ang may tipanan. Samantalang sa likuran lang nila ay andun ang buong pamilyang maiingay.

Look at my in laws. Going on a romantic date alone, though in reality, the whole family were noisily chatting on their backs.

Kitams? Kakainggit ano? Nag-celebrate sila ng 60 years wedding anniversary nitong 2008. Bago yumao si lola nitong nakaraang Oktubre din :(

They celebrated their 60th wedding anniversary last year before my mom in law succumbed to a heart attack last October.

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers