natuwa naman ako kasi may tumawag sa akin kahapon
si p0kw4ng, ang babaeng kakatawid lang ng tulay mula italya at ngayon e kapitbahay ko na
welkam sa alemanya dir!
sempre alam ko ng tatawag sya sa akin kasi nangalabit na sya e. ano ba daw telepon namber ko. easy to get naman ako, binigay ko sa kanya. hindi ko nga lang mabigay yung cell ko kasi hindi ko maalala yung number ko, hehehe
so kahapon. aba, nag ring ang aming telepono. ang nasakabilang linya ang sigaw agad e ‘kengkay!’ e ako naman, sabi ko agad ko, huyyyy!! naks, parang alam ko agad kung sino yung tumawag ano, hahaha. pero dahil malakas ang ESQ ko, naamoy ko agad na si p0kw4ng ang asa kabilang linya. chikahan kami. bistuhan. kulitan. feeling matagal na magkaibigan. matalanang mga ilang buwan pa lang kami nagkokomentan sa blogs namin.
iba talaga ang dating ng blogging ano? tulad ni sofie. isa pa yan sa kaponpal ko. tumawag sya sa king nung isang araw na down na down ang kakengkayan ko. at dahil sa kanya e naging up ako. hindi ko yon malilimutan. at ang masarap non, kapag tumatawag sya sa akin e magandang sorpresa parati sa akin, sarap ba naman ng chismisan namin e. pinaguusapan namin yung mga taong hindi naman namin kilala pero nagkakaintindihan kami. o de vah! at marami na ring akong naging kaponpal na bloggers talaga, pramis enjoy ako
tahimik kasi telepono namin dito e. mas marami pang kaponpal mga little kengkays kesa sa nanay nila, waaa
kakatuwa talaga ang maging kaponpal ang mga kablogs. nung umuwi ako ng pinas nitong 2008, binigay ko sa madlang pipol ang aking cell pon sa pinas, aba, ang daming nangulet. yung iba nga yata hindi ko talaga kablog pero nakikulit din, hahaha. pero dahil game naman si ako, ayun, nakikulet din. ang masaya pa nito, biglang may susundo na lang sa akin sa hotel. gimik daw kami kasi andun na daw sila sa baba. antay naman ako sa baba. kahit hindi ko pa sila nakikita at kahit hindi pa nila ako nakikita, sapul parati. ‘kengkay?’ sagot ako agad ng ‘uu’ — walang sablay yan.parang may sariling antenna yata ang bloggers kapag kita kits e. kapag EB ba.
may mga taong ako naman ang nangulit sa telepono. pero lahat sila ang baet baet. kung saan saan kami na invite. kahit naliligaw kami e punta pa rin kami. kaya naman nung umuwi kami dito ang sabi ni kengkoy ‘bakit daw parang araw araw yata kaming lumalabas nitong nakaraang bakasyon.’ hindi nya alam dahil yon sa walang katapusang EB, hehehe
kung gusto nyong makita ang EB namin? halungkatin dito sa aking blog, basta may EB, yun na yun, hehehe