eto si kengkay, nag blog dahil nagpumilit maglabas ng sama ng loob kahit na may sakit…
pasensya na at talagang wala pa rin akong oras mag blog hop at sumagot sa comments dahil nga may sakit ako na nataon namang may family emergency nga at dahil na rin sa sinabi kong family emergency na ngayon e family emergencies na po.
alam nyo, dahil sa family emergency na yan; nakikita ko talaga na maganda ang pagiging family oriented ng pinas. dahil dun sa atin, kapag may emergency, nagkakaron ng pagkakaisa; yung mga magka-away nagkakabati pa nga dahil sa mga ganyang sitwasyon.
pero dito, alam nyo? nasusuka na ako.
kaya siguro ako nagkasakit dahil sa stress na nararamdaman ko dahil sa mga nangyayari dito sa kapaligiran ko. alam nyo yon? imbes na magkausap ng matino para maayos ang emergency na naging emergencies na nga, nagbabangayan at hindi man lang magkausap ng matino.
ang hindi ko maatim e pati itong mga little kengkays ko e super affected na sa mga nangyayari. yun bang feeling ko e hindi nila dapat maranasan ang mga ganitong pangyayari dahil may mas matinong pwedeng gawin.
dahil ang alam ko, kapag mahal mo ang isang tao, andun ka dapat para sa kanya. kapag mahal mo ang isang tao, ang iisipin mo ay para sa kabutihan ng taong yon. kapag mahal mo ang isang tao, mamahalin mo sya kahit na anong nangyari o nangyayari sa kanya.
kaso hindi ganyan nakikita ko dito sa mga taong akala ko e nagkaron ako ng right na tawagin silang ka relasyon dahil sa nagkataong pareho na kami ng pangalan… kasi iba ang tingin ko sa mga ginagawa nila ngayon sa mga taong mahal namin sa buhay.
nakakasuka!
ibalik nyo ako sa pinas, ibalik nyo ang sa bayan na kahit na hindi ko kapamilya e alam kong gagawa ng paraan para maging matino ang buhay ko kapag may emergency, hindi katulad dito na may emergency na nga e lalo pang mag in-arte para maging emergencies…
maganda talaga sa pinas, maniwala kayo.
