Pagbigyan nyo si kengkay, bigla kong na miss ang Pinas nung naghalunggkat ako ng ibibigay na info para dun sa mga kabigan naming gustong pumunta ng Pinas e. Ang una kong hinanap yung link para dun sa video ng DOT na ‘Biyahe Tayo’.
Ayun, naiyak ako, waaaa. Na homesick bigla.
At talagang hinanap ko yung lyrics by Rene Nieva kasi parang gusto kong isa isahin ung mga nagawa ko, nakain ko, at napuntahan ko na sa Pinas. Check list ba, hehe. Kung gusto niyo, maki check na rin kayo.
Tara na, biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy nang todo.
Uy totoo yon, mas masarap magbiyahe ng kasama ang buong pamilya, barkada at kung ano mang ka grupo yon. Kapag asa Pinas kami, bus ang dala namin, hahaha. Tapos kapag sasakay at bababa ang buong barangay, binibilang parati ni kengkoy at baka daw may maiwan, hehehe
Napasyal ka na ba
Sa Intramuros at Luneta
Palawan, Vigan at Batanes
Subic, Baguio at Rice Terraces?
Bakit nga ba parati lang naming dinadaan-daanan ang Luneta kapag asa Manila Bay na kami? Ilang beses na rin kaming kumain sa may Manila Bay dahil dati naming tambayan ang Harbor View. Balak naming pumunta ng Palawan sa lalong madaling panahon. Sayang at hindi pa kami dumaan ng Vigan nung 2006, sa Baguio kasi kami natutok e, hindi nga lang namin nararing ang Rice Terraces. Pero sa Batanes, dun, gusto ko dun. Ang balita ko lang e limited travel lang dun dahil parating may bagyo. Subic, hmm, ilang beses na rin akong nakarating dun; lalo na nung nagkaron ng shopping paradise dun
Namasdan mo na ba
Ang mga vinta ng Zamboanga
Bulkang Taal, Bulkang Mayon
Beach ng Boracay at La Union?
Gusto ko pumunta ng Zamboanga, am sure maganda tingnan ang mga vinta. Pero sa totoo lang, saang parte ba ng Zamboanga yan, eng eng ko talaga. At oo, si kengkoy at ang mga little kengkays nakarating na sila sa Taal (dun ko sila unang dinala, at isang linggo kami dun); ako nakarating na ng ilang beses sa Bicol, pinagiisipan kong mabuti ang pagbisita ulit dun, sana wala ng NPA (natatanging poging aminado). Mahal na mahal ko ang Boracay dahil dun ako natutong lumangoy, wahahaha. Mas maganda sya dati, early 90s, kasi walang malalaking buildings at shopping malls, simpleng boracay ang narating ko, gusto ni kengkoy pumunta dun kaso dami nyang naririnig na maganda nga daw dun. Nung 2006, asa La Union kaming pamilya. At sempre, buong barangay, ano pa nga ba
Nasubukan mo na bang
Mag-rapids sa Pagsanjan
Mag-diving sa Anilao
Mag-surfing sa Siargao?
Hindi pa ako nag rapids sa Pagsanjan at nag surfing sa Siargao
, pero nakarating na ako sa Anilao at bilib na bilib nga si kengkoy sa Anilao dahil sa harap mo pa lang mismo ay may treasures ka ng makikita, mantalang sa ibang bansa daw dapat ka pang mag bangka sa malayo para lang may konting makita
Natikman mo na ba
Ang sisig ng Pampanga
Duriang Davao, Bangus Dagupan
Bicol Express at Lechong Balayan?
Teka muna, ano lasa ng sisig ng Pampanga? Sa dami ng sisig na natikman ko hindi ko alam kung alin dun ang Pampanga flavor. Duriang Davao natikman sya sa mismong palengke ng Davao, yum! Bangus ng Dagupan? Sa tingin ko kasi tatay ko pangasinense e. Bicol Express, oo naman, kasi dami kaming ka-barangay na taga Bicol e. At ano yung Lechong Balayan? Hindi ko yata alam yan, ang alam ko lang Mila’s at Nena’s
Nakisaya ka na ba
Sa Pahiyas at Masskara
Moriones at Ati-Atihan
Sinulog at Kadayawan?
Yan, yang asa taas na lyrics, hindi ko pa naranasan lahat yan. Kakalungkot, waaa. Dapat isa isahin na yan, sino gusto sumama sa akin, hehe. Ang hirap kasi magbiyahe kapag may festival e, lalo bat buong barangay kasama, hahaha. Siguro dapat patakas, oops
Namiesta ka na ba
Sa Peñafrancia sa Naga
Umakyat sa Antipolo
Nagsayaw sa Obando?
Nakipiesta na yata ako dati sa Naga, at parati kaming umaakyat ng Antipolo at sa tingin ko, naki sayaw na rin ako sa Obando. Tambayan ko yata dati ang Obando at meron akong barkada dun nung asa kolehiyo ako.
Ang dami ko pa palang dapat puntahan…
Halika, biyahe tayo…