Kwentong Kengkay

Agosto 20, 2011

Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa

Filed under: Kwentong Kengkay,Magaling ang Pinoy — kengkay @ 9:12 umaga
Tags:

UPDATE: Miriam College thru the Department of Filipino will be showing Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa on Friday, August 26 at 1PM and 3PM at the Paz Adriano Little Theater. Spread the word! The soundtrack will also be sold.

Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa

Gusto ko syang mapanood: Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa!!

Kung hindi ko pa sya nakita sa pamamagitan ng pagsilip sa FB ni ate becky ay hindi ko malalaman na may ganito pala…

Hindi ko man alam ang kwento, na intriga ako. Lalo pa nung napunta ako sa Facebook nito.

Kaya naghanap ako ng info sa internet at nabasa ko ito.

Super na-intriga ako. Tapos napanood ko din yung bloopers scene dun sa FB ulit. Nakakatuwa. Ang siyempre, magaling ang mga bida rito. Fan ako ni Jean Garcia, aaminin ko!

Sana magkaron ng pagkakataong makapanood talaga ko sya.

Pero kayong mga asa Pinas, may pagkakataon kayong mapanood sya sa pamamagitan ng Sayaw for a Cause.

Dahil ang ‘Love Yourself Project’ ang mag-isponsor ng isang special screening ng Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa sa Martes, ika-23 Agosto, alas siyete ng gabi, sa SM Megamall Cinema 9.

(The Love Yourself Project aims to stop the spread of AIDS/HIV through free clinics and counseling. It’s a worthwhile advocacy to support. Check out their website for more details.)

Para magpa-reserba ng ticket mag-register dito.

Nga pala, may second special screening din ng ‘Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington’  na gaganapin ng alas nueve ng gabi sa parehong araw din. (Martes, ika-23 ng Agosto.

Uulitin ko: ‘Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa’ at ‘Zombardings: Patayin sa Shokot si Remington’ special screening sa Martes, ika-23 ng Agosto sa SM Megamall CINEMA 9. Oras ng screening: 7 PM para sa “Sayaw,” and 9 PM para sa “Zombadings.”

Tickets P300 (1 movie) and P500 (both movies).

Proceeds from this special event will support the provision of free counseling and assistance services to the youth and key populations affected by HIV/AIDS in the Philippines.

Pwede nyo ring i-pick-up ang sa theROOM (landline 577 0332, mobile 0917 863 4899).

Suportahan natin!!

Enero 29, 2009

eng-eng kayo sa blogging?

Filed under: Kaibigan,Magaling ang Pinoy — kengkay @ 3:47 hapon

pwes, katulad kayo ni kengkay, hahahaha.

aaminin ko, kahit na mahigit isang taon na akong nagboblog e eng eng pa rin ako sa mga bagay bagay na sinasakop ng blogging.

ang alam ko lang talaga e madaldal ako.

chismosa ako.

mausisa ako.

marami akong kwento.

mahirap ang walang kausap.

gusto kong bumalik ang aking tagalog.

at sa blog ako nakakahanap ng kausap ng tagalog.

ibig sabihin, tapik tapik lang ng daliri ko sa keyboards ang alam ko.

pero tanungin mo ako kung ano ang hosting? kung ano ang plug ins? pwes, hindi ko po alam ;D

ngayon kung nagiisip ka namang gawing mas maganda ang iyong blog. gusto mo syang lagyan ng kurtina? gusto mong maging atraksyon sya sa puting tabing? gusto mong maging hindi lang sya pang pamilya kundi pang isports pa? gusto mong magkaron ng maraming fans? o kahit na gusto mo lang na maging iba ang iyong blog?

Bigyan ko kayo ng preview kung papano magiiba ang anyo ng inyong blog dahil sa mga ganitong serbisyo (sori inglis kasi kinopya ko lang, hehehe:

    (may karugtong…)

Setyembre 19, 2008

Libreng Concert

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Kwentong Kengkay,Magaling ang Pinoy,Oyropa Ko — kengkay @ 6:01 umaga

Libre na naman! Oy, sinong may sabing hindi naglilibre ang mga pinoy?

Libre yata yung concert na dinaluhan namin nung makailang araw na ang nakalipas, at ang concert na ito ay pinangungunahan ng The Fifth Gospel Choir na galing pa sa Pinas! Fresh from my homeland, weeee!

Kundi pa ako kinalabit ni cool mom sa email e hindi ko malalaman ang concert na ito. Maraming salamat, coolmom. Huli ako sa balita basta sa mga ganyang bagay e. Kasi nga hindi karamihan ang pinay dito sa baryo ko, kung meron man e asa kweba lang sila parati, hehe

At dahil mahal na mahal ako ni kengkoy, kapag sinabi kong sa Linggo e pupunta tayo sa isang concert sa kabilang bundok, tango na lang sya :D Ang mga little kengkays naman super excited kasi sabi ko pwede syang mag-suot ng kanilang church dresses, kasi nga sa simbahan naman talaga yung concert e.

Ayun na nga, dumating ang araw, ready na si kengkoy sa kanyang directions na printed out nya galing sa internet; naka gown na ang mga little kengkays pati ang big kengkay, hehe — harurot na ang sasakyan papuntang Eppelheim.

Actually, naligaw kami! Mabuti na lang maaga kaming umalis, kaya maganda pa rin yung pwesto namin nung nahanap namin ang simbahan. Kasi sempre, fashionably late pa rin ang mga pinoys kahit na andito sila sa Alemanya.
Ayan ang St. Joseph’s Church sa Eppelheim, mga 25 minutes drive galing sa aming baryo. Sa totoo lang, ngayon lang ako naka attend ng isang event dito na ang daming pinoys; kung titingnan mo e yung mga aleman ang bisita, kumbaga kasi ang konti nila.
Ayan na ang The Fifth Gospel Choir, siyam silang miyembro; karamihan sa kanila dating magkaklase nung college at may mga dating seminarista din sa grupo nila. Nagkaron ng misa bago magsimula ang concert at sila rin ang tumayong choir. Ang pari na nag misa ay Pinoy rin, dito sya ngayon sa Alemanya nakabase.
Aba, ayan at nagtayuan na po. Sayawan agad! Pwesto nga kami agad ng mga little kengkays sa gitna para mas may space sa sayawan, hehe. Ang galing po talagang mag engganyo ng choir, may audience participation. Tayuan lahat, sayawan lahat. Indak dito indak dun.
Sayaw giliw, sayaw giliw, sayaw giliw, sayaw giliw. Ikembot mo, ikembot mo, ikembot mo, ikembot mo :D
Puno ang simbahan, pati sa itaas e apaw ang tao. Sa totoo lang, kahit maliit ang mga simabahan sa mga maliit na baryo dito, hindi talaga yan napupuno kung hindi pasko o hindi new year’s o hindi easter. Pero dahil sa concert na to, puno sya talaga. Suportado ng mga pinoys!

Nagkwento rin sila ng mga experiences nila, nagkipagpalitan ng jokes. Masaya kahit na maikli lang ang concert. Tapos, kumanta sila ng isang german praise song, ang galing sempre!

Ang medyo may narinig lang ako. Isang puna na gusto kong banggitin as a guide sa mga susunod na gustong mag organize ng ganitong concert.

Isang oras bago magsimula ang concert e nagreklamo yung isang aleman dun sa isang pinay na organizer yata — sabi nya e naghahanap daw ng piano or organ yung banda. Kung meron ba daw sa simbahan. Hmm, sa mga simbahan kasi sa pinas e parating may mga naka-abang na organ o piano. Pero sa alemanya, walang ganun dahil karamihan ng simbahan e bukas 24 hours! Mabuti at nakahiram ng organ, pero papano kaya kung walang mahiraman sa paligid? Ituloy kaya ang concert ng walang organ accompaniment? Kaya dapat, laging handa. Magtanong agad ng maaga at hindi last minute para makapag prepare pa.

Anyway, libre ang concert. Pero sempre paglabas mo, na customary na dito, merong isang box kung saan pwede kang mag donate. At dahil magaling talaga yung choir, lahat naman ng tao nagbigay ng pera. At sempre, yung mga souvenirs tulad ng t-shirts at CD e naka balandra din sa labas ng simbahan, for sale :D For a good cause, ika nga.

Makinig sa Usapang Pinoy, ang pinakasikat na radio-magazine sa buong UK na pinangungunahan ni Dr. Joy. Punta kayo sa pamamagitan ng pag-click dito: Future Radio UK . Pwedeng makinig lang kayo, pero mas masarap kung maki-chika tayong lahat sa pamamagitan ng pag-click ng Studio Messenger na matatagpuan sa may bandang itaas ng website, at pwedeng mag phone in question din.

Basta ha, kita kits tayo sa Sabado, ika-20 ng setyembre at 2 pm UK time, 3 pm Alemanya time, 9 pm Pinas time sa Future Radio UK .

Setyembre 2, 2008

biyahe tayo

Pagbigyan nyo si kengkay, bigla kong na miss ang Pinas nung naghalunggkat ako ng ibibigay na info para dun sa mga kabigan naming gustong pumunta ng Pinas e. Ang una kong hinanap yung link para dun sa video ng DOT na ‘Biyahe Tayo’.

Ayun, naiyak ako, waaaa. Na homesick bigla.

At talagang hinanap ko yung lyrics by Rene Nieva kasi parang gusto kong isa isahin ung mga nagawa ko, nakain ko, at napuntahan ko na sa Pinas. Check list ba, hehe. Kung gusto niyo, maki check na rin kayo.

Tara na, biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy nang todo.

Uy totoo yon, mas masarap magbiyahe ng kasama ang buong pamilya, barkada at kung ano mang ka grupo yon. Kapag asa Pinas kami, bus ang dala namin, hahaha. Tapos kapag sasakay at bababa ang buong barangay, binibilang parati ni kengkoy at baka daw may maiwan, hehehe

Napasyal ka na ba
Sa Intramuros at Luneta
Palawan, Vigan at Batanes
Subic, Baguio at Rice Terraces?

Bakit nga ba parati lang naming dinadaan-daanan ang Luneta kapag asa Manila Bay na kami? Ilang beses na rin kaming kumain sa may Manila Bay dahil dati naming tambayan ang Harbor View. Balak naming pumunta ng Palawan sa lalong madaling panahon. Sayang at hindi pa kami dumaan ng Vigan nung 2006, sa Baguio kasi kami natutok e, hindi nga lang namin nararing ang Rice Terraces. Pero sa Batanes, dun, gusto ko dun. Ang balita ko lang e limited travel lang dun dahil parating may bagyo. Subic, hmm, ilang beses na rin akong nakarating dun; lalo na nung nagkaron ng shopping paradise dun :D

Namasdan mo na ba
Ang mga vinta ng Zamboanga
Bulkang Taal, Bulkang Mayon
Beach ng Boracay at La Union?

Gusto ko pumunta ng Zamboanga, am sure maganda tingnan ang mga vinta. Pero sa totoo lang, saang parte ba ng Zamboanga yan, eng eng ko talaga. At oo, si kengkoy at ang mga little kengkays nakarating na sila sa Taal (dun ko sila unang dinala, at isang linggo kami dun); ako nakarating na ng ilang beses sa Bicol, pinagiisipan kong mabuti ang pagbisita ulit dun, sana wala ng NPA (natatanging poging aminado). Mahal na mahal ko ang Boracay dahil dun ako natutong lumangoy, wahahaha. Mas maganda sya dati, early 90s, kasi walang malalaking buildings at shopping malls, simpleng boracay ang narating ko, gusto ni kengkoy pumunta dun kaso dami nyang naririnig na maganda nga daw dun. Nung 2006, asa La Union kaming pamilya. At sempre, buong barangay, ano pa nga ba :D

Nasubukan mo na bang
Mag-rapids sa Pagsanjan
Mag-diving sa Anilao
Mag-surfing sa Siargao?

Hindi pa ako nag rapids sa Pagsanjan at nag surfing sa Siargao :( , pero nakarating na ako sa Anilao at bilib na bilib nga si kengkoy sa Anilao dahil sa harap mo pa lang mismo ay may treasures ka ng makikita, mantalang sa ibang bansa daw dapat ka pang mag bangka sa malayo para lang may konting makita :)

Natikman mo na ba
Ang sisig ng Pampanga
Duriang Davao, Bangus Dagupan
Bicol Express at Lechong Balayan?

Teka muna, ano lasa ng sisig ng Pampanga? Sa dami ng sisig na natikman ko hindi ko alam kung alin dun ang Pampanga flavor. Duriang Davao natikman sya sa mismong palengke ng Davao, yum! Bangus ng Dagupan? Sa tingin ko kasi tatay ko pangasinense e. Bicol Express, oo naman, kasi dami kaming ka-barangay na taga Bicol e. At ano yung Lechong Balayan? Hindi ko yata alam yan, ang alam ko lang Mila’s at Nena’s :D

Nakisaya ka na ba
Sa Pahiyas at Masskara
Moriones at Ati-Atihan
Sinulog at Kadayawan?

Yan, yang asa taas na lyrics, hindi ko pa naranasan lahat yan. Kakalungkot, waaa. Dapat isa isahin na yan, sino gusto sumama sa akin, hehe. Ang hirap kasi magbiyahe kapag may festival e, lalo bat buong barangay kasama, hahaha. Siguro dapat patakas, oops :D

Namiesta ka na ba
Sa Peñafrancia sa Naga
Umakyat sa Antipolo
Nagsayaw sa Obando?

Nakipiesta na yata ako dati sa Naga, at parati kaming umaakyat ng Antipolo at sa tingin ko, naki sayaw na rin ako sa Obando. Tambayan ko yata dati ang Obando at meron akong barkada dun nung asa kolehiyo ako.

Ang dami ko pa palang dapat puntahan…

Halika, biyahe tayo…

Hulyo 23, 2008

Journey Fan

Filed under: Mabuhay ang Pinoy,Magaling ang Pinoy,Paki Lang — kengkay @ 6:55 hapon
Tags: , ,

Uy sempre naman, dati hindi ko tatawaging fan ako ng Journey although labs ko yung mga hits nila tulad ng… hmmm…. arrrmmmm….. a basta yung mga kanta ni steve perry, hehehe

Pero nung naging si Arnel Pineda na ang kanilang lead singer e kahit na hindi ko talaga kilala ang Journey e naging instant fan na nila ako. Sempre naman, support your own kababayan di ba?

At lalo pa dahil naniniwala ako dun sa isang na meet ko na diehard fan ni Ate Guy na ganito ang kanyang paraan ng pagsuporta sa kanyang idol na ganito: basta may movie si ate guy, ilang beses nyang panonoorin yung movie na yon; as in kahit na daw limang beses isang araw syang maglabas pasok sa sinehan e gagawin nya. At labas masok sya sa sinehan hanggang sa huling showing ha. At sempre kapag may album si ate guy, may i buy din sya ng album ng dose dosena kasi suporta nga nya yon sa kanyang idol. O laban kayo?

Kaya naman nung nalaman kong sa walmart lang daw available yung unang CD ng Journey, natigatig ako. Kasi nagsara na ang lahat ng walmarts dito, waaaaaa. Pero sempre may amazon.de naman de bah?

Ayun, nag order ako.. ng mga libro, nalito ako kasi ang daming sale na English books e :) bago ko na-alala na yung album nga palang Revelation ng Journey ang hinahanap ko! At sempre, nung dumating ang aking order makatapos ang 24 hours e tuwang tuwa talaga ako.

Ngayon, hindi lang si Sharon Cuneta ang maririnig mong humaharana sa amin tuwing umaga, kundi pati na rin ang Journey :)

Kaya mga kababayan, bili na rin kayo!

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers