Kwentong Kengkay

Mayo 21, 2008

havaianas vs. spartan

Dami nga nagtatanong sa kin kung bibili daw ako ng havaianas, sabi ko ano yan? Parang flavor ng pizza (hawaian baga)? O uri ng gulay (halamanan)? Ah basta hindi ko na gets yung nagtanong sa akin. Eh hindi ko nga masabi kung ano yan ano. Wellllll… alam nyo kung pano ko nalaman na tsinelas lang pala yan? Nung umuwi ako ng Pinas! E kasi dito sa Alemanya flip flops yan ano, hahaha.

Anak ng putakte, takang taka ako kung bakit sikat na sikat yan e tsinelas ng pala. Hindi ko sya type kasi ang mahal nya tsinelas pa rin sya kahit ano pang che-che bureche nya. Napapatid pa rin yan kapag may tumapak sa likuran mo. At umiitim din ang talampakan nyan kahit na super mahal pa sya. At lalo pa, labas na labas ang mga patay na kuko at kung hindi ka naka pedicure, wiz din. At ang hindi ko maatim, super dooper mahal nya ha. Sayang yung pera kupit ko.

Pwede ba, kung sa tsinelas lang — sa ispartan pa rin ako kasi chipipay si kengkay e dahil ako kaya pambato sa baryo namin ng tumbang preso, yuhoo. Sige, paki basa na itong forwarded email na ito.

Pangalan: Havaianas
Lugar na pinanggalingan: São Paulo, Brazil
Pagbigkas: ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese), hah-vee-ah-naz
(American English), OMG!-hAH-va- yaH-naZz! ! :-) (Filipino).
Materyal na ginamit: Malupit na goma (High-quality rubber).
Presyo: Hindi ko alam. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.
Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayaman.
Malulupit na katangian at kakayahan:
Masarap isuot.
“Shock-absorbent. ” Malambot ngunit matibay.
Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.
Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.
Mainam na pang-japorms.
Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato.
Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.
Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan.
Magiging “fashionable” ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.
Olats na mga katangian:
Mahal
Mahal
Mahal
Nakakasira raw ng pedicure–sabi ni Malu Fernandez.

Pangalan: Spartan
Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines.
Pagbigkas: spar-tan (American English), is-par-tan (Filipino).
Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).
Presyo: Wala pang 50 pesos. Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.
Mga nagsusuot: Ako at ang masa! Nyahaha!
Malulupit na katangian at kakayahan:
* Maaring ipampatay sa ipis.
* Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho.
* Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan.
* Pwedeng ipamalengke.
* Mainam gamitin sa tumbang-preso.
* Mainam gawing “shield” kapag naglalaro ng espa-espadahan.
* Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng picha.
* Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumampid sa puno.
* Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.
* Kapag ginupit-gupit nang pahugis “cube,” e maaari mo nang gawingpamato sa larong Bingo (kadalasang makikita sa mga lamay ng patay).
Olats na mga katangian:
* Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang hisura.
* Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa.
* Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasampid sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas.

—– PSSSTTTT

Guest ulit ako sa Usapang Pinoy, ang pinakasikat na radio-magazine sa buong UK na pinangungunahan ni Dr. Joy. Join us on May 24, 2008 at Future Radio UK, 96.5 FM. Pero mas okay kung punta kayo sa pamamagitan ng pag-click dito: Future Radio UK . Pwedeng makinig lang kayo, pero mas masarap kung maki-chika tayong lahat sa pamamagitan ng pag-click ng Studio Messenger na matatagpuan sa may bandang itaas ng website, at pwedeng mag phone in question din.

Basta ha, kita kits tayo sa Sabado, ika-24 ng Mayo at 3 pm UK time, 4 pm Alemanya time, 10 pm Pinas time sa Future Radio UK . Sige na, makinig na kayo. Pramis, kakaway-kawayan ko kayo habang nasa ere na ako, tulad ng dati ba. Eto pala ung unang interview ko, sa mga gustong makinig :D

Abril 27, 2008

Salamat, Dru!

Asan ka na, Dru? Pasasalamatan pa naman kita dito sa regalo mo sa akin. Binisita kita dun sa blog mo, ang huling post mo e nung March pa. Hindi pa naman matagal kasi April pa lang ngayon e. Hiatus ka ba? O naka-bakasyon?

Di bale, basta salamat. Nagulat ako sa regalo mong ito. Alam kong medyo nagparinig ako ng konti, para makamit itong regalo mo na ito, pero alam ko rin na dahil magaling ang iyong mga kamay; madali mo lang ding ginawa ito. At sempre, isa kang galing pinoy! Mabuhay ka.

Yun nga lang, sempre na miss ka na rin namin. Lalo na dito sa WP-Pinoys group natin. Bisita ka dun, meron tayong pa-kontes na WPP Gives Back. Check it out!

At isa pang pakulo para sa mga miyembro – Hirit ng WPP, Birit Ninyo. Kung meron kayong writer’s block, silipin ang ating thema para sa month of May dito. Sali na! O ayan, biglang nagpatalastas pa ako!

Pero hindi nga, Dru, asan ka na? Salamat sa pagkaganda-gandang guhit mo!

Abril 20, 2008

Orig Levi’s

Kapag naghahanap kayo ng murang jeans na orig, eto na ang katapat ninyo; ang Levi’s factory outlet. Tanungin ninyo si Kengkoy kung saan yan, dahil yan ang paborito nyang tambayan kapag asa Pinas kami. Matatagpuan ang Levi’s factory outlet sa Pasong Tamo Ext., Makati City. Basta paglampas mo ng ilalim ng tulay sa Makati, ilang lakad na lang e makikita mo na yung Levi’s.

Kung dito sa Oyropa, hindi mo makikita yang si kengkoy na tumatambay sa mga ganyang markadong jeans brand, kasi nga, super mahal! Hindi ko na sabihin kung gano kamahal, basta eto na lang, kapag bumili ng jeans sa Levi’s yang si Kengkoy, lahat ng magkasya sa kanya, hino-hoard na nya agad! Ganyan sya kasabik magshopping ng Levi’s kasi nga dito hindi nya yan pinapansin dahil super mahal daw. At oo, super mura sa factory outlet na kahit wala kang balak bumili, e mapapa-shopping ka rin.

At makikita nyo sa pikytur, hindi lang jeans mayron sila kundi pati mga t-shirts na pang lalaki at pambabae. Oops, at may blouses din pala. 
Eto yung container kung saan nakalagak ang factory outlet ng Levi’s, wala na yung dating parang karitela ba. Kasi nga, nag expand na sila. Ibig sabihin, mas maraming bargains sa loob. Dalawang malalaking containers ang factory outlet ng Levi’s.

At kahit na di-aircon yon, super tagaktak ang pawis mo sa pag fitting, kasi nga, ang daming choices. Super sarap mamili, hehe. Yun nga lang, dapat cash ang dala mo kasi hindi sila tumatanggap ng kaskas o credit card. At sempre, kapag litong lito ka na sa dami ng bitbit mo, may helping hand kang makikita sa mga anduong empleyado. Kahit nga yung sekyu makikihanap ng sizes mo e, hahah.

May fitting rooms din, pero sempre, wag mag expect na malaki ang loob nung outlet nila kasi nga container lang yun ano. Pero sulit ang pagbisita dito kasi nga mura na, ang daming choices pa. Eto ang tip, pumunta kayo dun ng medyo alanganing oras para inyong-inyo ang tindahan, tulad namin, ayan at halos nakapag-sayaw sayaw pa dun ang mga little kengkays.

At nung nagpunta kami sa mga shopping malls at kinumpara ang presyo nung nabili namin sa Levi’s outlet, hayyy, ang sarap ng feeling kasi — hindi ko akalain na thousen, thousen na pala ang presyo ng Levi’s jeans at sempre ang mga nabili namin sa outlet e hundred lang ang presyo, o di ba? Kaya punta na kayo dun, sulit talaga, pramis.

At eto naman ang King Philip tailor, alam ko, medyo baduy ang dating pero kasi sabi ko kay Kengkoy, bakit ka parati sa Thailand nagpapagawa ng suits mo e mas magaling gumawa nag Pinoy? Edi nitong bakasyon namin, naisipan naming puntahan si King Philip. Dun sya nagpasukat, namili ng tela at nagpatahi. At dun naman ako nagkipag-tawaran sa presyo at satisfied naman kami kasi ang galing ng tabas nila. Tuwang tuwa si Kengkoy sa naging resulta. At sempre, babalik-balikan na namin ito. Hindi ito ang King Philip na asa New World Hotel ha, ibang Philip yon. Kung gusto nyo ng orig, puntahan yung King Philip na asa Arnaiz St. Makati, yun ang tunay :D

Abril 17, 2008

Sharonian

E kasi nga di ba gusto kong matuto talaga silang tumalak ng tagalog? E epektib dyan ang makinig ng mga musika, kasi mas madaling mahuli ng tenga atsaka maganda naman talaga ang pinoy musik ha. Kung alam nyo lang kung gano kabaduy ang Eurovision dito, talong talo ng tawag tanghalan; e kahit nga yung mga nagkakaraoke sa kanto mas maganda pa ang birit e, pramis yan.

Mabalik tayo sa Sharonian, nung asa Pinas ako, bumili ako ng CD ni Sharon Cuneta na Isnt it Romantic 2, kasi maganda yung mga selections nya, romantic ba :D Ang unang kanta ba naman e halos saulo na ng mga little kengkays ‘I wish that I was making love to you’ – hahaha. Pang batang romantiko ba?

So tuwing umaga na lang e yan ang naghehele sa aming pamilya. Ang CD ni Sharon na romantiko. Isang araw, sumasagot ng slum book ang panganay ko (tinutulungan ko sempre kasi nga pangalan pa lang nya ang alam nyang isulat at basahin e); ang tawag nila dito sa slum book e friendship book na kahit na hindi pa nga marunong magsibasa e may mga friendship book na sila. Pero dahil magandang remembrance yan balang araw – pwedeng gawing joke book ba kapag teen ager na sila, hehehe; sagot naman kami ng sagot ng slum book na yan.

Isa sa makabagbag damdaming katanungan ay ‘sino ang paborito mong singer?’ Aba ang sagot ni little kengkay agad-agad, ayan yung kumanta na yan. E sempre, si tita sharon ang nakasalang na naman. Natawa talaga ako. Ang panganay ko, Sharonian! Edi nilagay ko dun sa slum book nya sa favorite singer e — Sharon Cuneta. Bahala na ang mga Aleman nyang kaibigan kung hanapin sino si mega sharon :D

O eto buong listahan ng songs ng ‘Isnt It Romantic Volume 2′ ni Sharon Cuneta at baka gusto nyo rin bilhin:

- i wish that i was making love to you
- love me again
- the one you love
- getting to know each other
- if i’m not in love with you
- oh lori
- dream of me
- caught up in the rapture
- miles away
- looking through the eyes of love
- lead me on
- i’d really love to see you tonight
- torn between two lovers
- how do you keep the music playing
- do you wanna dance
- falling

Meron pa akong biniling mga OPM na CD katulad nung kay Sarah Geronimo, Baywalk dahil nga fan ako ni chucks di ba :D At yung isa ko pang binili e yung bagong single ng Parokya ni Edgar. Kaya lang dahil naging Sharonian agad itong mga anak ko, hindi ko na sila masyado maisingit, hayysss.

Enero 28, 2008

Pinoy Care Giver

Si kengkoy nagbibilang na ng araw, kasi nga malapit na kami umuwi ng Pinas di ba? Itong mga anak ko hindi na makatulog. Tanong na rin ng tanong. Si kengkay lang yata ang cool e, wag nyo na lang tanungin kung anong pinag-nanasaan kong kainin halos araw-araw (lucky me, fita, pansit, sinangag, nilaga, at may balak pa akong magputo ha).

Eniway, ang tunay na istorya nito ay ang aking mga balae. Kasi nga matatanda na sila e, otsenta’y singko at otsenta’y sais. Ngayon, halos dalawang taon ang inabot bago sila pumayag na tumanggap ng taga linis ng bahay nila kahit na hindi na talaga nila kaya. Grabeng diskusyones yon. Halos mag away, iyakan, sigawan, walang pansinan, aalisan daw ng mana, at kung ano pang drama. Sa kahulihan, pumayag din sila kasi talagang kailangan na nila. Pero sempre hindi nila inamin yon ha. Sinabi nila e kasi pagbibigyan daw kami. O di ayan, may taga linis sila isang araw sa buong linggo.
(may karugtong…)

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers