Kwentong Kengkay

Agosto 1, 2011

Tawhay Boracay Resort Condominiums

Filed under: Kwentong Kengkay,Maganda ang Pinas — kengkay @ 8:26 umaga
Tags:

Christmas Special at Tawhay Boracay

Maagang pamasko ng Tawhay Boracay…

Magpa-reserba na… P850/person per night minimum of 5 person per booking, per room para ngayong Disyembre 2011. Payment should be made not later than September 2011. Avail now of this promo at Tawhay Boracay Resort!

Sino pa ang hindi nakakarating sa Boracay?

Aba, oras na para mag-enjoy naman tayong mga Pinoys sa ganda ng Boracay. Sikat na sikat nga ito sa labas ng bansa, kaya may karapatan naman tayong mga Pinoys na puntahan din ito, di ba?

Ang una at huli kong tapak sa Boracay ang nuong early 80s pa. Tumira kami sa isang cottage sa harapan mismo ng beach, ang bayad namin? Naku ilang daan lang, sobrang mura.

Konti pa lang ang mga resorts, ang kuryente rasyon pa. Wala pang supermarket. Nung nawalan kami ng rolye ng camera, meron lang kaming inutusan na batang paslit na inabot yata ng dalawang oras at tumawid ng ilang isla para lang maibili kami ng film!

At barter trade pa ang nangyayari. Ang dami naming dalang de lata, yun ang pinagpapalit namin sa mga restaurants para lutuan kami ng gusto naming ulam!

Pero ngayon, modern na ang Boracay. Meron na nga daw malls!! Wow! At siyempre, ang dami na ring magagandang hotels at resorts at condominiums.

At isa sa dapat puntahang resort condominiums sa Boracay ay ang Tawhay Boracay Resort Condominiums. At kung mababasa ninyo sa ibaba – daily at monthly rents available. At pwede ring investment dahil may mga units din na for sale!

Tawhay Boracay Resort Condominiums

(may karugtong…)

Mayo 19, 2009

maganda sa pangasinan

Filed under: Maganda ang Pinas,Pinas — kengkay @ 3:21 hapon
Tags: , ,

sino na nakarating sa pangasinan? itaas ang mga lakwatserong mga paa :)

ako kahit na nung maliit pa kami, dyan parati ang aming destinasyon. tatay ko kasi e taga mangatarem. kaya mangatarem e dahil maraming mangga dun. totoo naman. kaya kami halos tuwing bakasyon e napapadpad dun e dahil may mga ani ng mangga at sempre, ng bigas. karay karay namin sa inarkila naming jeep ang aming mga sako.

oy, malaki lupain namin sa mangatarem. nuon yon. hehehe. ngayon ewan ko kung ano na nangyari. ang tunay e ganito — kasi wala ng gustong magsaka at saka wala ng gustong mag alaga ng mga mangga kaya ayun; wala na rin. sayang talaga ano? matanda na kasi yung mga tiyo at tiya namin na dating namamahala e, wala ng gustong pumalit kaya ganun ang buhay.

pero eto at ipapakilala ko sa inyo ang dinalaw ulit naming pangasinan nitong nakaraang april. nakarating kami sa alaminos.
(may karugtong…)

Abril 17, 2009

masaya pero…

Filed under: Maganda ang Pinas,Masarap sa Pinas — kengkay @ 5:52 hapon
Tags: ,

konting kwento at baka malimutan ko lang.

alam ninyo, ang saya saya nung umuwi ako sa pinas. walang labada. walang plantsada. walang lutuan. walang hugas ng plato at walang linisan, hehehe. sarap talaga sa hotel nakatira, hayyssss :D

sarap sa Bohol. grabe. ayaw na umuwi ng aking si bunsoy at nagpapa ampon na sa mga staff dun sa Bohol Beach Club. eto pala reaksyon nya nung unang nakakita sya ng white sand: click

tapos nakarating din kami ng Hundred Islands. grabe. white sand din pala dun? sempre naki usyoso din ako kung saan ginanap yung PBB. naks, kunyari daw kilala ko yung PBB. posing posing pa ako. nung huli na lang nung nagtanong ako kung ano at sino ba yung PBB, hehehe. hirap ng eng eng sa mga palabas sa pinas e.
(may karugtong…)

Setyembre 2, 2008

biyahe tayo

Pagbigyan nyo si kengkay, bigla kong na miss ang Pinas nung naghalunggkat ako ng ibibigay na info para dun sa mga kabigan naming gustong pumunta ng Pinas e. Ang una kong hinanap yung link para dun sa video ng DOT na ‘Biyahe Tayo’.

Ayun, naiyak ako, waaaa. Na homesick bigla.

At talagang hinanap ko yung lyrics by Rene Nieva kasi parang gusto kong isa isahin ung mga nagawa ko, nakain ko, at napuntahan ko na sa Pinas. Check list ba, hehe. Kung gusto niyo, maki check na rin kayo.

Tara na, biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy nang todo.

Uy totoo yon, mas masarap magbiyahe ng kasama ang buong pamilya, barkada at kung ano mang ka grupo yon. Kapag asa Pinas kami, bus ang dala namin, hahaha. Tapos kapag sasakay at bababa ang buong barangay, binibilang parati ni kengkoy at baka daw may maiwan, hehehe

Napasyal ka na ba
Sa Intramuros at Luneta
Palawan, Vigan at Batanes
Subic, Baguio at Rice Terraces?

Bakit nga ba parati lang naming dinadaan-daanan ang Luneta kapag asa Manila Bay na kami? Ilang beses na rin kaming kumain sa may Manila Bay dahil dati naming tambayan ang Harbor View. Balak naming pumunta ng Palawan sa lalong madaling panahon. Sayang at hindi pa kami dumaan ng Vigan nung 2006, sa Baguio kasi kami natutok e, hindi nga lang namin nararing ang Rice Terraces. Pero sa Batanes, dun, gusto ko dun. Ang balita ko lang e limited travel lang dun dahil parating may bagyo. Subic, hmm, ilang beses na rin akong nakarating dun; lalo na nung nagkaron ng shopping paradise dun :D

Namasdan mo na ba
Ang mga vinta ng Zamboanga
Bulkang Taal, Bulkang Mayon
Beach ng Boracay at La Union?

Gusto ko pumunta ng Zamboanga, am sure maganda tingnan ang mga vinta. Pero sa totoo lang, saang parte ba ng Zamboanga yan, eng eng ko talaga. At oo, si kengkoy at ang mga little kengkays nakarating na sila sa Taal (dun ko sila unang dinala, at isang linggo kami dun); ako nakarating na ng ilang beses sa Bicol, pinagiisipan kong mabuti ang pagbisita ulit dun, sana wala ng NPA (natatanging poging aminado). Mahal na mahal ko ang Boracay dahil dun ako natutong lumangoy, wahahaha. Mas maganda sya dati, early 90s, kasi walang malalaking buildings at shopping malls, simpleng boracay ang narating ko, gusto ni kengkoy pumunta dun kaso dami nyang naririnig na maganda nga daw dun. Nung 2006, asa La Union kaming pamilya. At sempre, buong barangay, ano pa nga ba :D

Nasubukan mo na bang
Mag-rapids sa Pagsanjan
Mag-diving sa Anilao
Mag-surfing sa Siargao?

Hindi pa ako nag rapids sa Pagsanjan at nag surfing sa Siargao :( , pero nakarating na ako sa Anilao at bilib na bilib nga si kengkoy sa Anilao dahil sa harap mo pa lang mismo ay may treasures ka ng makikita, mantalang sa ibang bansa daw dapat ka pang mag bangka sa malayo para lang may konting makita :)

Natikman mo na ba
Ang sisig ng Pampanga
Duriang Davao, Bangus Dagupan
Bicol Express at Lechong Balayan?

Teka muna, ano lasa ng sisig ng Pampanga? Sa dami ng sisig na natikman ko hindi ko alam kung alin dun ang Pampanga flavor. Duriang Davao natikman sya sa mismong palengke ng Davao, yum! Bangus ng Dagupan? Sa tingin ko kasi tatay ko pangasinense e. Bicol Express, oo naman, kasi dami kaming ka-barangay na taga Bicol e. At ano yung Lechong Balayan? Hindi ko yata alam yan, ang alam ko lang Mila’s at Nena’s :D

Nakisaya ka na ba
Sa Pahiyas at Masskara
Moriones at Ati-Atihan
Sinulog at Kadayawan?

Yan, yang asa taas na lyrics, hindi ko pa naranasan lahat yan. Kakalungkot, waaa. Dapat isa isahin na yan, sino gusto sumama sa akin, hehe. Ang hirap kasi magbiyahe kapag may festival e, lalo bat buong barangay kasama, hahaha. Siguro dapat patakas, oops :D

Namiesta ka na ba
Sa Peñafrancia sa Naga
Umakyat sa Antipolo
Nagsayaw sa Obando?

Nakipiesta na yata ako dati sa Naga, at parati kaming umaakyat ng Antipolo at sa tingin ko, naki sayaw na rin ako sa Obando. Tambayan ko yata dati ang Obando at meron akong barkada dun nung asa kolehiyo ako.

Ang dami ko pa palang dapat puntahan…

Halika, biyahe tayo…

Setyembre 1, 2008

nakakahiya si kengkay

alam nyo ba, hiyang hiya ako sa buhay ko?

kahapon meron kaming bisita dito sa bahay, huling hirit sa barbekyuhan nina kengkay at kengkoy. mga kaibigan ni kengkoy na mag asawa at may dalawang anak. napunta ang usapan sa bakasyon.

sabi nila balak daw nila pumunta sa florida, US sa sunod na summer break ng mga bata. sabi ko naman naku pang retirement yung place na yun, tapos biglang hirit ko, punta na lang kayo sa pinas! mas maganda dun!

sempre, binenta ko na ang pinas, ako yata ang goodwill ambassador ng pinas dito sa aming baryo sa alemanya :) sabi ko marami silang pwedeng puntahan — palawan, boracay, guimaras, batangas, bohol, etc. sabi ko meron tayong 7,100 islands kaya di sila mauubusan ng pupuntahan.

gusto daw nila yung may halong kultura. as in dapat may bisita sa mga historical places, sa mga cultural heritage at kung ano ano pang chika, sabi ko, marami ring kaming ganyan. isip ko agad ang fort santiago, ang las pinas, ang laguna, at sempre sa halos buong bayan sa pinas e may kulturang masasabi.

at sabi ko, masarap ang dagat sa atin kasi kahit na anong lamig, mainit pa rin ang tubig dagat. yan ang pinag kaiba ng dagat natin sa karagatan ng asya, alam nyo ba yun?

so, gusto na nilang pumunta ng pinas. as in excited na rin sila. puntang punta na rin sila sa pinas. sabi ko, antay lang at kukunin ko yung libro tungkol sa pinas para makita nila kung gaano kaganda talaga.

ayun, bumalik ako sa kanila ng walang dalang libro, waaaa.

akalain ko bang wala pala akong libro ng pinas? marami akong tagalog na libro, tulad ng kay jessica zafra, pugad baboy, kulam sa pag-ibig, etc pero walang mga libro na tungkol sa kagandahan ng pinas. yung kaisa isang libro e hiniram daw nung ka opisina ni kengkoy na tatlong taon na yang hindi pa binabalik, at hindi pa rin yun nakakarating sa pinas ha… sabi ko kay kengkoy, bawiin na agad yung libro, ora mismo.

kainis, hiyang hiya talaga ako sa balat ng lupa na wala akong mapakita. sa sunod na uwi ko ng pinas mag-hoard ako ng libro na tungkol sa kagandahan ng pinas. o baka may gustong mag donate, hehehe

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers