Kwentong Kengkay

Setyembre 1, 2008

nakakahiya si kengkay

alam nyo ba, hiyang hiya ako sa buhay ko?

kahapon meron kaming bisita dito sa bahay, huling hirit sa barbekyuhan nina kengkay at kengkoy. mga kaibigan ni kengkoy na mag asawa at may dalawang anak. napunta ang usapan sa bakasyon.

sabi nila balak daw nila pumunta sa florida, US sa sunod na summer break ng mga bata. sabi ko naman naku pang retirement yung place na yun, tapos biglang hirit ko, punta na lang kayo sa pinas! mas maganda dun!

sempre, binenta ko na ang pinas, ako yata ang goodwill ambassador ng pinas dito sa aming baryo sa alemanya :) sabi ko marami silang pwedeng puntahan — palawan, boracay, guimaras, batangas, bohol, etc. sabi ko meron tayong 7,100 islands kaya di sila mauubusan ng pupuntahan.

gusto daw nila yung may halong kultura. as in dapat may bisita sa mga historical places, sa mga cultural heritage at kung ano ano pang chika, sabi ko, marami ring kaming ganyan. isip ko agad ang fort santiago, ang las pinas, ang laguna, at sempre sa halos buong bayan sa pinas e may kulturang masasabi.

at sabi ko, masarap ang dagat sa atin kasi kahit na anong lamig, mainit pa rin ang tubig dagat. yan ang pinag kaiba ng dagat natin sa karagatan ng asya, alam nyo ba yun?

so, gusto na nilang pumunta ng pinas. as in excited na rin sila. puntang punta na rin sila sa pinas. sabi ko, antay lang at kukunin ko yung libro tungkol sa pinas para makita nila kung gaano kaganda talaga.

ayun, bumalik ako sa kanila ng walang dalang libro, waaaa.

akalain ko bang wala pala akong libro ng pinas? marami akong tagalog na libro, tulad ng kay jessica zafra, pugad baboy, kulam sa pag-ibig, etc pero walang mga libro na tungkol sa kagandahan ng pinas. yung kaisa isang libro e hiniram daw nung ka opisina ni kengkoy na tatlong taon na yang hindi pa binabalik, at hindi pa rin yun nakakarating sa pinas ha… sabi ko kay kengkoy, bawiin na agad yung libro, ora mismo.

kainis, hiyang hiya talaga ako sa balat ng lupa na wala akong mapakita. sa sunod na uwi ko ng pinas mag-hoard ako ng libro na tungkol sa kagandahan ng pinas. o baka may gustong mag donate, hehehe

Agosto 4, 2008

kapag mahal mo

eto si kengkay, nag blog dahil nagpumilit maglabas ng sama ng loob kahit na may sakit…

pasensya na at talagang wala pa rin akong oras mag blog hop at sumagot sa comments dahil nga may sakit ako na nataon namang may family emergency nga at dahil na rin sa sinabi kong family emergency na ngayon e family emergencies na po.

alam nyo, dahil sa family emergency na yan; nakikita ko talaga na maganda ang pagiging family oriented ng pinas. dahil dun sa atin, kapag may emergency, nagkakaron ng pagkakaisa; yung mga magka-away nagkakabati pa nga dahil sa mga ganyang sitwasyon.

pero dito, alam nyo? nasusuka na ako.

kaya siguro ako nagkasakit dahil sa stress na nararamdaman ko dahil sa mga nangyayari dito sa kapaligiran ko. alam nyo yon? imbes na magkausap ng matino para maayos ang emergency na naging emergencies na nga, nagbabangayan at hindi man lang magkausap ng matino.

ang hindi ko maatim e pati itong mga little kengkays ko e super affected na sa mga nangyayari. yun bang feeling ko e hindi nila dapat maranasan ang mga ganitong pangyayari dahil may mas matinong pwedeng gawin.

dahil ang alam ko, kapag mahal mo ang isang tao, andun ka dapat para sa kanya. kapag mahal mo ang isang tao, ang iisipin mo ay para sa kabutihan ng taong yon. kapag mahal mo ang isang tao, mamahalin mo sya kahit na anong nangyari o nangyayari sa kanya.

kaso hindi ganyan nakikita ko dito sa mga taong akala ko e nagkaron ako ng right na tawagin silang ka relasyon dahil sa nagkataong pareho na kami ng pangalan… kasi iba ang tingin ko sa mga ginagawa nila ngayon sa mga taong mahal namin sa buhay.

nakakasuka!

ibalik nyo ako sa pinas, ibalik nyo ang sa bayan na kahit na hindi ko kapamilya e alam kong gagawa ng paraan para maging matino ang buhay ko kapag may emergency, hindi katulad dito na may emergency na nga e lalo pang mag in-arte para maging emergencies…

maganda talaga sa pinas, maniwala kayo.

Mayo 30, 2008

Maganda sa Pinas

Isang araw naghahanap ako ng magandang resort sa Pinas. Alam nyo yun, feeling ko kasi dapat na akong mag prepare para sa sunod na uwi namin sa Pinas sa 2010 e. Ang lapit na di ba, hahaha. Para namang kauuwi lang naming ngayong Pebrero-Marso, hmm :D

Sempre number wan ko ng tiningnan ang Davao. Kasi nga andun si Beng at feel na feel ko to follow the footsteps (hindi lang yung nahulog sya sa rapido) ni Reyna Elena. Parang ang sarap magtitili at maghalakhakan ba sa Davao.

Pero nabaling din ang pansin ko sa Bohol kasi parang feel ko ding lumipad sa walis tingting ba na tulad nito at nito. Kakainggit de vah?

Aba nung nag search ako sa bohol, eto ang tumambad sa akin; isang review na feel na feel ko sempre kasi super praises ang aking pagiging Pinoy.

Nevertheless, the attitude held by the people of the Philippines could contest the status given to Thailand as the ‘land of a thousand smiles’ in any given day, and I rarely felt there was anything the local people would not do to help if you ever needed to ask.

The scenery throughout our trip was consistently stunning, and I was not surprised to hear later that much of Vietnam as it appears in Hollywood is filmed in the Philippines. Nevertheless, the attitude held by the people of the Philippines could contest the status given to Thailand as the ‘land of a thousand smiles’ in any given day, and I rarely felt there was anything the local people would not do to help if you ever needed to ask.

The scenery throughout our trip was consistently stunning, and I was not surprised to hear later that much of Vietnam as it appears in Hollywood is filmed in the Philippines.

Kung gusto nyong mabasa ng buo, eto link.

Wala lang, pang-aliw lang. Minsan kasi kailangan ko din ng konting wake up call katulad ngayong medyo hindi maganda ang mga balita tungkol sa Pinas. Kailangan kong ma-alala ma maganda pa rin ang Pinas kahit ano pang masamang balita ang manggaling dito. It’s all in the mind :D And I believe, maganda talaga ang Pinas!

Mayo 24, 2008

Vote Tubbataha Reef in New Seven Wonders of Nature

I bloghopped to Ambo and discovered this post: Vote Tubbataha Reef in New Seven Wonders of Nature. But the real wonder I saw was that Tubbataha Reef is now on the 7th place!!

Wow… Let us keep voting for Tubbataha Reef to keep that post or to move it to a better spot. Not because we are pinoys and we love pinas, but because Tubbataha Reef definitely deserves the mention.

Let’s support Tubbataha Reef, click to register and vote. Oh, Mayon Volcano’s on the 119th post and Chocolate Hills placed 49th. The beauty of the Philippines!

Voting of nominees is until December 31, 2008 and panel of judges will then select the 21 finalists. The 21 finalists will be posted on their website in 2009 and the finalist will have another round of voting. Winners of the New Seven Wonders of Nature will be announced on 2010.

I’ve been to Mayon Volcano a few times already, and I really want to visit Tubbataha Reef and Bohol; and to be able to meet my travel budget I could really use fast cash payday loans.

Mayo 3, 2008

Trisikad

Ang trisikad, bow!

Sino pang hindi nakakasakay ng trisikad? Itaas ang mga kamay…
Naku naman, magmula ng naimbento yang trisikad na yan, lalo yata akong tinamad na lumakad. Kasi kahit na sobrang sikip ng daan e pwede silang pumasok. Kahit na saang kanto, pwede sila pumara. At minsan, mas mabilis pa sila sa jeep; kasi naman takot ang dyip na mahagingan sila, di ba, hehe. At sa totoo lang, pang-tamad talaga yang sidecar na yan; e minsan konting lakad lang sidecar na agad; o tama ba ako :D

Yun na nga lang, sila din ang kalbaryo ng buhay ko. Kapag minsang wala ka ng datung sa pamasahe ng trisikad o sidecar; sempre mega walking ka. Ngayon kung nagmamadali ka, minsan e haharanging ka nila at pipiliting isakay. E wala na nga akong pera ano, hmp! At ang masaklap pa nito, kapag kumakaripas ka minsan, masasabit ka sa kung anong naka-usli sa mga side car na yan — aray ko po talaga. Sarap kotongan nung driver, pero dahil ayaw ko ma wa poise e smile na lang ako kahit na grrrrr, ang sakit at duguan na ang beautiful legs ko, waaaa!

Sempre ang mga little kengkays ko nakasakay na rin ng trisikad. Kahit na maikling biyahe lang, joy ride baga. Si kengkoy ganun din, kahit na muntik ng tumilapon yung payatot na drayber ng trisikad nung humakbang sya paloob, hahaha.

Masarap din sa trisikad, masisipag ang mga draybers. Buhat agad nila ang mga dala nyo, sempre para may tip di ba? Buhat nila yan hanggang sa loob ng bahay. Minsan nga kakatakot kasi akala mo besprend mo na agad sya kung umasta e. Sempre hindi mo naman sya besprend, boyprend pa. Oops, hindi ko ikwento ang romansa ko sa isang trisikad drayber, ehem…. fast forward to now…

Ang pinaka gusto kong experience sa trisikad e yung hinahatid ako mismo dun sa shoppingan sa Magallanes. Feeling ko meron akong chaufer na hatid sundo pa ang beauty ko :D Waiting ang aking tsuper.

At sempre, iwas sa traffic kasi ang trisikad kahit na pabaligtad ang takbo nya, iwas huli di ba, haha. Yun nga lang, kakatakot lang dahil minsan nakiki-siksik sa mga dyip, nyaaaayyy.

Eto pa, mas mabili sempre ang trisikad na may stereo. Kahit na kakabingi yung toink, toink sa loob at buong kalye ang nabubulahaw :D

Ang trisikad, bow!

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers