
sungka
alam nyo ba kung ano ang isa sa mga bitbit ko nung galing kami sa pinas nitong nakaraang buwan? pwes, ang sungka!
ilang beses ko ng binalak na bumili pero parati kong nalilimutan. o kaya naman kung may makita naman ako e super mahal naman. e laruan lang yon ano. dapat walang karapatang lumampas ng isandaang pesoses kapag laruan lang, hehehe
pero nung kami e nagliliwaliw sa palengke ng malibay at may napansin akong sungka sa isang kanto, karay karay ko si bunso at nagkipag-baratan ako sa sungka. sabi ni manang e 200 pesoses daw. nyeee, sabi ko kay manang – basta ba ginto yung pato e bibilhin ko agad yan, hehehe
natawa si manang, akala nya e joks ko lang yon. e sabi ko kay manang ang mahal naman. e biglang nag isprakening height itong si bunsoy ko. hmpf, nabisto tuloy na may lahi akong puti. kaya imbes na tawaran ko sya ng isandaan e ginawa ko na lang 150 pesoses. ayaw pa daw pero bumigay din dahil nagpakyut sa kanya si bunso ko. nung inuwi ko sa bahay namin e ito namang si nanay ko e nagulat, kasi daw hindi daw magandang laro ang sungka dahil may ‘patay’ daw.
hay si nanay ko naman, sabi ko edi ibahin ang tawag. kaya ngayon kapag naglalaro kami ng sungka ang tawag namin e ‘ubos.’ o de vah, kanya kanyang tradisyon lang yan
ngayon halos araw araw, gabi gabi e nagsusungka kami. nung una nga nalimutan ko pa ang rules e. pauso na lang ako. hanggang nung magtagal tagal na e na-alala ko na rin. enjoy ang mga little kengkays. ang hinuhuli na lang namin e si kengkoy kasi ayaw sumali at dadayain daw namin sya, bakit kaya alam nya? hehehe
