hehehe, mangiingit lang ako ng konti, pwede ba?
nasabi ko naman na may family emergency kami diba? eto yon at eto. tapos eto pa. tapos naging okay na at eto na naging resulta.
kaso mo, sa totoo lang, apektado talaga ang panganay ko.
imagine, halos sa buong linggo na magulo buhay namin, halos sunod sunod na gabi na natatagpuan namin syang naglalakad habang tulog! as in.. nung una hawak hawak nya yung camping lamp namin at dinala sa buong bahay. natagpuan lang ni kengkoy nung nakita nyang warak na yon sa isang sulok.
pangalawa naman e nagulat na lang akong nagtatakbo sya sa kama namin at may kung anong sinasabi sa akin na parang takot na takot.
pangatlo e nung umakyat sya sa kama namin na nanginginig… tapos natagpuan ni kengkoy kinabukasan yung telepono namin na nakasaksak sa lalagyan ng mga sepilyo at yung mga halaman na nakapaligid sa bathtub!
sa tingin ko, tama na munang maranasan nya yung stress dito sa kapaligiran, my babies need to take a break. at iyon din ang naisip ni kengkoy. kaya naman meron kaming last minute bakasyon. kahit na isang week lang.
pinagtatalunan namin dito: kung sa mag drive kami ng limang oras papunta sa garda see sa italya at mag rent ng apartment dun o sa mag flying flying sa tunesia in afrika na all inclusive resort ( as in lahat libre na, umagahan, tanghalian, dinner at in between snacks pati na ang entertainment at drinks!) kasi halos pareho din ang babayaran. hirap mag decide kasi ang daming magandang pwedeng puntahan.
nung finally nalaman ko kung saan kami pupunta — sa espanya! yipeee. wala na daw flights palabas ng tunesia. summer break pa rin kasi dito e. kaya mag fly na lang kami patungong mallorca, spain.
actually, pwede naman mag drive kaso mo mahaba, mga walong oras ang biyahe. sayang naman isang araw e isang linggo nga lang bakasyon. e kung mag flying, mga dalawang oras lang mahigit. pinagisipan namin kung dito ba kami o dito — ang tagal bago ako nag decide. hindi simple e. nagcheck pa talaga ako ng mga komento tungkol sa mga resorts na yan. at ang nanalo? yung ganito itsura sa pechur:
so, we’re leaving on a jetplane soon! pero bago yon, magpa-party muna ako dito sa aking blog sa sabado, may royal celebration.
sa totoo lang, kung malapit lang ang pinas, andyan na sana kami!




