Kwentong Kengkay

Hulyo 28, 2011

luto tayo

Filed under: Kwentong Nanay,Panlasa — kengkay @ 9:00 umaga

kung kilala ninyo si sebastian vettel na isang Formula 1 driver?

baka gusto rin ninyong kilalanin ang kanyang paboritong spaghetti?

kapitbahay na barangay lang namin ang kanyang hometown kaya ang dami kong alam na chismis tungkol sa kanya, hehehe. pero ang number wan na chismis ngayon e yung kanyang paboritong spaghetti.

aba e chinismis ba naman ng isang restaurant chef kung ano ang recipe ng pamosong spaghetti ala vettel, edi i chismis ko din sa inyo, di ba?

para fair naman. so kung gusto ninyong malaman kung papano iluto ang spaghetti ala vettel, puntahan ninyo ito ang recipe.

biglang tinamad akong i translate sa tagalog, baka maubusan ako ng letra :-D

masarap ang spaghetti ala vettel ha. at simple lang gawin. puntahan nyo na yung recipe. malay ninyo at biglang kumatok sa bahay ninyo si sebastian, edi alam nyo na kung ano ang ihahanda.

samahan nyo na rin ng kanin, hahahaha :-D

at kung gusto ninyo malaman kung papano gumawa ng homemade ice cream na simpleng simple lamang, eto ang recipe.

Mayo 7, 2009

halo-halo

Filed under: Kwentong Kengkay,Masarap sa Pinas,Panlasa,Pinas — kengkay @ 12:24 hapon
Tags:

at kapag super init ng panahon? ano ang inyong naiisip?

mag tampisaw sa dagat? maligo araw at gabi? lumagok ng ice tea o kaya e sago at gulaman ng ilang galon? magpaka-sawa sa ice cream? maglakad ng hubad ;D? o maglakwatsa sa loob ng de aircon ng malls? o mag antay ng ulan?

alam nyo ako ang una kong naiisip kapag sobrang init? eto: (may karugtong…)

Marso 21, 2009

palakihan ng hotdog

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko,Panlasa — kengkay @ 1:32 hapon
Tags: ,

ano sa tingin ninyo? alin ang pinakamalaking hotdog?
pili lang. alin ang pinakamalaking nakita ninyo? at plis, wag nyo akong tanungin kung anong pangalan ng mapipili ninyo dahil sa totoo lang hindi ko rin alam pangalan nila. basta kapag mamimili ako ng hotdog e nagtuturo lamang ako. basta yung pinakamalaki, hehehe

karogtong lang itong palakihan ng hotdog dun sa aking hotdog sa alemanya na istorya :D

si kengkay e naglalakwatsa kaya hindi makapagblog hop :D

Pebrero 26, 2009

I, Glesy the great, Solemnly Swear?

Filed under: Kaibigan,Panlasa — kengkay @ 6:30 hapon

Eto na naman po ako… sabi kasi ni ate kengkay dalawang post daw ang gawin ko… kung di nyo pa po alam eh si ate kengkay ang unang nagwelcome sakin sa wordpress kaya sobrang malakas sakin tong babaeng to… kaya naman I am deeply humbled nung i-request nyang magpost ako sa blog nya… salamat talaga at its my pleasure talaga… yours truly, Glesy the Great
Cheers;p

Sabi sakin ni Ate Kengkay gawa naman daw ako ng entry na kung gusto ko raw bang rumampa ng naka-white gown habang tumutugtog ang “Here Comes the Bride” at ang sasalubong sakin eh mestisong bangus at hindi kayumangging badjao, 6 ft tall at hindi kinulang sa ruler ang height, ilong na parang tore at hindi parang manas lang… in short gusto ko daw bang mag-asawa ng foreigner… eto talaga si ate kengkay magabakasyon na nga lang gusto pa ng chismix… well, teka lang ha i-oon ko lang ang kalandian moment ko… Pindot… Tooooooot… sabay ilaw ng start…. 3, 2, 1… GAME!!! …

Sa totoo lang ayaw ko sa mga foreigner… pero ibang usapan na kung nanghiram ng mukha kay brad pitt… WHY NOT!!! willing akong pagbigyan siya, mag-adjust at magtry ng putahe sa ibang kalupaan…nyahaha… pero ako eh taong paiba-iba ang marathon ng utak.. minsan kahit dead-end tinatalon ko kaya may possibility na mag-kapalit-palit ang turnilyo ko kung gusto ko nga bang mag-asawa ng foreigner…

Bakit ayaw ko sa foreigner? Unang-una sa lahat eh cultural differences… Siyempre babae ako, malamang sa ibang bansa kami titira… eh ayaw ko nun gusto ko pa rin dito sa lupain ng mga barong tagalog at jologs… isa pa, ewan ko ba… sorry sa lahat ng foreigners at may asawang foreigner (sorry ate kengkay) pero feeling ko kasi pag pinagpawisan ang mga foreigner mejo makamandag at nanunuklaw ang amoy… hindi ko alam kung bakit basta ganun ang feeling ko… nasabi ko na bang weakness ko ang lalaking mabango? may certain na amoy na swak na swak sakin… yung tipong lahat ng buhok ko sa ilong eh kukulot pag naamoy ko yun (parang nangingisay lang eh noh?)… pramis minsan maamoy ko lang pwede ng malaglag ang dapat malaglag na lahat-lahat sa akin…hindi lang basta-bastang laglag may kasama pa yang kalabog, kidlat, ipo-ipo at usok… nyahaha…
(may karugtong…)

Agosto 11, 2008

isa pang royal celebration

Aray ko naman, ang daming dumating sa aking blogversary! Maraming salamat sa mga naki-salu salo. Sana hindi naghingalo ang kusina sa mga pagkain at inumang naganap! Ang sarap pala ng virtual party, walang gastos, hahahah!

Pero eto ang handa nung Sabado – dyaraannnnn:






Hindi ko na nakunan yung main dish kasi nagkagulo bigla sa buffet table. Pinagtulakan na nila ako hanag nagkokodak at gutom na daw ang mga bisita, hhahaha. Actually, birthday nung isang kaibigan kong pinay at invited kami. Take advantage ako sa pictures para sa virtual party ko di ba? Yung mga cakes e dahil nag kape kape muna kami. Tapos appetizer namin e cold chika. Tapos yung choco ice a dessert naman. Sayang di ko nakunan yung main dish, tutulo talaga laway ninyo.

Ayan, absent tuloy ako nitong linggo kasi may hang over pa ako at ewan ko, mukhang na empacho rin yata ako :) Anyway, sunod sunod kasi ang celebrasyong nangyari. Kasi kahapon, 7th wedding anniversary namin ni kengkoy! Waaaa, nakaka empacho ang sunod sunod na kainan!

Sa amin, tradisyon na bumabalik kami dun sa restaurant/hotel kung saan ginanap yung reception ng aming kasalan kapag anniversary namin. Ang pagkakaiba nga lang, kasama na ang mga little kengkays. Na ang kukulit dahil gustong pagpilitang isuot ko ulit yung aking wedding dress… hay buhey!

Pano nagsimula ang araw namin? Si kengkoy ginising ako ng isang kiss at binigyan ako ng isang rose..
Sumunod ang isang little kengkay na may dalang bulaklak at may kasamang drawing nya. Nag recite din sya ng poem na spontaneous, kunyari may ginawa sya kahit na di pa sya marunong magsulat :)
Tapos nag breakfast kami. Pagkatapos e punta na kami dun sa aming lunch date. Lunch date kasi Sunday sarado yung restaurant kapag dinner time. Baduy ano? Yan ang aming aperitif – sparkling wine with kiwi liquor.
Yan ang order ng mga little kengkays, spätzel, sya ay german noodles.
Ayan naman ang order ni kengkay — isda, waaaa! Kakamiss din ang isda akala nyo. Salmon with riesling sauce with jasmin rice and nilagang spinach. Masarap sya, pramis.

Ayan ang order ni kengkoy — pork medallions with spätzel na may peras na nilagyan ng fruit sauce at sempre, salad.

Hindi na kami dun nag dessert kasi nagpunta kami dun sa aming favorite italian ice cream parlor na malapit lang sa aming balay at eto ang order naman namin na gelato:
Yan kay bunsoy, si pinocchio ice cream.
Si panganay naman e basta gusto nya lang ng choco at strawberry ice cream.

At ang nakakaempachong, Du und Ich (you and me) ice cream — mas malaki pa sya ng mukha ko, waaa! Shock na shock ako pero sa totoo lang, masarap naman. Dami pang fresh fruits na nakasabit. Pero si kengkoy ang mas maraming nakain. Nakaka umay sa tingin ko pa lang e.

Bukas na ako mag blog hop, may sakit si panganay ko. Na over din yata sa pagkain at super excited kasi sa aming bakasyon sa espanya sa darating na mga araw!

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers