Nag mountain climbing kaming pamilya kaninang umaga.
Kasama ko ang mga little kengkays at si kengkoy na may bibit na kutsilyo at basket.
Sa bawat daan e may wild berries na pwedeng kainin. Asa tabing daan, sempre dapat kunin mo yung medyo asa taas kundi baka may flavor ng iba yung berries mo — yung ihi ng aso, hehehe!
Gumawa pa nga si kengkoy ng tungkod para sa aming mag iina kasi naman yung mga road less travelled ang piniling daanan e. Lakad-lakad, takbo-takbo, pitas-pitas, kain-kain. Narating din namin ang tuktok ng bundok pagkatapos ng 30 minutes (kabilang kalsada lang kasi e bundok na).
Pinuntahan namin yung aming vineyard, naks, kala naman totoo! Meron kaming tanim na grapes, totoo yon
Tapos naghanap ng hinog na apol pero wala pa so sabi ng mga little kengkays daan daw kami sa mga lola at lolo nila kasi sigurado may pagkain dun dahil alas dose na.
Mas mabilis ang pagbaba namin ng bundok kasi takbuhan na lang ang ginawa. Gutom na e.
Pagdating sa mga lolo at lola, sa gate pa lang e nagsisigaw na ang mga bata — buksan ang pinto, gutom na kami!!! Mabilis namang binuksan ni lola yung gate atsaka sinabing, ‘ dalian nyo at si lolo nyo e di pa tapos kumain!’
Upo agad ang mga bata sa hapag kainan. Noodles at sabaw okay na sa kanila. Si kengkay medyo natakawan kasi mukhang masarap yung manok na nakalutang sa sabaw. Upo rin ako at sabay hati ng manok at subo ‘hmm, sarap!’ Sabi ko pa.
Edi kain-kain na naman. Nung malapit ko ng matapos yung manok e tanong sa akin ni lolo, ‘uy, di ba sabi ko sa yo masarap ang kuneho?’
Akkkkkkk – na shock si kengkay!
Kaya pala naman walang nagsasalita habang nanginginain ako e dahil shock na shock sila dahil nasarapan daw ako sa kuneho na dati e hindi ko kinakain! Nyayyyy, akala ko kasi naman e manok!
Ano ba yun, dapat pala pinatilaok ko muna bago ko tinikman! Ayun, tigil ang ngata ko at napalaklak tuloy ako ng isang basong red wine para di ko mailabas lahat ng kinain ko. Waaaaaa
Kahit na delicacy ang kuneho dito sa Alemanya, ayaw na ayaw ko syang kainin. Kasi ang daming batang kuneho ang pets nila e. Yan lang po ang kwentong kuneho ko, bow!
—
PMN: Home and Garden talks about tree planting for kids.
PMN:Travel talks about Discovering Nature with Kids.
