Kwentong Kengkay

Mayo 24, 2009

scammers sa harrison plaza

sa totoo lang, nung bata pa si kengkay, dito kami halos parati sa harrison plaza. malapit lang kasi sa bahay namin. atsaka jeep lang andun ka na.pwede pa nga lakarin kapag naubusan ng pamasahe :D

at nung asa unibersidad ako, dito rin kami madalas tumambay sa harrison plaza. kasi nga isang sakay lang din ng jeep. pwedeng dalawang klase lang ang takbuhan, hehehe.

maganda kasi dito sa harrison plaza. kahit anong sakay ng jeep pwede daanan. taft o mabini o malate. mula baclaran hanggang caloocan. pwede rin LRT kaso mo layo lang ng lakaran pero meron namang orange na jeep na CCP di ba? o kaya sidecar.

ang isa pang pinaka-unique feature nito ay andito ang rustan’s at ang SM. pero ngayon e yung grocery na lang ng rustan’s yata ang andito. pero ang masarap sa grocery, bukas sya hanggang alas gis ng gabi! ang harrison plaza e bukas mula 9 hanggang 9 – walang sawang tambayan at shoppingan.

kaya lang, nitong bumalik kami ngayong 2009; parang iba na yata ang dating ng harrison plaza.
(may karugtong…)

Mayo 18, 2009

bulag si kengkay

Filed under: Kwentong Kengkay,Pasaway — kengkay @ 10:59 umaga
Tags:

helpfff! hindi ako makakita! magmula ng sabado ng hapon ay bulag na si kengkay.

ewan ko ba, hindi ko makita ang aking salamin sa mata. napansin ko lang na wala na sya nung gusto kong manood ng telebisyon nung kinagabihan. sabi ko, am sure makikita ko ulit yon bukas.

nagkaron na ng search party. pati mga little kengkays umikot na rin ang pwet ng kahahanap. kasi sabi ko kasi kapag nakita nila ay may sorpresa sila sa akin na matatanggap. ang unang tanong ni panganay ko ‘saan mo ba talaga huling inilapag?’ isipin ko daw mabuti para malaman nila kung saan simulang maghahanap.

e ang problema nga, blangko isip ko. hindi ko alam talaga kung saan ko sya iniwan ng huli. hirap ng tumatanda gumaganda talaga, hehehe.
(may karugtong…)

Marso 14, 2009

biyaheng pinoy opisyal

Filed under: Pasaway,Patawa,Pinas — kengkay @ 2:44 hapon
Tags:
Nakiliti ako dito sa forwarded message na ito. Parang tunay pero hindi ko alam kung totoo.
Kung joke man ito, parang hindi, hahahaha. Ganito na ba katanga ang mga taong asa gobyerno o nagpapakatanga lang sila? Basahin.
Eto na sya:

(may karugtong…)

Pebrero 11, 2009

masakit na pag-ibig

Filed under: Oyropa Ko,Pasaway — kengkay @ 9:14 umaga

eto ang tunay na napakasakit kuya eddie na love story. kahapon lang nangyari.

true story sya ha. nangyari sya dito sa alemanya.

nakatawag nang pansin ang dalawa dahil nagbubuntalan sa gitna ng kalye. isang babae at isang lalaki.

ayun, nagtawag ng pulis ang mga nakapanood. dumating ang pulis. ang naiwan na lang yung lalaki. siya ang nahuli ng pulis. ano daw nangyari?

ganito. si lalaki at si babae a bagong kasal. kakatapos lang ng kasal actually. papunta na sila sa kanilang takdang honeymoon. at dun na nagsimula ang away. binugbog ni babae si lalaki. na ngayon e kasalukuyang asa hospital dahil sobrang nalamutak ni babae.

asan na si babae? e kasi nga nalamutak na si mister, ayun, umarangkada sya. dala ang kotse. mag-isang nag honeymoon, hehehe.

kawawa naman si lalaki ano?

matanong ko nga ang aking mga ka-blag na lalaki: kapag sa inyo nangyari ito, anong gagawin ninyo?

pero sa totoo lang, marami na akong alam dito na super under de saya talaga ng mga misis ang mga mister nila ha. minsan nakaka-awa na yung mga lalaki pero hindi pa rin nila ma-realize na sobra na sa grabe yung pinag-gagawa sa kanila ng kanilang loving wife.

pero sempre hindi ko pakakausap sa inyo si kengkoy, baka bigla ring maalimpungatan, hahahaha

Disyembre 6, 2008

Taxi

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Pasaway,Pinas — kengkay @ 8:05 hapon
Tags:

Kung taxi riders kayo, please be aware. Isa itong forwarded email na papatulan ko.

Hindi ko alam kung totoo. Hindi ko rin alam kung tama yung pangalan nung kumpanya ng taxi — pero ang alam ko, pwedeng mangyari ang mga kwentong ito. At kung alam ninyo na may ganitong kwento, at least, meron na kayong pa-alala, di ba? At sana alam natin ang dapat nating gawin.

Maraming nagta taxi ngayon. Lalo pa ngayong magpapasko na mabenta ang taxi dahil sa mga madaming mag shopping, sa mga late na umuwi dahil sa mga krismas parties, sa mga gustong maglakwatsa sa malayong lugar at sa mga taong gustong ma preserve ang kanilang bango bago pakipag party.

Kaya eto, paki basa at mag ingat tayo!

——

For Taxi riders in Manila

PLEASE BEWARE!

Just to give you a warning, avoid riding cabs with names like Wallis, Romcat & Lucky8. All these taxis are owned by just one family and most of its drivers are muggers, rapists or simply swindlers. According to the driver who is the source of this information, he used to work for the said company but lasted for only 2 days since he couldn’t bear the idea of “manggagantso” .

He said there is no single unit of this company that doesn’t cheat. Each and every car that they own has “batingting” that is used to manipulate the taxi meter.

Further, the driver also informed that the owners hire anyone even if the person has a criminal record. As a matter of fact, the owners are fully aware of their drivers’ misconduct yet they turn a blindeye on it coz what matters most to them is the boundary of their drivers that’s to be given to them at the end of the day.

He also said that prior to leaving, he found out that one of his co-drivers mugged his passenger and even touched her private parts. When the passenger filed a legal complaint about it, naturally the driver got apprehended but was released because of bail.

Immediately the next day, the very same criminal was hired back by their company and was out driving his unit again.

He said you will be able to recognize the taxi units of this company even at night since their taxi logos on top of their roof have a unique lighting. Instead of the usual yellow light on the “taxi” sign, theirs are red.

Prior to writing this, there was a research about the taxi company and it was found out that they have been featured in one of the shows in GMA-7 (Imbestigador) . Indeed they have proven that the drivers of this company are swindlers and muggers.

If you care about your family, friends, co-workers, classmates And other people close to you, pass this information along. We can never tell who their next victim is.

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers